bc

Blushing Bride Series 5: Leydell, The workaholic bride

book_age16+
1.0K
FOLLOW
6.3K
READ
love-triangle
family
dare to love and hate
sweet
bxg
lighthearted
female lead
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

Hindi inaasahan ni Leydell at Zenon na mararanasan nila ang tinatawag nilang ‘seven-year itch’ sa relasyon. Both of them started to get unhappy. While Leydell was focusing on earning money, Zenon encountered a lot of problems, fighting his concience from the past.

The sweet relationship becomes toxic.

They broke up...

However, things started to change between them when Zenon entered a new relationship in just two months of separation.

What would happen to their supposed upcoming wedding?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Leydell  TILA ako nasa panaginip habang nakikiliti sa mumunting mga halik na dumadampi sa aking balikat. Nagtatalo pa ang diwa at antok ko sa kasalukuyan. Halos hindi ko maimulat ang aking mata, ngunit napangiti ako nang simple. A familiar scent came through my senses as if I’m still dreaming—it was Zenon—my fiancé. “Love…” I turned my body towards the person who whispered to my ear. Hinawi niya ang ilang buhok na tumabing sa aking pisngi para mapagmasdan ako nang tuluyan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata para tingnan siya. Sinalubong ako ng hudyo ng ngiti niyang may katamtamang kapal ng labi. Malalim ang kanyang mata, matangos ang kanyang ilong sa karaniwan. Bahagyang kulutan at alon-alon ang kanyang buhok na kulay tsokolate. Hinaplos ko ang kanyang makinis na pisngi na walang bahid ng pimple o facial hair. Mestizo si Zenon na namana niya sa kanyang inang may lahing kastila. “Good morning, love!” wika ko kahit hindi naman umaga ang kasalukuyang oras. Normal kasi na sa gabi ako gising dahil nagtatrabaho ako bilang outsource agent sa isang kumpanya na nakabase sa Canada. I kissed Zenon’s cheek. Nagpakawala ako ng isang ungol ng protesta at saka isiniksik ang sarili ko sa kanyang dibdib. Wala pa kasi akong planong bumangon. Hinawakan niya ako sa baba para iangat muli ang aking mukha. His lips landed mine as his hand held my chin. The kiss was soft, but then, it totally wakes me up. His hand moves to my neck. Ang hudyo mukhang may plano pang landiin talaga ako kaya tuluyan na akong nagising. “How are you? You’ve been busy these past few days. I am missing my fiancée,” Zenon said softly to my ear. “I miss you too, love. Sobrang dami ng guest natin. It’s good that you are here,” nakapikit pang sagot ko sa paos na boses. Matutulungan ako ni Zenon sa pag-manage ng resort namin ngayon na nakabakasyon siya sa opisina nila. “I want to cuddle you for a little bit.” Umikot siya at pumaibabaw sa akin para mas masilayan ako. Nilaro ng kanyang mga daliri ang ilang hibla na tumatabing sa aking noo. “So, what did you do today?” I asked habang hinahaplos ang kanyang kulutang buhok. Bago pa siya makasagot ay nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na kabinet sa aking panig. Dinampot ko iyon. Naroon ang pangalan ni Jackie sa screen—ang general manager sa resort namin at matalik kong kaibigan. “Don’t answer it,” wika ni Zenon na para bang nakikinita na niyang may problema na namang hatid si Jackie para maputol ang loving-loving time namin. Ngunit bago pa siya magprotesta ay normal na sa akin na trabaho muna ang inuuna. “Hello!” “Ley, we have a problem,” ani Jackie sa nag-aalalang boses. “What is it?” “May mag-asawang naligaw dito sa resort at gusto nilang umupa ng silid. Kaya lang, we are fully booked kung pagbabasehan ko ang mga susi ng mga silid. I felt bad because I can’t help them. Nasiraan pa kasi sila ng sasakyan. I want to give them the presidential suite kaya lang, hindi kaya ng budget nila, eh. Isa pa, dadating bukas ng umaga ang nakabook doon.” Problema nga iyon! “Okay, pupunta na ako r’yan.” Bumangon ako sa higaan matapos kong putulin ang tawag kay Jackie. Alas sais ng hapon na ang kasalukuyang oras ayon sa wall clock na nasa tapat lang ng kama namin ni Zenon. Yes, it’s because Zenon and I are living in the same cabana here in Love Island Resort. Well, iyon ay kung narito siya para magpahinga sa trabaho niya sa Maynila. Isang Marketing Analyst kasi si Zenon sa Zamora Manufacturing—ang family business nila na ang opisina ay nasa Makati. Dito naman matatagpuan sa Calatagan, Batangas, ang resort na binuo namin simula nang mapagplanuhan naming magpakasal. Dito naka-focus ang oras ko sa maghapon, habang sa outsourcing naman naka-focus ang oras ko sa magdamag. Zenon and I share sadness and happiness for seven years together. Nagsimula ang relasyon namin noong high school pa kami. Pinaalis ko siya na nakadagan sa akin at saka ako tumayo para ayusin ang aking sarili. “Where are you going? Huwag mong sabihin na iiwan mo ako ditong mag-isa? C’mon, love, hindi pa lumilipas ang sampung minuto na kayakap kita,” reklamo niya sa nagtatampong tinig. “I’m sorry, Z! May problema ngayon sa office. I need to help Jackie. Kailangan kong maghanap ng bakanteng kuwarto na ibibigay sa guests. Can you help us instead?” Umungol siya ng protesta. “C’mon, hmm…” Pinisil-pisil ko ang kanyang pisngi. Sa palagay ko ay umepekto sa kanya ang pagpapa-cute kong iyon kaya naman nayakap niya ako sa baywang habang nakaupo siya roon sa dulong bahagi ng kama namin. “Sige! Pero ipangako mo na magbo-bonding tayong dalawa sa weekend. Nami-miss na kita. Masyado ka nang busy sa trabaho.” “Yes, love! Sige na! Maghanap ka ng kuwarto na pwedeng ibigay sa guest para matulungan kami ni Jackie. Baka may nakaligtaan lang sila na nag-check out na kanina, pero okupado sa system natin.” “Promise mo, ha?” aniya bago lumabas. Iniligpit ko ang higaan bago ako nagmadaling maligo at magbihis. Ngunit umasim ang mukha ko nang makita ang nakakalat na throw pillow sa sahig at mga charger ng kung ano-anong gadget sa living room. Umungol si Raf—isang tsokolateng great dane—isang malaking aso. He’s six now. Niregalo sa akin ni Zenon noong first anniversary naming. Nakahiga ang aso namin na parang tamad na tamad at tila walang pakialam sa mga kalat. “Haaay… Raf, what am I going to do with your brother, Zenon?” Para bang maiintindihan ako ng aso namin. Ang isang organisadong tao na tulad ko na kung tawagin nila ay OCD o may obsessive-compulsive disorder ay ayaw ng nakakakita ng maraming kalat. Mabilis kong iniligpit ang mga iyon at inilagay sa tamang ayos. Ngunit nais mag-init ng ulo ko nang makita ang mga pinagkainan ni Zenon sa lababo na nilalanggam. Wala akong magawa na hinugasan ang mga iyon bago nagmadaling lumabas ng cabana namin para tulungan si Jackie sa problema. Hindi naman ganoon kalaki ang cabana namin ni Zenon na nasa dulong bahagi ng resort. It supposed to be a presidential suite. But when I decided to stay and give all my time to our business, the biggest cabana becomes my home—our home. Dito na ako nakatira sa loob ng isang taon. Gawa sa semento ang haligi ng tahanan namin na may iisang palapag. Kawayan ang sahig at ilan pang disenyo sa loob. Ang isang haligi kung saan nakatapat sa dagat ay salamin. Tinatakpan lang iyon ng mahaba at makapal na kurtina para bigyan ng privacy ang loob. Nasa gitna nito ang two-door na siyang main door na rin palabas. Iisa ang silid, may kusina, living room at common comfort room. Nabili namin ni Zenon ang resort na ito sa kamag-anak niyang sa Amerika na maninirahan. Dahil halos si Zenon o ang pamilya niya ang gumastos ng lahat para magkaroon kami ng kabuhayan, inuubos ko ang oras sa trabaho, para kahit dito man lang ay makabawi ako. Sa kabuuan ay simple lang ang buhay ko rito kahit pa abala ako sa napakaraming trabaho. Bago pa lumayo ang mga iniisip ko ay nakarating na ako sa opisina ng resort. Naroon si Jackie at ang mag-asawang guest na halatang pagod na at problemado. “Hello!” bati ko sa kanila. “Sa wakas narito ka na!” ani Jackie na hinila ako sa kanyang espasyo kung saan naroon ang kanyang computer. “Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung saan ko sila patutuluyin.” “Chill lang, okay? Ako na ang maghahanap sa system natin,” tukoy ko sa computer system na gamit naming sa resort. “Nag-utos ka na ba sa staff kung may bakante pa sa main building? At saka sure ka ba na lahat ng susi ay nasa guest?” Napakamot ito sa ulo. “Hindi pa nga, eh. Wala akong mahagilap na libreng staff para mautusan. Lahat kasi ay busy dahil maraming guest. Hindi ko naman maiwan itong opisina para mag-check sa labas.” Marso na kasi ang kasalukuyang buwan at maraming bisita ang resort namin. “Are you sure na walang nag-check out kanina?” Napangiwi siya. “Titingnan ko ang registration.” Siya namang pagpasok ng humahangos na staff sa loob ng opisina, si Lily. May isang buwan pa lang na nagtatrabaho sa resort. “M-Ma’am Jackie, I’m sorry. Hindi ko naibalik ang mga susi kanina nang maglinis ako. May guest kasi na bigla akong inutusan, eh,” katwiran nito sa amin na nag-aalalang mapagalitan. Nakasimangot si Jackie na halatang hindi natutuwa. Ni-review namin ang computer system at doon namin nakumpirma na dalawa sa silid ay biglaan ang check out sa araw na iyon. “Sigurado ka bang nalinis mong mabuti ang silid?” usisa ni Jackie sa staff namin sa mahinang boses. “Yes po, ma’am!” Tinanggap na lang ni Jackie ang mag-asawa na halatang nakahinga nang maluwag nang ipaalam na may bakante nang silid. Pinroseso ang check-in ng mga ito. “Samahan mo na ang guest sa silid nila,” utos ko kay Jackie bago ko binalingan ang staff. “Go, Lily. Pwede ka nang mag-out at magpahinga.” “Salamat po, ma’am!” “Siya nga pala, nakita mo ba si Zenon?” tanong ko sa kanya. Plano ko kasing ayain muna sana ng hapunan ang nobyo ko bago maghanda sa trabaho ko sa gabing iyon. “Opo ma’am! Nakita ko po siyang nagba-basketball sa labas kalaro ‘yong ibang guest.” Kumunot na lang ang noo ko sa isinagot niya. Hindi ko alam kung sineryoso ni Zenon ang inutos ko sa kanya na maghanap ng silid. Gayunman ay pinagsawalang bahala ko na lang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook