MPSL Part 1

2317 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."   From the maker of The Handsome Flower.. *****                            My Plus Size Lover AiTenshi May 20, 2020   "Alam mo hijo, huwag kana humanap ng ibang taong mag mamahal sa iyo. Nariyan naman yung nanay mo, maniwala ka sa kanya, mahal na mahal ka niya." ang wika ni Mr. Aldo, pinaka magaling na shaman dito sa siyudad. "Pero Mr. Aldo, gusto ko namang makadama ng tunay na pag mamahal. Parang full of love ako, parang ang dami kong gustong ibigay sa tao na iyon." ang sagot ko naman sabay hinga ng malalim. Nangiwi si Mr. Aldo. "Huwag ka na ngang masyadong humihinga at nagigiba yung mga display ko dito sa silid. Saka lumalabas yung rabit mong teeth. Alam mo hijo, alam kong nasasabik ka sa pag mamahal pero hindi mo maaaring pilitin ang isang tao na mahalin ka kaya huwag mo silang bibiglain. Iyan ganyan itsura e, hindi maaaring daanin sa biglaan dahil iyan ay nakakasanayan. Oo, kumikita ako ng malaki sa iyo dahil linggo linggo ay nandito ka pero sana ay mag pahinga ka muna ha. Bibigyan kita ng amulet itatabi mo ito sa pag tulog mo." "Tapos po? Makaka attract na ba ito ng positive energy?" tanong ko. "Oo, bibigyan ka nito ng positive energy para matanggap mo ang katotohanan na hindi agad agad darating ang tamang tao para sa iyo. Baka na trapik siya o baka nag bigte na sa matinding konsomisyon." ang wika niya sabay abot sa akin ng papel na may pinta. "Libre na iyan ha, alis kana at naka harang ka sa entrance." Kinuha ko ang papel. "Salamat po Mr. Aldo." ang wika ko sabay tayo. Kinuha ko ang alak sa aking bag at lumapit sa kanya. "Eto po ang donation ko, isa po itong mamahalin alak galing sa Italy. Sandali po, mag bobow lang ako sa santo para swertehin ako sa audition ko mamaya." "Naku wag kana mag bow. Iwan mo nalang yung alak niya." ang wika niya. Ngumiti ako sa kanya at ini-unat ko ang aking kamay at saka lumuhod. Pero hindi ko akalaing marupok na pala ang altar dahil luma na ang kahoy nito kaya lumusot ang aking paa na natumba ako sa santo dahilan para mabasag ito.  Gulat na gulat si Mang Aldo dahil gumulong pa sa harap niya ang ulo ng lumang santo. "Naku sorry po, hindi ko alam na luma na pala yung sahig." "Naku naman Hans, ano ka ba? Bakit di ka nag iingat? Puro kamalasan nalang yung idinudulot mo sa tuwing pupunta ka dito. Bakit hindi nalang iyang mukha mo ang nabasag at hindi naman iyan kagandahan. Naku bata kaaaaa!" ang galit na wika ng Shaman. "Sorry po talaga. Babayaran ko nalang po yung santo." ang wika ko habang iniaalis ang aking hita sa butas ng sahig. "Hindi na. Lilipat nalang ako ng pwesto at huwag mo akong hahanapin. Huwag kang susunod sa akin ha, kundi babarilin kita ng shotgun!" ang galit na sagot niya. Habang nasa ganoong posisyon kami ay pumasok naman ang kaibigan kong si Migs. "Hans, ano ba ang tagal mo naman. Late na tayo sa audition mo." ang wika nito at laking gulat niya noong makitang nakasilat ang isa kong paa. "Ano bang nangyari sa iyo?" tanong niya. "Kaibigan mo ba iyan maitim na butanding na iyan. Iaalis mo na iyan dito at baka gawin ko pa iyan lechon baboy." ang hirit ni Mr. Aldo. "Naku pasensiya na po kayo Mr. Aldo. Hindi na po mauulit." pag hingi ni Migs ng dispensa. "Talagang hindi na. Itutumba ko pa iyan e." asar na sagot ng shaman. Agad akong hinila ni Migs at sa sobrang lakas ng pwersa ng kanyang pag hila sa akin ay pareho kaming na out of balance dahilan para bumagsak kami sa lamesa ng shaman, nawasak ang lamesa at nag kadurog durog ito sa aming dalawa. Napigtas rin ang tali sa kanyang kubol dahilan para magiba ito at tuluyang masira. Nadamay rin ang tent ng ibang shaman sa paligid kaya't nag kagulo ang mga tao sa lugar. Parang domino na bumagsak ang mga ito, hindi namin alam na mag kakarugtong lang pala ang wire na nakatali sa mga ito. “Umalis na kayo! Malas kayoooo!” ang sigaw ni Mang Aldo   Part 1 Ako si Hans, ngayon ay 20 years old na ako at kaka graduate ko lang sa kursong Management. Noong makatapos ako ng pag aaral ay excited na agad akong mag hanap ng trabaho para makatulong kina mama at papa. Halos isang makapal na kopya ng resume ang isinubmit ko sa mga hiring company pero wala ni isa ang tumanggap sa akin. Nakakapasa ako sa phone call interview at binibigyan ako ng excellent grade pero kapag nakita na nila ako sa personal interview ay bagsak na agad ako at nag babago ang ihip ng hangin para sa akin. 5'8 ang aking taas. Pero literal talaga akong malaki dahil halos umabot na sa 300 pounds ang aking timbang. Para na akong isang osong nag lalakad sa kalsada. Bukod sa hindi na nga maganda ang aking kutis dahil maitim ito at pati ang aking mukha ay hindi rin ganoon kapresentable. Ang aking ngipin ay sungki, pango ang ilong at ang aking labi naman ay makapal na maitim rin. Noong bata ako ay hindi naman ako ganito kataba, madalas lang akong biktima ng bullying kaya ang tanging naging karamay ko sa aking kalungkutan ay ang pag kain. Dahilan kung bakit ako lumaki ng ganito. Pero gayon pa man ay naging immune na ako sa mga insulto at pang aasar ng mga tao sa paligid ko kaya natutunan ko nalang tanggapin ang lahat, hindi na ako nasasaktan pa. Ano nga ba ang masakit sa katotohanan? Ito na siguro ang pinaka malupit sa lahat.. Bukod sa pag kain ay mayroon akong isa pang best friend. Ang pangalan niya ay Migs. Chubby siya pero hindi ganitong kalaki sa akin. Mas bagay sa kanya dahil maputi siya at makinis ang mukha. Kaibigan ko siya simula noong high school, sa iisang campus rin kami nag college pero mag kaiba kami ng kursong kinuha. Gayon pa man ay hindi naman nawala ang closeness namin lalo't pareho kaming miyembro ng choral sa campus. Tanging ang pag kanta lang yata ang pinaka magandang regalo sa akin ng Diyos dahil napapansin lang ako sa tuwing pinapa awit ako sa campus. Bagamat sa tuwing tatayo ako sa harap ng maraming tao ay nag tatawanan sila na hindi ko maunawaan. "Hoy Hans, galingan mo ha. Wala talagang audition ngayon araw na ito pero dahil highly recommended kita ay pinapunta nila tayo dito para pakinggan ang boses mo. Huwag kang mahiya, ang isipin mo ay malaking pera ang kikitain mo dito, showbiz ito at close sa stardom!" ang wika ni Migs. "Sa palagay mo ba ay makukuha akong artista na ganito ang itsura ko?" tanong ko. "Ano ka ba, hindi naman lahat ng artista ay visible sa tv o sa public. May mga artist na sa likod ng stage nag wowork katulad ng mga dubber, yung mga voice artist sa likod ng mga telenovela, soap opera o mga anime. O diba? Ang mahalaga ay may work tayo at mabili natin ang mga gusto natin." "Bakit kailangan sa secret room pa magaganap ang audition?" "Dahil nasa loob si Luke ang anak ng CEO ng Mega Music at siya rin ang director at taga mold ng mga singer. At naroon rin ang buong team sa loob." sagot niya. Habang nasa ganoong pag uusap kami ay lumabas ang isang beki sa silid. Nakataas ang kilay nito ay tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Ikaw na Black Barney." ang wika nito sabay abot ng papel sa akin. "Yan yung kakantahin mo. Good luck." "May copy na siya." ang wika ni Migs sabay bulong sa akin. "Iyan naman si Diego, ang pambasang bading ng Pilipinas, siya ang secretary ni Sir Luke. O, pasok kana. Kayang kaya mo iyan." ang wika niya sabay tulak sa akin sa loob ng silid at saka isinara niya ito. Noong makapasok ako sa loob ay nakita ko na agad ang limang taong nakaupo sa aking harapan, parang mga judge sa pinoy idol ang kanilang datingan. "Good afternoon Hans. Ako si Luke ang director ng Mega Music." ang naka ngiting bati ng isang gwapo at hunk na lalaki sa gitna. Nag patuloy ito sa pag sasalita. "Siya naman si Amir ang aming talent at siya naman ang manager ni Amir na si Jon. Sa gawing gilid ay naroon si Diego ang aking secretary at ang musical head na si Andrew." Natingin ako kay Amir at natingin din siya sa akin saka maya maya bumulong sa kanyang manager pag katapos noon ay pareho silang tumawa habang nakatingin sa akin. Gwapo si Amir, maputi, pang matinee idol ang dating. Pareho sila ni Luke na mukhang artista at modelo sa telebisyon. Pakiramdam ko ay lalo lamang bumaba ang self confidence habang naka tingin sa kanilang dalawa.. "Hans, ilang taon ka na bang kumakanta?" tanong ni Luke. "Since birth." ang sagot ko "Good. Naaral mo ba yung lyrics na ibinigay namin? Kung hindi naman ay pwede kang kumanta ng iba." ang wika ni Luke "Ayos lang po. Naaral ko naman siya kanina noong sinabi ni Migs." "Eh ilang bandehadong kanin naman ang nilalantakan mo sa isang araw at lumaki ka ng ganyan?" tanong ni Diego. Tawanan sila nila Amir.. "Napaka cruel mo talaga sis. Hindi bandehadong kanin ang kinakain niya kundi pati sarili niya." ang wika ni Jon, ang manager ni Amir. "Shhhh! Ano ba iyan? Bakit nag tatawanan kayo? Gusto niyong lumabas muna?" tanong ni Luke dahilan para matahimik ang dalawa mula sa pag tatawa. "Sorry Hans, pag pasensiyahan mo na iyang dalawang kulang sa pansin. Ready kana ba? Pwede na nating simulan." ang tanong niya. Ngumiti ako at tumango bilang tugon.. Sumenyas si Luke kay Andrew na at simula itong mag play ng minus one.. Tumingin ako kay Luke at ngumiti sa akin sabay bitiw ang "Goodluck." Tahimik.. MUSIC PLAYING When We Were Young Cover by Calum Scott (Voice of Hans)   Everybody loves the things you do From the way you talk To the way you move Everybody here is watching you 'Cause you feel like home You're like a dream come true But if by chance you're here alone Can I have a moment Before I go? 'Cause I've been by myself all night long Hoping you're someone I used to know   You look like a movie You sound like a song My God, this reminds me Of when we were young   Habang umaawit ako ay nakikinig lang sila Luke. Lahat sila ay nakatahimik at nakatingin sa akin. Noong mga sandaling iyon ay hinayaan ko lang dalhin ng musika ang aking puso sa taong nakikinig sa akin. Ang pag awit lang ang mayroon ito at ito lang ang tanging bagay na alam kong maipag mamalaki ko bilang isang taong nag tatago sa anino ng aking hindi kaaya ayang anyo. Ang musika lang ang tanging bagay na nag sasalba sa akin mula sa kalungkutan at sa mga sandaling ipikit ang mga mata at ibukas ko ang aking bibig ay lumalabas ang extraordinaryong talento na nag bibigay sa akin ng hindi mapapantayang saya. Patuloy ako sa pag awit.. Let me photograph you in this light In case it is the last time That we might be exactly like we were Before we realized We were sad of getting old It made us restless Oh, I'm so mad I'm getting old It makes me reckless It was just like a movie It was just like a song When we were young   Noong matapos ang aking awitin ay dumilat ako at dito ay nakita kong nakatingin pa rin sa akin sila Luke. Para bang na stun sila ng ilang sandali bago bumalik ang kanilang ulirat.. "Ehem." ang wika ni Luke na nag clear ng lalamunan.. "Salamat Hans, pwede ka nang lumabas. Tatawagan ka nalang namin agad tungkol sa resulta ng audition mo." ang wika ng direktor. Ngumiti ako at nag pasalamat sa kanila, bagamat parang hindi naman sila masaya. Ewan ko lang kung naappreciate nila ang aking pag awit. Basta ako? Ginandahan ko iyon, nilagyan ko ng puso at malalim na emosyon. Nasa kanila nalang iyon kung gusto nilang maramdaman ito. "Oh anong nangyari?" tanong ni Migs. "Tatawagan nalang daw ako." ang wika ko. "Naka ngiti ba sila? Humanga ba sila?" tanong pa rin niya. "Hindi ko alam, lahat sila ay seryoso na parang hindi natuwa sa kanilang narinig." tugon ko. "Hay naku, hindi lang talaga nila ineexpect na may talent ka at pang world class ito. Tayo na nga, kumain nalang tayo sa eat all you can!" pag yaya ni Migs sabay hila sa akin.. KINAGABIHAN.. Alas 8 ng gabi noong makapasok ako sa aking silid ay nag ring ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot. "Hello, si Hans ba ito?" tanong ng lalaki sa linya. "Ako nga po, sino to?" "Si Diego to, salamat sinagot mo rin. O, may pinapasabi si Sir Luke." ang wika niya. "Ano daw iyon?" tanong ko. "Na kamukha ka daw ni Black Barney combined with Godzilla." ang wika niya sabay "Char! Mag report ka daw dito bukas sa Mega Music para pumirma ng contract! Congrats pasok ka sa banga my big dragon!" ang wika niya. "Talaga ba? Tama ba yung narinig ko?" masaya kong tanong. "Kasasabi ko lang diba? Mag tutuli ka nga, chubis na to. O, bye na. See you bukas!" ang sagot niya sabay patay sa kanyang linya. Nakatanggap rin ako ng mensahe kay Migs na nakapasa nga daw ako sa audition at gustong gusto ni Luke ang aking boses. Ako naman ay tuwang tuwa. Dahil sa aking kaligayahan ay lumundag ako sa ibabaw ng aking kama pero biglang nabali at bumaluktot ang mga paa nito dahilan para bumagsak ito sa sahig kasama ako. Tumama ang aking pwet sa tiles at tumalbog pa ito na parang bola. "Aray, peke naman tong kama na ito. Next time yung kahoy nalang bibilhin ko para mas matibay." ang wika ko sabay pulot sa naputol na paa ng aking higaan at pilit ko itong itinukod pero bumabagsak pa rin.. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD