bc

TROPS#1: Married to the Mafia Boss

book_age18+
49
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
contract marriage
powerful
CEO
mafia
wild
like
intro-logo
Blurb

Paige just wanted what's best for her daughter— Quiyana. For her, Quiy was the best gift given to her. Kaya naman nang malagay sa alanganin ang buhay nito ay halos mawala na siya sa katinuan. Her daughter was kidnapped, and she needed money, connection, and just anything that could help her to bring daughter back to her.

Fortunately, a not-so-stranger man offered her a proposal. He will help her, and in return, she'll have to marry him. Out of desperation, Paige accepted his offer even without knowing that she's about to marry the mafia boss.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Huwag kang takbo nang takbo! Pagod na ako kahahabol sa'yo, Quiy!" Saway ko sa anak ko. Grabe naman kasing kakulitan, e. Akala mo bulateng binudburan ng asin. Tatlong taon pa lang 'to, pero feeling ko 'di ko na siya aabutan mag-college kasi ngayon pa lang, parang gusto ko nang sukuan. Ginusto ko rin naman 'to kaya ang masasabi ko na lang siguro ay… dasurb! Sa halip sa sundin ako, lalo tuloy siyang naging agresibo. Kulang na lang ikarga ko siya sa basket para lang manahimik talaga. "Iiwan kita rito sige ka," pananakot ko pero mukha namang walang katalab-talab 'yon sa bulinggit na 'to. "Kung hindi ka lang nasobrahan sa lusog kakargahin kita, e. Kaso daig mo pa ang bigat ng isang kaban ng bigas!" Reklamo ko na alam kong sa huli ay lulunukin ko rin naman. Kahit naman sakit sa ulo si Quiy, mahal ko pa rin naman siya 'no! Bigyan man ako ng sampung milyon, anak ko pa rin ang pipiliin ko. Palagi kaming nagbabardagulan pero siyempre for entertainment purposes only 'yon. Boring naman kasi kung hindi kami mag-iimikan 'di ba? Dalawa na nga lang kami tapos mapapanis pa laway namin. Kung may namana siguro siya sa akin, iyon ay ang katabilan ng dila. Pero mukhang nasobrahan iyong sa kaniya. Iyong akin kasi… kontrolado ko pa. Pero yung sa kaniya? Grabe! Overflowing. "Ang bagal mo po kasi maglakad, e. Binibilisan ko na nga po para 'di tayo maubusan," sabi niya saka ako inirapan. Kung 'di lang three years old 'tong kausap ko, baka kung ano na ang nagawa ko. "Paano ka mauubusan dito, e grocery store 'to? Maraming mabibili kaya 'di ka mauubusan," pagpapaliwanag ko. Bumuga siya ng marahas na buntonghininga, pagkatapos ay nagtaas siya ng isang kilay bago humalukipkip. "E bakit hanggang ngayon wala ka pa ring nahahanap na diaper ko?" Pangangatwiran niya. Lalong tumaas ang pagkaka-arko ng kilay niya. "Wala na raw stock na kagaya nung diaper mo, ma'am!" Pasarkastiko kong untag. "Ayun na nga, Mommy. Naubusan na tayo kasi ang bagal mong maglakad po. Para kang buntis. Nakita ko kanina yung isang Nanay na kinuha iyong last na piraso nung kagaya sa diaper ko, e. Aagawin ko sana kaso nakita ko yung asawa niya po. Ang laki ng katawan kaya nanahimik na lang ako." Nagkibit balikat ang paslit. Bakit ba ang dami niyang alam? Minsan iniiisip ko nga na baka joke lang talaga ako sa mundo, e. Na baka siya pala talaga ang Mommy at ako ang anak kasi mas marami pa siyang nalalaman sa akin. "Hindi ako buntis. Maka-ano na naman 'to. Ikaw nga mukhang penguin, may narinig ka ba sa akin?" Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kaniya. "Opo. Kasasabi mo lang," sagot niya. Minsan din ang sarap niya na lang ibulsa. Nakakainis! Lahat na lang may nasasabi. Palaging may sagot! "Quiyana Louise," pagtawag ko sa buo niyang pangalan. Kapag kasi ginagawa ko iyon, medyo tumitino naman kasi alam niyang papunta na ako sa puntong pagagalitan ko na siya. "Hindi na po tatakbo, Mommy," sabi niya saka mariing pinagdikit ang kaniyang labi. Napatango ako dahil sa kaginhawaan. Salamat naman kung gan'on. Twenty-four pa lang ako pero pakiramdam ko ay nasa sixty na ako. Ang sakit kaya sa kasu-kasuhan mag-alaga ng batang makulit. Dagdag pa kung palaging may birada. Kung 'di ko lang mahal, e. Kahit naman siya na rin ang pinakamakulit, sakit ng ulo, at magastos na anak, gagawin ko pa rin ang lahat para mabigyan siya ng magandang buhay na deserve niya. Hindi ko naman kasi naranasan itong mga ganito noong bata pa ako kasi hindi naman ako pinanganak na mayaman. May mga pagkakataon pa nga na 'di afford ng mga magulang kong bumili ng kahit na isang kilong bigas lang kaya ang ending… nangungutang muna sa kapit-bahay. Para sa akin, hindi rin naman nakakahiyang galing ako sa ganoong pamumuhay. Kahit naman hanggang ngayon, minsan humahantong pa rin ako sa puntong kailangan kong mangutang, pero at least marunong naman akong magbayad, kaya kahit magkanda-kuba pa ako sa trabaho, dodoblehin ko pa 'yong sipag ko para mabigyan ko ng magandang buhay ang anak ko. "Smile ka na pala ulit, Mommy. Hindi na po ako makulit," dinig kong sabi niya. Kaya mahal ko 'tong batang 'to, e. Kahit paano naman kasi… may lambing din naman. Unti-unting umangat ang aking labi para sa isang ngiti. Pumalakpak pa siya nang gawin ko iyon. "Ang ganda talaga ng Mommy ko…" papuri niya na minsan lang siguro sa isang buwan mangyari. Madalas kasi, puro lait lang ang naririnig ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung kanino ba nito namana iyong ganoong ugali, e mabait naman ako… mabait din naman mga magulang namin. "Tama na kapupuri sa akin, Quiy. Alam ko na 'yan dati pa. Akala mo ba dahil sa pinuri mo ako, e bibilhan kita ng chocolate?" Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. "Hindi. Kasi mauubos na 'yang mga ngipin mo," dagdag ko pa, dahilan kung bakit nalaglag ang magkabilang balikat niya. Bungi na nga, gusto pang kumain ng matatamis. Siyempre ayoko namang magsuot siya ng pustiso sa murang edad 'no! Dagdag pa na hindi ko rin naman afford iyong mga ganoong bagay. Hindi naman na siya umimik kaya itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa listahang sinulat ko kasi ako iyong tipong ang daming naiisip na bilihin kapag nasa bahay pa, pero kapag nasa bilihan na mismo… nakalilimot na. Napakabatang ulyanin. Nabili ko na halos lahat. Iyong diaper na lang ni Quiy at gatas ang hindi. Tatawagin ko na sana iyong anak ko pero kumabog ng malakas ang dibdib ko nang hindi ko siya nakita sa aisle kung nasaan ako. Kaagad kong ibinaba iyong basket na hawak ko, at sa mabibilis na hakbang ay hinanap ko si Quiy. Lalo lang bumibilis ang kabog ng puso ko sa tuwing napalilingon ako sa bawat madaanan kong aisle at hindi ko siya nakikita. Saan naman nagsususuot iyong batang 'yon?! "Quiy?" Tawag ko pero wala pa rin. Ilang aisle na ang nadaanan ko pero wala pa ring Quiy na nagpapakita. Natawag ko na yata lahat ng Santo na kilala ko, wala pa rin talaga. "Quiy, anak?!" I called her again, but I got no answer. Nanginginig na ang kamay ko at paiyak na rin nang sa wakas ay nakita ko iyong anak ko sa pinakahuling aisle kung saan ako pumunta. Pero hindi lang siya ang nakita ko roon dahil nakayakap siya hita sa isang lalaking mukhang gulat din sa ginawa ng anak ko. "Daddy…" sabi ng anak ko. Ha? Ano'ng daddy? "Quiy!" Saway ko dahil ako na iyong nahihiya. Napalitan na ng hiya iyong kaba ko kaninang hinahagilap ko pa siya. "Mommy!" Nanlaki ang mga mata niya nang lumingon siya sa akin, pero nanatiling nakayakap ang kaniyang munting mga kamay sa hita noong lalaki. "Huy. Bakit ka nakayakap diyan? Kilala mo ba 'yan?" Tanong ko bago ako lumuhod sa harap niya para maglebel ang aming mukha. "Hindi po," sagot niya. Napaangat ako ng tingin sa lalaki na gulat pa rin dahil halos lumuwa na iyong mga mata at hindi na yata humihinga. "Kilala niyo ho ba 'tong anak ko?" Iyong lalaki naman ang tinanong ko. Hindi siya nagsalita pero umiling siya. Napatingin tuloy ulit ako kay Quiy. "Hindi mo pala siya kilala, e. Bakit mo siya tinawag na Daddy?" Wala na talagang katapusang tanong 'to. "Ayaw mo kasi akong bilhan ng chocolate kaya naghanap ako ng puwedeng bumili para sa akin. Nakita ko siya rito kaya ayun… sinubukan ko lang naman po, Mommy…" sagot sa akin ng bata. Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha at napapikit. Ilang sakit ng ulo ba today ang aabutin ko dahil sa'yo, Quiy?! Pigil na pigil ko na lang ang sarili kong huwag siyang kurutin sa singit. Walanghiyang bata 'to! "I… I really thought I got someone pregnant. Geez… your daughter is something," sabi ng lalaki kaya muli akong napatingin sa kaniya. "P-Pasensiya ka na, Kuya. Nakakahiya iyong ginawa ng anak ko, pero sana po mapatawad niyo. Para po mas hindi kayo kabahan, ako na po ang nagsasabi na hindi po kayo nakabuntis. Congrats, Kuya," sabi ko sabay ngiwi dahil pa rin sa kahihiyan. Tumayo ako at hinawakan na sa kamay iyong si Quiy na panay pa rin ang ungot sa pagpapabili ng chocolate. "Why don't you buy her some? Ako na ang magbabayad," the guy offered, pero mabilis akong umiling. "Ay hindi na ho. Kaya ko naman pong bilhan pero bawal kasi tignan niyo naman po ang ngipin." Nilingon ko si Quiy na parang pato na naka-pout. "...kulang-kulang na," I added. Tumingin din tuloy siya sa anak ko. "Ano na lang ang gusto mo na hindi chocolate, baby? Ako na ang bibili para sa'yo," alok niya ulit. Sino ba 'tong isang 'to? Anak ba 'to ng Santo? Tumingin sa akin si Quiy na para bang gusto niyang tanungin sa akin kung papayag ba ako o hindi. Kung ako lang ang tatanungin, ayoko. Pero dahil ayokong umuwing may pinapatahang bata, pumayag na ako. Ang hirap pa naman niyang patigilin kapag nasimulan niya na ang pag-iyak. Parang kinakatay na hayop kapag gan'on. "Salamat sa libre, Kuya, ha? Kahit na hindi naman talaga kailangan. Dapat nga ikaw pa nililibre ko pambawi sa kaba na dinulot ng anak ko sa inyo." "It's nothing. Plus hindi naman ako kinabahan dahil ayokong magka-anak. Sa totoo nga niyan, matutuwa nga ako kung sakali, e," aniya kaya ako tuloy iyong nagulat. Hala siya? Hindi ba sa mga palabas, gan'on naman ang madalas mangyari? Kapag nalaman nilang nakabuntis sila, natatakot sila kasi ayaw nila sa responsibilidad? O hindi? "You're surprised, I supposed?" Bumuntonghininga siya bago nagpatuloy. "My parents are so obsessed with me having kids. Sa tuwing birthday ko, iyon ang wish nila para sa akin. They'd pray every night for me to finally settle with someone and have kids. Gusto ko na rin naman, but of course, marriage is not something na kailangan kong madaliin. It has to undergo a process, for I know how sacred it is," he narrated. Kung gan'on pala ang pananaw niya, bakit siya matutuwa na may anak siya (kung sakaling totoo man iyong ginawa ni Quiy kanina) gayong hindi pa siya kasal? "So, ayos lang sa'yo na magka-anak muna bago ikasal?" I inquired kasi gan'on ang pagkakaintindi ko sa gusto niyang palabasin. His eyes darted to me. Parehong salubong ang kilay namin; ako habang hinihintay ang sagot niya, at siya na para bang tinitimbag pa kung sasagot ba siya o huwag na lang. "Depends on the situation. Kung aksidente iyong nangyari— say I got drunk and accidentally impregnated a women who's under the influence of alcohol which I thought what happened when your daughter introduced herself as my kid, then yes—" "Kasi no choice ka, gan'on?" I cut him off. "Nope. Because that is what should be done, not because I have no choice, because if I wanted to, puwede ko namang hindi akuin iyong bata. That's if I am someone who's an a**hole," he replied. "Ano pong ibig sabihin ng a**hole, Mommy?" Tanong ni Quiy habang kumakain siya ng chocolate. Kahit anong pilit ko naman kasi na huwag 'yon ang bilhin, iyon pa rin ang gusto kaya napagbigyan na naman. "Huwag na huwag mong sasabihin iyong word na 'yon kasi bad word ang salitang 'yon, Quiy," bilin ko na kaagad namang tinanguan ng bata. Hindi na rin naman siya nagtanong pagkatapos n'on at nagpatuloy na lang sa pagkain ng tsokolate. "Pero siyempre, gusto ko munang ikasal bago ako magka-anak. I want my children to be made out of love," sabi niya kaya napataas na naman iyong isa kong kilay. "So, you're implying na ang mga batang ginagawa habang hindi kasal ang dalawang tao ay hindi made out of love?" Nakahalukipkip pa ako. Umangat ang gilid ng kaniyang labi para sa isang ngisi. "You can say that, but I'm not implying na gan'on lahat. That's just my opinion, Miss," he answered. Mabuti naman. "I'm Damien, by the way…" pagpapakilala niya. "Damien Salvatore," he added as he extended his right arm for a handshake. Napatingin ako sa kamay niya bago ko muling ibinalik ang tingin ko sa mga mata niya. "Paige," I uttered as I accepted his hand for a handshake. Hindi ko madalas gawin 'to pero pasalamat na lang ako na siya iyong nakita ng anak ko at hindi niya itinakbo sa akin si Quiy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
35.3K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.4K
bc

Just Got Lucky

read
142.2K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.9K
bc

The Luna He Rejected

read
139.7K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.2K
bc

Cruel Love

read
775.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook