Magdalena: Tukso ng Makasalanan ( Ikalawang Yugto )

1332 Words
Sa Panulat ni: Ritmo Y Syggrafeas Sinimulan ni: Calla M. Manunulat Lalong naging miserable ang buhay ni Magdalena ng maisilang niya ang kanilang pangalawang anak. Gustuhin man niyang huwag sundan ang anak pero sa tuwing nalalasing ang mister ay ginagawa siyang parausan. Sa tuwing lulong si Marco sa droga ay paulit ulit siyang pinaparausan ng kanyang mister. Nakakapagpahinga lamang ang katawan ni Magdalena kapag may iniuuwing babae si Marco. Nakapagpahinga ang kanyang pisikal na katawan ni Magdalena pero ang puso't isipan naman niya ang napapagod. Hindi niya lubos maisip na ang ama ng kanyang anak ay may kaniig na ibang babae sa mismong silid nilang mag-asawa. Palihim na umiiyak si Magdalena habang naririnig niya ang daing at langitngit ng higaan na ginagamit ng kanyang mister at kaniig nitong babae. Hanggang maisilang ni Magdalena ang kanilang ikalawang anak ni Marco. Dahil sa edad ay nagsimulang dapuan ng sakit ang magulang ni Marco. Nagsisimulang kinukulang ang pangangailangan ng kanyang anak. 'Hindi na nakatiis si Magdalena kaya kinausap niya si Marco na magbigay ng suporta para sa kanilang dalawang anak. 'Marco! Baka pwede mo naman ako bigyan ng pambili ng gatas at diaper ng iyong anak? 'Ulitin mo nga Magdalena? Singhal ni Marco sa Asawa. 'Marco! May sakit na ang magulang mo, hindi na nila kayang magbigay ng pangangailangan ng ating anak. 'Magkakasunod na sampal at suntok sa sikmura ang natanggap niya sa mister. 'Unang una hindi kita pinilit na umuwi dito, pangalawa sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag mo akong obligahin sa pangangailangan ng dalawang bata. Ikaw ang hindi nag-ingat. Hindi kasama sa kasunduan natin na matapos kitang palasapin ng masarap ay mabubuntis ka. 'Kuya! Sumusobra ka na! Napaka-iresponsable mong tao. Dugo't laman mo ang dalawang bata pero sa halip na ituwid mo ang iyong buhay ay mas lalo kang nagpakalulong sa bisyo mo. 'Akala mo hindi ko alam, kung sino-sinong bading ang sinasamahan mo para magkapera. Maintindihan ko kong ginagamit mo ang pera para maging responsableng ama. Malala ka na Kuya!. Hindi ka na nga nakakatulong dito dumagdag ka pa sa pasanin namin. Huwag na huwag mong pagbubuhatan ng kamay si Ate Magdalena, baka makalimutan kong kapatid kita. Umalis ka na! Ako ang sasalo ng responsibilidad mo dahil inutil ka. 'Namimihasa ka ng g*go ka! Akala mo kung sino ka! Sinasagad mo talaga ako! Pakialamiro! 'Nagsuntukan si Marco at ang kanyang kapatid na si Albert. Nagsisigaw si Magdalena dahil sa marahas na pag-aaway ng magkapatid. Napatakbo si Luisa, kapatid nilang babae. 'Dahil nahihirapang maawat ni Luisa ang dalawa, nataranta itong naghagilap ng bagay na maaring gamitin para mapatigil ang dalawa. Si Magdalena naman ay labis na nanghihina dahil sa ginawang pambubugbug ni Marco. 'Magkakasunod na inundayan ni Luisa ng palo si Marco, napuruhan niya ito sa binti kaya bumagsak sa lupa. 'P*tang *na mo Marco! Kaya kami nawalan ng respeto sayo bilang kuya dahil g*go ka! Bwes*t ka! Pati kami nagkal*tse l*tse ang buhay dahil sa kamalasan na inaakyat mo sa pamamahay na ito. Lumayas ka na! Layas! Huwag na huwag kang babalik dito dahil mapapatay Kita! Layas! Galit na sigaw ni Luisa 'Tinadyakan ni Albert si Marco at pasalampak na itinapon sa labas ng kanilang bahay. Itinapon ni Luisa ang gamit ni Marco sa bintana. Naluluhang nakamasid lamang ang kanilang magulang. 'Ma! Pa! Hayaan niyo ng umalis si Marco, kailangan niyang matuto sa buhay. Labis niyo siyang pinamihasa kaya siya humantong sa ganoong kalagayan. Saad ni Albert sa magulang. 'Tinulungan ni Luisa si Magdalena na makatayo. 'Ate! Hayaan mo na si Kuya Marco, pagtutulungan nating maitaguyod ang dalawang bata. Wala naman may mababago sa inyong kalagayan kapag manatili si Kuya sa inyong tabi. Dumadagdag lang siya sa hirap na iyong dinaranas. Pahayag ni Luisa 'Ate! Kong ayaw ni Marco magpaka-ama sa aking pamangkin. Kami ang aako sa kanyang responsibilidad kahit mahirap. Seryosong pahayag ni Albert. 'Luisa! Ikaw na muna bahala dito! Huwag na huwag mong papasukin ang animal na lalaking yon' kapag bumalik. Aalis lang ako! Didiskarte para pambili ng kailangan ng dalawang bata. Seryosong saad ni Albert. 'Opo! Kuya! Mag-ingat ka! Makahulugang saad ni Luisa Ginamot ni Luisa ang natamong sugat ni Magdalena. 'Nakaupo silang apat sa salas ng dumaan si Alberto. Abala ang dalawang matanda sa pagbabantay ng kanilang apo. Tumango na lamang si Albert sa kanila ng mapadaan sa kanilang harapan. Pormadong pormado ito at halatang nagpabango ng maigi. 'Luisa! Hindi sa nanghihimasok ako! Saan ba nagtatrabaho si Albert? Nahihiyang tanong ni Luisa. 'Ate! Ano ka ba! Parang hindi ka pa parti ng pamilya. Si Kuya Albert? Escort Service yan' Callboy! Pero huwag mong maliitin yan'. In demand yan' ngayon, mataas ang TF niyan. Tingnan mo mamaya pag-uwi niya dahil big time na yan. Si Marco ang nagpamulat kay Kuya Albert sa ganoong kalakaran. Ibinugaw niya ang sariling kapatid. Nawala na ang respeto namin sa kanya. Si Kuya Albert kahit ganoon ang kanyang trabaho. Ibinuhos niya lahat sa amin lahat ng kinikita niya. Hindi katulad ni Marco, ginagamit sa kanyang bisyo ang kinikita. Nagsisi ka na Ngayon Ate! Callboy si Marco matagal na. Pahayag ni Luisa 'Kung maibabalik ko lang ang panahon Luisa!... Huli na ang lahat! May dalawang bata na umaasa sa akin! Naiiyak na pahayag ni Magdalena 'Ate! Maganda ka! Hindi lang maganda!... Isa kang namumukod tanging Eba! Konting ayos lang Ate! Sigurado! Lilitaw ang ganda na kinalimutan mo. 'Ate! Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong!... Escort Service din ang aking trabaho. Hindi mo kailangan na maging inutil Ate! gamitin mo ang iyong ganda. Ipakita mo kay Marco na hindi ka lang basta babae!... Kundi Babaeng may ibubuga!... Seryosong saad ni Luisa 'Totoo! Luisa! Pwede pa talaga ako sa ganoon. Handa akong gawin lahat para sa aking anak. Sagot ni Magdalena sa kanyang hipag. 'Oo! Ate! Papatok ka! Pangako ko Yan! Sa ngayon kailangan mo munang ipagpahinga ang iyong katawan. Ilang buwan pa lang matapos ka makapanganak. Sisimulan natin ang balik alindog program mo. Si Kuya Albert na lang kasi ang akitin mo. Di-mas pogi naman si Kuya Albert kompara kay Marco. Callboy nga pero responsable sa pamilya. Nakangiting biro ni Luisa 'Ikaw talaga Luisa! Dami mong alam. Sagot ni Magdalena 'Oh' Diba' Nakangiti ka na! Oi kinikilig kay Kuya Albert!... Tudyo ni Luisa 'Hoy! Loka-loka ka talaga! Luisa... Saad ni Magdalena 'Ano ka ba Ate! Okey lang yon. Ako nga crush si Kuya Albert. Pasalamat siya dahil kapatid ko siya. Hindi siya makakaligtas sa galamay ko kung nagkataon na hindi ko siya kapatid. Daks yon Ate! Daks kompara kay Marco!... Napahalakhak si Luisa ng malakas. 'Ai Naku! Luisa! Kakahiya ka talaga!... Pabirong pahayag ni Magdalena 'Ai!... Birhen lang!... Dalawa na ang nakalabas diyan Ate' Okey lang yon! Total matatagalan sa pagbalik si Marco! Takot lang niya kay Kuya Albert. Ikaw din! Nakakasawa rin ang walang dilig. Muling Humalakhak si Luisa 'Magdalena! Luisa!... Tulungan mo na si Ate mo para makapagpahinga na ang dalawang bata. Nangangalay na rin ang braso namin sa kakahawak. Saad ng ama ni Marco. Bandang alas-diyes ng makauwi si Alberto. Kompleto ang kanyang pinamili na grocery, pati diaper at gatas ng dalawang bata. Inilapag niya lang ang kanyang pinamili at dumideritso na sa kanyang silid. Dinig na dinig ni Magdalena ang lagaslas ng tubig sa banyo. Mahigit isang oras ang pananatili niya sa loob. Pagkatapos niya maligo ay lumabas siya para sumabay sa amin sa hapunan. Halos maubos niya ang isang maliit na bote ng alcohol bago kalungin ang kanyang pamangkin. 'Ayan! Tatay na tatay na talaga! Ikaw na lang kasi sumalo sa mag-ina ni Marco na loko-loko kuya. Natatawang Saad ni Luisa 'Hoy Luisa! Kung ayaw mong bigwasan Kita diyan! Tigil tigilan mo ako. Seryosong saad ni Albert 'Kuya Masahe gusto mo? Saad ni Luisa 'Huwag na! Tsansingan mo lang ako. Pilyong saad ni Albert. 'Ano ka tange! Mahal kaya ang haplos ng malambot kong palad. Si Ate Magdalena magaling magmasahe. Panunudyo ni Luisa sa kanyang Kuya. 'Tama na nga yan' magkakapikunan pa kayong dalawa!... Kumain na lang Tayo. Saad ni Luz. Ina ni Marco. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD