bc

Drink On Me, Lord Fraden

book_age18+
29
FOLLOW
1K
READ
dominant
prince
heir/heiress
bxg
mystery
vampire
another world
seductive
wild
vampire's pet
like
intro-logo
Blurb

In a small province far away from the civilized world, there's legend that a man living in an old mansion gives everything a person desires in exchange of something. He can give money, job, gold, fame, and even death. By hearing all the story from different people, Andromeda decided to try her luck and borrowed money for the medication of her dying sister. Andromeda knew she was dealing with someone who's not human but she didn't cared. A year had passed, Andromeda wasn't able to pay back her dept from that man and meet him again to somehow fullfill her promise to comeback even without the payment but she also came back to ask for another wish and that is to put an end to someone's life.

To pay her debts the mysterious man made her signed a new contract that will make her work for 20 years as a blood bank for her master. The man also promised her to be rewarded a pile of golds if she finished her contract since that's their rule. Andromeda is tired living with cruel humans so she willingly entered the dark world of Vampires.

Upon entering the Vampire world, Andromeda even discovered that her master is the most respected, most powerful and dominant, Lord Fraden of Coxile Kingdom.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Takbo!" Hindi ako nakagalaw kahit pa paulit-ulit niya akong sinisigawan. Ayaw kong sumunod dahil alam kong wala ng ibang mapupuntahan. Wala ng ibang ligtas na lugar kung hindi sa tabi niya. Umiling ako. Ayoko. "Hahanapin kita. Pangako, magkikita tayo ulit." Mahina niyang sabi. Napakalamig ng tono niya. Tumingin ako sa paligid nang umihip ang malamig na hangin. Ang turo niya, indikasyon ang malamig na hangin na may paparating. "Hindi ko alam kung saan ako pupunta! Maaamoy lang din nila ako. Wala na akong ibang mapupuntahan!" Sigaw ko pabalik at sinubok na lapitan siya pero mabilis siyang humatak ng napakalaking sanga ng puno para maharangan ako. Napapitlag ako sa gulat. Ngayon ay wala na siya sa paningin ko. "Sa bulsa mo. Naglagay ako ng talulot ng Ponsa. Tumakbo ka hanggang sa makarating ka sa mga tubig." Agad kong kinapa ang tinutukoy niya. Nilabas ko iyon at tumingin sa malaking sanga. Hindi ko na siya makita dahil ang lapad ng harang. "Hihintayin kita roon. May mahihintay ba ako?" Wika ko. Hindi ito sumagot pero nakarinig ako ng malakas na kalabog kaya nagmamadali kong kinain ang talulot. Sigurado akong nakarating na ang mga humahanap sa akin. Tatakbo na sana ako nang marinig ang mga bampira sa kabila. "Asan ang tao?" Boses ng pampirang kilalang-kilala ko. Siya ang bukod tanging nanggigigil na mahawakan ako. Boses pa lang niya ay kinikilabutan na ako. Kahit alam kong mas malakas ang lalaking pomoprotekta sa akin ngayon hindi ko pa rin mapigilan na mangatog ang mga tuhod. "Tingin mo aabot kami rito para lang sa huli ay sasabihin ko sainyo kung nasaan siya?" Talagang hindi nila ako titigilan. "Alam mo kung gaano kaimportante ang dugo ng babaeng iyon sa amin pero bakit pinagkakait mo? Nakinabang ka na. Hayaan mong kami naman!" Malakas na sigaw nito. Dapat na akong tumakbo. "Sa dami niyong gusto makatikim ng dugo niya, mapapatay niyo siya!" Parang mga baliw na tumawa ang mga kausap niya. Marami sila. Maraming-marami. "Sino bang nagsabi na hindi siya mamamatay?" "At bakit ba parang lumambot na ang puso mo? Hindi ba't ikaw itong gustong makaganti? Ito na ang tyansa natin!" Pumikit ako at hinawakan ng mahigpit ang bag na hawak ko. Ang bigat sa dibdib. Kahit alam kong hindi siya mamamatay, makakaramdam pa rin naman siya ng sakit. Baka pahirapan nila siya. "Isa lang siyang Karo. Wala na siyang silbi kaya nga tinapon dito. Bakit nagkakaganyan ka ngayon?!" Nahigit ko ang aking hininga nang may kumalabog ulit na parang may tumalsik at humampas sa matigas na bagay. Gusto kong tumingin pero kailangan ko nang magmadali. May limitasyon lang ang bisa ng talulot. Kapag nawala ito ay mabilis na lang nilang malalaman ang kinaroroonan ko. Nagsimula akong tumakbo palayo. Sobra akong natatakot. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako sa lugar na ito. Wala na akong ibang mapagtataguan. Napakaliit ng islang ito para hindi nila ako mahanap agad. Nagmura ako sa aking isip nang maalala kung bakit nga ba ako narito. Hindi ako mapupunta rito kung hindi dahil sa babaeng iyon. Naging isa akong Karo dahil sa pagkainggetera niya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko maging ang mga yapak ko ay maririnig nila. Kinagat ko ang ibabang labi at mas binilisan ang pagtakbo. Diretso lang ang takbo ko. May mga napapadaan akong mababangis na hayop pero hindi nila ako napapansin dahil sa talulot. Kung wala ito, baka kanina pa ako nagutay-gutay ng mga ito. Bawat hakbang ko ay paulit-ulit na panalangin na sana ay maayos lang ang lalaking iyon. Napakalaki ng naitulong niya sa akin at kahit ramdam ko ang galit sa puso niya, alam kong may paki siya sa akin. Kahit marahas siya at nasasaktan ako minsan. Ramdam ko ang paki-alam niya. Nadapa ako at napasubsob sa mga malalaking ugat na nakausli. Napagulong pa ako nang bahagya dahil pabulusok na ang tinatahak kong daan. Nakaramdam ako ng hapdi sa bandang tenga ko kaya nang dahan-dahan akong makatayo sinubukan kong haplusin ang tenga. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kamay. Agad kong pinunas sa puno ang dugo. Pumunit din ako ng tela sa damit ko para masimot ang dugo mula sa gasgas na natamo. Hindi ako pwedeng magkaroon ng bukas na sugat. Kaya nila akong maamoy kahit pa may talulot ako. Nang masiguro kong wala na ang bakas ng dugo ay tinapon ko ito sa taas ng puno bago tumakbo ulit. Ang sukal ng buong paligid pero diretso lang ako. Hindi ko talaga ma-gets ang point kung bakit niya ako pinapapunta sa tubig. Wala akong pagtataguan doon. Ang tubig roon ay parang asido na hindi mo gugustuhing languyin. Kaya nga natawag itong tapunan ng mga kriminal dahil walang pwedeng makaalis. Tapunan din ng mga tulad kong isang Karo. Noon ay importante ako. Ngayon wala ng silbi. Habang tumatakbo nakaramdam ako ng kaluskos kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Napakabilis ng t***k ng puso ko. Ramdam kong may humahabol na sa akin. Hayop man o bampira, parehong delikado. Agad kong natanaw ang tubig na sinabi ng lalaki. Iyon na ang dead end pero kailangan kong marating iyon. Tuloy lang ang mabilis kong pagtakbo nang biglang may sumunggab sa akin. Napatili ako sa gulat. Tumalsik ako sa mga damo na puno ng tinik kaya napahiyaw pa ako sa hapdi na tumusok sa buong katawan ko. Dahil sa mga tinik nasugatan na naman ako. Tumulo ang konting dugo sa iba't-ibang parte ng balat ko. Nanlaki ang mata ko nang mamataan ko ang sumunggab sa akin kanina na papalapit sa akin. Isang malaking aso na kawangis ng leon. Payat ito at puro butas ang katawan. Napakapangit niya at malalaki ang matalas na mga ngipin. Hindi niya ako nakikita pero inaamoy niya kung nasaan ako. Inaamoy niya ang dugo ko. Kahit hindi niya ako nakikita, alam kong mahahanap niya ako kapag hindi ako agad nakaalis. Tumingin ako sa paligid. Paano ko gagawin iyon kung puro tinik ang maaari kong daanan. Sa pagkakataong ito hindi ko mapigilang tawagin sa isip ang pangalan ng lalaking iyon. "Fraden," bulong ko sa sarili. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya dapat pang-isipin. Hindi na dahil hindi na ako ang Kairu niya. Wala na kaming koneksyon at siguradong nakakuha na siya ng bagong bubuhay sa kaniya. Hindi iyong tulad ko na matigas ang ulo at palaging may kontra. Hindi na niya kailangan ng dugo ko. Kinagat ko ang ibabang labi. Kailangan kong gumawa ng paraan para mag-survive. Hindi ako papayag na mamatay sa ganitong paraan lang. Gumilid ako at sinubukang hawiin ang kurtina ng mga tinik. Ngumiwi ako sa sakit nang matusok ako ng katalasan nito pero hindi ako tumigil. Humawi ako nang humawi hanggang sa magkaroon ako ng madaraanan. Pinilit kong 'wag dumaing nang malakas dahil naging alerto at agresibo ang hayop. Tumakbo siya papalapit sa pwesto ko habang nakikiramdam. Dahan-dahan akong gumapang palayo. May mga tinik ulit kaya tinanggal ko ulit. Minadali ko hanggang sa makarating ako sa dulo kung saan wala na ang baging ng tinik. Mabilis akong gumapang palabas pero halos panawan ako ng ulirat nang pag-angat ko ng tingin ay nagngingitngit sa galit na muka ng aso ang bumungad sa akin. Hindi ko na napigilang sumigaw sa gulat at takot kaya agad akong sinakmal ng aso kahit hindi niya ako nakikita. Instinct lang niya kahit hiyaw ko lang ang naririnig. Nasakmal niya ako sa balikat pero agad akong dumampot ng bato para ihampas sa muka niya. Panandalian ko siyang nailayo sa akin kaya kinuha ko ang tyansa na iyon para tumakbo ulit. Nakalapit na sa kaniya ang kasama nito at tumakbo sila para habulin ako. Ang dami ng dugo sa katawan ko. Wala ng paraan para maitago ang sarili sa pang-amoy nila kaya tinakbo ko ng mabilis ang daan papunta sa tubig. Hindi ko na kailangan lumingon para tignan ang mga humahabol sa akin dahil ramdam ko na sila na malapit sa akin. Sumigaw ako ulit nang nakagat ang paa ko dahilan para bumaliktad ako. Nasaktan ang bukong-bukong ko pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Tinignan ko ang paligid. Inangat ako ng malalaking aso. Napatiwarik ako sa hangin at nakaharap ko ang isa pang aso na mukang gutom na gutom. Tumutulo ang malapot nitong laway mula sa matalas niyang pangil. Sinubukan niyang ilapit ang muka sa akin para makumpirma na may nakuha nga sila. Dinilaan pa nito ang balikat ko at para itong naulol nang malasahan ako. Lumabas ang lahat ng pangil niya. Handa na akong lapain kaya nagpumiglas ako pero anong laban ng isang taong tulad ko sa mababangis na asong ito? Pumikit ako at tanggap na ang kapalaran. Hindi ito ang inasahan kong mangyayari sa akin pero mukang ito ang kabayaran sa mga padalos-dalos kong desisyon noon. Ito ang kabayaran ng buhay na hiniling kong mawala. Ito ang bayad sa buhay at perang inutang ko. Gusto ko lang ng normal na buhay kasama ang kapatid ko. Normal at maayos pero rito ako dinala ng buhay. Napamulat ako ng mata nang makarinig nang palahaw ng aso at mga nagkikiskisang tuyong dahon. Nilibot ko ang nakabaligtad kong paningin para malaman kung anong nangyayari. Wala na sa harap ko ang aso kaya sinundan ko ang tunog ng palahaw. Sa kanan ko nakita ang asong wala ng ulo. Sa harap niya ay nakatayo ang isang lalaki habang hawak sa isang kamay ang ulo ng hayop. Hindi ko makita gaano dahil nakabaliktad ako. Narinig ata ng asong nasa tabi ko ang hinaing ko kaya binitawan niya ang paa ko at tinuon ang galit sa pumatay sa kasama niya. Bumagsak ako sa lupa. Hinimas ko ang batok dahil unang bumagsak ang ulo ko. Akala ko nga ay naputol na ang ugat ko pero may wisyo pa naman ako. Sinubukan kong tumayo habang nakatingin sa lalakiny sumagip sa akin. Pumikit pa ako ng ilang beses dahil nanlabo ng konti ang paningin ko. Naningkit ang mata ko. Nakatalikod sa akin ang malapad na likod ng lalaki pero kilalang-kilala ko kung sino iyon. Ang tangkad, ang braso, ang pigura. Ang kaninang mabilis na pintig ng puso ko ay parang mas nagwala nang makita siya. Napaawang ang bibig ko. Gusto kong banggitin ang pangalan niya pero wala na akong lakas. Presensya pa lang niya ay nauubos na ako. Nawawala at natutuwa ang pakiramdam ko. Hindi ako dapat masaya na makita siya pero gustong tumalon ng puso ko. Lumingon siya patagilid kaya natanaw ko ang nakadepina niyang panga at ang ilong na napakatangos. Tinahulan siya ng hayop na naging dahilan ng paglingon niya sa banda ko. Tumingin siya sa hayop bago ako kinulong ng mapupula niyang mga mata. Nahigit ko ang hininga dahil sa tingin na iyon. Blangko at sobrang lamig. Na parang gusto akong angkinin hanggang sa kaluluwa ko. Tingin na palagi niyang pinupukaw sa akin pero hindi pa rin ako nasasanay. Parang gusto ko pa na yakapin ang sarili dahil sa lamig na naramdaman. Nararamdaman niya ako. Tulad lang ng palagi niyang ginagawa. Pinagmasdan ko ang buong muka niya. Bakas ang kalupitan sa itsura nito kaya kung hindi ko lang siya kilala ay baka nahimatay na ako sa takot- pero nakakatakot pa rin naman siya. Binabalda nga niya ako sa pader kapag nagagalit e. Ang ganda ng mata niya. Nakahihipnotismo kung hindi mo pagbabawalan ang sarili. Manipis ang mapupula niyang labi at ang mahabang buhok na mas nagpagwapo sa kaniya. Nasuot siya ng tradisyonal nilang pantulog na tshirt ang tawag sa mundo ng mga tao. Nahapit ang naglalakihan niyang dibdib at braso. Nagtataka ako kung bakit siya narito. Ako ba ang dahilan? Kung ako nga, bakit naman? Hindi niya na ako kailangan. Tapos na ang responsibilidad ko sa kaniya. Tinanggal niya ang tingin sa akin nang kinuha ng aso ang atensyon niya. Matalim niyang pinukaw ang tingin doon. Dahil sa tingin na 'yon biglang nabahag ang buntot ng mabangis na hayop. Parang nakilala nito kung sino ang totoong alpha kaya naglikha ito ng tunog ng pagkatalo. Yumuko ito para ipahatid na hindi ito lalaban bago kumaripas ng takbo. Nang umalis ang hayop, pansin ko ang paglanghap niya ng hangin. Napapikit pa ito na parang ninanamnam ang mabangong hangin. Dahil iyon sa dugo kong lantad. Pagtapos no'n ay nangunot ang noo niyang nilingon ako. "Found you," malamig at napapaos niyang wika. Maging ang mga mata niya ay kinakausap ako. Pareho silang may nais ipahiwatig. Masyadong malalim ang boses niya. Nakakalunod pakinggan. "Anong ginagawa mo rito?" Bulong ko. Kahit sa hangin ko sabihin iyon ay alam kong maririnig niya. Naglakad siya papalapit sa akin. Umawang ng konti ang mga labi niya habang nakatingin sa mga sugat ko. Kapansin-pansin pa ang pagtaas baba ng adam's apple nito. Para itong biglang natakam sa isang potahe na nasa kaniyang harapan. "Ang dumi mo," komento niya sa itsura ko. Nakakagulat talaga ang abilidad niya. Napairap ako sa aking isip. Dala pa rin niya ang magiging maarte niya. Para itong may OCD na iritado sa mga bagay na hindi nakaayon sa gusto niya. Kasama na roon ang mga dumi. "This place also stinks and you being here will make all of the creatures living here go crazy. You smells so damn good." Muntik ko pang hindi maintindihan ang sinasabi niya dahil napapaos siya. Namutawi ang galit sa mga mata niya habang ginagala ang paningin sa katawan ko. Napaatras ako nang nilahad niya ang kamay para hawakan ako sa leeg kaya dumilim ang muka niya. Binaba nito ang kamay at bumuntong hininga. "Did someone bit you?" Dahil sa tanong na 'yon napasapo ako sa'king pulso na hindi ko dapat ginawa. Walang ano-ano nitong hinablot ang kamay ko kaya nalapit din ako sa kaniya. "Tangina," siya habang masama ang titig sa hangin at hinaplos ang pulsong may sariwang kagat. Sunod niya akong tinignan ng masama kaya napalagok ako. "B-bakit? Hindi ko naman kasalanan na pagkain ang role ko sa mundo niyo." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Who the heck did this? I can spare time a time to rip someone's head before we go." Madiin niyang bigkas. Hindi siya nagbibiro. Alam kong kapag sinabi niya, gagawin niya. Nagagalit siyang may ibang nakatikim ng dugo ko? Umiiral na naman ang ego niya. Napaka-possessive na wala naman sa lugar. "Bakit ka ba narito?" Pag-iiba ko ng usapan. Alam niyang ito ang teritoryo ng mga pampirang galit na galit sa pamilya nila pero na rito siya at mukang mag-isa pa. "Para sunduin ka. I'll get you home." Nabuhayan ako sa sinabi niya pero medyo nakaramdam ng pagkadismaya. "Sa mundo ko?" Umiling siya. "Sa dati mong kwarto." Biglang nawala ang pagkadismaya ko. Natuwa ako pero hindi ko pinahalata. Ayoko ko pang bumalik sa mundo ko. Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero gusto kong manatili sa mapanganib na lugar na ito. Sa mundong ito kahit nasasaktan at natatakot ako alam kong may purpose ako. Kahit dugo ko lang naman ang importante sa mundong 'to. "Paano? Wala na akong pagsisilbihan sa kaharian niyo. Hindi na ako pwedeng bumalik." "Feed me." Hindi na pwede. "May Kairu ka na. " Gumalaw ang panga niya. "When will you ever actually quickly obliged with my orders?" Parang gustong sumabay ng kulog sa kalangitan sa boses niya. "Pero-" Mas tumiim ang panga niya at napapikit pa ng mariin. "Bakit ba pero ka nang pero? I am Lord Fraden, I don't ask. Wala akong pake kung ayaw mong umalis sa lugar na 'to, sa kahit anong desisyon mo. " Napatikom ako ng labi sa sinabi niya. Wala naman akong balak na tumanggi. Gusto ko na nga umalis sa nakakatakot sa lugar na 'to. Naiisip ko nga lang ang lalaking tumulong sa akin. Kailangan nilang magkita. Napansin niya ang pagtahimik ko kaya bumuntong hininga siya at humarap nang maayos sa akin. "I'll let you eat chocolate cake. I payed tons of gold to get that s**t so better come back with me." Pakiramdam ko nagningning ang buong paligid sa narinig. Noong nasa mundo ako ng mga tao kelan man ay hindi ko natikman ang ganoong klaseng pagkain. Dito lang ako nakatikim at naging paborito ko na. Nakakagulat na napakahirap pa lang makakuha ng ganoon dito. "You need to gather your strength so you'll not faint as I eat you later." Nasamid ako ng wala sa oras. Wala namang malisya dapat iyon pero hindi ko mapigilang maberde. Napahaplos ako sa pisngi ko dahil sa init na naramdaman. Ngumisi siya sa akin. "Now, let's f*****g go. I hate this place," aniya. Umarte siya na nangdidiri habang sinisipat ang paligid. Hinawakan niya ako sa pulso at sinubukan hilahin para maglakad pero dumaing ako dahil nanakit ang balakang at paa ko. Sinamaan niya ako ulit ng tingin dahil hindi nasunod ang gusto niya. Wala talagang pasensya ang taong- pambirang ito. "What?" Pikon niyang tinaliman ang tingin sa akin. Ayaw kong sabihin ang masakit sa akin dahil hindi niya iyon bibigyan ng importansya. Makasarili itong prinsepe na ito e. "May kailangan kang makilala-" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil napalingon siya sa likod ko na parang may naramdaman roon. Humangin sa paligid kaya alam kong may dumating. Agad akong lumingon pero napigilan na ng katabi ko ang ulo ko sa paggalaw. "Andra," rinig kong tawag sa akin ng dumating. Mabilis akong nilagay ni Fraden sa likod niya para harapin ang pambirang kadarating lang. "You have the same voice as mine. Sino ka?" Saad ng prinsepe gamit ang maawtoridad na boses. Hindi na hawak ni Fraden ang ulo ko kaya malaya ko silang nilingon. "Ikaw ang dapat kong tanungin. Sino ka, at bakit tila magkawangis tayo?" Sagot ng lalaking kumopkop sa akin sa nakakatakot na lugar na 'to. Ngayong magkaharap sila, nakumpirma kong talagang para silang nakaharap sa salamin. Magkamuka-magkamuka ang dalawa. Pareho ang lahat maging sa kanilang pangalan. Fraden din ang pangalan ng lalaking tumulong sa akin. Lord Fraden naman ang pangalan ng mayabang na prinsepeng katabi ko ngayon. Kung hindi ko kilala ang dalawa, baka nabaliw na ako sa pagkilala sa dalawa. "Magkawangis?" Tanong ni Lord Fraden. Alam kong nangungunot na ang noo ng prinsepe ngayon. Maiksi lang ang pasensya siya at syempre ganoon din si Fraden na siyang hari sa islang ito. Inalala ko ang sinapit ko sa kamay ng dalawa. Walang pagkakaiba. Parehong marahas. Kambal ba ang dalawang ito? Mukang hindi nila kilala ang isa't-isa. Nakakagulat na malaman na ang dalawang bampirang nasa harap ko ngayon ay mga prinsepe ng kaniya-kaniya nilang kaharian. Dalawang may sariling paninindigan at layunin sa buhay. Ang mga layunin na iyon ay siguradong hindi ikakabuti ng kahit na sino sa kanila. "Gumamit ka ng salamangka para tularin ang wangis ko. Andra, lumayo ka sa kaniya. Ako ang tunay na Fraden." Direkta akong tinignan ni Fraden at pinapalapit sa kaniya. Nanunuyang tumawa si Lord Fraden. Nabigla na lang ako nang mawala ito sa tabi ko at naipako na niya si Fraden sa malaking puno na halos ikinabaon niya. Tumakbo naman ako papalapit para pigilan ang dalawa. Malakas ang dalawa. Siguradong hindi sapat ang isang araw lang para magalusan nila ang isa't-isa. "Don't f*****g mimic me. I dont have the vision to see your face but clearly, I could tell that you are an impostor trying to imitate me," madiin na saad ni Lord Fraden. Kahit bulag ito mas magaling pa siya sa mga nakakakita. Nakakakita siya sa pamamagitan ng hangin. Hindi hadlang ang kawalan niya ng paningin sa kung anong kaya niyang gawin ngayon. Maging ang paghinga ko ay alam kong ramdam niya. Lahat ng kilos ng paligid nito ay alam niya. "Hindi mo makukuha sa akin si Andra kahit gayahin mo ang lahat sa akin!" Sinipa ni Fraden ang prinsepe na ikinatalsik nito. Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay. "Tara na." Nagulat ako nang binuhat niya ako. Agad akong umalma pero handa niya na akong itakbo nang nakalapit na naman si Lord Fraden sa kung saan. Pinitik siya si Fraden kaya nabalda na naman ako sa lupa. Hinimas ko ang balakang ko. Ang sarap murahin ng dalawang ito. Hindi na lang kasi mag-usap nang mahinahon hindi iyong nagsisipaan at nagbubugbugan pa. Akala nila ay ginagaya sila ng isa't-isa. Gusto kong isigaw na, haler, magkakambal kayo. Walang nanggagaya. Sisihin niyo nanay niyo kung bakit kayo magkamuka. Hindi ko naman sila masisisi na ganiyan ang reaksyon nila. Mukang lumaki sila na walang alam. Idagdag pa na nasa magkaibang kaharian namuhay ang dalawa. "Don't ever call my human's name again! She's mine and if you wish to be dead I'll gratefully reward it to you!" Sigaw ni Lord Fraden. Sinuntok niya ng malakas si Fraden. Nagkaroon iyon ng malakas na impact kaya humangin patalikod ang buhok ko. Kung ako siguro ang sinapak niya sa ganoong paraan ay baka natanggal ang ulo ko. Kinagat ko ang labi ko. Hindi pwedeng ganito. Kung patuloy nilang gagawin 'yan ay matutunton ako ng mga humahabol sa akin at mas magkakaroon ng malaking problema. "Tama na! Tigilan niyo na ang pagtatalo dahil pareho naman kayong may mali!" Buong lakas akong lumapit sa kanila kahit mapanganib na mahagip ng kahit na sino sa kanila. Wala silang narinig kaya kumuha ako ng bato para malakas na ihagis sa dalawa. Nasalo iyon ni Fraden na nagpatigil sa kanila. Nilingon niya ako bago dinurog ang matigas na batong nasalo niya. Iyon ang naging tyansa ko para pumagitna sa dalawa. Balak ko sanang ipaunawa sa dalawa ang nangyayari nang bigla na lang akong higitin ng dalawa sa magkabila kong kamay para pag-agawan. Parehong matatalim at nakakataas ng balahibo ang tingin ng dalawa. Dalawa silang walang pasensya at mga brutal na pinuno ng mga bampira. "Let go of her," maawtoridad na utos ng prinsepe kay Fraden. "Ikaw ang bumitaw. Akin ang babaeng 'to," ganting lamig ni Fraden. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Humigpit ang hawak nila sa mga palapulsuhan ko. "N-nasasaktan ako," daing ko ngunit abala pa rin sila. "Akin ang Kairu ko. Bitaw Marden, bago pa sumagad ang pasensya ko," si Lord Fraden na gigil na gigil. "Isa na siyang Karu. Walang lugar dito ang mga tulad mong taga labas. Dito niyo tinatapon ang mga basura niyo, anong meron sa babaeng 'to na kakailanganin mong tumawid sa dagat ng asido para lang mangalkal? Hindi ko hinayaang mangalkal ang sino man sa kaharian ko." Ngumisi ang Prinsepe. "Ako ang susunod na Hari ng Coxile. Wala kang karapan na pigilan ang nais ko. I could send an army to crash this place without blinking. Maswerte pa kayo dahil binubuhay pa kayo at pinapakin." Dahil sa sinabi ni Lord Fraden nag-alab sa galit si Fraden. Mabilis niyang kinwelyuhan ang prinsepe. "Kung ikaw ang susunod na mamumuno, dapat pala ay hindi na kita palabasin ng buhay rito! Pero bago iyon, marami akong kailangan malaman tungkol sa'yo." "F-Fraden at... Lord Fraden." Tawag ko sa atensyon nila pero walang nakikinig. Bumilis ang t***k ng puso ko. "Hand me my human and I'll let this through. You could live as the cheap Fraden all you want in this garbage punishment island," utas ni Lord Fraden. "L-Lord Fraden..." Tawag ko naman sa atensyon niya. Sa sobrang busy ata nilang magpatayan sa tingin hindi na nila napansin na dumating na ang mga kinatatakutan kong mga bampira. Unang bumungad sa akin ang malademonyong ngisi ng leader nila. Agad akong napahawak sa braso ni Fraden na siyang napansin ng Prinsepe kaya agad niya iyong tinapik palayo. Nainis ako sa pagiging okupado nila. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "Sige, mag-agawan kayo sa akin! Para pareho kayong hindi makinabang! Kung hindi kayo titigil hahayaan kong sila ang makakuha sa akin!" Dahil sa sigaw ko, natigil sila. Sunod-sunod namang umalingawngaw ang malademonyong tawa ng mga pampira sa paligid. "H'wag kayong magtalo dahil sa amin ang babaeng 'yan." Napasinghap ako dahil sa isang kurap lang ay may nakalapit na agad sa akin pero hindi ako nadampian ng kamay dahil naharangan na agad ako ni Lord Fraden. Para akong tinakasan ng hininga dahil sunod-sunod ang mga nagtangka na kuhanin ako. Walang nagtagumpay dahil dalawang Hari ang sumangga para sa akin. Ang bibilis ng mga pangyayari. Halos hindi ko masundan ang mga kilos nila. Nakatayo lang ako na parang tuod. Tumili ako nang mahablot ako ng leader ng mga bampira. Hinanap ko si Lord Fraden pero abala pa ito sa limang kalaban niya. Tatawagin ko sana ito nang takpan ng lalaki ang bibig ko. Nginisian niya ako at tinapon sa kalapit na puno. Parang namanhid ang katawan ko sa ginawa niyang iyon. Napaupo ako sa lupa. Umupo siya sa harap ko para may itarak sa binti ko. Para akong naparalisa. Sobrang sakit ng ginawa niya. Hindi pa ako nakakabawi sa pagtapon niya nang punitin nito ang damit ko. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako nakapagsalita dahil namanhid na ang katawan ko. Ang alam ko lang lantad na ang pang-itaas na katawan ko. Tumulo ang luha ko nang pasadahan niya ng kaniyang dila ang mga sugat ko. Bigla akong nandiri sa sarili ko. Nakatingin lang ako kay Lord Fraden. Tinatawag siya sa isip ko at humihingi ng saklolo. Pumikit ako ng mariin nang hawakan ng lalaki ang bra ko at walang habas itong sinira. Ngayon ay wala ng tumatakip sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Sunod-sunod ng tumulo ang luha ko. Lord Fraden. Lingunin mo ko. Parang awa mo na. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang hinaing kong iyon dahil bigla na lang siyang napalingon sa banda ko. Nakaramdam na ako ng hapdi sa leeg na unti-unting sinisipsip ang dugo ko bago pa makalapit si Lord Fraden. Mabilis niyang binaon sa lupa ang mga kalaban at tinakbo ang pwesto ko. Sinipa niya at hinampas ng troso ang lalaking sumira ng damit ko. Nilapitan ako ng Prinsepe at napansin agad na wala akong pang-itaas na damit. Napansin din niya ang binti kong sinaksak pala ng punyal. Kaya pala napakasakit. Nag-alab ang mga mata niya. Nagtagis ang panga at napuno ng galit. Sunod niyang napansin ang leeg kong walang tigil sa pagdurugo. Kinagat ako ng pampirang iyon. Hindi rin maganda ang bagay na iyon dahil napaka possessive ang lalaking ito. Nagmura siya at kitang-kita ko ang pag-itim at pula ng mga mata niya. Nanlaki ang mata ko. Hindi maaaring maghalo ang itim at pula sa mga mata niya. Pinilit kong ibuka ang bibig ko para tawagin siya at pakalmahin pero hindi ko nagawa. Binundol ako ng sobrang kaba. Mas nakakatakot pa ito kaysa sa ginawa sa akin ng lalaki. "L-Lord... Fra... Fraden," pilit kong bigkas pero patuloy pa rin ang pagkulay ng bilog sa mga mata niya. Hindi ako makagalaw kaya kahit ang boses ko na lang ay dapat magpakalma rito. "H-huwag..." Nahihirapan talaga ako. Mas mahihirapan ako kapag hindi makokontrol ang maaaring mangyari. "H-hindi, Lord Fraden h'wag. Na... n-nahubadan lang ako, hindi ako gaanong... nasaktan. Please, kontrolin mo ang sarili mo, mapapatay mo rin ako kapag hindi mo pinigilan ang... ang kakayahan mo." Wala siyang naririnig. Pakiramdam ko ay wala na. Hindi na ang Prinsepe ang kaharap ko ngayon. Tuluyan na siyang kinain ng labis na poot. "Parang awa mo na, umuwi na lang tayo sa kaharian mo," mahina kong saad habang humihikbi. Yumuko ako. Sunod kong narinig ang sigawan ng mga kalaban na bampira. Pumikit ako ng mariin. Nagsimula na siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook