CHAPTER THREE

1345 Words
Gising pa siya nang dumating si Gela mula La Resto Red. "Aki, bakit ka pinatawag kanina? Bakit di ka pumasok?" Tanong ni Gela at umupo sa kanyang kama kung saan sya nakatunganga. "Tinangal na ako sa trabaho," aniya na napasimangot. "Ano?! Bakit? Anong ginawa mo?" Tanong ni Gela na tila di maka-paniwala. "Una sa lahat di ko alam, pangalawa hindi ko talaga alam. Pangatlo, wala akong ginawang masama," pagpapaliwanag nya  sa walang ganang boses. "Oh my God! Kung ako nga ang boss agad kitang ipo-promote eh," anito na tila namroblema din. "Anong plano mo nyan?" sabay usisa nito. "Hindi ko pa alam, " sabi niya na nasapo ang ulo. "Basta ang alam ko lang di ako pwedeng umuwi ng pilipinas ng ganito," dugtong niya na gusto ng umiyak.Hinagod-hagod ni gela ang balikat niya. "Hahanapan natin ng paraan yan," Ani Gela, tumingin sya dito at marahang ngumiti ng biglang may maalala. "Gels, ilang taon ka na nga kasi dito?" Aniya. "2 and a half year ata, why?" Anito at tumayo na para ayusin ang kama. Magkasama kasi sila sa isang kwarto at sa kabila yung dalawa. "So yung Mr. Van Leeuwen ba ay regular customer sa La resto?" Tanong niya sa kaibigan. Nakita niya kung paano matigilan si Gela at marahas na napatingin sa kanya. "Paano mo naman nalaman ang apilyidong yan?" Anito na lumapit muli sa kanya. "N-nung isang araw kasi naging customer natin yung taong yun. Tapos," "Tapos?" "Sabi ni boss, siya daw ang nag-utos para matangal ako sa trabaho." Sabay napayuko. Nanlulumo talaga siya. "What?!" Bulalas nito na tumabi sa kanya. Tumingin sya dito. "Sabi ni boss, he wants me daw. Di ko alam kung anong gusto niya sa akin, mi hindi ko nga kilala yun, " frustrated niyang sabi. "Kaya tell me Gels, sino ba ang Van Leeuwen na yun?" Tanong nya sa kaibigan. "Wala din akong masyadong alam tungkol sa kanya. Pero ang maipapayo ko lang Aki, umuwi kana ng pilipinas, " sabi ng kaibigan, walang pinagkaiba sa sinabi sa kanya ng kanilang boss. Umiling siya, "Hindi Gels, dito lang ako." Saad nya sa matigas na boses. Napailing-iling nalang ang kaibigan,alam niya may kaunting alam ito sa Van na iyon pero di lang sinasabi. "Bahala ka. Pero isa lang masasabi ko sa taong yun, masama siyang tao Aki. Hindi mo nanaising makaharap s'ya," anito na tinapik sya sa braso at bumalik na sa higaan nito. Ilang sandali pa malalim na ang paghinga ni Gela pero sya ay di pa dinadalaw ng antok sa dami ng iniisip nya. Bahagya niyang nilingon ang natutulog na dalaga at napabuntong-hininga. Alam ko may alam ka Gels, pero naiintindihan ko kung bakit ayaw mo magsalita.. *************** - - - - - - Napabuntong-hininga si Aki habang minamasdan ang papalubog na araw, nakaupo siya sa isang bench. Kung wala  sana syang problema ma-eenjoy niya ang mga tanawing nakikita. Mga nag gagandahang canals at mga puno na tanaw niya mula sa pwesto, Mga taong nakasakay sa mga bisikleta na karaniwang ginagamit sa bansang ito. Muli siyang napabuntong hininga, Tama nga siguro kung babalik na sya sa pilipinas. Maghahanap na lang siya ng ibang trabaho, siguro hindi para sa kanya ang lugar na ito. Bwisit ka kasi Van Leeuwen ka! kasalanan mo lahat 'to! Wala naman akong atraso sayo. Kahit anong isip niya di niya talaga maisip kung anong kasalanan niya sa Van na yun. Tumayo sya para bumalik na sa apartment nila ng may humintong ferrari 250 GTO na sasakyan sa di kalayuan sa kanya.  Wow! Ang mahal ng sasakyang 'to. Naibulong ng dalaga sa sarili, nakita nya nang may bumabang men in black mula doon at tila papalapit sa kanya. Medyo kinabahan s'ya kaya mabilis ang mga hakbang na naglakad siya palayo. "Hey!" Sigaw ng kung sino man mula sa likuran niya. Hindi niya pinansin yun at naglakad padin sya, nang may biglang humila sa braso niya dahilan para mapaharap siya. Teka. p-parang, nakita ko na tong lalaking to. Usal nya sa kanyang isipan. "What do you need?" Sabi ng dalaga pilit itinatago ang kaba. Mukha namang mabait ang lalaking humila sa kanya, mga nasa 50's na 'to. "I don't need anything from you, but my boss does," anito na ngumiti ng malumanay sa kanya. Hinila niya ang braso sa lalaki at inirapan ito, "What does your boss needs from me?" Tanong niya. Hindi kaya si Van Leeuwen tinutukoy nito? "See it for yourself lady," sabi nito at tumingin sa direksyon ng sasakyan, sumunod ang tingin niya sa tinignan nito. And there, May bumaba sa sasakyan. A tall and masculine guy heading to where they are. Habang naglalakad ito papalapit sa kanila ay tila nag-i-slow mo ang paligid. Minamasdan niya ang anyo ng estrangherong lalaki, From his immaculate jet- black hair that tousled and fell over his face, Strong and perfectly shaped jawline, and broad shoulders. He looked at every inch of the Tall, dark, and handsome playboy that everyone probably think. His every step reminds authority, wealth and power, he's intimidating in every way. His whole existence screams masculinity. Ibang-iba ang aura ng lalaking to na pwede mong katakutan kahit sa unang pagkikita pa lamang. Indeed, He's a MONSTER. Pero sya? She felt nothing but anger, itong lalaking to na nasa harapan na nya ngayon ang dahilan kung bakit sya nawalan ng trabaho. Kung bakit gumuho ang pangarap na sinisimulan pa lang niya. Tumayo ito sa harapan niya at siyang napatingala dito, s**t! Walang binatbat ang 5'5 na height nya sa height ng monster na to. Tumingin sya sa mga mata nito para ipamukha sa lalaking to na hindi sya nadadala ng appearance nito, and when their eyes met her knees trembled. She could feel her own heart beating fast.  Jesus! His eyes. his eyes. Ang kulay asul na mga mata ng lalaking ito ang pinaka malamig na matang nakita niya. They seems soul less, Posible pala yun? "Breath." Dinig nyang nagsalita ito, Masculine Voice. Shit! Dahil sa pagmamasid niya sa mukha nito di na niya namalayan na pinipigilan na pala niya ang paghinga niya. Marahas syang huminga at bahagyang lumayo rito dahil talagang napakalapit nito. "What do you need from me?!" Asik niya sa lalaki na nakatitig lang sa kanya. Kating kati na talaga syang bigwasan ito. "Ik vind je leuk," anito na titig na titig padin sa kanya. Lalo talaga itong gumagwapo kapag minamasdan pa ng matagal. "I-im sorry? W-what?" Tanong nya sa lalaki dahil di niya maintindihan ang sinabi nito. "Ik vind je leuk" ulit nito na makatunaw kung tumitig.  Niloloko ba sya nito? Di ba marunong mag english ito? Ang alam niya 96% ng mga tao dito sa netherlands marunong mag english. Tsaka marami na syang nauubos na oras sa lalaking sumira ng mga pangarap niya at dahil sa naisip muling nabuhay ang galit na nararamdaman niya.  Sa paraang to makabawi man lang ako sa pang pe-peste mo! Di na s'ya nag isip at ikinuyom ang mga kamay sabay nagpakawala ng malakas na suntok sa panga ng kaharap. "That's for ruining my work! My life!" Asik nya pagkatapos nya itong suntukin, napaatras ang lalaki ng bahagya at napahawak sa panga, bahagyang pumiling ang mukha. Shit! Tigas ng panga ng lalaking to. Sabay tingin sa kamao nyang namula. "Are you okay?" Sabi nung lalaking humila sa braso nya kanina doon sa lalaking sinuntok niya. Napabaling sya sa mga ito. "Im fine," sabi ng lalaki at hinarap sya. Bigla s'yang nanigas. Ang mga mata nito, ang titig nito at ang bahagyang pag ngisi nito ay nagdala ng takot sa kanya. She's now damn scared. How can he manage to send shivers down her spine? Napaatras sya nang lumapit ito sa kanya at marahas na hinablot s'ya sa braso, masakit.    "Ruining your life isn't enough honey. Thanks for punching me, you've awaken the sleeping beast inside me," anito at marahas naman syang binitawan.  "I'll make you experience the living hell," dagdag nito at tumalikod na. "Bring her." Biglang utos nito, may mga lumapit pang dalawang naka itim na lalaki sa kanya na bumaba mula sa sasakyan. "No! Babalik na ako sa pilipinas!" Sigaw niya na nagpatigil kay Mr. van "It's on me whether you stay or leave," mariin nitong sabi na tila naiintindihan ang sinabi niya. Walang lingon pa din itong naglakad papunta sa sasakyan. "Help!" Sigaw niya sa mga tao pero tila takot makialam. Sisigaw pa sana sya nang may ipaamoy sa kanya at bigla siyang nahilo at unti unting nawawalan ng malay. Sana nakinig na lang ako sa kanila na umalis na. kung sana lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD