Chapter 1

1195 Words
Araw ng Sabado ngunit subsob pa rin sa trabaho si Conrad sa kanyang opisina sa loob ng bahay. Maya-maya lamang ay dumating ang batang limang taong gulang na babae. “Dad, I want to decorate my notes,” sabi nito sa mala-angel na tinig at kumanlong ito sa ama. Gustong bumili ni Aliah ng stationery pero dahil abala si Conrad ay pinakiusapan niya ang personal assistant ng bata at mga bodyguard na dalhin ito sa pinakamalapit na mall. Pagpasok pa lang ng bata sa tindahan ng stationery, lumapit sa kanila ang isang dalaga na halos kamukha ng kanyang ina at tinanong kung ano ang eksaktong kailangan nila. “M-Mommy?” Hindi maiwasan ni Aliah na ma-miss ang nanay niya na pumanaw isang taon na ang nakaraan. Bukas-palad nitong itinaas ang mga kamay at nangungusap ang mga mata. “Can you carry me?” Bigla namang nalito ang dalagang tinawag niyang Mommy. “No Aliah, she is not your Mommy. I'm sorry Miss, napagkamalan kang nanay niya, kahit nga ako nabigla. Kamukhang-kamukha mo si Ma'am Eloisa,” nakangiting paliwanag ng yaya ng bata. “Naku, ayos lang. Pwede ko bang malaman kung ano ang mga hinahanap niyong item? Mga sticker? Glowing and glitter stars? Mga scrapbook? Pangalanan mo, hahanapin ko para sayo,” saad ng tindera at nginitian niya ito. "Talaga? I want glittery glowing unicorn stickers and one each of all of your items here,” sabi ng bata at ngumiti rin ito sa dalaga. Pagkatapos ay naagaw ang pansin nito ng iba pang produkto ng shop, namangha sa mga naka-display na paper dolls. Natatawa ang dalaga dahil akala niya ay mahilig lang mangolekta ng stationery ang bata. Mahilig din pala ito sa mga paper dolls. "Ah, Miss. Pakikolekta na agad ng mga hinihiling niya." Pakiusap ng yaya ng bata sa cashier. "Seryoso ka? Pero sayang naman kung hindi niya gagamitin ang mga iyon.” paliwanag ng dalaga. Hindi naman dahil sa ayaw niya, malaking sales iyon pero ayaw din niyang masayang ang mga items kung hindi naman magagamit. "I-box mo lang sila at ipadala sa address na ito, salamat." dagdag pa ng yaya at kinapa ang bulsa. Naglabas ng calling card at iniabot ito sa dalaga. “Hay, nagpapasalamat ako. Ito na ang pinakamalaking benta namin ngayong buwan. Siya nga pala, ano ang pangalan ng bata?" "My name is Aliah, how about you?" sagot agad ng bata dahil narinig niya ang pag- uusap ng dalawa. “My name is Lea," turan nito sa yaya ng bata. “Ako si Neri, assistant ako ni Aliah, sa madaling salita, yaya niya ako,” nakatawang sagot nito at pinaglalaruan ang buhok ng bata. “Masayang kasama siguro si Aliah buong araw.” "Hindi sa lahat ng oras pero sweet na bata yan, mapagmahal at good vibes." "Ang cute na bata, sana may kapatid akong katulad mo." Kinurot ni Lea ng bahagya ang pisngi ng bata at tumalikod na ito upang simulan ang pangongolekta ng mga items na order ng mga ito. Inabot ang unicorn glitter sticker, isang lapis, at isang note. “Heto, walang bayad 'yan. Regalo ko sa'yo, okay?" “Thank you, Miss Lea. Can you be my mommy?" “H–Ha?” “Ah, kamamatay lang last year ng nanay niya at palagay ko, hindi pa rin siya nakakalimot. Alam mo kase, ganito yan–.” Bago makapagsalita ng kung anu-ano ang yaya tungkol sa personal na buhay ng bata, tumunog ang kanyang telepono at sinagot niya ang tawag. Pinapauwi na sila ni Conrad. After a minute, nagpaalam na ang mga ito. “Kailangan na naming umuwi, take this card and just pay the bill. Isama mo na lamang sa package ang resibo at ang card ha?” Tinanaw na lang ni Lea ang magyaya at napabuntunghinga siya. Sana mas marami pang customer ang dumating at katulad ng magyaya na 'yon. Bulong ni Lea sa sarili habang nakatitig sa contactless card. Magkano kaya ang limit nito? Pagkatapos ay tinulungan niya ang mga kasamahan na kolektahin ang mga bagay na magiging kapaki-pakinabang sa bata, binalot ang mga ito nang maayos, lahat ng items na hinihingi ng bata. Ang totoo, nag-aalala si Lea kung saan kukuha ng pambayad ng buwis at renta ng shop niyang ito. Hindi maganda ang sales lalo pa ang pwesto ng shop ay matatagpuan sa tagong sulok kung saan bihira ang mga tao na bumisita maliban na lang kung personal nilang susuriin ito sa mapa ng mall. Swerte na lang rin kung may bulk order from schools at mga opisina. Pero dahil bakasyon na sa susunod na buwan, humina ng tuluyan ang kita ng shop ni Lea. Ang isa pa niyang inaalala ay ang biglaang pag-cancel ng mga orders dahil sa nagpalit ng supplier ang mga client companies na madalas um-order ng office supplies sa shop n'ya nitong mga nakaraang buwan. Malaki ang epekto nito sa kanyang maliit na negosyo at kung bumaba ng tuluyan ang benta ngayong buwan, mapipilitan siyang isara ang tindahan. Nag-iisip siya ng paraan at anong uri ng trabaho ang papasukin kung sakali. Kailangan tuluy-tuloy ang pasok ng pera sa kanya. May sakit ang nanay niya at kailangan ng liver transplant. Sa ganda ng kanyang mukha, walang makakapagsabi na marami siyang problema na iniisip. Walang nakagisnang ama si Lea, ayon sa kanyang nanay ay namatay ito sa isang aksidente bago pa man siya isilang. Habang ni-re-register niya ang mga mga item, masasabi niyang malaki ang benta niya ngayon ngunit wala pa sa sampung porsyento ang malilikom niya para sa pagbabayad ng liver transplant ng kanyang ina. Alas otso na ng gabi at tapos na nilang mai-pack ang ipapadalang items kina Aliah. Nakaalis na ang kanyang mga staff ngunit nasa counter pa rin siya habang nakatitig sa contactless card. Natutukso si Lea na doblehin ang presyo ng mga pinamili ng bata. Naisip niya, hindi naman siguro mapupuna ng mga ito kung pasobrahan niya ng kaunti ang presyo ng bawat item. Tumakbo si Lea sa pinto at ginawang CLOSED ang shop at ini-lock ito. Dali-dali siyang bumalik sa counter at binago ang mga presyo ng invoice. Doble ang presyo ng bawat item ang iba ay triple pa nga. Nanginginig ang mga daliri niya,. pinagpapawisan ng malapot at halos napalunok siya ng mariin. Nang matapos ang anomalya, huminga ng malalim si Lea. The moment she tapped the card, nakagawa na siya ng krimen. Halos marinig ni Lea ang pagtibok ng kanyang puso, malakas ang pagkabog na parang nais kumawala sa kanyang dibdib dahil sa kaba habang sinimulan niya ang pag print muli ng invoice slip. Kinabukasan ay tila walang nangyari. Tuloy ang business kahit na halos parang mahihimatay sa kaba si Lea. Buong araw ay naghintay siya ng maaaring tumawag sa kanya upang klaruhin ang tungkol sa pinadala niyang card. Naisip niya, baka okay naman at natanggap na ng mga ito ang invoice at card. Gabi na naman at oras na ng uwian. Naayos na niya at naipadala na rin ang item sa receiver kasama ang contactless card at invoice. Masyadong abala si Lea sa pag-check ng falsified invoice nang may pumasok na grupo ng mga lalaki sa yang shop. "Sumama ka sa amin!" mariing utos ng pinuno ng grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD