Chapter 2: The Root of Hatred

2484 Words
Ethan My breathing was heavy yet I stood alert in the forest of Hebero. Kanina pa ako nakikipaghabulan sa mga lobo, sinadya kong magpahuling nangeespiya para habulin nila ako. Sa ganitong paraan, ako parin naman ang may benepisyo dahil kahit mag-isa ako, kayang kaya ko sila. Magandang estratehiya para mabawasan ang kaaway sa nalalapit na digmaang pandaigdig. “Labas na tuta,” pang aasar ko sa lobong kalaban. May naramdaman akong enerhiya sa likod ko kaya't agad akong lumingon, ‘di nga ako nagkakamali dahil papasugod na siya sa'kin. I aimed for his chest and even before he could place his fangs on my skin, I already took his heart out. “Nice try puppy.” Just after I finish the sentence, three wolves are coming in different directions to attack me. Hinayaan ko silang makalapit sa akin ng husto na handa nang kumagat. Nang sobrang lapit na nila ay nagteleport ako sa itaas ng puno at nakita kong nakagat ng isa ang kapwa lobo. Unti-unting nanghihina ang nakagat hanggang sa mamatay. Doon na ako bumaba at hinila ang isa sa kanyang buntot saka malakas na hinampas sa kahoy. Nagulat ako nang nadamba ako ng pangatlo at inambahan ng kagat ngunit nakailag ako. I hope this big pup realized that his position was the greatest mistake of his life because it gave me an easier access to take his heart. “Tunay nga na magaling ka, Prinsipeng bampira.” Wika ng matandang lalake, hindi ko rin alam kung saan siya nanggaling dahil masyado akong okupado sa mga lobo. Wait, this old man... he looks familiar. “Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? Pagod kana ba?” Alam ko na ngayon kung saan ko siya nakita. “Nakakapagod ho talaga tanda. Pinagod po ako ng apo niyo kagabi eh, salamat po sa pagpapatuloy niya sa'kin sa bahay niyo ha? Pakisabi sa apo niyo hindi ako masyadong nasi-“ Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko at agad siyang nag anyong lobo para sugurin ako. Nagteleport ako papunta sa kanyang likuran at mahigpit siyang sinakal. “Huwag kang mag-alala tatang, niyayakap lang kita bilang pagpapasalamat.” Binitiwan ko rin siya nang maramdaman kong wala na siyang buhay. Mission accomplished. Hindi ko lang nalaman ang kanilang taktika, nabawasan ko pa ang tao nila. Time for celebration. “Oh wait, I'm still covered in dog blood. Ang lansa pala.” Dumiretso ako sa ilog na nakita ko kanina dito sa gubat habang nakikipaghabulan at naligo sandali. Matapos maligo, pinituhan ko na si Dani, ang alaga kong higanteng agila. Maaari naman akong magteleport nalang pero wala na akong lakas para doon. Natutuyo ang basa kong kasuotan sa hangin ngunit hindi ako giniginaw, isang magandang kakayahan ng bampira. Ilagay mo man kami sa freezer, ‘di kami giginawin. Alam na ni Dani kung saan ako dadalhin. Pagpasok ko palang ay pamilyar na disco lights at tugtugin ang sumalubong sa akin. “Mukhang pagod ka mahal na prinsipe, gusto mo bang pagsilbihan kita ngayong gabi?” Woah, may client na ako agad within 5 seconds? Siyempre dahil hindi ako basta bastang bampira, I need to give her a physical examine first. “Oh come on Prince Ethan, you don’t have to do that. I'm all qualified from head to foot.” Sabi niya at hinila ako. Well, I can't argue with that though. Tinapos ko ang gabi sa kasiyahan. Kasiyahan? Masaya nga ba ako? Well, ito ang gusto kong isipin ng iba sa akin. Kinatatakutan, malakas, presko at babaero. That’s the way I like it. They won’t know that this tough-guy-wanna-be is actually a weak bastard. Nagtagumpay ako sa panlilinlang sa kanila pero bakit hindi ako masaya? Paggising ko kinaumagahan ay dumiretso ako sa hardin ng Sinorgus. Inhale... Exhale.... Ang sarap ng sariwang hangin. Ang tagal rin bago ako nakalanghap ng ganito, puro kasi misyon ang inaatupag ko sa ilang linggong nakaraan. As I exhale, I wish that the problems I have inside would come with the wind so that I can somehow inhale positivity. Iginala ko ang paningin sa paligid, “this is so relaxing.” Dito sa sanga ng pinakamataas na puno ng Sinorgus, tanaw ko ang lahat ng gusali, ang pamilihan at ang palasyo. Tunay ngang napakaganda ng bayang ito. Sana kung gaano ito kagandang tignan ay ganun din kasayang pagtirhan. The vampire world holds the most strict rules, nakakasakal. I'm tired of all these thoughts, mukhang nakalimutan ko na kung bakit ako nandito. I'm here to relax, unwind and temporarily escape the toxicity. Nakapa ko ang maliit na radyo sa bulsa ko na nakuha ko noon sa mundo ng mga tao. Bumangon ako at ipinuwesto ang radyo hanggang makakuha ito ng signal. “Who’s ready for some music?” sinabi ko ito na ginagaya ang DJ na napanood ko noon sa isang bar. The radio started to create funny sounds hanggang sa nakahanap ako ng magandang istasyon. Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin. Doon ay kaya kong igapos, ihip ng hangin. Doon ay kaya kong ipagbawal, ihip ng ulan. Sa panaginip lang kita nahahagkan t'wina, doon lang~ “Too corny.” Napairap nalang ako sa hangin sa kakornihan ng kanta. Inilipat ko ang radyo sa ibang istasyon At kung masaya ka sa piling niya. Hindi ko na 'pipilit pa. Ang tanging hiling ko lang sa kaniya. Huwag kang paluhain at alagaan ka niya “Ugh still too corny!” bigla kong pinihit ang lipatan ng ikutan ng radyo. Nagtaka ako nang bigla itong tumahimik. “Did I br-“ Waaah! I feel good “Aaaah!” Sa gulat ay nahulog ako sa punong inuupuan. Sa tabi ko ay ang radyong “Stupid as always,poor creature.” Si Bellona my older sister aka Demoñita. “What do you want?” Tanong ko habang sinusubukan kong ayusin ang radyong nasira. “Hindi ka pa ba nasanay?” Talagang nakakrus pa ang kamay ni Demoñita. ‘Di ko na siya pinatulan dahil pagod ako ngayon, physically and mentally. Diretso akong naglakad hanggang malampasan siya. Akala ko titigilan na niya ako pero sinundan pa niya ako par bungangaan. Haaay, demoñita talaga. Naramdaman ko muli ang pamilyar na bigat at lungkot pagtapak ko sa palasyo. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ay natanaw ko ang pinto ng kwarto ni ama. Ilang linggo na rin mula nang huli ko siyang binisita. Siguro ay hindi naman nagmamadali ang hari. Pinagbigyan ko ang sarili dahil labis na akong nangungulila kay ama. Pagpihit ko ng busol ng kanyang pinto ay agad ko na siyang nakita. ....still the same, nothing new. Kinatatakutan ako sa mga giyera, bakbakan at labanan, sabi nila ako ang pinakamalakas na bampirang nakasalamuha nila. But why can’t I explain why do I become so weak when it comes to him? Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang higaan, hindi parin siya nagigising. “Forgive me father for showing weakness in front of you.” Tears come running down my cheeks that seemed to be like an unending river. I rested my head on his shoulders and hugged him. Here we go again, cry baby... Oo, sabihin na nting mahina ako pero sa ganitong paraan ko lagi nararamdaman ang kaginhawaan, parang inilalabas ko ang mga sakit sa aking mga luha at napapalitan ng lakas galing sa pagkayakap ko kay ama. “Well that explains why father’s suit is always wet whenever you’re around.” pabirong sabi ng hari, nasa likod ko na pala siya. Dali-dali akong bumitaw sa pagkakayakap ko kay ama at lumuhod sa harap ng hari. “Forgive me your highness, I was just-“ hindi ko pa napapatapos ang sasabihin ay dinaluhan na niya ako sa pagluhod. Lalo akong nabigla nang yakapin niya ako, ilang taon na rin mula nang huli kong naramdaman ang yakap niya. “I don’t care if this is against the law but even just for once, please let the king show weakness, let the king cry.” Binalot ng tunog ng paghagulgol ng hari ang buong silid ni ama, hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. “I miss having a family, little brother.” Wika niya habang iniaahon ang kanyang mukhang kanina'y nakasiksik sa aking leeg. I miss you too, kuya. Kahit gaano ko man ito gustong sabihin, hindi ko magawang ibuka ang aking mga labi. Naguguluhan parin kasi ako sa mga pangyayari. “Sorry for the interruption your highness but the court needs you now.” Kahit kailan talaga ay panira itong si Demoñita. “Can’t you see we're in the middle of-“ “It’s about father,” agad din siyang umalis pagkatapos niyang sabihin ito. Tumayo ako at inayos ang damit. Naglahad ako ng kamay sa hari ngunit hindi niya ito tinanggap. Pain immediately consumed my heart, kanina lang ay masaya ako dahil naramdaman ko ulit ang magkaroon ng pamilya pero ngayon pakiramdam ko ay mag-isa nanaman ako. “You should change, your coat is wet.” He said it in a monotone. Ayan nanaman ang coldness niya, parang walang nangyari kanina. “I don’t mind your highness, it is a privilege for me to have your tears on my coat.” “The more reason you should change it. I don’t want to see any mark of my weakness, there’s no room for it in this kingdom.” Napayuko nalang ako sa lakas ng boses niya. Hinihiling ko nalang na sana ay magising si ama sa ingay at bumangon para batukan siya. “Yes I will, your highness.” Pagkasabi ko nito ay agad siyang umalis. Pagkatapos kong nagpalit ng damit ay dumiretso ako sa korte. Bahagya pa akong nahiya dahil tila agaw atensyon ang aking pagpasok but I maintained my poker face and went straight to my seat beside the king. Naagaw ng isang matandang babaylan ang atensyon ko, mayroon siyang hawak na bolang kristal. “Your highness, this woman claims that she have seen a hint of the truth regarding your father's condition through her crystal ball.” Paliwanag ng kanang kamay ng hari. My whole body was consumed by curiosity. Finally, after years of waiting and searching. “What great courage you have woman for claiming such things in front of the king. Are you aware of consequence if you're proven lying?” Bumulong sa kanyang tainga ang katabi niyang translator dahil hindi nakakaintindi ibang mga nilalang ng wikang ingles. “Opo mahal na hari, hindi po lingid sa aking kaalaman na kamatayan ang kaparusahan kapag ako'y napatunayang nagsisinungaling. Ngunit hindi po ako natatakot dahil alam ko pong ang sinasabi ko ay totoo.” Matapang na pahayag ng matandang babaylan. “ Go woman, speak.” Ilang sandali pa ay inihagis ng matandang babaylan ang bolang kristal at lumutang ito. Lumabas ang makapal na itim na usok mula rito kaya't nabahala ang mga kawal at itinutok sa kanya ang mga patalim. “Huwag kayong mag alala, ito ang unang pahiwatig, itim na usok.” Matapos niyang sabihin ito ay nahati-hati ang bolang kristal sa maliliit na dyamante na pinalilibutan ang pinakamalaki sa gitna. “Ang ikalawa ay dyamante,” biglang bumalik sa dati ang bolang kristal matapos niyang sabihin ang ikalawa. Nagpakita ang bolang kristal ng isang imahe, bagamay malabo, nahahalatang ito'y isang diwatang babae. “Ito na ang panghuli mahal na hari,” at biglang nahulog ang bolang kristal sa kamay ng babaylan. “Hindi ko nais ang ipahamak ang ibang lahi ngunit ang tatlong pahiwatig ay nakakitaan ko ng relasyon sa mga kadiwatahan. Kamakailan lang ay namatay ang kanilang reyna at nagsagawa sila ng tradisyon. Sa panghuling parte kung saan ang hihiranging reyna ay lilitisin ng trono, sa loob ng ilang libong taon ay ngayon lang nagbuga ng itim na usok ang trono, hindi ba't nakapagtataka iyon? Pangalawa, saan at kanino ba galing ang mga dyamante? Hindi ba't sa luha ng mga diwata? Ang pangatlong pahiwatig ang nagpatibay sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang diwata.” “May I know how you've come up with these?” The king doesn’t seem to be convinced. I can’t blame him, it’s hard to trust someone you barely know. Muli ay ibinulong ng translator ng palasyo sakanya ang nais sabihin ng hari. “Patawarin ninyo ako mahal na hari ngunit bumunot ako ng hibla ng buhok ng inyong ama nang minsan niyo itong inilabas upang makita ng mga bampira.” The king angrily stood up and his eyes became bloodshot red, a sign of having overwhelming emotion for us vampires. “Hindi mo ba alam na ang iyong ginawa ay isang kalapastanganan?” Tanong niya sa napalakas na boses ngunit mukhang hindi natinag ang matandang babaylan. “Hindi po ito lingid sa aking kaalaman mahal na hari ngunit hindi ba't kapaki-pakiabang ang aking kalapastanganan dahil sa mga pahiwatig na aking natuklasan?” Natahimik ang lahat sa sinabi niya. “Upang mapatunayan kung tama ba ang sinasabi ng mga pahiwatig ay kumuha din ako ng hibla ng buhok ng yumaong reyna nang dalhin ito sa puso ng Zimorta.” “Of all the race, why fairies? What could be our possible relationship with them? ” tanong ng hari sa sarili. Sa ilang sandali niyang pag-iisip ay tumingin siya sa akin. Alam ko nang mayroon akong bagong misyon at sa buong buhay ko, ngayon ko lamang naibigan ang ibinigay na misyon sa akin. “Speak your highness, give me your order and I'll take care of those creatures.” Huminga ng malalim ang hari bago nagsalita. “I'm giving you the authority for this mission. You decide for the process, ways and all but I want the culprit alive.” Yumuko ako bilang pagsang-ayon sa nais niya. Ilang sandali ay tumunog ang trumpetang nagpapahiwatig na may dumating na kasulatan. May isang kawal na tumatakbo papunta sa aming direksyon. Bago magsalita ay yumuko muna siya biglang pagbati sa hari. “Mahal na hari, ang kasulatan po ay mula sa punong ministro ng Zimorta.” Inilahad niya ang kanang kamay na iniaabot ang sulat. Nagtatakang kinuha ng hari ang sulat at ibinuklat niya ito ng sapat para mabasa naming dalawa. Kagalang galang na Hari ng Sinorgus, Nais po naming ipaalam na ang aming mahal na Prinsesa Aoife ay humihingi ng tulong sa inyo patungkol sa nalalapit na digmaang papandaigdig. Nais ng Prinsesa at ng buong kadiwatahan na makiisa sa bayan ng Sinorgus at mga bampira. Ang hindi inaasahang pangyayari sa aming tradisyon ay nananatili paring isang misteryo sa amin ngunit nais ng Prinsesa na maging handa ang aming bayan sa nalalapit na digmaang pagdaigdig kung kaya't papariyan ang aming Prinsesa sa susunod na linggo upang makipagpulong sa inyo. Nawa'y dinggin ninyo ang aming pakiusap. Lubos na gumagalang, Ministro Brunto Sa pagtinginan naming magkapatid ay iisa ang isinisigaw ng aming mga namumulang mata... Unveil the truth, make the culprit pay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD