Episode 1

1414 Words
Cath Two Days After Agatha's Death "The mysterious death of Agatha Mendoza was already solved, investigators found out that it was suicide." "Devastating suicide story of Agatha Mendoza-- the famous and uprising author of the Philippines." "Possible reasons why Agatha Mendoza ended her life-- as per her parents, teachers and classmates." "The famous author of the book "The Day Where My Life Ends And Ours Begin" died because of suicide." "The J.K. Rowling of the Philippines killed herself because of depression." Tuloy-tuloy na tumutulo ang aking mga luha habang hawak ko ang aking cell phone. Binabasa ko ang mga f******k posts ng iba't ibang news websites patungkol sa pagkamatay ng bestfriend kong si Agatha. Viral na viral ang pagkawala niya to the point na nakarating na ito sa iba't ibang bansa. Ni hindi na nga rin ako makapanood sa television, eh. Mag-dadalawang araw nang top news sa iba't ibang TV stations ang kanyang pagkamatay. Nasasaktan lang ako sa tuwing napapanood ko ang mga iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Hindi ko kayang isipin na hindi ko na siya makakasama pa. Hindi ko pa rin kaya ang sakit. I am never ready for her unexpected exit. You know the feeling when you already found someone whom you planned to share your future with? 'Yung tipong planado mo nang makita siyang hanggang sa tumanda ka. Pero bigla na lang siyang kukunin sa 'yo. 'Yung wala nang balikan. 'Yung wala nang take two. 'Yung wala ka nang magagawa kundi ang tanggapin na lang. Na wala na. Na tapos na. Ang sakit. Sobrang sakit tanggapin. But you know what hurts the most? It's seeing people to assassinate her name just for money. Because of them, she is now the face of depression and suicide. Kilala ko ang bestfriend ko, hindi papasok sa utak niya ang mag-suicide. I know her better than the freaking investigators who investigated her case. It's already eleven o'clock in the evening. Pasalampak akong humiga sa aking kama. Natutulala akong pinagmasdan ang puting kisame. Binitawan ko ang aking cell phone hanggang sa bumagsak ito sa aking gilid. Bumuga ako ng hangin. Pagod na pagod ako. Kagagaling ko lang kasi sa burol ni Agatha. Kanina, sobrang daming bumisita sa kanya. Never kong in-expect na ganoon pala kadami ang kanyang fans. Somehow, her fans made me stronger. I managed to temporarily forget the desolating feeling I have whenever I got the chance to talk with them. Ibinahagi nila sa akin kung papaano sila natulungan ni Agatha sa pamamagitan ng kanyang mga libro. Kung papaanong ang bestfriend ko ang naging dahilan nila para magpatuloy sila sa buhay. Ang saya lang isipin na marami kaming nagmamahal sa bestfriend ko-- na marami akong karamay sa pinakamahirap na yatang punto ng aking buhay. Humikab ako, ramdam na ramdam ko ang pagod na pagod ko nang mga mata. Simula kasi noong mawala si Agatha, nahihirapan na akong makatulog. Naiisip ko pa rin kasi siya lagi. Masakit. Sobrang sakit talagang isipin na wala na siya. Lalong lalo na kapag naaalala ko ang kanyang itsura noong makita ko siya noong araw na iyon. Hindi ko maalis sa aking utak ang puwesto ng kanyang nagkanda-lasog lasog na katawan sa baba ng aming school building. Pati na rin ang mukha niyang hindi na makilala dahil basag na basag na ang kanyang bungo dulot ng taas ng kanyang binagsakan. Nadudurog ang puso ko sa tuwing naaalala ko 'yon. It's the only view of her that I really want to forget. Bumuntong hininga ako. Kinapa ko sa gilid ko ang aking cell phone at saka muling binuksan ito. Nagpasiya akong mag-f******k na lang uli hanggang sa dalawin ako ng antok. One moment after, I resorted with Agatha's f******k timeline. Katulad ng lagi kong ginagawa, nagbabasa ako ng mensahe ng kanyang mga fans. This is my way of making her vivid memories overshadow the haunting memories of her dead body on my head. "Ang daming nagmamahal sa 'yo." Sabi ko sa sarili ko habang binabasa ko ang messages ng kanyang mga fans. I frown. "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?" Muli kong ibinagsak sa aking gilid ang cell phone ko. Pinilit ko na lang alalahanin ang memories na mayroon ako kasama si Agatha. And just like that, I began to smile as if I'm watching a great movie through my mind. It was last year when I first met her. To be honest, hindi ko inakalang magiging kaibigan ko siya. Kasi hello? Isa lang akong normal na tao samantalang siya? Big deal is the right description for her. Isa kasi siya sa famous authors ng Pilipinas. Sa ilang buwan na nakilala ko siya, never ko pa siyang nakitang malungkot. As in. Lagi siyang nakangiti. Wagas din kung makatawa. Siya iyong tipo ng tao na para bang walang problema. Kaya hindi rin nila ako masisisi kung hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa niyang mag-suicide. I am her bestfriend and I know her better. I know her better than the reporter who is fueling the thoughts of her being suicidal. I know her better than my teachers who are telling lies about her mental condition just to freaking see themselves on the television. I know her better than any investigators who clarified that she indeed died because of suicide. I am no Einstein, but I am her bestfriend and I should effin know her better. Ang Agatha na kilala ko ay hindi ang Agatha na iniimbento nila. Ang Agatha na kilala ko ay sobrang positive. Napopoint-out niya lahat ng silver linings ng kanyang mga problema. Hindi siya agad-agad sumusuko. She will never end her problems by ending her life. She will end it by surviving as she tried to solve it. Pero, bakit ganoon ang nangyari? Bakit siya tumalon sa school building namin. Bakit wala na siya ngayon? Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makahanap ng tamang rason para gawin niya iyon. Muli akong bumuntong hininga at kinuha ang cell phone ko. Kailangan ko ng makakausap. Si Luigi ang unang pumasok sa isip ko, gising pa kaya siya? Agad kong in-open ang Messenger. Pinindot ko ang pangalan ni Luigi. Ginugulo pa rin kasi ako ng utak ko. Hindi ko talaga kayang maniwala na magagawa 'yon ni Agatha-- hinding hindi, eh. I bit my lip before I type my message to him. You Lui... Luigi Hmm? Napalunok ako ng laway. Should I tell him what I'm exactly thinking right now? Blanko ang utak, nag-simula na akong tumipa nuli sa screen ng aking cellphone. You Typing... (What if hindi talaga nag-suicide si Agatha? What if may pumatay sa kan) Pero bigla akong natigilan. Parang ang bastos ko yata kapag sinend ko ito? His family is, practically, mourning right now and the last thing that I should do is to talk about her cousin's death. Ano ba, Cath? Jusko. Naiinis akong ginulo ang aking buhok. Binura ko agad lahat ng tinype ko at pinalitan 'yon. You Kaya natin 'to, everything has a reason. Let's just pray for Agatha's soul. Matapos noon ay nag-sad reaction lang siya. Napabuntong hininga na lang ako at saka muling ibinagsak sa gilid ko ang aking cellphone. I close my eyes as I took a deep breath. Binabagabag pa rin ako ng masamang kutob ko sa pagkamatay ni Agatha. Kung talagang nag-suicide siya, ano kaya ang dahilan? At kung talagang may tumulak sa kanya mula sa school building namin, sino kaya ang taong makakagawa ng ganoon sa kanya? Ang hirap. Ang gulo. Nakakabaliw. Kaunti na lang talaga at masisiraan na ako ng bait dahil sa kutob kong ito. Pero ang nakakalungkot lang kasi talaga dito, kahit ayaw kong paniwalaan ang ideyang siya ang kumitil sa sarili niyang buhay ay wala akong magagawa kundi ang paniwalaan na nag-suicide nga talaga siya. Base kasi sa report ng mga pulis, suicide nga daw talaga ang nangyari at hindi murder dahil walang nakitang ibang finger prints sa uniporme niya. Pero bakit iba talaga ang sinasabi ng kutob ko? Something's off here and I can't decipher why I strongly feel that what happened to my bestfriend is a murder case. Tumagilid ako at saka tumingin sa aking bintana. My sad eyes met the vast sky that's full of stars. My mind is just like the sky, but the only difference is that the sky is crowded by the stars while my mind is crowded by the thoughts of my bestfriend. Kung tama man ang kutob ko, I will really do everything just to unveil the culprit who killed Agatha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD