Chapter 3: The Mission

2426 Words
Aoife Panay ang bilin sa akin ni Ministro Brunto habang nilalakbay namin ang daan papunta sa bayan ng Sinorgus. Puro sang-ayon nalang ako sa mga sinasabi niya dahil ayaw ko nang humaba pa ang usapan. Iisa lang ang aking layunin sa pagpunta doon, ang malaman ang katotohanan sa likod ng misteryong nangyari. Kanina ko pa iniisip at pilit na pinagtatagpi ang mga haka-haka ko tungkol sa relasyon ng bampira at diwata. Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. “Gising na mahal na Prinsesa, malapit na po tayo,” marahan akong tinapik ni Ministro Brunto para magising. Iniayos ko ang bahagyang nagulong buhok at tinignan ang repleksyon sa salamin. Nang nakuntento sa hitsura ay itinuon ko ang atensyon sa kung nasaan kami ngayon. Sa labas ay nakita ko na ang iba't iba uri ng nga bampira base sa kanilang mga kasuotan. Hindi talaga pantay-pantay ang tingin nila sa isa't isa. Muling umusbong ang magkasamang galit at kaba sa sistema ko. Galit para sa maling pagtrato ng mga nakatataas sa kanilang pinamumunuhan at kaba dahil hindi ko alam kung ano ang aasahan sa bayang ito. Pagbaba ko sa karwahe ay pakiramdam ko isa akong kriminal na nililitis sa korte dahil sa mapanghusga nilang tingin. Magkakaiba man sila ng estado sa buhay, parepareho naman silang mapanghusga. “Bampira nga talaga sila,” mahina kong wika kay Ministro Brunto. “Mag-iingat ka sa iyong salita at kilos dito sa Sinorgus, Prinsesa marami sila at iisa ka lang. Hindi mo malalaman ang katotohanang nais natin kung sa unang araw palang ay napaslang kana.” Bigla tuloy akong nakonsensya dahil hindi ako nakinig sa mga bilin niya kanina. “Huwag mo akong alalahanin, mag iingat ako.” Sinamahan ako ni Ministro Brunto papunta sa palasyo ng mga bampira, may mga kawal na nag akay sa amin sa aming pupuntahan. Tumunog ng malakas ang nga trumpeta biglang pahiwatig na may dumating na bisita mula sa ibang lahi. Iniwan kami ng mga kawal sa harap ng napakalaking pinto ng tinatawag nilang korte. Wala man lamang pagpapakita ng magalang na pagtanggap ng bisita. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng korte at may panibagong kawal na humarap sa amin. “Maaari na po kayong pumasok mga mahal na panauhin,” wika niya sabay alis nang hindi nagbibigay galang. Bakit pa ba ako magugulat? Pumasok kami ni Ministro Brunto sa korte at doon ay bumungad sa amin ang tatlong bampirang may pinakamatataas na katungkulan sa bayang ito. Ang hari, ang kanang kamay at ang tagapamahala ng hukbo ng mga mandirigma. “Magandang araw po mahal na Haring Leroy, gaya po ng nasa liham na aming pinadala ay narito po si Prinsesa Aoife upang makipagkasundo sa inyo para sa digmaang pagdaigdig,” pagbabasag ni Ministro Brunto sa katahimikan. “Hindi naman siya mukhang nakikipagsundo.” Psh parang bata namang mag-isip itong isang ‘to. “Mawalang galang na mahal na Prinsesa, maari mo bang ipakita sa akin kung paano ba dapat ang mukha ng nakikipagkasundo?” Nabigla ang prinsesa sa aking pagsumbat, magsasalita pa sana siya nang sinenyasan siya ng hari na tumahimik. “What great courage and bravery you have there, aren’t you aware that you’re putting your life at risk with your words?” May lumapit na tagasalin ngunit agad ko itong pinigilan. “Hindi niyo na kailangan pang isalin ang sinabi ng hari, naiintindihan ko ito.” Sabi ko sa tagapagsalin at agad naman siyang umatras. “Batid ko pong maaari kong ikamatay ang aking pagsagot ngunit kapag ako'y inyong pinaslang nang dahil lamang dito, mapapatunayan na kayo ay pumapatay nang walang sapat na dahilan, gaya ng mga paratang sa inyo.” Bakit ba masyado kayong natatakot sa mga bampirang ito? Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan namin ng hari, bagamat hindi siya umiimik o nagpapakita ng emosyon, ramdam mo ang galit sa talim ng kanyang titig. Muli akong bumaling sa prinsipeng walang imik, nakaismid siyang nakatingin sa akin. “Ang ganyang klase ng tapang ay kapaki-pakinabang sa digmaan, ano ang magiging desisyon mo dito, mahal na hari?” Nahimigan ko ang pang-aasar sa kanyang boses. “Give me time to think of it. By the end of the day, I'll give you my decision. Sa ngayon, ipapakita sa'yo ni Ethan kung saan at paano namin inihahanda ang aming mga mandirigma.” Matapos itong sabihin ng hari ay may dalawang kawal na nag akay sa amin palabas. “Nakikiusap ako Prinsesa, maghinay-hinay ka sa iyong pananalita dahil baka ikapahamak mo ito.” Nag-aalalang tugon ni Ministro Brunto sa akin habang hinihintay namin ang karwaheng sasakyan niya pauwi ng Zimorta. Inutusan ko siyang umuwi na muna sa aming bayan upang may mamuno sa kanila at sabihing dito muna ako magpapalipas ng gabi. “Don't worry Brunto, this Princess is safe with me,” nabigla ako nang biglang umakbay sa'kin ang mayabang na prinsipe kaya nasiko ko siya sa tyan. Agad na pumagitna sa amin si Ministro Brunto, “Pagpasensyahan niyo na po ang Prinsesa dahil hindi po siya sanay na hinahawakan ng ninoman,” kabado nanaman siya. Inilista ko sa aking isipan na kailangan kong sanayin ang mga diwata na ‘wag matakot sa ibang lahi, lalo na sa mga bampira. “It’s okay, my bad. Maybe the Princess wants me to take things slowly. Kakakilala nga lang naman namin, syempre magpapakipot pa ‘yan.” Presko niyang sabi at natatawang tumayo. Aba napakakapal ng pagmumukha. “Hindi mo ba alam na kapag nagpapakipot ang isang babae, ibig sabihin ay ayaw niya ang lalake?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Why? I mean, who wouldn’t want me?” Psh, yabang. “Ako, dahil ang pangit mo,” sabi ko sabay talikod. Buti nalang ay dumating na ang karwahe agad kong nilingon si Ministro Brunto na mukhang muntikan nang nahimatay sa nangyari dahil sobrang putla niya at grabe ang pawis niya. Mga matatanda nga naman, nerbyoso. “Ministro, maaari ka nang bumalik sa Zimorta,” saka palang bumalik sa ulirat nang tapikin ko siya at isenyas ang karwahe. “ P-pakiusap Prinsesa, w-wag kang pupunta sa l-liblib na lugar.” Naginginig siya habang nagmamadaling sumakay sa karwahe. Tumingin ako sa likuran, wala doon ang mayabang na prinsipe. Nasaan naman kaya iyon? Muli akong humarap para sana tanawin kung saan na nakarating ang karwahe ngunit namumulang mga mata at matutulis na pangil ang bumungad sa akin. “Ginalit mo ako mahal na Prinsesa, humanda ka sa iyong katapusan.” Bigla akong nakaramdam ng takot at muntik na'kong maiyak dahil hindi ako handa. Napaatras ako at naapakan ang laylayan ng aking damit kaya napabagsak ako. Biglang humagalpak ng malakas ang prinsipe. “Nasaan ang tapang mo ngayon Prinsesa? Hanggang salita ka lang pala.” Umirap nalang ako habang tumatayo. Tumalikod ako sakanya dahil ayaw kong ipakitang namumula ako sa kahihiyan at inis. “Don't be shy my dear, ‘wag kang mahiyang ipakita sa akin ang iyong kahinaan.” Bigla nanaman siyang tumawa ng malakas. “Tigilan mo na nga ‘yan, nangangamoy yung kabahuan ng hininga mo eh.” Bigla siyang napatigil sa pagtawa at inamoy ang hininga niya. “Hindi naman ah, tara na nga.” Pag aaya niya sa akin. Sawakas, ang dami kasing kalokohan nitong isang ‘to. Nakikita ko ang malalagkit na tingin sakanya ng mga babaeng bampira habang naglalakad kami sa gitna ng mga kabahayan. Kung hindi ako nagkakamali, papapunta kami sa gubat ng Sinorgus. Gubat? Nagsasanay sila sa gubat? “Huwag kang magselos sa mga babaeng tumitingin sa akin, mas maganda ka sa kanila.” Umirap nalang ako dahil ayaw ko siyang kausapin. Muli nanaman siyang nagsalita matapos ang ilang minutong katahimikan. “Una palang marami nang dapat baguhin sa mga pamamalakad niyo.” Mayabang niyang wika. "Gaya ng?" Walang kagana gana kong sabi, sanay naman na ako. Lagi nalang kinikwestyon ng matataas ang mga mas mababa pero kapag sila ang kinwestyon, parusa agad ang haharapin namin. "Your leader is a woman, everything is wrong with that." Sabi ko na nga ba, ito ang una niyang pupunahin. Unti-unting umiinit ang dugo ko ngunit ayaw kong ipakita na naapektuhan ako. "Wala akong nakikitang masama doon. Gaya niyo, kaya din namin. Maraming kayang gawin ang mga babae na hindi niyo kayang gawin." "Gaya ng?" Pagbabalik niya sa tanong ko. "Panganganak" simple kong sagot. "Ha! Yan lang ang nag iisang kayang gawin ng mga babae na hindi namin kaya." Napigtas na ang pisi ng aking pasensya at walang pakundangang sinarado ko ang aming distansiya at hinawakan ang leeg niya. Sa bilis ng takbo ko at lakas ng pwersang ibinigay ko ay bumaon siya sa pader ng isang bahay. Nakita ko ang gulat at pagkamangha sa kanyang mukha kahit pa halatang nahihirapan siyang huminga. “Ang mga nilalang na may ganyang utak gaya ng iyo ay wala ng rason para mabuhay pa." Nararamdaman kong umiinit ang mata ko ngunit sigurado akong hindi ako naiiyak. "Y-you can k-kiss me now darling." Nahihirapan niyang sabi habang nakangisi. "Ano bang pinagsasabi mo?" "Alam ko naman na kanina mo pa ako gustong halikan, kunware ka pang galit para lang malapitan ako ng ganito" ngayon ko lang napagtanto na halos isang pulgada nalang ang pagitan ng mga mukha namin. "Kaya pala kanina pa ako naduduling sa kapangitan mo" sabi ko habang lumalayo sakanya. Nakita kong may tumulong dugo mula sa bakas ng kuko ko sa leeg niya. Tumawa siya ng bahagya at ngumisi, "Damn woman, you're so aggressive. It turns me on." Tinapos niya ang pangungusap ng nakakagat labi. Manyak. Pagkatapos ng nangyare ay katahimikan ang namagitan sa ating dalawa, walang nagsasalita na para bang nakamamatay ito. Nang makarating kami sa gitna ng gubat ng Sinorgus ay kiniliti ulit ng kung anong uod ang utak niya at naisipan nanaman niya akong asarin. “Bago ko ipakita sa'yo kung nasaan, mag-sorry ka muna sa'kin.” Walang emosyon niyang sabi habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. “Bakit ako hihingi ng tawad kung tama lang naman ang ginawa ko?” Ginaya ko ang reaksyon at pagkrus ng braso niya. Pakulo niya lang ito, alam kong mabilis lang naman maghilom ang sugat ng mga bampira. Hindi na siya sumagot, tinalikuran niya ako at naglakad pabalik sa palasyo. “Oh, saan ka pupunta prinsipe?” Tumigil siya saglit para sumagot pero hindi niya ako nilingon. “Babalik na'ko sa palasyo.” Psh, isip bata. Nanatili ako sa posisyon ng lingunin niya ako, hinihintay niya sigurong pigilan ko siya. Asa ka. “Sige, bumalik ka sa iyong hari at ipag alam ang hindi mo pagsunod sa kanyang utos.” “Eh ano naman ngayon?” sagot niya pabalik. “Kapag ginawa mo iyon, pinapatunayan mo na hindi magaling ang pamumuno ng inyong hari kung kaya't ang kanyang mga inuutusan ay hindi niya kayang pasunurin.” Sige ungas, bumalik ka ngayon sa hari mo. Napangisi ako nang padabog siyang bumalik sa direksyon ko. Nagulat ako nang bigla siyang naglabas ng patalim saka hiniwa ang palapulsuhan. Nababaliw na ba siya para sugatin ang sarili dahil natalo sa bangayan? Lalapit na sana ako nang sinenyasan niya akong huwag lumapit. Namula ang mata niya at ilang sandali pa ay lumitaw sa aking harap ang mahiwagang lugar ng kanilang sanayan. Hindi ako makapaniwala, ito pala ang dahilan kung bakit hindi ito mahanap sa kanilang mapa o sa ano mang libro patungkol sa mga bampira. Siguro napansin niya ang labis na pagkamangha ko kaya natawa siya. Bakit ba kasi ‘di ko napigilan yung reaksyon ko eh. “Welcome to campo de entrenamiento.” Hinawakan niya ang kamay ko para hilahin papunta sa mga nag-eensayo. Hindi ako komportable pero hinayaan ko na ito, baka leeg na niya ang hiwain niya kapag hindi ko pinagbigyan. Habang naglalakad kami, nakita ko kung gaano katindi mag-ensayo ang nga bampirang ito. May mga sinusubok ang bilis sa pamamagitan ng pagbabato ng patalim sa direksyon nila. May mga sinusubok ang lakas na pilit naglalakad habang may tonetoneladang bigat na batong naka gapos sa mga paa. Nararamdaman ko ang panghihina nila dahil sa dami ng dugong lumalabas mula sa mga sugat nila. Tama ba ang naging desisyon kong humingi ng tulong sa mga bampira para sa pagsasanay ng mga magdirigma namin? Tinitignan ko palang ay sigurado na akong hindi kakayanin ng mga diwata ang ganitong klase ng pag-eensayo. Pag-eensayo ba pang matatawag ito? Sa palagay ko'y pagmamaltrato na'to. Laking pasasalamat ko nang may dumating na kawal upang ipagpaalam na sasabihin na ng hari ang kaniyang pasiya. Balak pa yata akong dalhin ng prinsipe sa kaloob-looban para ipakita kung gaano sila kalupit sa mga kapwa nila. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Muli akong napairap nang kindatan nanaman niya ako. Manyak talaga ‘tong isang ‘to. karwaheng inihanda para sa amin. Mainam ito para makapag-isip ako ng mabuti sa gagawin kong desisyon. May mabuti rin palang naiisip itong mokong na ‘to. Siguro ay may mga partre pa naman ng kanyang utak na hindi nagagalaw ng mga uod. Pagkadating namin sa palasyo ay madilim na at agad kaming sinabihan ng mga kawal na naghihintay ang hari sa korte. “Magandang gabi po, mahal na hari.” Sabay naming bati sa haring mukhang nainip na sa kahihintay. “Good evening. Ethan, did you show her where and how we train our warriors?” tanong ng hari sa kasama ko. “Yes I did, your highness.” Tumingin ang hari sa akin at nagbigay ng nakakalokong ngiti. “Sa tingin mo ba ay kakayanin ng inyong mga mandirigma ang aming pageensayo?” “Mahal na hari, sa palagay ko po ay hindi kakayanin ng mga diwata ang pag eensayo ng mga bampira.” Isang sarkastiko at nakakairitang tawa ang bumalot sa buong silid. “Of course they can't. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote mo at nais mong makipag-isa sa pinakamakapangyarihang lahi?” Ngumiti ako sa kanya para asarin siya. “Tama, hindi kami kasing lakas at bilis ninyong mga bampira ngunit nakikita kong kailangan niyo kami.” Dahan dahan akong lumapit sa pinaroroonan ng hari na siyang ikinagulat nilang lahat. Tama, magulat kayo. “Papatunayan ko ‘yan sa inyo mahal na hari kapag nakita niyo kung ano ang mga kayang gawin ng mga diwata kapag itinapat niyo kami sa ibang mga nilalang. Malalaman niyo lamang ito kapag pumayag kayo sa aking nais.” Bahagyang natawa ang hari, “Matalino ka prinsesa, pumapayag ako.” Tumawa ka ngayon, bampira. ‘Di magtatagal ay malalaman ko rin ang totoo. Sisisguraduhin kong ang bampirang iyon ay hahalik sa aking mga paa....  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD