CHAPTER 2: The Return

1696 Words
FOUR AND A HALF YEARS LATER Damiel "Sir?" I suddenly turned to my secretary, Iza, who was peeking through my office door. My eyebrows raised as I stared at her. "What?" "Hindi pa po ba kayo uuwi? Five na po." She showed me her wristwatch. "Mag-out ka na," walang gana kong sagot sa kanya. Muli kong hinarap ang laptop ko. "Mag-o-overtime na naman po ba kayo, Sir?" Nakaramdam na naman ako ng inis sa tanong niya. Muli akong tumunghay sa kanya. "Bakit ka ba nangingialam?" Ang ayoko sa lahat ay makulit at nangingialam sa mga gawain ko. She is just a secretary. Nakita ko naman ang pagsimangot niya, kaya mas lalo pang naragdagan ang inis na nararamdaman ko ngayon. "Concern lang po, Sir. Hatinggabi na naman po kasi kayo uuwi. Palagi na lang po kayong puyat." Huminga ako ng malalim at napahilot sa sentido ko. Kailangan ko pa ring pakalmahin ang sarili ko bago pa tuluyang uminit ang ulo ko. "Leave me alone, please." "Okay, Sir. Kayo po ang bahala. Goodbye, Sir!" Kaagad din nitong isinara ang pinto. Napabuga na lang akong muli ng malakas na hangin at muling binalikan ang trabahong hinaharap ko ngayon sa laptop ko. But my phone suddenly vibrated on the desk next to my laptop, and the screen lit up with the name Mr. Houston. He was one of the private investigators I had hired to find Eunah. Pero pinahinto ko na isang taon na ang nakalilipas dahil wala naman silang mga kwenta. Napakaliit lang ng Pilipinas pero hindi nila magawa ang mga inuutos ko. I paid for their services for more than three f*****g years, but nothing happened. Hindi ko alam kung buhay pa ba o patay na ang babaeng ipinahahanap ko sa kanila. Pinahirapan ako ng babaeng 'yon. Huwag na huwag lang kitang makikita. Hinding hindi ko pa nakakalimutan ang atraso ng ama mo sa akin. Patuloy sa pagtawag sa akin si Mr. Houston. Ano na naman bang kailangan niya? Kaagad ko na ring dinampot ang phone ko at sinagot ito. "What do you need?" "There's news for you, Mr. Delavega." Bigla akong napahinto sa sinabi niya. My heart started beating fast. Eunah's face popped up in my mind. "Where is she?" I immediately asked him. "About his father, Mr. Delavega." "What?" Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Gumuhong mulii ang pag-asa ko. "Nakalaya na po si Mr. Alvin Ebora, ngayon lang po. Siguradong magkikita sila ng kanyang anak." Napaayos ako nang pagkakaupo sa swivel chair. Napaisip din akong bigla sa sinabi niya. Matagal nang hindi dinadalaw ni Eunah ang kanyang ama sa kulungan. Even her boyfriend has no idea where she is now. Iniwan niya rin ito noon nang walang paalam. Pinasundan ko rin noon ang boyfriend niya, pero maging ito ay naghahanap din sa kanya. Muli akong huminga ng malalim. "Alright. Make sure to keep a close eye on Ebora and find out where he's headed. Maaaring magkita nga silang dalawa ng anak niya." "Masusunod, Mr. Delavega. Babalitaan ko kayo kaagad." "Siguraduhin mo lang na sa susunod mong pagtawag ay siya na ang ibabalita mo sa akin." "I guarantee that, Mr. Delavega." Hindi na ako sumagot pa. Kaagad ko na ring pinutol ang tawag. Napasandal ako sa swivel chair at napabuga ng malakas na hangin. "I know you're avoiding me, Eunah. But I won't stop looking for you. Your father took my girlfriend away from me, and now you're her f*****g replacement... I will make sure that you and your father pay me back." *** Eunah "Papa, pwede namang ikaw na lang ang pumunta dito. Magpapadala ako ng pamasahe mo." "Anak, ikaw na nga ang nagsabi na mahirap ang buhay dyan. Bakit ba dyan mo pa naisipang tumira sa Batanes? Dulo na ng Pilipinas 'yan. May pinagtataguan ka ba? Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit bigla ka na lang umalis ng Rizal." Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Kasalukuyan ko siya ngayong kausap sa phone at nalaman kong nakalaya na pala siya. Masayang-masaya ako at gustong-gusto ko na siyang makita. Pero hindi ko pa nasasabi sa kanya na may apo na siya. "Sabihin mo nga sa akin. Ano bang naging problema? Sino bang pinagtataguan mo dito sa siyudad? May nakaaway ka ba? Ka-galit? Pinagtataguan mo ba si Walter? Tinanggal ka ba sa trabaho ng amo mo?" "Hindi naman, Papa. Kusa po akong nag-resign sa kanila." "Eh, bakit nga?" "Dito ko na lang po sasabihin sa inyo ang lahat, Papa. Umuwi ka na dito." "Hindi ako titira dyan, Eunah. Wala akong magiging trabaho dyan. Wala naman tayong lupain dyan. Ano'ng pagkakakitaan ko? Dito sa siyudad madali ang pera basta madiskarte lang." "Siguro gusto niyo lang habulin si Mama kaya ayaw niyong umalis dyan," sagot ko naman sa kanya. "Ano ka ba namang bata ka. May ibang pamilya na ang mama mo. Bakit pa ako manggugulo sa kanya?" "Tahimik dito, Papa. Makakapagsimula tayo dito ng bagong buhay." "Mama..." Bigla akong napalingon sa anak ko nang bigla itong lumabas ng bahay. Inatake din itong muli ng ubo niya. "Sakit leeg ko, Mama. Di ako makahinga!" Kaagad din itong umiyak. Kinabahan naman ako dahil nasa kabilang linya pa si Papa at siguradong narinig siya. "Halika dito. Halika." Kaagad ko siyang hinila at dinala sa kandungan ko. Ako naman ay nakaupo dito sa isang silya sa labas ng bahay namin. Wala kasing signal sa loob ng bahay. "Yan ba ang itinatago mo? Anak niyo ba 'yan ni Walter?" tanong ni Papa, na siyang ikinatahimik ko. Malalaman na rin naman kasi niya. Bakit kailangan ko pang itago sa kanya? "Hindi po si Walter ang ama, Papa." "Eh, sino? Taga-dyan ba? Kaya ba dyan ka napadpad?" "Hindi rin po. Mahabang kwento, Papa." "Eh, mukhang may sakit ang batang 'yan. Ilang taon na ba 'yan? Naririnig ko ang ubo niya." "Four na po. Inuubo at sinisipon. Pinaiinom ko na lang ng mga herbal." "Matigas ang ubo niya. Kailangan mo na 'yang dalhin sa doctor." "Malayo po ang doctor dito--" "Yan ang sinasabi ko sa iyo. Paano kung lumala 'yan? Saka ka magsisisi kapag huli na ang lahat. Mag-impake ka. Kayong dalawa ang lumipad patungo dito. Hindi hiyang dyan ang batang 'yan. Dito siya magagamot sa siyudad. Maraming doctor dito. Pakinggan mo ako, Eunah." Napahikbi na ako hanggang sa tuluyan na akong maiyak. Ayokong bumalik doon dahil natatakot ako na baka makita kami ni Sir Damiel. Baka makilala niya ang anak namin. Pero matagal nang nangyari ang lahat. Siguro naman ay kinalimutan na niya ako. Kunsabagay, madali lang 'yon para sa kanya dahil ginamit lang naman niya ako. Pagkatapos nang nangyaring 'yon sa aming dalawa ay bigla na lamang siyang nanlamig. Siguro ay nalasing lang din siya noong gabing 'yon at hindi niya rin 'yon kagustuhan. Baka nga masaya pa siya noong umalis ako. Hindi na siya mahihirapan pang tanggalin ako sa trabaho. "Susunduin ko kayo sa airport. Tumawag ka kapag pasakay na kayo ng eroplano," ani Papa mula sa kabilang linya. "Opo, Papa. Mag-aayos lang po ako ng mga gamit." "Mag-iingat kayo. Ano nga pala ang pangalan ng apo ko? Babae ba 'yan o lalaki?" "Babae po, si Eunice. Hi ka kay Lolo." Inilapat ko sa tainga ng anak ko ang phone. "Lolo?" Napatingala naman siya sa akin habang nakayakap sa akin. "Oo, si Lolo. Di ba gusto mo nang makita si Lolo?" Madalas ko namang ikwento sa kanya si Papa. "Opo. Lolo, uwi ka na? Uwi ka na po?" Kaagad din naman niyang hinawakan ang phone ko. Inilagay ko naman ito sa loudspeaker upang marinig ko pa rin ang sasabihin ni Papa. "Si Lolo nga ito. Pero hindi ako uuwi dyan. Kayo ang pupunta dito ng Mama mo. Ipapa-checkup ka ni Lolo sa doctor para gumaling na ang ubo at sipon mo." "Di nga po ako makahinga, Lolo, eh. Dami sipon sa ilong ko. Sakit leeg ko 'pag naubo." "Pinababayaan ka ba ng Mama mo?" "Pinapainom po niya ako ng gamot na mapait." "Hindi ka naman 'yata gumagaling dyan. Doctor na ang kailangan mo." "Opo. Doctor ka po, Lolo?" "Hindi ako doctor, pero maraming doctor dito. Kapag nandito na kayo, si Lolo na ang mag-aalaga sa iyo. Gusto mo ba 'yon?" "Opo! Dadalhin ko 'yong raruan ko, Lolo!" "Bibilhan kita ng maraming laruan dito." "Gusto ko ng barbie, Lolo!" "Kayang-kaya ni Lolo 'yan. Basta nandito ka na." "Opo! Pupunta na po kami dyan ni Mama!" "Kakausapin ko na ang Mama mo." "Opo. Mama." Kaagad ding iniabot sa akin ni Eunice ang phone ko. "Papa." "Madaldal din 'yang batang 'yan katulad mo. Huwag kayong mag-alala, kukuha ako ng bahay na marerentahan natin dito pansamantala. Magtatrabaho naman ako dito. Ako na ang bahala sa upa." "Saan po ba kayo nakatira ngayon?" "Kalalabas ko pa lang naman kanina. Nandito ako ngayon sa labas ng simbahan. Dito ako unang pumunta. Mamaya ay maghahanap kaagad ako ng apartment. May naitabi pa naman akong pera dito para sa downpayment." "Ikaw na po ang bahala, Papa. Mag-aayos na po kami ng mga gamit." "Hindi ko naman kayo pababayaan dito." "Opo." "Mag-iingat kayo." "Opo. Tatawag na lang po ako mamaya." Kaagad ko na ring pinatay ang tawag. Napabuntong-hininga ako ng malalim at niyakap ang anak ko. "Aalis tayo, Mama? Pupunta tayo kay lolo?!" "Oo, mamaya. Magliligpit muna tayo ng mga gamit." "Paano tinda natin?" "Dadalhin na natin. Kakaunti lang naman 'yan. Pumasok na tayo sa loob. Kunin mo 'yong bag mo. Isilid mo lahat doon ang damit mo." "Opo! Saka sa iyo, Mama!" "Sige. Iba-bag ko lang ang mga paninda natin." "Opo!" Kaagad na rin siyang tumakbo papasok sa loob ng maliit naming kwarto. Mahirap talaga ang buhay namin dito sa probinsya, lalo't wala naman kami ditong ari-arian. Nag-uupa pa nga kami dito sa barong-barong namin ng anak ko. Naubos ko na kasi 'yong ipon ko noon sa aming dalawa. Malaki rin ang nagamit ko noong manganak ako. May munting tindahan ako dito sa bahay namin, pero mas malaki pa ang mga utang ng mga kapitbahay kaysa sa kita ko. Hayst. Paano ko pa kaya sila masisingil ngayong aalis na kami dito? Tama naman si Papa. Kailangan ko na ring maipagamot sa doctor si Eunice. Pabalik-balik na kasi ang ubo niya. Mukhang hindi na nadadala sa herbal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD