Crown 2 ♛ NOTICE

2579 Words
I KNOW HIM, iyon agad ang sinabi ng isip ni Kyra sa kanya habang nanatili silang nakatitig sa isa't isa; siya na may pagtataka at bahid ng takot sa mga mata habang ang lalaki naman ay ang hindi maitagong galit at poot. Galit...? Bakit galit sa kanya ang lalaking 'to? All her life, she never knew men like him—who wore danger like a cloak around him. But she could not know it, could she? Not when she has a huge hole of blankness on her brain, leaving her memories empty. She has nothing to remember for the past four years of her life since she woke up two years ago in a hospital. So why does she think and feel, that she knew this man? That she knew those deep black eyes that seemed to see through the depths of her soul, even her unknown memories. Hindi ang mga gano'ng klase ng mukha ang madaling kalimutan. So why did she? But then, maybe... he didn't stay long enough in her life for her mind to remember that face, did he? Simula no'ng nagising siya lahat na lang ng bagay sa buhay niya ay walang kasiguraduhan. There’s always been a constant question in her mind, doubts and a lot of maybes. Nothing was ever sure. Pero iba ang lalaking 'to. She simply knew that he’s someone she knew. Pero sino ba ang lalaking ito sa buhay niya na pilit kinakalimutan ng utak niya? At bakit siya nakakaramdam ng takot kung kilala nga niya ito? Posible kayang may alam ang lalaking ito sa nawawalang memorya niya? "Kyra." That single word was enough to inflict pain in her head. Ngunit pinigil niya ang sariling hawakan ang ulo niya. Sinubukan niyang labanan iyon at hayaan ang sarili niyang alalahanin ang boses na iyon sa utak niya. Pero lalo lang lumala ang sakit na nararamdaman niya. The man frowned, concern graved on his handsome face. Sa tatlong malalaking hakbang ay nasa tabi na agad niya ito. "Goddamn it, woman! Sit down!" marahas na utos nito. Pinaupo siya nito sa malapit na single couch kaharap ng malaking office table nito at saka mabilis na lumayo sa kanya na tila isa siyang apoy na nakakapaso. "What the hell is the matter with you? You look like someone who've seen a ghost!" No. Kyra didn't believe in ghost. Pero sa mga oras na iyon, gusto niyang hilinging isang multo ang nasa harap niya at hindi isang tao. She stared at the man warily from her seat, her head was still pounding. Marahas na tumataas baba ang dibdib nito habang mariing nakapikit ang mga mata. He’s obviously keeping his anger in control. Why? Umahon ang kaba sa didbdib niya. He's very tall and obviously a huge man. Kung sasaktan siya ng lalaking 'to, she doesn't think she could stand a chance. Pero hindi siguro siya sasaktan ng lalaking 'to lalo na’t nasa loob ng opisina sila nito. ‘Di ba? Isa pa, may dahilan kaya siya nandito. "Pa-pasensya n-na..." Maagap niyang itinikom ang mga bibig niya dahil sa pagkakabuhol ng mga salita niya at marahas na nagmura sa loob ng utak niya. Bumabalik na naman ang pagiging utal niya. Please lang. 'Wag ngayon. Fear was robbing her words again. That must be it. Ngunit sa ngayon, kailangan niya ang dila at ang utak niya. Nanganganib siya at ang trabaho niya. If this man was her boss, and for whatever reason she was scared of him, kailangan niyang isantabi iyon ngayon. Maybe they knew each other before, and perhaps she could ask him some answers. Pero sa ngayon, kailangan niya munang isalba ang trabaho niya. Kahit papaano ay nakatulong ang mga utang niya para muling bumalik sa katinuan ang utak niya at humupa ng kaunti ang t***k ng puso niya. Sinubukan niyang huminga ng malalim bago muling nagsalita. "I'm sorry po, sir. Nagulat lang po siguro ako sa pagdating ninyo." Thankful enough, she managed to speak normally and fluently without stuttering again. "Gusto niyo daw po akong makausap sabi ni Ms. Charlotte?" He gave her a puzzled and annoyed look, the one with 'Are-you-seriously-fvcking-kidding-me' question marked face, like she'd lost her mind or something. Well, she did, actually. But she won't tell him that. Isa pa rin itong estranghero para sa kanya, kahit na may palagay siyang kaya siya nitong tulungan. "Did you just call me sir?" hindi makapaniwalang tanong nito. Kumunot ang noo ni Kyra. Natural. Boss niya ito, ‘di ba? What was she supposed to call him? Ayaw ba nitong tinatawag itong 'sir'? Hindi ba iyon ang tawag niya rito noon? Or did she get the wrong person? Nagtatakang nilingon niya ang pangalang kanina ay tinitingnan niya sa mesa. It was there. Vaughn Sage Steele. Written in bold, italic, glittering gold letters. At walang dudang ang lalaking ito ang may-ari ng pangalang iyon. "Right," he suddenly said with a cynical catch in his voice. "I forgot you liked to play games, Kyra." Lalong dumiin ang kunot ng noo niya nang tumingin siya rito. "Po?" His lips twisted in a cynical smile, ignoring her confusion completely. "You used to like the chase, the courting... the flirting." Napasinghap si Kyra sa narinig niya. Flirting? Ibig sabihin... No. She must have been crazy to entertain this man! He’s way out of her league! Isa pa, alam niyang hindi niya hahayaan ang sariling mahulog sa mga katulad nito. Masyado itong guwapo at... Imposible! Masyado siyang mahiyain para mapansin ng lalaking 'to! Hindi nga ba?, tudyo ng isang bahagi ng utak niya habang tinitingnan niya ang mapanuyang ngiti sa mga labi nito. "I liked it too," he said with plain self-satisfaction. "Especially the challenge you imposed. But then," he shrugged, his smile dimming. "You only made sure you have me wrapped up all over your fingers, wasn't it? So you could take me for a fool." Nanigas siya sa upuan niya nang gumalaw ito palapit sa kanya. Pati utak niya'y hindi makapag-isip at wala siyang nagawa kun'di ang panoorin lang ito hanggang sa yumuko ito para pumantay sa kanya at tingnan siya sa mata. She noted his hands sinking down on the either side of the couch, imprisoning her. Napalunok siya nang mahagip ng ilong niya ang amoy nito. Masyado itong malapit na tipong konting galaw niya ay mahahawakan na ng ilong niya ang ilong ito. But Kyra knew this wasn't a matter of romance. There’s nothing romantic in the man's icy eyes as he stared at her face with complete arrogance and disgust. "If you think you can fool me again with that innocent, pretentious eyes, don't bother," he said, his threatening voice vibrating under his breath. "You should know better, Kyra. I’m not someone you can fool twice." "H-hindi ko po kayo maintindihan," pinilit niyang sabihin sa kabila ng gulat at takot niya. "Hindi ko po kayo kilala." "You can stop pretending, Kyra." Umiling-iling siya. "P-pasensya na po sir kung iniisip ninyong nagsisinungaling ako. Pero hindi ko po talaga kayo k-kilala." Marahas na lumayo ito sa kanya. "What’s this? Palusot mo para makawala sa’kin?" Nagpakawala ito ng tawa. "You think I'd buy that bullshit? Is that all you can come up with? Pretend you don't know me?" What he was saying was alien to her. At wala siyang maibigay na sagot rito dahil wala talaga siyang alam. Kaya pinilit ni Kyra na kalmahin ang puso niya, at isipin kung bakit siya narito. "Sir, nandito po ako dahil sa trabaho ko. Hindi ang makinig sa mga insulto ninyo at sa mga bagay na sinasabi ninyong hindi ko alam." Nakita niyang kumislot ang isang kilay nito na parang ngayon lang din nito naalala ang tunay na dahilan kung bakit siya naroon. Suddenly, he donned his business mask on, pero hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha nito. He was still as mad as he was the moment he saw her. "You can start packing your things, Ms. Lagdameo." Kyra caught the sarcasm on her name as he said it. "We no longer need your service, thus consider yourself fired." "P-po?" Nagpanic ang buong sistema niya. "P-pero sir, isang beses lang po akong na-late sa trabaho—" "One mistake and another will follow. I know you, Kyra, and I don't trust people like you." That hurt her. Pero hindi niya iyon pinansin. "Sir, kailangan ko po talaga ng trabaho—" "Then look for another job," he cut her off efficiently. Tumalikod ito at umikot sa likod ng office table para umupo sa swivel chair nito na parang isang hari. "I'm sure you will find someone and jump into that fool man's wallet. Honestly, I don't give a damn where you end up, Kyra, just as long as it’s not under my nose." Madidiin ang bawat salita nito. At habang tumatagal, habang pinakikinggan niya ang mga masasakit na salita nito, lalong lumilinaw sa kanyang wala na siyang magagawa. She's at her end. "Now leave," he ordered tersely. Oo, may amnesia siya. Ulyanin at utal. Pero hindi siya inutil para magtagal sa opisinang ito at hayaang pagsalitaan siya ng masasama ng lalaking hindi niya kilala... o ayaw kilalanin ng isip niya. Kaya bago pa siya makapagsalita ng higit pa sa gusto niyang sabihin, lumabas na siya ng opisina at umalis sa trabahong kinakapitan niya. Ano ba ang ginawa niya para magalit sa kanya ng gano'n ang lalaking iyon at pati sa trabaho ay hindi siya nito mapalagpas? Kung iyon nga ang kaso at nagkaroon sila ng relasyon, bakit kailangan nitong sabihin ang mga masasakit na salitang iyon? She sighed. She can't think about that, dahil walang sagot sa mga tanong na iyon. Isa pa, may iba pa siyang kailangang pagtuunan ng pansin. At isa na doon ang makahanap ng trabaho sa lalo't madaling panahon. "BAKIT HINDI ka na lang humingi ng tulong sa mga kapatid mo?" "Kylie, alam mong hindi ko gagawin iyon." They hate her too much to even help her. Isa pa, siya ang sinisisi nila dahil sa pagkakabagsak ng kompanya at kaya naubos lahat ng pera ng daddy nila. Kung hihingi pa siya ng tulong sa mga ito, siguradong hindi lang din siya pakikinggang ng dalawa. Hindi na niya kailangang guluhin ang buhay ng mga kapatid niya pagkatapos ng mga kasalanang nagawa niya sa pamilya niya. "E paano iyan, saan ka naman maghahanap ng trabaho?" tanong ni Kylie sa kabilang linya. "Hindi ko alam." Nagkibit-balikat siya at napabuntong hininga. She's been wandering around the city for the past three days, walking inside a building, handing resumes and application papers hoping that they would call her for an interview. Pero wala pa ring tumatawag sa kanya. Nagiging desperado na siya sa bawat araw na lumilipas. Malapit ng matapos ang buwan at hindi pa siya nakakabayad sa bangko. Ilang araw na lang at dadalawin na naman siya ng kolektor ng kuryente at tubig. Balak sana niyang kunin ang kabuuang suweldo niya sa susunod na buwan para makabayad. Pero dahil sa nangyari, malabo na. Hindi pa kakayanin ng huling suweldo niya ang bayarin niya. "Kung gusto mo, hihiraman kita ngayon. May natitira pa naman sa suweldo ko eh," bali ni Kylie sa iniisip niya. Nagsimula siyang umiling sa alok ng kaibigan. "Hindi na. Kailangan ng lola mo ng gamot." "May gamot pa naman siya. Sige na, Kyra." "Hindi na. Itago mo na lang iyan," giit niya. Kahit na desperado na siya, alam niyang mas kailangan ng pamilya ni Kylie ang tulong nito. Lalo na ang lola nito na kakalabas lang ng hospital dahil sa pangalawang atake nito sa puso. "Huwag kang mag-alala. Makakahanap din ako ng trabaho bago matapos ang buwan." "Sigurado ka?" Tumango siya. "Tatawag na lang ako sayo kapag may magandang balita na ako." "Sige. Ingat ka ha?" Ilang application letter pa ang ipinasa niya bago siya nagpasyang umuwi na. Maghihintay na naman siya ng tawag sa lahat ng in-apply-an niya. At sana naman, may um-interview na sa kanya. Pagod na pagod na siya nang makarating siya ng bahay nila. Binuksan niya ang mailbox nila at kinuha ang iilang sulat doon. Kahit na modern na ang teknolohiya ngayon at marami na ang gumagamit ng e-mails, she still stick with snail mails, katulad ng daddy niya. Isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya pagpasok niya. Wala siyang ibang naririnig kun'di ang tunog ng pagsara ng pintuan sa likod niya. She missed her dad, kahit ang mga kaaptid niya. They used to live together in this house. Pero ngayon, mag-isa na lang siya. Pinipilit siya ng mga kapatid niyang ibenta na ang bahay para hindi na sila magkaproblema sa bangko at makabayad na sila sa mga naging utang ng daddy nila. Pero hindi niya kaya. She can't afford to lose the house. Masyadong maraming alaala ang meron siya sa bahay na iyon. Iyon na lang ang mga alaalang natitira sa isip niya, ang natatandaan ng utak niya. At kung mawawala pati iyon, baka hindi na niya makilala kung sino talaga siya. Dinala niya ang mga sulat sa living area. Hinulog niya ang dalang bag sa mesa at nahahapong umupo siya sa sofa. Gustong gusto niyang mahiga na lang at ipatong ang nangangalay niyang mga paa, pero mamaya na lamang niya iyon gagawin dahil baka makatulog siya at makalimutan na naman niyang kumain katulad nitong mga nakaraang gabi. Tatlong araw pa lang siyang walang trabaho pero ang laking timbang na ang nawala sa kanya. "I love your figure, sweetheart, but I like my woman to be healthy." Kyra stopped and blinked at the sudden flash of a memory. But it was not a memory. It was merely a voice—deep, baritone, husky voice. No, it wasn't her father's. Not even her guy friends. It was closely scary similar with the ex-boss who fired her ruthlessly, the reason why she was close to being desperate. Sweetheart? My woman...? Pero bakit gano'n? Bakit galit na galit ito sa kanya? Bakit gano'n ang mga binibintang nito sa kanya? Naging masama ba ang break-up nila? Then why does she feel scared of him? It doesn't make sense. At all. Nararamdaman na naman niya ang mumunting pintig sa ulo niya kaya hinayaan niyang isarado ang utak niya sa bagay na iyon. The doctors said her memories would eventually come back. But she can't force herself to remember all of them. Isa-isa lang silang darating ng kusa, sa sarili nilang oras. Kyra almost laughed. They make it sound like her memories were alive and chose to run off. Pero dalawang taon na at nanatiling blanko ang apat na taong nawala sa buhay niya. Para siyang pumasok sa isang time travelling machine at wala na siyang ibang matandaan sa nangyari sa buhay niya. She had given up trying to retrieve her lost memories. Wala namang nangyayari. Wala pa ring nagbabago. Sa tuwing sinusubukan niyang makaalala, sumasakit ang ulo niya na parang binibiyak. Parang pinipigilan siya ng sarili niyang utak na makaalala, which was ridiculous. Kumunot ang noo ni Kyra nang maagaw ng isang sulat ang atensyon niya. Dread twisted in her stomach as she recognized the austere seal of the bank. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang sulat, at halos ramdam niya ang pagkawala ng dugo sa mukha niya nang mabasa niya ang Warning Notice sa simula ng sulat. We will give you until the end of this month to clear your account otherwise, we will be bound to take necessary legal actions. Ano na ngayon ang gagawin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD