Chapter Two

1721 Words
Xandie POV Nagising na lang ako ng may tumamang liwanag sa-ohh!! My beutiful face at sa pagmulat ng aking mata nakita ko si . . . . . . Kamatayan!!!! . . . . At syempre joke lang yun napakabait ko kaya, saan ba kaayo nakakita ng maganda at mabait na nilalang sa imperno? That's a big no! no! Bawal po daw sa imperno ang mga mababait at mas lalong bawal ang mga dyosang katulad ko. Pak ganern! Kinusot kusot ko ang mga mata ko at nilibot ang paningin ko. Gulat kong tinignan ang paligid ko. Juice na colored bat ako nandito? Huling naalala ko ay nakatulog ako sa van pero why is that? Bat nandito ako sa isang kwarto? Don't tell me na nahuli ako ng mga royal guards dahil babaha talaga sa palasyo ng luha ko. Sayang ang effort kung tumakbo tas mahuhuli lang ako. Graveh! Graveh! walang hustisya mga men! Bumangon ako sa kama at bumaba. Nagkakailang hakbang pa lang ako nang mapatigil ako. Gulong gulo kong tinignan ang isa kong paa na hindi ko napansing nakakadena pala Walangya! Bat nakakadena yung paa ko? I'm not a dog for Goddess's sake. Di po bagay sa beauty ko! Pinilit kong matangal ang paa ko sa pagkakadena pero wa epek! Ang ending ay naupo na lang ako sa gilid ng kama. Eto pa rin yung suot ko kagabi. Buhay pa rin ang tiara na nasa buhok ko. Oh diba! Ang tibay ng kapit ng tiara ko. Mas matibay pa sa pagsasama niyo mwehehehe Napaiktad ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napatingin ako dun at gulong gulong tinignan ang taong nakatayo dun. Siomai na malagkit! May ganito palang kagwapo na tagapagsilbi dito sapalasyo? Bat ngayon ko lang siya nakita? Hihihi ang gwapo walangya! Nakaka addict siyang tignan men. Greek god ba to? Perfect na perfect eh. Mas gumwapo pa siya sa suot niyang tuxedo. Nakakainlab hihihihi I think I'm inlove~~ "Stop drolling woman tsk" Napakurap kurap ako ng marinig ko ang boses niya. Men! Lalaking lalaki. Nakakainlab pati boses niya. Siomai na malagkit! "Kuya? How to be yours po?" wala sa sarili kong sambit. Nagkasalubong ang kilay niya kaya agad kong tinakpan ang bibig ko at nag iwas ng tingin Mygash! Yung bibig ko talaga minsan eh! Pahamak! Narinig ko siyang nagfake cough "I have a question for you woman" masungit niyang sabi at naglakad sa harapan ko Saka woman? Abugh! Anong woman? 'Princess' dapat yun o di kaya 'Your Highness'. Walang respeto lang kuya? Bastusan? Bastusan? Edi wow! "How did you end up in one of my men's car?" tanong niya "Ahm pumasok?" patanong kong sagot "Tsk don't sarcasm me here woman. I'm fvcking serious" walang emosyon niyang sabi sakin "Seryoso rin naman ako ah. Kailan ba ako nagbiro? Kagabi lang kaya" bulong ko "Fvcking woman! Damn answer me!" Napaigtad ako sa kinauupuan ko ng sumigaw siya. Kumulo tuloy ang dugo. No one shout at me! I'm a princess for goddess's sake Tumayo ako at hinarap siya "Don't woman me Mister. I'm a princess if you don't know" confident kong sabi sa kanya. I even gently up my head. Lumapit siya sakin at hinila ang braso ko "I don't have a darn care! I'll ask you again. How did you end up in one of my men's car?" madiin niyang sabi at mas diniin pa ang pagkakahawak niya sa braso ko Juice na colored. Magkakapasa siguro ako sa ginagawa niya "Princess of England? If I'm not mistaken the royal guards are busy looking for you. So if you don't want me to take you over there better answer me properly, understand?" Napatango ako sa sinabi niya. Siomai na malagkit! Nakakatakot si kuya parang mangangain ng buhay mygash! "Sumakay ako sa sasakyan kasi.....ahm......ano.....ahm kasi yun lang ang nakita ko at kailangan kong makatakas nun" paliwanag ko habang nakayuko Ewan ko ba at parang daga akong takot na takot sa isang pusa. Parang kinoknotrol niya ako. Napa amo niya ako sa mata niya lang. May superpower yata si kuya. My goddess gracious! "Do you wanna live?" seryosong tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan "Oo naman no! Di ko pa time kaya huwag na muna. May pangrap pa ako" mabilis kong sagot sa kanya. Tinignan niya akong mabuti na parang hinahalukay ang tiyan este kaluluwa ko "Then sign those papers. Those are your tickets for your life" sabi niya at tinuro ang envelop na nasa bed side table. Woah! Di ko yun napansin kanina ah "Ano ba to?" tanong ko habang kinukuha ang papel na nasa loob ng envelop "Marriage contract" "Ano?! Marriage contract? Hibang ka kuya? Nakarugby? Nakasinghot? Kuya dun ka sa mental nababagay!" hysterical na sabi ko "I'm damn serious" "B-baril? B-baril ba yan?" takot kong tanong sa kanya habang nakatingin sa baril na kaharap ko. Mygash! Bigla bigla na lang bumubunot ng baril "Wala namang ganyanan kuya. Friends tayo diba? At ang magkakaibigan ay hindi nagpapatayan. Spread the love kuya" nakangiti kong sabi sa kanya kahit na pinagpapawisan na ako ng malamig dahil sa kaba "Sign those papers or I'm gonna kill you right here, right now and send your dead body in the palace, you want that?" Wala pang minuto ay pinermahan ko na ang marriage contract. Oo inuna ko talagang pimirmahan kaysa ang ifill up yung form. Men buhay ko nakataya dito Langya! Tumakas nga ako kasi ayaw kong magpakasal tas eto ikakasal rin naman ako. Sayang effort ko mygash! Pero okay na rin siguro to. Atleast dito magagawa ko ang lahat kaysa dun sa palasyo bantay sarado ako. Rules dito rules dun. Sakal na sakal na po ako sa totoo lang. May pa rules rules pang nalalaman eh para namang crown princess ako langya! Tago po akong anak sa totoo lang. Ewan ko sa magulang ko at trip nila akong itago 'Duke Zienon Devoncore' Basa ko pangalan niya na nakalagay sa marriage contract. Infairness gondo ng name like me "Tapos na po kamahalan" plastik ko siyang nginitian at binigay sa kanya ang marriage contract. Agad niya naman itong hinablot. Oo hinablot -.- nakakaputa lang eh. Snatcher lang ang peg koya? "So your Xandie Rasha Sywith?" tumango tango ako ng basahin niya ang napakaganda kong pangalan like me "If you're one of the princess of England. Why sywith instead of smith?" nakataas kilay niyang tanong sakin. Ang taray po ni koya. Bandareh! Bandareh "Middle name ni mother" sagot ko na ikinatango tango niya. Tinignan niya ako ulit at tumalikod sakin para lumabas "Woi! Walang iwanan koya. Pakawalan mo nako dito. Di po ako aso, tao po ako. Tao po!" pigil ko sa kanya ng akma niyang bubuksan yung doorknob Hindi niya ako pinansin----Oo dedma po yung beauty ko at tuloy tuloy siyang lumabas pero makalipas ang ilang segundo ay may pumasok na mga men in black at kinalagan ako "Lady hinihintay ka na ni boss sa sasakyan niya" sabi sakin nung isa sa mga men in black. Bahagya pa siyang yumuko. Napangiwi tuloy ako Pumasok ako sa cr at naghilamos. Nagmugmog na rin ako saka inayos ang buhok ko. Wala akong nakitang suklay kaya no choice ako kundi itali na naman ang buhok ko. Hindi naman pwedeng ibun ko to kaya ponytail style na lang Nang makuntento ako ay lumabas na ako sa cr. Nakita ko naman ang men in black na siyang nakausap ko kaya sumunod na lang ako sa kanya. Nang makasakay kami sa elevator ay may dalawa ng men in black na nakasakay. Pumwesto sila sa likod ko habang yung isa naman ay nasa gilid ko Nang muling bumukas ang elavator ay dilim ang bumungad sakin at maraming sasakyang nakaparada. Eto siguro ang parking lot ng hotel Sunod lang ako ng sunod kay kuyang men in black. Ilang minuto pa ay nakarating kami sa isang mamahaling sasakyan. Ewan ko ba kung anong model to. Like hello? Wala po to sa lesson namin. Royal ka ekekekan lang po ang mga alam ko Pinagbuksan ako ni kuya kaya pumasok nako. Agad kong tinignan ang asawa ko na tatawagin ko na ngayon na Zio hihihi ang cute ng nickname ko sa kanya like me hihihihi Busy siya sa phone niya kaya dedma ang beauty ko. Hindi ko alam kung saang lupalop kami ng mundo dahil di ko po talaga alam kung nasaan ako. Napaka unfamiliar ng lugar nato. Ano ba naman ang alam ko sa lugar dito sa England? Eh tago nga po ako. As in literal na tago. Ang mga taga palasyo lang ang may alam ng existence ko kaya hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Puro picture lang ng mga magagandang tanawin sa England ang mga nakakaharap ko. Sadly but true Ilang minuto siguro kami bumyahe. Ewan ko kung anong oras na dahil wala po akong suot na relo. Basta namalayan ko na lang na nakarating na kami ng tumigil ang sasakyan sa isang...langya anong klaseng lugar to? Bat ang daming tao? Bat ang daming luggage na bitbit ng mga taong ito. Seriously anong trip nila sa buhay? At may paiyak iyak pa silang nalalaman. May patay ba? Juice na colored! "Hala! Wait!" sigaw ko kay Zio ng lumabas na lang siya basta basta kaya ayun lumabas na lang din ako. Saka ko lang nalaman kung nasaan ako ng makapasok ako at makakita ng isang airplane. Sa pagkakalam ko ay sa airport lang may airplane kaya malamang nandito kami sa airport ng England. Oo ganyan ako ka ignorante pashneang buhay to! "Woi! Hintay!" sigaw ko ulit kay Zio na as usual deadma na naman ang beauty ko. Dahil di niya naman ako pinansin ay tinakbo ko na lang siya Nasa likod nila lang ako ng makapasok kami sa isang private plane. Yeah private plane. Ang turo sakin ng teacher ko ay kapag daw maganda ang loob ng plane. Like para lang siyang bahay. Yung konti lang daw yung chair ng plane ay ang tawag daw nun ay private plane. Sa totoo lang ay di pa ako nakakasakay ng plane. Gaya nga ng sabi ko tago po akong anak at kapag naman bumabyahe ako sa ibang bansa ay laging chopper ang sinasakyan ko "San ba tayo pupunta?" tanong ko kay Zio na prenteng nakaupo lang at as usual na naman dedma na naman ako kaya ayun umupo na lang ako at nanahimik sa isang tabi. Bahala na kung saang lupalop ako mapunta

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD