bc

One Hundred Years (COMPLETED)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
7.0K
READ
brave
drama
bxg
mystery
female lead
first love
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Hanggang kailan nga ba ang buhay ng tao?

Minsan ba sumagi sa isip mo na hanggang kailan ka nga ba mabubuhay?

Ngunit kahit isa sa atin ay walang kakayahan para sabihin kung, hanggang saan nga lang ba ang buhay ng tao?

Siya si Aurora Asuncion ang ganda niya ay tila isang manika. Perpektong katawan, mahaba ang kaniyang kulay abong buhok. Ang kaniyang pisngi na mamula-mula na tila kakulay ng isang mansanas at ang kulay lila niyang mata ay nakakaakit pagmasdan. Ngunit paano na lamang kung sa pagmulat niya ay tila isang kisapmatang nagbago ang lahat. Nagising na lamang siya sa lugar na tila matagal ng niluma nang panahon. Ang lugar kung saan nakatayo ang mansyon nila ay bigla na lamang nawala. Mga hindi pamilyar na mukha ng tao ang kaniyang nasaksihan sa lugar, kung saan dati nakatayo ang kanilang mansyon. Isang bagay lamang ang pinagtataka niya, bakit tila yata marami ang nagbago sa lugar na kaniyang nakagisnan?

Anong landas kaya ang naghihintay sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Minsan ba naisip ninyo na hanggang kailan nga ba ang buhay ng tao? Kabaliwan man kung isipin, paano na lang kung gustong-gusto mo nang magpahinga? Pero kahit anong gawin mo ay hindi maaari dahil lamang sa isang pagkakamali. Pagkakamali na kay tagal nang lumipas pero sariwa pa rin sa iyong mga alaala. Alaalang gusto mong kalimutan ngunit hindi na maaari dahil nakatatak na ito sa iyong isipan. Maaari pa nga bang itama ang isang pagkakamali?  Isang pagkakamali na malaki ang naging epekto sa buhay niya lalo na sa mga minamahal niya sa buhay. Minsan na rin sumagi sa isip niya na mali ba ang naging desisyon niya. Mali nga bang magmahal ng tapat sa taong inaakala niyang makakasama niya sa panghabangbuhay? Tila ba kahit pagbalik-baliktarin niya ang mundo hindi mapagkakaila na mahal na mahal niya ito. Sino nga ba ang dapat sisihin? Siya na nagmahal lamang ng tapat o ang lalaking inaakala niyang makakasama niya hanggang sa pagtanda? Ang lalaking una niyang minahal ngunit hindi siya nagawang ipaglaban man lang. Tila ba balewala man lang dito ang pinagsamahan nilang dalawa. Ang masayang pinagsamahan nila na tila ba wala man lang halaga dito. At tila ba isang basura lamang na walang pagdadalawang-isip na itinapon lamang nito. Ano nga ba ang nagawa niyang kasalanan? Kasalanan ba niyang mahalin ito ng buong tapat? Pero, bakit ganoon na lamang kasakit ang isinukli nito sa kaniya? Matapos sa kaniya, ibang babae na kaagad ang kapiling nito. Tama bang isipin niya na hindi naman talaga siya minahal nito? Tama nga bang nagbulag-bulagan lamang siya? Kahit na ang kapalit pa nito ay ang labis na sakit para sa kaniya. Ilang beses pa nga ba siyang masasaktan? Sa kasalanang hindi naman siya ang may kagagawan. Sa kasalanang siya ang naging biktikma ng mga taong labis niyang pinagkatiwalaan. Mga taong kahit minsan ay hindi niya naisip na magagawa siyang saktan ng mga ito. Sino nga ba ang may sala? Siya na patuloy na nagbubulag-bulagan o ang mga taong mapagsamantala sa kaniya? Ilan beses pa nga ba siyang luluha? Luluha sa taong hindi naman karapat-dapat na iyakan? Hanggang kailan nga ba siya magbubulag-bulagan sa pagmamahal niya rito?    Sa buhay na naranasan niya sa kamay ng mga taong mapagsamantala, hahayaan na lamang ba niyang paikutin siya ng mga ito? Panahon na siguro upang lumaban siya sa mga ito. Masakit man ay kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na ang buhay ay hindi puso pasarap lamang. Sapagkat sa buhay ng tao hindi mawawala na makakaranas ka ng sakit dulot ng mga taong akala mo ay hindi ka magagawang saktan.  Dahil sa hindi inaasahang pangyayari isang malaking trahedya ang nagpabago ng buhay niya. Lalong-lalo na sa mga mahal niya sa buhay. Ilang problema pa nga ba ang kahaharapin niya? Mali mang magtanim ng galit pero hindi niya maiwasan na magalit sa mga ito. Sa mga taong labis niyang pinagkatiwalaan ngunit pasakit lamang ang isinukli ng mga ito sa kaniya. Pasakit na tila ba tuwang-tuwa pa ang mga itong kapag nakikita siyang nasasaktan at lumuluha dahil sa kagagawan nila. At sa hindi malamang dahilan nagising na lamang siyang mag-isa sa isang silid na tila ba pamilyar sa kaniya. Bagamat hindi ganoong malinaw ang naaalala niya tila ba pakiramdam niya malaki ang koneksyon ng lugar sa kaniya. Sa lugar na sa hindi malamang dahilan nakakaramdam siya na tila ba pamilyar ito sa kaniya. Tila ba pakiramdam niya ang lugar na kinalalagakan niya ang sasagot sa marami niyang katanungan. Mga katanungang tila ba naghahalo-halo na sa isipan niya. Sa pagmulat ng mata niya mga basag na bubog ang siyang una niyang nasilayan. Mga bubog na hindi niya alam kung saan ba ang mga ito nanggaling. Bakas man ang pananakit ng kaniyang katawan senyales ng matagal niyang pagtulog. Dahan-dahan siyang bumangon kasabay ng pagharap niya sa malaking salamin malapit sa gawi niya. Isang salamin na tila ba unti-unti ng lumalabo dala nang mahabang paglipas ng panahon. Panahon na kung saan mapayapang natutulog pa ang dalaga sa abandonadong lugar. Kaagad niyang napansin na kulay abo ang buhok niya na hanggang beywang ang haba nito. Mapuputing balat at ang mamula-mula niyang pisngi at kulay lila niyang mata ang kaniyang nasilayan. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya dahil sa hitsurang kaniyang nasilayan. Tila ba dumagdag na naman ito sa isa sa mga katanungang gumugulo sa kaniyang isipan. Gulong-gulo man sa kaniyang nakikita ngunit hindi na niya pinagtuunan pa nang pansin ang kakaiba niyang hitsura. Sa halip dahan-dahan siyang naglakad habang pinagmamasdan ang kaniyang kapaligiran. Sa mga oras na ‘yon, hindi niya maiwasan na hindi matakot sa kaniyang mga nakikita. Tila ba may takot na muling namumuo sa puso niya. Takot na hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang takot na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Sapagkat ang lugar na dati ay pamilyar sa kaniya ngayon ay tila malaki na ang pinagbago. Tila ba nagising siya sa isang lugar na kahit kailan ay hindi pa niya napupuntahan. Kasabay pa nito ay malaking pagbabago sa hitsura niya na dati naman ay hindi ganoon. Isama mo pa rito ay ang labis na pananakit ng katawan niya na tila ba napakatagal niyang natulog. Nahihirapan man sa paglalakad ang dalaga pinilit niyang maglakad upang mapagmasdan ng mabuti ang lugar na kinalalagakan niya. Kaagad na napakunot siya ng noo ng mapagtanto niya kung ano ang mga bubog na nakikita niya. Tila ba ito ay mga kagamitan na ginagamit sa laboratoryo hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang isang bubog na lalagyan. Bagamat may sira na ito sa may gilid nito laman nito ang isang pulang likido na hindi niya mawari kung ano. Hindi rin siya sigurado kung pula nga ba ang kulay nito o kung naging pula lang ito dahil sa paglipas ng panahon. Isama mo na rin ang silid na punong-puno ng kakaibang kagamitan na siyang nagpakilabot sa kaniya. Bagamat natatakot siya lakas-loob siyang pumasok sa silid na napupuno ng nakakatakot na kagamitan. Maingat niya itinulak ang pinto na pakiwari niya ay natuyong dugo ang nakakapit dito. Doon ay hindi niya maiwasang hindi manghina dahil sa kaniyang nakita. Sa isang upuan ay may isang kalansay na nakatali na pakiwari niya ay kalansay ito ng isang babae base na lamang sa suot nitong damit. At halos masuka siya ng makita niya ang isang malaking lalagyan na kasya ang isang tao. Sa loob nito ay may nakalutang na puso na hindi niya maisip kung puso ba ito ng tao o kung puso ba ito ng hayop. Napansin niya rin ang iilang coat na nagkalat na tila ba ginagamit ng mga scientist. Tila ba pakiramdam niya ang mga kagamitang nakikita niya ang isa sa mga sasagot sa marami niyang katanungan. Dahil sa hindi na niya kinaya ang kaniyang mga nakikita lumabas na siya ng silid na labis na nakapagparamdam sa kaniya ng kakaibang takot. Takot na ayaw niyang maranasan sa buong buhay niya. Pati na rin ang kulay puting dingding na tila unti-unti ng umiitim dala nang paglipas ng panahon. Sa pagmulat ng kaniyang mata dalawang katanungan lamang ang naisambitla niya: Nasaan ako? Bakit nandito na naman ako?   Bagamat naguguluhan unti-unti muli siyang naglakad habang patuloy na pinagmamasdan pa rin ang kapaligiran. Ang dating mga puting damit ngayon ay tila naging itim na at mga basag na bote ang kaniyang nadaraan sa tila abandonado ng lugar. Kung pagmamasdan mong mabuti ang kapaligiran tila ba iisipin mong may kakaibang nilalang na ang nakatira rito. Sa paglalakad niya sa abandonadong lugar hindi niya maiwasan ang hindi kilabutan dahil sa kaniyang mga nakikita. Tila ba maiisip mo na kagaad kung anong hirap at sakit ang dinanas ng isang tao batay pa lamang sa hitsura ng kapaligiran. Isama mo pa ang mga kagamitan na tila ba ginamit sa pagpapahirap sa mga tao. Hindi rin nakaligtas sa paningin ng dalaga ang mahabang latigo na napupuno ng tinik. Isama mo pa rito ang mga nagkalat na tali na tila ba kasama rin sa pagpapahirap mga taong hindi niya kilala. Ganoon na lamang ang panghihina ng dalaga nang mapansin niya ang nagtambak na buto ng tao hindi kalayuan sa tayo niya. Isama mo pa rito ang ilang damit na nagkalat sa harapan niya. Bagamat pira-piraso na ang ilang damit hindi maitatanggi ng dalaga na ang mga damit na nakikita niya ay puro damit ng mga babae. Ilang oras pa ang tinagal niya sa loob ng abandonadong lugar hanggang sa marating niya ang labasan ng silid ng kaniyang pinanggalingan. Sa kaniyang paglabas matataas na damo ang unang bumungad sa kaniyang harapan. Tila ba kaunti na lamang ay matatakluban na siya ng matataas na damo na nagsisilbing harang upang matakpan ang bungad ng abandonadong lugar na nilabasan niya. Sa paglabas pa lang niya kaagad na sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. Sapagkat sa oras na 'yon alam na niyang nasa kakaibang lugar na siya. Lugar na kahit minsan ay hindi pa niya nasisilayan sa buong buhay niya.   Kasabay ang dahan-dahan niyang paglalakad sa matataas na damo habang isinasayaw ng hangin ang puti at manipis niyang bestida. Habang inaalon naman ng hangin ang kaniyang kulay abo at mahabang buhok na tila kumikinang dala ng sikat ng araw. Kung pagmamasdang mabuti ang dalaga tila daig pa niya ang isang diwata sa taglay niyang kagandahan. Hindi pa man siya tuluyan nakakarating sa maliit na baryo malapit sa lugar na pinanggalingan niya isang batang lalaking tumatakbo ang sumalubong sa kaniya.  Kaagad din namang natanaw ng dalaga ang ilang bata sa malayo na tila ba tuwang-tuwa sa pagpapalipad ng kanilang saranggola. Isama mo na rin ang iilang kambing na tila ba nasisiyahan sa pagkain ng mga ito sa damo. Hindi rin napigilan ng dalaga na tingalain ang mga sarangggola isinasayaw ng hangin sa ere dahilan upang mapangiti siya sa kaniyang nakikita. Tila ba ang lungkot nadarama niya ay nabawasan dahil sa mga saranggola na natatanaw niya. Mga saranggola na tila ba malayang-malaya na lumilipad sa ere. Dahil sa hindi siya napansin ng bata dahil sa nakatuon ang atensyon nito sa saranggolang hawak kaagad silang nagkabanggaan. Mabilis sa pa kidlat ang naging kilos ng dalaga at kaagad niyang sinalo ang batang lalaki. Lihim namang napangiti ang dalaga ng mapansin niyang tila natutula sa harapan niya ang batang lalaki. Ang labis na nagpangiti pa sa dalaga ay ang hitsura ng batang lalaki na nakanganga sa harapan niya na tila ba namamangha sa hitsura ng dalaga. "Nasaktan ka ba bata?"  Sa halip na sumagot ang bata sa tanong ng dalaga mabilis lamang itong umiling. Kasabay nito ay mabilis na pagtayo ng tuwid ng batang lalaki. Kung kanina ay nakakanganga ito sa harapan ng dalaga ngayon naman ay daig pa ang mansanas dahil sa pulang-pula ang mukha nito.  "May sakit ka ba bata? Bakit tila namumula yata ang iyong pisingi?" "W-Wala akong sakit!" "Kung ganoon, bakit nga namumula ang iyong pisingi?" Akmang hahawakan sana ng dalaga ang pisngi ng batang lalaki ng bigla na lamang ito umalis sa harapan ng dalaga. Kaagad namang napakamot ng ulo ang dalaga sa labis na pagtataka. Sapagkat hindi niya alam ang dahilan ng biglang pag-alis ng bata sa harapan niya. Ang akala niya ay hindi na ito babalik ngunit ilang minuto lamang ang nakalilipas nang muling bumalik ang batang lalaki. Kung kanina ay mag-isa lamang ito, ngayon naman ay may kasama na itong isang batang lalaki at isang batang babae. "Waaah! Fairy ka po ba?"  "F-Fairy? Ako ba ang tinutukoy mo bata?" Dahil sa naging tanong ng batang babae hindi maiwasan ng dalaga na mapakunot ang noo dahil sa narinig niya. Isama mo pa rito ang mukha ng batang babae na tila ba namamangha sa kaniya hitsura batay pa lamang sa kinang ng mata nito. "Opo! Ikaw nga po! Fairy ka po ba?" "H-Hindi ako fairy. Tao rin ako kagaya mo." Batay pa lamang sa hitsura ng batang babae tila ba hindi ito naniniwala sa sinabi ng dalaga na hindi siya fairy. Hindi naman maiwasan ng dalaga na mapangiti dahil sa naging kilos ng batang babae na may paikot-ikot pa sa harapan niya habang matiim siyang pinagmamasdan. "Kung hindi ka fairy, bakit galing ka sa abandonadong lugar na 'yon? Sabi kasi ni nanay mga kakaibang nilalang lang ang nakatira roon!" "Chacha! Magtigil ka nga! Hindi siya fairy!" Pagsabat naman ng batang lalaki na kasama ni Chacha. Dahil sa pagtatalo ng mga bata sa harapan ng dalaga hindi niya maiwasan na matawa dahil sa mga ito. Tila ba gustong ipagpilitan ng batang babae na fairy talaga ang dalagang nasa harapan nila. "Hahaha! Huwag na kayong mag-away. Hindi talaga ako fairy, kasi 'di ba ang fairy may pakpak? Nakikita mo bang may pakpak ako sa likod?" "Akala ko pa naman fairy ka, sayang akala ko pa namang magkakaroon na ako ng kaibigang fairy," nakabusangot na pahayag ng batang si Chacha. "Pwede mo naman akong maging kaibigan, Chacha," nakangiting pahayag ng dalaga sa harapan ng batang si Chacha. Dahil sa naging pahayag ng dalaga kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ng batang si Chacha. Tila ba mababakas sa mukha ng batang babae ang labis nitong kasiyahan. Habang ang dalawang batang lalaki naman ay tahimik lamang sa gilid habang palihim na nangingiti na rin. "Talaga? Yehey! May kaibigan na akong maganda," nagtatalon na pahayag ng batang si Chacha.   "Hindi ka po ba talaga fairy?" nakayukong tanong naman ni Beto sa dalaga. Bagamat pansin ng dalaga na nahihiya ang batang lalaki sa kaniya matamis siyang ngumiti dito bago sagutin ang tanong nito sa kaniya. "Kagaya ninyong tatlo, tao rin ako at hindi fairy." Nakangiting sagot ng dalaga habang marahan niyang hinahaplos ang buhok ng batang si Beto. "Kung hindi ka po fairy, bakit po ang ganda-ganda ninyo?" Pagsabat naman ni Toto. "Talaga? Maganda ba ako?" nakangiting pahayag naman ng dalaga sa batang si Toto. Mabilis namang tumango ang tatlong bata sa harapan ng dalaga dahilan upang hindi niya mapigilan ang tumawa. Sa mga oras na 'yon pakiraman ng dalaga na tila ba unti-unting nababawasan ang lungkot niya dahil sa tatlong batang nasa harapan niya. Mas lalo pang napangiti ang dalaga ng bigla na lamang pumunta sa likod niya si Chacha at marahang hinawakan ang buhok niyang kulay abo. Samantalang marahan namang lumapit sa harapan niya si Toto at matiim na tinitigan ang mata niya. "Hala! Alam ko na! Porendyer ka po! Tama po ba ako?" patango-tangong litanya ni Toto na tila ba isang matanda kung kumilos. "Porendyer?" nakakunot ang noo na tanong ng dalaga sa batang si Toto. "Opo! Iyong pong nakatira ka ibang bansa. Iyon po kasi ang sabi sa akin ni nanay." Matamis na napangit ang dalaga ng mapagtanto niya kung ano ang ibig sabihin ng batang si Toto. Ang ibig sabihin pala nito ay kung foreigner ba siya. Kaya naman tumango na lamang ang dalaga sa bata sapagkat hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa mga ito kung sino ba talaga siya. Dahil kahit siya ay hindi niya alam sa kaniyang sarili kung ano nga ba kahaharapin pa niya sa buhay. Ilang minuto pa ang nakalipas ng magpaalam ang tatlong bata sa dalaga. Doon din nalaman ng dalaga na Toto pala ang pangalan ng batang lalaki na nakabangga niya. Habang Beto naman ang pangalan ng isa pang batang lalaki na kasa-kasama rin ni Toto at Chacha. Hindi pa nagtagal ang paglalakad niya hanggang sa makarating siya ang isang baryo na tila namamangha sa kaniyang hitsura ang mga taong naroroon. Batay pa lamang sa hitsura ng mga ito napansin ng dalaga ang pagtataka sa mukha ng mga ito. Napansin niya naman ang matandang babae na may hawak na walis na papalapit sa gawi niya.  "Iha, malayo pa lang ay ika'y aking tanaw na, saan ka ga nanggaling at ganiyan ang iyong postura?" Puno ng pagtatakang tanong ng matandang babae sa dalagang nasa harapan nito. Dahil sa naging tanong ng matandang babae hindi kaagad nakaimik ang dalaga. Sapagkat kahit siya ay hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa naging tanong sa kaniya ng matandang babae na ngayon ay nasa harapan na niya. Gusto man niyang sabihin sa matanda kung saan siya nanggaling ay pinili na lamang niyang hindi sabihin dito. Sapagkat natatakot ang dalaga na baka isipin nito na nababaliw na siya o 'di kaya naman ay nagsisinungaling lamang siya. "Aba ay oo nga naman! Ikaw ga ay galing sa sayawan at ganiyan ang iyong postura? Pagkakagandang babae naman ng batang 'to!" pagsabat naman ng isa pang matandang babae na may hithit na tabaco. "Hindi po ako galing sayawan." Magalang na pahayag ng dalaga sa dalawang matandang nasa harapan niya. "Aba ay saan ka galing? Foreigner ka ga iha? Pagkakaganda mo e!" pagsabat naman ng isang matandang lalaki na may hawak-hawak na manok na panabong. Sa halip na sumagot pa ang dalaga ay magalang na lamang siyang yumuko sa mga taong nasa harapan niya. Walang sinayang na oras ang dalaga at kaagad na nagpaalam sa mga taong nasa harapan niya. Nang makaalis siya sa harapan ng mga taong hindi niya kilala  kaagad naman siyang napakunot ng noo dahil wala siyang natatandaan na ganoong lugar. Sa hindi malamang dahilan unting-unti na palang umaagos ang kaniyang mga luha. Habang minamasdan niya ang lugar kung saan nakatayo ang dati nilang mansyon. Hindi pa man gaanong nakakalayo ang dalaga ay hindi niya maiwasan na hindi pakinggang ang usap-usapan ng mga taga-baryo tungkol sa kaniya. Tila ba nababalot ang mga ito ng katanungan kung saan nga ba talaga siya nanggaling. Sa halip na makinig pa sa mga ito pinili na lamang ng dalaga na magpatuloy sa kaniyang paglalakad. Kung kanina ay labis ang pagtataka niya sa baryo na kaniyang nasilayan ngayon naman ay labis-labis ang kaba na nararamadaman niya. Sapagkat hindi niya kaagad napagtanto kung anong buhay ang kahaharapin niya. Kung kanina ay puno ng tao ang nakikita niya ngayon naman ay napalitan ng iba't ibang puno sa bawat gilid ng dinadaanan niya. Tila ba nagsilbing palatandaan ang mga puno dahil sa naging tayo ng mga ito na parang isang gwardiya na sunod-sunod na nakapila. Hindi pa man nagtatagal ay may natatanaw na ang dalaga na kakaibang daanan. Kung kanina ay lupa ang tinatapakan niya ngayon naman ay napalitan na ng sementadong karsada. Labis-labis ang pagtataka ng dalaga kung saan na siya napadpad at kung bakit may kakaibang sasakyan siyang nakikita na tila ba bago sa kaniyang paningin. Sapagkat ang huli niyang natatandaan ay hindi pa gaanong magagara ang mga sasakyan sa lugar nila. Sa isiping 'yon hindi maiwasan ng dalaga na hindi mangamba dahil hindi niya alam ang buhay na kahaharapin niyang mag-isa. Laking pasasalamat na lamang ng dalaga kung may mabuting puso ang makakatulong sa kaniya sa lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Dahil sa pagod na nararamdaman sumandal ang dalaga sa isang puno na hindi kalayuan sa sementadong karsada kasabay nito ang unti-unting pagpikit ng mata ng dalaga.   Anong kayang naghihintay na landas ang kaniyang tatahakin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

SILENCE

read
381.9K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.2K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.7K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook