Two

1073 Words
Pitong taon na ang matuling lumipas ngunit sariwa pa rin sa alaala ni Rita ang ginawang pambababoy sa kaniya ng kaniyang amain. Karelasyon iyon ng kaniyang ina simula noong iniwanan sila ng kaniyang ama. Kung kani-kanino rin kung sumasama ang kaniyang ina noon hanggang sa makilala nito ang amain niyang si Ricardo. Ito lang ang tanging lalaking dinala ng kaniyang ina sa kanilang bahay bukod sa kaniyang ama, na ang buong pag-aakala niya ay magiging mabuting pangalawang ama sa kaniya ngunit nagkamali siya dahil noong magsimula siyang magdalaga palagi niya itong nahuhuling malagkit at puno ng pagnanasa ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Naging adik si Rita sa s*x simula noong pagsamantalahan siya ng kaniyang amain ng paulit-ulit. Bente anyos siya noong iparanas sa kaniya ng kaniyang amain ang pambababoy sa kaniya. Dahil sa tuwing nalalasing ang kaniyang amain nawawala ito sa katinuan, lalo pa noong nalaman niyang tumitikim din iyon ng ipinagbabawal na gamot. Sapagkat nahuli niya ito noon na may hawak na paketeng maliit na may laman na parang pulbong puti. At sa edad niyang 'yon wala pa siya gaanong alam tungkol sa mga bagay na iyon, hanggang sa natuklasan na lamang niya na ipinagbabawal na gamot iyon ng makita niya iyon sa balita at ganoon na ganoon ang nakita niya sa kaniyang amain. Ilang beses niya na ring sinubukang isumbong iyon sa kaniyang ina tungkol sa paggamit ng amain niya ng ipinagbabawal na gamot ngunit hindi siya nito pinaniniwalaan at siya pa ang pinagalitan nito. Kaya simula noon, doon na nag-umpisa ang panghahalay ng amain niya sa kaniya at pinagbantaan pa siya nito na kapag nagsumbong siyang muli sa ina niya hindi lang panghahalay ang matitikman niya rito. Kaya simula noon natakot na siya kung kaya't gumawa siya ng paraan kung paano siya makaalis sa mala-impiyernong bahay nila. Walong taon na niyang kinimkim ang galit at pagkasuklam sa kaniyang amain sapagkat isang taon na paulit-ulit na ginagamit siya nito noon. Kaya noong makahanap siya ng pagkakataon na makaalis sa bahay nila, ipinangako niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi na siya babalik pa ro'n kahit kailan. 21 years old siya noong umalis siya sa kanilang bahay upang nakipagsapalaran sa Manila at kahit wala siyang kakilala ay nagpatuloy pa rin siya. Dahil wala na siyang ibang mapupuntahan at matutuluyan kung kaya't naglakas-loob siyang pumasok sa isang club at namasukan bilang isang babaeng mababa ang lipad at nagbebenta ng katawan sa kahit na kaninong lalaking handang magbayad sa kaniya na kahit na magkano kapalit ng pagk*babae niya. Naisipan niyang gawin ang bagay na iyon sapagkat palagi niyang sinasabi sa sarili niya na hindi na siya malinis at wala ng matinong lalaking papatol pa sa kaniya. Dahil doon, kung kani-kaninong lalaki na rin siya pumapatol. Hindi niya na rin iniisip ang sakit na maaaring dumapo sa kaniya basta ang mahalaga napagbigyan niya ang sarili niya at magkakapera pa siya. Sa isang banda naging maingat naman ang mga kalalakihang gumagamit sa kaniya dahil alam nila na kung sinu-sinong lalaki ang gumagamit kay Rita. Simula noong pumasok siya sa mundong kaniyang ginagalawan, alam niya na sa sarili niya na hindi na siya basta-bastang makakaalis pa. Dahil sa isiping iyon, kusa na lamang tumulo ang mga luha niya ng hindi niya namamalayan. "Kaya mo 'yan Clarita, pinasukan mo 'yan kaya dapat handa ka sa mga posibleng mangyari sa'yo." Pagpapaala niya sa kaniyang sarili habang pinupunasan niya ang mga luhang nangingilid sa kaniyang pisngi. Bente otso anyos na ngayon si Rita at pitong taon na siya sa mundong kaniyang ginagalawan ang magbenta ng katawan at aliw sa mga lalaking nangangailangan ng serbisyo niya. Wala rin siyang pinipiling kliyente bata man o matanda basta't kaya siyang bayaran ng malaki pumapayag siya. Naging manhid na rin siya sa mga sinasabi ng ibang tao sa kaniya na pokpok siya. Wala rin siyang kahit isang kaibigan na puwede niyang makakausap o malalapitan dahil natatakot siya na baka siya ay husguhan din katulad ng mga tao na nasa paligid niya. Hangga't maaari sinosolo niya ang problema niya at wala rin siyang pinagsasabihan ng totoong nangyari sa kaniya 7 years ago. Kahit na ang mga nagkukunwaring mga kaibigan niya sa club hindi alam ang totoong nangyari sa kaniya. 7 years ago na rin simula noong umalis siya sa bahay nila at wala na rin siyang naging balita sa ina niya at sa kinakasama nitong amain niya na nambababoy sa kaniya. Solong-solo niya ang buhay niya sa Manila kaya malaya siyang gawin lahat ng nais niyang gawin. Napabuntong hininga na lamang siya at maya maya pa ay nakatulog na rin siya. KINABUKASAN maaga siyang gumising upang makapagluto ng kaniyang agahan. Habang kumakain siya biglang tumunog ang kaniyang cellphone ngunit hindi niya kilala kung sino ang tumatawag sa kaniya dahil unknown number ang naka-register sa cellphone niya, subalit sinagot niya pa rin ito baka isa iyon sa mga kliyente niya. "Rita?" anas ng lalaki sa kabilang linya. Kumunot naman ang kaniyang noo kung sino ang tumatawag sa kaniya. "Sino ito?" nag-aalangan niyang tanong dito. "Hindi mo ako kilala?" "Magtatanong ba ako kung kilala kita?" mataray niyang tanong dito. Tumawa lamang ito sa kabilang linya. "Si Dennis ito, hindi mo pa rin ako nakikilala?" Hindi kaagad nakasagot si Rita sapagkat nagtataka siya kung paano nito nakuha ang number niya. Hindi niya lubos mawari kung sino ang nagbigay ng number niya rito dahil ang mga kumukontak lang naman sa kaniya sa number na 'yon ay pawang mga kliyente niya o 'di kaya ay mga kasamahan niya sa club. "Rita, nandiyan ka pa ba?" untag nito sa kaniya mula sa kabilang linya. Imbes na sagutin niya ang tanong nito, mabilis na pinindot niya ang end call button ng kaniyang cellphone. Si Dennis ay kaibigan niya noon sa kanilang probinsiya at manliligaw niya rin. Simula noong umalis siya sa probinsiya nila wala na rin siyang balita tungkol dito. At hindi rin nito alam ang nangyari sa kaniya noon. At ngayon bigla itong nagparamdam. Ang hindi niya lang mawari kung sino ang taong nagbigay ng contact number niya rito. Hangga't maaari ayaw niyang malaman ni Dennis ang ginagawa niya kung kaya't mabilis niyang binlock ito sa kaniyang contacts upang hindi na siya matawagan nito. Buong araw lang siyang nakahilata sa kaniyang kama dahil mamayang gabi may kliyente na naman siyang pag-aalayan ng kaniyang serbisyo. Wala pang alas sais ng hapon nakabihis na siya at nakapaglagay na rin ng make-up. Handa na siyang sumabak ulit sa isang bakbakan sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD