Chapter 1 – Nothing Lasts Forever

2560 Words
Elle's Point of View -August 1, 2022 - Binuksan ko ang pinto ng aming dating bahay at naglakad papasok dito. It's been two years since the outbreak of that virus. The virus that took the lives of my parents. I swear! I'll find a cure in all of this mess and bring back the world the way it was. The floor creaks as I stepped inside. Nostalgia sent electricity into my whole body. Hindi ko man lang napansin ang pag-tulo ng aking mga luha dahil sariwa pa sa aking ala-ala ang mga masasalimuot na pangyayari ng nakaraan. Agad akong napabunot sa aking baril nang makarinig ako ng isang yabag mula sa isa sa mga silid. Dahan-dahan kong nilapitan ang pinang-galingan ng yabag. Nang makarating ako sa harapan ng pintuan ay maingat ko itong binuksan. Gulat ang sumalubong sa akin nang makita ko ang pinanggagalingan ng tunog. Ang nanay ko. Buhay sya. At kalong-kalong nya ang sanggol na ako. Bumuhos ang aking luha at 'di ko mapigilan ito. "Ma" kusang kumawala sa aking labi ang salitang iyan. Kay tagal ko siyang hindi nakasama at ngayon ay nasa harapan ko siya. Pinipigilan ko lamang ang sarili ko na yakapin siya. Hinarap niya ako at naglaho ang sanggol na kanina ay akap-akap niya. Hindi ko iyon pinansin dahil ang mas importante ay nasa harap ko ang aking nanay na siyang nagbigay sa'kin ng pagkakataong mabuhay sa mundong ito. "Hon, come here. I missed you." ang mga salitang iyon ang nagtulak sa akin na tumakbo sa kaniya at yakapin siya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pagkakataong ito. "Ma, I missed you too," I cried. Niyakap niya ako pabalik at tiningala ko ang aking nanay. Ang inaasahan kong makita ay ang maamo niyang mukha, ngunit ako ay nagkamali dahil ang aking nasaksihan ay ang naagnas niyang mukha. Pinilit kong kumawala sa kaniyang pagkakayakap ngunit huli na ang lahat nang tumingala siya at kinagat ako. ... -July 15, 2024- "Maaaaaa!" Napabangon ako sa aking kinahihigaan. Isa nanamang masamang panaginip. Napaupo na lamang ako sa gilid ng aking kama at niyakap ang aking mga binti. Nami-miss ko na sila at sa totoo lang ay dalawang taon ko nang pasan-pasan ang dalahing ito sa aking buhay. Nananatili pa rin itong sariwa sa aking isipan. Pilitin ko mang limutin ay 'di ko magawa dahil gabi-gabi na ako nitong dinadalaw. Nakaidlip akong muli... Iminulat ko ang aking mga mata ng makarinig ako ng mga katok mula sa pinto. Kampante naman akong hindi isang infected ang nasa pintong iyon. Tatlong taon na akong namumuhay sa loob ng komunidad na ito na nahaharangan ng matataas na pader. "Elle! Sasama ka ba?" sigaw ni Vince sa labas at alam ko ang tinutukoy niya ang paglabas namin sa labas ng mga pader upang manguha ng mga resources na aming kinakailangan upang mabuhay. "Oo!" sigaw ko. Tumayo ako sa aking kama at mabilis na iginayak ang aking sarili at nilabas si Vince na inip na inip nang naghihintay sa akin. Isang ngiti ang ibinato niya at naglakad na kami patungo sa lagusan palabas ng pader na humaharang dito. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong bilanggo sa loob ng mga pader na ito dahil sa mga infected na iyon. Napayukom ang aking mga kamao ng maisip ko ito. "Elle, kumalma ka lang." paalala sa'kin ni Vince. Napansin siguro ang pagyukom ng aking mga kamao. Observant bastard, tch. "I'm calm." tipid kong pagkakasabi sa kaniya. Totoo namang kalmado ako at sigurado akong nais lang basagin ng mokong na 'to ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Isang napakaingay na tao rin ng isang 'to. Minsan ay nagtataka ako kung paano niya nagagawang makabalik ng ligtas sa loob ng mga pader. At ang nakakatawa lamang isipin ay siya rin mismo ang nagdala sa akin sa loob ng mga pader na ito nang matagpuan niya akong nanghihina sa aming pamamahay dalawang taon na ang nakakalipas. Patago niya akong dinala dito sa aking tinutuluyan ngayon. Sa totoo lang ay bawal lumabas sa mga pader na ito at iyon ang isang batas na hindi dapat baliin ng kahit sinomang naninirahan dito. Ngunit ayaw ni Vince na mabilanggo sa loob ng habang panahon kaya gumawa siya ng lagusan para makalabas nang hindi nakikita ng mga awtoridad. Ika niya pa nga ay 'Surviving is not the same as living', tsaka isa niya pang rason ay para makatipid. Kahit sa ganitong sitwasyon pera pa rin ang nagpapatakbo sa sistema. Nakakasuklam ang kasakiman ng mga tao. At kung minsan ay nagsisisi na lamang ako at naging isang tao ako at aking ninanais na lamang maging ibon na may layang lumipad sa himpapawid. "Nandito na tayo" pagpuputol ni Vince sa aking mga iniisip at hinawi ang isang lapad na kahoy. Bumungad naman sa amin ang underground tunnel na siyang magdadala sa amin patungo sa labas. Inialok naman ni Vince sa akin ang kaniyang mga kamay upang alalayan ako pababa, ngunit binalewala ko ito at tinalon pababa ang tunnel. I'm a strong and independent woman ya know. Napailing si Vince habang natatawa sa aking inasal. Vince stayed by myside sa dalawang taon na iyon. Para ko na rin siyang isang guardian dahil sa tuwing kailangan ko ng tulong ay palagi siyang nariyan. Kahit na wala 'tong hinihintay na kapalit ay ayaw kong abusuhin ang kaniyang kabaitan at pinipilit kong palakasin ang aking sarili upang hindi na makadagdag sa pasanin niya sa kaniyang buhay. Sa buhay ngayon, maganda na kung kaya ko maprotektahan ang sariili ko para maiwasan na rin ang mga pagsasakripisyo ng buhay para sa akin. Ang mga magulang ko ang mga huling tao na nag-alay ng buhay para sa akin at ipinangangako ko iyan sa aking sarili. Kaya hindi ako nakikipaghalubilo sa mga tao upang maiwasan ang magkaroon ng maraming kaibigan. Less people, better life, and most of all no sacrifices. Pero makulit 'tong isang ito, kahit anong pantataboy ang ginawa ko, ay hindi ito lumayo sa akin at mas iniisip niya pa ang kapakanan ko kesa sa kaniyang sarili na siya namang ayaw ko. Kung ako naman ay isang anti-social girl ito naman si Vince ay kabaligtaran ko dahil halos lahat ng tao sa loob ng pader ay kaibigan nito kulang na lang ay pati mga infected kaibiganin nito. Sinimulan ko na siyang ituring na Best Friend nang malaman kong hindi ako nag-iisa sa sikreto kong magpapahamak sa'kin, hindi ko lang alam kung ganun din ang turing niya sa akin, well bahala na. "Nasa labas na tayo!" sigaw nito dahil narating na rin namin ang dulo ng tunnel matapos ang kalahating oras na paglalakad. "Pssh. You're so loud, please once in your life stay low. I don't want you to attract unnecessary attention." pagsusuway ko sa mokong na ito. "Opo." parang batang tugon nito at ikinasa ang shotgun na dala-dala nito at ako naman ay inilabas ang aking 50 caliber na magnum pistol. Tahimik kaming naglakad para mapuntahan ang pinakamalapit na Supermarket. Minsan ay na-aappreciate ko rin ang mundo sa labas ng pader kahit na maraming infected ang gumagala. Pagkaraan ng limang taon matapos ang outbreak ay unti-unting bumabalik ang ganda ng kalikasan. Ito na nga yata ang paraan ni inang kalikasan para linisin ang mundo. Sakit laban sa sakit. Ang tao ay ang virus ng mundo kaya isang virus din ang ipinanlaban niya. Marami na rin ang hayop na pagala-gala sa paligid at nakakapagtaka dahil tao lamang ang kayang ma-infect ng virus. Nakakapagtaka rin dahil hindi man lang ito nanghihina, dahil hindi rin nila inaatake ang mga hayop. Kung aatakihin man nila ito ay hindi sana ganito karami ang populasyon ng hayop dahil ang infected ay mga ravage eaters. Nanatili pa rin itong isang misteryo. "Elle?" tawag sa akin ni Vince. "Hmmm?" tugon ko. "Curious lang ako. If anything will happen to me what will you do?" tanong naman nito na siyang kinainis ko. "E, kung kaltukan ko kaya yang ulo mong iyan nang matauhan ka sa mga sinasabi mo." pananakot ko. "Amazona." pang-aasar nito at binigyan ko siya ng masamang tingin na siyang ikinatakot nito. Hanggang titig ka lang pala. Pero ramdam ko sa tanong na iyon ang kaniyang pagkatakot. Alam ko namang hindi mo hahayaang mangyari yun Vince, ikaw nalang ang meron ako. So don't leave. "I trust you" makahulugang sabi ko na siyang ikinangiti nito. Matapos ang mahaba-habang paglalakad ay narating namin ang isang Supermarket. Sinusian naman ni Vince ang kandado sa kadena para mabuksan ito. Maswerte naman kami dahil matagumpay ang pag-iwas namin sa mga infected. Tsaka ilang beses na rin kaming nakakabalik dito kaya napagdesisyunan ni Vince na ikandado para walang infected na makapasok. Inihanda namin pareho ang aming duffle bags na paglalagyan. "Doon muna tayo sa food section, ito ang mga kukunin. Ang ating comfort food, mga sangkap pangluto, at canned goods." utos nito at natawa ako dahil mas pinarayoritize niya ang aming comfort food. Naghiwalay kami dahil sa magkaiba ang aming comfort food. Pumunta naman ang mokong sa mga macapuno at kumuha naman ako ng mga tsokolate na karamihan ay tunaw na. At saka pinuntahan ang iba pa naming kailangan. Nagkita kami sa labas ng food section at nakita ko si Vince na pinapapak kaagad ang mga nakuhang macapuno. Natawa ako ng palihim sa kaniyang inasal. "Saan mo gusto magpunta?" tanong nito. "I don't know" tipid kong tugon. "Lead the way" sabi nito at ngumiti. Wala na akong nagawa kaya sinimulan ko nang maglakad at sumunod naman ito habang abala sa pagkain ng kaniyang tinatawag na yaman. "Kumuha na rin pala ako ng mga condensed milk para diyan sa mga minamahal mong macapuno." sabi ko na ikinatuwa naman nito. Tiyak ko na macapuno na brand ay kaong ang kinuha nito kaya kumuha na ako ng condense para mailuto. Alam ko namang nakalimutan niya nanamang kumuha. Pumunta ako sa gun store at ikinuha ko siya ng isang dagger at isang dagger na rin para sa akin. Tiniyak ko muna na magkapareho ang disenyo nito. Para parehas kami syempre. Haha. Kumuha na rin ako ng mga bala at isinukbit ang isang hunting rifle at ibinato naman kay Vince ang isang M4-A1 at isang uzi. "Tara sa bookstore doon." alok ni Vince na agad ko namang sinang-ayunan. Pareho kaming mahilig mag-basa ngunit si Vince ay nagsusulat ng mga nobela. At ipinangako pa nga sa'kin na sa akin niya unang ipababasa pag natapos niya ang mga ito. Matapos namin makuha ang aming mga kailangan ay napagdesisyunan na namin bumalik sa loob ng mga pader. Sa gitna ng aming paglalakad ay nakapansin ako ng tatlong malalaking pigura sa malayo kaya sinitsitan ko si Vince at sinenyasan na magtago. Nang makalayo ang mga malalaking pigura ay nagpatuloy naman kami sa paglalakad. "Bakit tayo nagtago?" takang tanong nito. "Didn't you notice those things?" pagtutukoy ko sa aking nakita kanina. "Alin? Saan?" "Ah, nevermind what's important is it didn't notice us. Let's go home before the sun sets, it might get dangerous for us." Tumango naman ito at nanguna sa paglalakad. Ano ba iyong nakita ko kanina? Napakalaki at hindi ito mukhang isang pangkaraniwan lamang. Mabuti nalang talaga at napansin ko iyon. Paano pala kung hindi ko napansin iyon. Siguro ay bangkay na kami pareho ni Vince. "Vince," pag-aagaw ko sa kaniyang atensyon. "Starting right now let's be attentive when we are outside of the walls, we don't know what lurks in the shadows." pagbibilin ko sa kaniya at tumango naman ito na parang bata. Hays, kahit kailan talaga napakaisip-bata, napakaseryoso ng bagay na ito. I can't afford to lose you Vince. I can't. Narating na namin ang lagusan patungo sa loob at nilakbay ito. Nang makarating na kami sa loob ay inihatid ako ni Vince sa aking bahay. "Thanks" sabi ko bago pasukin ang pintuan sa aking tahanan. Gamit ang isa niyang daliri ay iniligay niya ito sa aking malapad na noo at marahan itong itinulak na palagi niyang ginagawa sa akin. Kumaway naman ito bago tuluyang makalayo kaya kinawayan ko ito pabalik. Inilagay ko ang aking duffle bag sa mesa at naratnan ko naman na natutulog si Dan. Kahit kailan kay tamad ng babaeng ito. Daniella Corpuz isang babaeng marangal na dapat gayahin ng lahat. Magkasama kami at may tiwala naman si Vince na ligtas ako kasama siya kaya tiwala na rin ako sa kaniya. "Dan, I'm home." paggigising ko sa kaniya. Unti-unti naman nitong iminulat ang mga mata at nagbigay ng isang tipid na ngiti. Hindi yata natuwa sa pag-gising ko sa kaniya. Kaya lumabas ako sa kwarto at inayos ang aking mga dala-dala. Napagdesisyunan kong bumili ng karne at magluto ng adobo. Nang makabalik ako sa bahay ay nakita ko namang isinasaayos ni Dan ang aking mga dala kanina na akin namang ikinatuwa. "What a haul Elle!" masiglang pagkakasabi nito. "Ohhhh, ano ito?" habang hawak-hawak ang dagger na kinuha ko kanina para sa amin ni Vince. Inagaw ko naman ito sa kaniya. "This is mine!" I hissed. "Waw, dalawa?" pang-aasar nito. "Why do you care!?" Pambabara ko. Wala na siyang nagawa at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga pagkain. Kumuha ako ng tsokolate at iniabot ito sa kaniya. Napangiti naman ito sa akin. Nagluto ako, at pagkaluto ay inihain ko ito sa mesa at pinagsaluhan naming dalawa. "Dan, di na kita naabutan kanina saan ka nagpunta?" tanong ko sa kaniya. "Job hunting. Hehe" halatang nagpapalusot ang bruha. "BOY hunting" pagtatama ko. "Pshhh" Kahit kailan di na nagbago ang babaitang 'to. Naisip ko namang ibahagi sa kaniya ang mga nakita ko kanina. "Dan?" tawag ko sa kaniya. "Hmmm?" "Is it possible that the virus can mutate its host?" tanong ko. "Ano nanaman yan Elle? Alam mo namang nagdudugo ang utak ko pagdating sa mga ganiyan. At bakit mo naman naitanong?" "May nakita kasi ako kanina na mga infected but they are not just those ordinary infecteds. They were huge. I'm guessing that they are 7ft tall and musculated based on the figures I saw outside." paglalahad ko sa kaniya. Napatakip ito sa kaniyang bibig at biglang kuminang ang mga mata. "Don't tell me na nag-date nanaman kayo ni Vince sa labas? Tell me, what happened between you two?" pangungulit nito. "Dan naman! I'm dead serious here. And there is nothing between me and Vince!" seryoso kong pagkakasabi na medyo napalakas pa ang boses. Natinag naman itong si Dan. "Tanggi pa, mukhang totoo nga ang mga sinasabi mo. Ms. Elliza Joy Rodriguez." pang-aasar nito at binanggit pa talaga ang buo kong pangalan. "Or should I say Mrs--" "Dan!" pananakot ko. "Siya puntahan natin si Dr. Davila bukas at siya lamang ang makakasagot diyan sa gumugulo sa magulo mong isipan." Tumayo itong si Dan at inayos ang aming pinagkainan. Buti naman siya na ang nagkusa na hugasan ang mga pinggan at makakapagpahinga na rin ako. Tinungo ko ang aking kwarto at humiga sa kama. Dr. Davila? Hmmmm... Siya ang doktor na dinala sa akin ni Vince nung ako ay dinala niya sa loob ng mga pader na ito. Isa rin siya sa mga developer ng virus na siyang sumira sa sangkatauhan. Kaya hanggang maaari ay ayaw ko siyang makita. Kinamumuhian ko siya at naiintindihan naman niya iyon. Ngunit bukas kahit ayaw ko ay pipilitin kong makipagkita sa kaniya para masagot ang mga gumugulo sa aking isipan. At baka isang araw ay mapasok ng mga infected ang mga pader na siyang nagpoprotekta sa mga tao sa loob. I guess, that day may come. There's a saying that 'nothing lasts forever'. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD