bc

The Orphans

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
serious
mystery
spiritual
like
intro-logo
Blurb

After Esther Alou lost her parents in a car accident, she will find herself in an orphanage where she has to spend her life until someone decides to adopt her. But while spending her time there, she will find out that she is a Nephilim--- an offspring of a fallen angel and a human creature. With this information, she will decide to practice and enhance her abilities by fighting and killing demons in The Untold World. But little did she know, Esther will find herself in situations that will make her decide, lose, and sacrifice everything she has.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
As I stood up in front of these two story brick buildings, I could feel how fast my heart was trembling. Dapat ba akong matakot, kabahan, mangamba, o matuwa? Matakot dahil wala akong ideya sa kung anong mangyayari sa akin sa lugar na 'to o dapat ba akong matuwa dahil kahit pagkatapos ng nangyari ay may bubong pa rin akong masisilungan? Natigil ako sa pag-iisip nang naramdaman ko ang pagdapo ng kamay ni Sister Ava sa balikat ko. Pinagmasdan ko siya nang may pangamba sa mga mata at kasabay no'n ay ang paghigpit ng hawak ko sa dala-ala kong maliit na bag kung saan nakalagay ang mga gamit na hindi ko maiwan sa dati namin bahay. "Halika ka na, Esther. Pumasok na tayo sa loob." Sambit nito sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti bago kami tuluyang tumuloy sa loob ng bahay-ampunan. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng isang maaliwas na tanggapan. Pinagmasdan ko ang buong loob at kitang-kita ko kung gaano ito kaganda. Galing sa mga muwebles patungo sa dingding at mga nakasabit dito ay masasabi kong maraming ang natatanggap na donasyon ng orphanage na ito. Sa gitnang bahagi kung saan ako nakatayo at nakatapat ay andoon nakapaskil sa taas ng pader ang crucifix. Natigil lamang ako sa pag-iikot ng tingin nang muling tinawag ni Sister Ava ang pangalan ko para paakyatin ako sa susunod na palapag. Dali-dali akong sumunod sa kaniya patungo sa taas at doon tumambad sa akin ang batang nagsisitakbuhan. Pinagmasdan ko ang nangyayari sa loob ng lugar na ito at habang ginagawa ko iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag kabahan. This is all new to me. I was never used in this kind of environment. How can I survive this place? Inikot ko muli ang paningin ko sa buong palapag na iyon at nakitang halos magkakaiba ang edad ng mga tao roon. May nakita akong mga bata na siguro ay limang taon na gulang pa lamang, mayroon din naman na mga sanggol pa, at sa pinakadulo na parte ng lugar na iyon ay doon ko nakita ang mga taong sa tingin ko ay kapareha ko ng edad. Napalunok ako sa nakita at pinilit na lamang na tibayan ang sarili. Pinanood kong tumahimik lahat ang mga batang nandoon nang tumindig sa harap si Sister Ava. Ang mga batang naghahabulan kanina ay ngayon ay nakatayo na lamang at nakatingin sa amin. Ang mga nakaupo sa sulok ay tumayo habang ang may mga ginagawa ay tumigil at tumindig na lang din at humarap sa amin. "Children," bati ni Sister Ava sa kanilang lahat. "Praised be Jesus and Mary." Sabay-sabay nilang sambit. Pagkatapos no'n ay tumingin sa akin si Sister Ava at pinalapit niya ako sa tabi niya. Sinunod ko naman siya at naglakad palapit sa kaniya. Muling hinawakan ni Sister Ava ang dalawang braso ko at pinaharap niya ako sa lahat. Kitang-kita ko kung paano ako pagtinginan ng mga tao ngayon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nila kaya mas lalo akong kinakabahan. Ano kayang naiisip nila ngayon? "This is Esther Alou, she will be a part of our family right now until someone has decided to adopt her. Be kind. Praised be Jesus and Mary." Pagkatapos ng nangyaring pagpapakilala sa akin ay may lumapit sa amin na isang babae. Sinabi sa akin ni Sister Ava na sundan ko siya patungo sa susunod pa ulit na palapag para sa magiging tulugan ko. Ngumiti ako sa babae at sinundan nalang siya katulad ng bilin ni Sister Ava. Pagdating namin sa taas ay doon ko nakita ang open dormitory sa pinakadulong bahagi ng palapag. Habang nasa gilid naman nakahilera ang mga bunk beds. Pinagmasdan ko muna ito bago tuluyang sundan ang babaeng nagdala sa akin rito. "This will be your bed. Puwede mo nang ilagay sa ilalim 'yung bag at mga gamit mo," she said pertaining to the bed next to her. Tumango ako at lumapit na sa sinabi niyang higaan. Itinuro ko ang babang higaan kung iyon ba ang tinutukoy at tumango naman siya. Ginawa ko ang gusto niya at inilagay ko sa ilalim ng higaan ang dala-dala kong mga gamit. I was just awkward and uncomfortable because she just watching me the whole time. Hindi ba dapat mag paalam na siya at umalis na? Bakit niya pa ako pinapanood? "Uh, thank you?" Napangisi siya sa ginawa ko at napa-iling. Kumunot namana ng noo ko dahil hindi ko alam kung mali ba o kung nakakatawa ba ang ginawa kong pagpapasalamat sa kaniya. Tinignan ko lang siya at inantay na sumagot sa akin o magsalita. "I hope you survive this place, being an orphan is not easy, Esther. You better toughen yourself." She advised me. This is the first time someone called me an orphan after the incident. I really never comprehend to myself that I am an orphan now, that I don't have my parents anymore with me. It felt like it all happened just yesterday. Hanggang ngayon naririnig at naalala ko pa rin ang nangyari ng gabing iyon. Iniwan niya na akong nakatunganga at inisip ang sinabi niya sa akin pero bago siya tuluyang umalis ay may muli siyang pinaalala sa akin. "Wear the uniform and don't forget to go down for the Angelus prayer by three. Magagalit si Sister Ava kapag wala ka roon." "Okay, I will. Thank you." Pagkatapos no'n ay muli na siyang bumalik sa ikalawang palapag. Umupo ako sa higaan ko at nakita na nasa gilid nito ang sinasabing ng babae na 'yon na uniform. Kinuha ko iyon at inalis sa pagkakatupi at nakitang parang pang European ang style ng damit. Bakit naman nila kami hahayaan na magsuot ng ganitong damit. I get that this is a Catholic institution but why make us wear something that is like made from the 20th century? Napatingin pa ako sa sahig nang tumama ang paa ko sa isang black shoes. Doon lang pumasok sa isip ko na lahat ng batang kasama ko sa orphanage na ito ay ganoon ang suot. Hindi ko iyon masyado napansin kanina dahil sobrang busy ako kakaisip kung anong sinasabi nila sa akin. Plus, I was nervous. It never occured to me why I was sent to a Catholic Orphanage. Maybe because of the reason that I am a Catholic or maybe it was the only institution here that offers help to someone like me. But I guess it doesn't really matter. I am a Catholic but I don't practice my religion because I was never thought do it. Ang alam ko lang ay Catholic ako at ginagawa ko ang sign of the cross kapag kakain, matutulog, at magigising ako. Wala na akong nagawa at sinunod nalang ang sinabi ng bababe. Napatingin muli ako sa taas ng pader at doon ko nakita ang isang malaking oras at ilang minuto na lamang ay mag aalas tres na ng hapon. Sa kabilang banda naman ay isa ulit na crucifix. Para akong nasa loob ng simbahan dahil kahit saan ako tumingin ay mayroong crucifix at kung anu-ano pang catholic figurines. I guess I have no choice but to be used of them because I don't have any idea how long I will be staying at this place. Kinuha ko na ang damit at ang sapatos at tumungo na sa cr para magpalit ng damit na suot. I wish these clothes will fit me well.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook