TEASER

854 Words
“Kuya, sino po s’ya?” Nang maka-labas ako sa mans’yon ni Sir Colt, naabutan ko si Kuya Lans kasama ang katrabaho n’yang soldiers. Kapansin-pansin ang isang lalakeng naka-suot ng gula-gulanit na t-shirt at pantalon. Naka-posas patalikod ang kan’yang mga kamay habang kapit-kapit ni Kuya ang kadena na naka-kabit doon sa handcuff. Naka-side view sa aking paningin ang lalake na para bang isang bilanggo. “Lizah, ‘wag kang lumapit sa kan’ya.” Bago ko pa sila malapitan, napa-tigil ako sa pag-hakbang dahil sinaway ako ni Kuya. Naka-titig at naka-tulala lang ang preso sa damuhan. Kahit kalahati lang ng kan’yang imahe ang nasisilayan ko, sobrang guwapo naman n’ya para maging isang bilanggo? Mas lalo tuloy ako na-intriga kung ano ang kasalanan n’ya. “Kuya, saan s’ya nanggaling?” “Sa underground punishment. Limang buwan na s’yang naka-kulong doon. Pinapalipat s’ya sa amin ni Boss Darius sa prison dome,” tugon sa ‘kin. Hindi ko talaga kinurap ang mga mata ko habang titig na titig sa lalake na para bang tutunawin ko na s’ya. Kawawa ang kalagayan n'ya dahil halatang pumayat s’ya tapos nasilip ko pa na ang dami n’yang pilat sa likod. Kung hindi ako magkakamali, sugat ‘yon dulot ng latigo. Pinarusahan s’ya sa underground. “Ano po ang kasalanan n’ya?” “Isa s’yang malupit na pinuno ng kabilang organisasyon. Maliban sa marami kaming natatanggap na report na pinagmalupitan n’ya mga babae, may atraso rin s’ya kay Madame Anghelisha.” Natigilan ako lalo na sa huling binanggit ni Kuya. “S-Si Madame Anghelisha?” “Hindi ko nga rin alam kung bakit pa nila binuhay ‘to. Lumambot na yata ang mga puso ng boss natin. Dapat pinatay na nila. Dumagdag pa ng pamamunin sa dome.” Si Madame Anghelisha, ang kaisa-isang anak na babae ni Boss Kruger na tinutukoy ni Kuya Lans. Ano kaya ang ginawa n’ya kay Madame? “’Wag mong lalapitan ang taong ‘to, Liz. Ipagawa mo na lang sa iba ang duty mo kapag sumakto ka rito,” makahulugang paalala ni Kuya. “Opo.” Naudlot ang paguusap namin dahil dumating na si Sir Colt. Binigay pala ang susi ng selda para rito sa lalake na ikukulong nila. “Liz, aalis na kami.” “Ah, sige po, ingat po kuya.” Umalis na sila. Sinundan ko pa rin ng tingin lalo na ‘yong lalake. Nakalimutan ko tanungin ang pangalan ng bilanggo. Naka-layo na sila kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko maalis sa isip ko ang lalakeng ‘yon pero ‘di bale na, makakalimutan ko rin mamaya. All around servant ako rito sa Demorgon’s village. Teritoryo ng mga mafia. Kung ano ang utos sa ‘kin ng mga soldiers at capo, sinusunod namin. Magisang taon na yata ako sa serbisyo at ganoon din ang kuya ko. “Liz, sa prison’s dome ang trabaho natin mamayang lunch. Tayo ulit ang mag-s-serve sa mga preso.” Habang nagpapahinga ako rito sa loob ng hideout ko, pumasok ang katrabaho ko para i-inform sa ‘kin about sa duty namin. Sinangayunan ko s'ya Pag-sapit alas onse y media, tinungo na namin ang isa sa pinakamalaking prison dome rito sa village. Dumiretso kami agad sa kusina. Kan’ya-kan’ya kaming kuha ng malaking push cart. Isa-isa kong dinampot ng mga ready to eat ration at maingat na nilapag sa loob ng cart. Sa second floor ako mag-d-distribute. Napakain ko ang 55 inmates dito sa second floor. “Liz!” Naagaw ang aking pansin nang tinawag ni Marta ang pangalan ko. Nilingon ko s’ya. Nasilayan kong tumatakbo s’ya sa gitna ng hallway. Nang tumigil s’ya sa likod ko, tuluyan ko s'yang hinarap. “Bakit?” “Halika muna, sundan mo ako.” At hinila n’ya ako papuntang elevator. Umakyat kami sa third floor. Nilakad pa namin ang hallway hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang selda, rito sa kaliwa. “Hindi n’ya kinakain ang binigay kong pagkain…” At doon ko nasilayan ang isang lalake. Napamilyaran ko agad dahil s'ya 'yong nakita kong kasama ni Kuya Lans kaninang umaga. Naka-upo lang s’ya sa sulok. Naka-kadena na ang kan’yang mga paa. Naka-yuko pa ang kan’yang ulo at tuliro pa rin. Malamang masalimuot ang pinagdaanan n’ya sa underground punishment. He looks so depressed. Nakakatakot din at the same time. Parang aatakihin n’ya ako kapag lumapit ako sa kan’ya. Gusto ko tuloy malaman kung ano ba talaga ang nagawa n’ya kay Madame Anghelisha. “Kawawa naman s’ya, Liz… Ngayon ko lang ‘yan nakita rito. Mukhang bagong salta lang s’ya…” Tumango ako. “Parang nanghihina rin s’ya, Liz.” Hindi n’ya ginalaw ang food ration sa tray na nasa harapan n’ya lang. “Kinakausap ko s’ya kanina pero hindi sumasagot. Nasobrahan pa nga siguro ang pangungulit ko at sinamaan n’ya ako ng tingin. Nakakakilabot lumapit sa kan’ya. Parang mangangagat.” Hindi naman ‘to hayop para mangagat. “Tawagin mo si Kuya,” sambit ko. “Bakit?” “Hingin mo ang susi ng selda ng lalakeng ‘to.” “Ha?! B-Bakit anong gagawin mo?!” Binalingan ko ng tingin si Martha rito sa tabi ko. “Susubuan ko s’ya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD