bc

AURELIA : THE HIDDEN QUEEN (SPG)

book_age18+
4.9K
FOLLOW
38.6K
READ
dark
one-night stand
HE
opposites attract
badboy
mafia
like
intro-logo
Blurb

My Dangerous Lovers 1. Inosenteng matinong dalaga X mapang-abusong mafia boss (kinuha sa pamamagitan ng pwersa)

WARNING: MATURE CONTENTTanging pagtakas lang sa poder ng ama ang naisip ni Aurelia na gawin para hanapin ang kapatid na si Alatheia. Pero sa ginawa n'yang pagtakas, isang panganib ang nasuong ng inosenteng dalaga. Dinukot siya, ibinenta at ginawang bihag. Ang malala pa roon ay ginawa siyang premyo sa isang laban. Laban kung saan matira ang matibay. Halos lahat ng kalalakihan ay naulol sa kanyang ganda. Halos mawalan na ng pag-asa ang dalaga, pero dumating si Leander. Ang lalaking kinatatakutan sa underground world, ang lalaking nagkukubli sa itim na maskara. Kinalaban nito ang mga lalaking nais siyang makuha. Nanalo ito. Akala ni Aurelia ay ligtas na siya, akala lang pala niya iyon. Dahil mas malupit ang lalaking nakakuha sa kanya. Paano pa nga ba ipagpapatuloy ni Aurelia ang paghahanap sa kanyang kapatid , kung bihag na siya ng demonyong inakala n'yang anghel na mag-aalis sana sa kanya sa impyernong lugar na iyon? Ang masaklap pa roon, bihag na nga siya, nais pa nitong pakasalan siya.

chap-preview
Free preview
1
"Hawakan ninyo ang batang iyan." Gigil na hiyaw ng aking ama. Sa kamay nito'y sinisimulan na n'yang iikot sa kamao ang dulo ng sinturon. Malungkot ang naging ngiti ko, kahit anong gawin ko ay para lang akong basura kung tratuhin ng aking ama. Hindi na nga rin ako nabigla na handa na naman itong saktan ako, habang nakaharap ang mga pinagkakatiwalaan nitong tauhan. Tinitigan ko lang ito, walang ningning ang mga mata, dahil alam kong hindi na naman natuwa si papa sa akin. "Dexter, kumalma ka. Huwag mo namang saktan ang bata." Nakikiusap ang aking tagapag-alaga na si Nana Gara. Hinawakan pa nito ang kamay ng aking ama, at nakikiusap talaga ang tinig. "Hindi, Nana Gara. Sumusobra na ang katigasan ng ulo ng batang ito. Lahat ay naaagrabayado sa isang ito. Lahat ay ipapahamak n'ya, at mukhang hindi pa rin nagtatanda." Asik ng matanda. Pumalag ako sa dalawang lalaking nakahawak sa braso at balikat ko. Para namang napapasong bumitiw ang mga ito. Tumayo ako nang tuwid, hindi nagtangkang tumakas kahit pa alam na ang kahaharapin. Ngumiti pa nga ako kay Nana Gara, kahit na naiiyak na ito. "It's fine, Nana Gara." Malambing ang tinig na ani ko sa matanda. "No, it's not! Minsan na nga lang pupunta rito ang iyong ama, tapos balak ka pa n'yang saktan." Asik ng aking Nana Gara. Tama ito. Minsan na nga lang magawi si papa sa mansion na ito, pero nanggagalaiti pa ito sa galit. "Wala kang pakialam kung disiplinahin ko ang anak ko, Nana Gara. Labas ka sa usaping ito. Kayo..." turo nito sa mga naka-standby na tauhan. "Ialis n'yo si Nana Gara rito." "H-indi! Hindi ako papayag na saktan mo ang alaga ko." Hiyaw ng matanda sa pamangkin nito, sa aking ama. "Tabi!" napakislot pa ako sa labis na gulat nang sigawan ni papa ang ginang. Hinila na rin ito paalis ng mga armadong lalaki. Maayos kong inilahad ang palad ko. Alam ko na ang ibig sabihin ng sinturon sa kaliwang kamay nito. Ang paghakbang nito palapit ay sign na handa na itong parusahan ako. Nagkamali ako. Para rito ay kasalanan iyon. Tinangka ko kasing lumabas sa lugar na ito, tinangka pero nahuli ako ng tauhan. Tauhan na loyal dito. Nagsumbong, at ngayon ay araw nang paghahatol. Sa unang paghataw ng sinturon sa palad ko, agad akong napapikit sa labis na sakit. Pero tiniyak kong maibabalik ko pa rin sa pwestong gusto ng ama ko ang akong palad. Gusto kong lumabas para hanapin si Alatheia. Gusto ko lang ding matiyak na ayos ito at nasa mabuting kalagayan. "Hindi ka talaga titigil. Ang tigas ng ulo mong bata ka." Isa... dalawa... hindi ko na tanda kung ilan na iyon sa bilis nang pagpalo nito. Nababahala ako dahil mahigit dalawang linggo, simula no'ng huling dumalaw ang nakatatanda kong kapatid na si Alatheia. Hindi ako sanay sa gano'n katagal na hindi ito nakikita. Narinig ko lang din naman sa isang tauhan na may kausap sa telephone noong nakaraan, na kasalukuyan nawawala ang kapatid ko. Hindi tiyak kung naglagalag lang ba ito, o baka may dumukot na. Ayaw kong isipin na baka napahamak na ito, kaya nga gusto ko siyang hanapin. Pero ito ang inabot ko. Ang malupit na kaparusahan mula sa aking sariling ama. Si Alatheia... malaya n'yang nagagawa ang gusto n'ya. Nakakapag-aral siya sa eskwelahang gusto n'ya, nakakapag-mall, sine, nakakakain sa labas. Pero ako, nahinto ang kalayaan kong iyong 8 years ago. Noong na aksidente kami ng aking mama. Pagkalabas ko sa ospital ay rito na ako dineretso, at hindi na nagkaroon nang pagkakataon na makalabas pa. Unfair? Sabi ni papa, para raw sa safety ko. Pero ang nakakatawa roon, pakiramdam ko'y hindi rin naman ako ligtas sa apat na sulok ng bahay na ito. Dahil sa mismong kamay nito, nasasaktan ako. "Tama naaa!" hiyaw ni Nana Gara. Nakuha nitong makabalik sa sala ng bahay. Agad ako nitong niyakap, kaya rito tumama ang huling haplit ng sinturon. "Nana!" galit si papa. Hindi nagustuhan ang pakikialam ng matanda. "Bakit kailangan mong ibuhos sa bunsong anak mo ang lahat ng sama nang loob mo sa mundo? Bakit kailangan siya ang mag-suffer? Walang ginawang mali si Aurelia. Nais lang n'yang tiyakin na ayos ang ate n'ya." "Walang ginawang mali? Iyan ang hirap sa 'yo, Nana. Hindi mo nakikita ang maling ginagawa nitong alaga mo. Ano sa batas ko sa bahay na ito ang hindi n'ya maintidihan? Bawal siyang lumabas. Sa mundong ito, lahat ng taong kilala namin ay alam na patay na siya. Kailangan manatiling patay ang batang ito sa paningin ng lahat. Huwag n'yong guluhin ang mga bagay na matagal ko nang naiayos." Singhal nito. Napayuko ako. Habang si Alatheia ay may karapatang lumigaya sa labas. Ako naman ay umiikot lang dapat sa mansion na ito ang kasiyahan ko. Kaya hindi ko maiwasang maiyak, habang yakap-yakap ng isang tao na kahit kailan ay hindi ako iniwan. "Sumusobra ka na, Dexter." "I don't care, Nana. Anak ko ang pinag-uusapan natin dito. Dito lang siya, period. Huwag n'yong ipilit ang bagay na alam nating lahat na ikapapahamak lang n'ya." "Bakit hindi mo na lang kami deretsohin? Until now ay galit ka sa kanya, dahil hanggang ngayon ay nakatanim sa utak mo, na siya ang sinisisi mo sa pagkamatay ni Theara. Tama ako, 'di ba? Dexter, sampung taon lang si Aurelia. Anong alam ng alaga ko sa car accident na iyon?" Sinong anak ang gugustuhin na maaksidente ang kinalululanan na sasakyan kasama ang ina? Wala. Pero tama si yaya. Ako ang sinisisi ng aking ama, kung bakit hindi na namin kasama ang aking ina. Ako ang may kasalanan. Aminado rin naman ako. Ako ang pumatay sa aking ina, kung hindi ko siya niyayang tunguhin ang eskwelahan ni Alatheia no'ng araw na iyon... hindi sana kami na sangkot sa aksidente. Hindi rin sana kamumuhian ni Alatheia ang araw ng kaarawan ko. Hindi naman galit si Ala sa akin, pero ang isa lang n'yang hiling na sinang-ayunan ko na lang din ay huwag nang alalahanin ang kaarawan ko. Walang pagbati, walang selebrasyon. "Shut up." Malamig ang tinig na ani ng aking ama. Iniabot nito sa tauhan ang sinturon. Saka ito tumalikod. Baka sa sunod na magkamali ako'y muli itong tatapak sa mansion na ito. Parang napapaso ang aking ama na manatili nang matagal, dahil oo, nakikita n'ya kasi ang taong sinisisi n'ya hanggang ngayon, kung bakit nawala si Theara El Calvo Arkanghel. Ako. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang pinakamamahal n'yang tao. Ang aking ina. "Aurelia..." habag ang tinig ng matanda nang bigkasin nito ang aking pangalan. Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay na may panibagong sugat na naman. Hindi ang mga sugat na iyon ang magpapabago sa plano ko. Kailangan kong makaalis sa mansion na ito, kailangan kong hanapin si Alatheia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook