bc

Mister Billionaire's Game

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
HE
badboy
boss
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
loser
office/work place
childhood crush
assistant
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa plano na mag-invest sa negosyo sa isang pinakasikat na hotel ang nobyo ni Celestine, pumayag siya na tulungan ito. Mahirap man gawin ang gusto nitong makamit, kinakaya niya dahil na rin sa gusto ng kanyang ama at ina.

Pero ng dumalo sila sa isang charity event sa mismong hotel, laking gulat na lamang niya na ang taong iniwan niya ng maraming taon ay nagpakita sa kanya muli at ang mas nakakagulat, ito pala ang bagong hahaligi ng Alessandra Hotel.

Si Lysandro Santoro, ang unang niyang minahal noon.

chap-preview
Free preview
(1) Wanted To See You Again One Last Time but...
[Celestine] Ilang sandali na lamang at matatapos na siya sa pagaayos ng kanyang buhok. Tumayo na siya ay kinuha ang kanyang pitaka at sumilay ulit sa salamin. Ininspeksyon niya ang kanyang kabuoan kung meron pa ba siyang nakalimutan. "Good. I'm ready." Lumabas na siya ng kanyang kwarto. Pagkababa na niya sa sala ay naroon ang kanyang mga magulang. Sumilay ang mga ngiti nito ng makita siya. "Napakaganda naman ng prinsesa namin." Lumapit ang kanyang ama at hinalikan siya sa pisngi. "Napakaswerte namin ng mama mo dahil ikaw ang naging anak namin." "Oo nga. Hindi lang matalino, napakaganda din." "Thank you po, Mama, Papa." Munting ngiti ang tugon niya sa kanyang mga magulang. "Ready ka na para sa dadaluhan ninyong party ni Benjamin, Celestine?" "Opo, Mama." "Kahit na business ang pupuntahan ninyo, magenjoy pa rin kayong dalawa ni Benjamin doon. And we hope that makakuha kayo ng mga kompanya na pagi-invest kay Benj. Take this opportunity seriously, Celestine. Hindi lang para ito sa iyo, para rin sa ating lahat." "Yes, Papa." Inihatid siya ng dalawa sa labas ng marinig na nila ang busina ng kotse ni Benjamin. Sumakay sa siya sa sasakya nito at bumiyahe na sila sa lugar ng pagdarausan ng party. "You look so lovely, Celestine." Puri ni Benjamin sa kanya. "Salamat. Ikaw din ang gwapo mo. Pinaghanda mo talaga itong araw na 'to?" Tumango ito. "Yeah. We can't miss this opportunity. Napakalaki ng kompanya ng Le Alessandre. Dapat mahikayat natin ang CEO na mag-invest sa negosyo. Kahit maliit na pesyento lang ng shares, malaking bagay na iyon para sa akin." Nilingon siya nito. "You will help me, right, Celestine?" "O-of course." "Don't take for granted ang dadaluhan niyong party. Hindi lang mga mayayaman ang nandoon. The CEO of Le Alessandre will be there kaya dapat mamamgha siya sa proposal ninyo. It will be a great for us kapag nangyari iyan." Sa totoo lang, ni minsan hindi siya naging masaya sa mga papuri natatanggap niya sa kanyang mga magulang. Hindi dahil sa sinabihan siyang proud ang mga ito sa kanya at swerte ang mga ito dahil napakaganda ng kanilang anak. Kabaliktaran ang ibig sabihin ng mga sinambit nila kundi, sa abot ng kanyang makakaya, dapat makuha niya ang loob ng mga business men o kompanya para sa ikakauunlad ng negosyo ni Benjamin. Produced wines and spices ang negosyo nito at kakailangan pa ng malaking pondo para sumuporta sa mga distribution sa iba't ibang hotels at restaurants. Botong boto ang mga ito kay Benjamin. Swerte raw niya at nakapag-nobyo siya ng negosyante. Marunong daw siyang pumili at hindi daw sila magugutom. Hindi niya sinasabi rito ang tungkol sa mga pinagsasabi ng kanyang parents o ano talaga ang pakay nito, dahil bilin na rin ng kanyang parents na isesekreto niya ang bagay na iyon. Nagkakilala ang tatlo sa isa din event at sa hindi niya alam, nirereto na pala siya ng kanyang mga magulang rito. Gusto man niyang sumumbat sa mga magulang niya, nandoon pa rin ang kanyang respeto para rito. Tungkol naman kay Benjamin, masasabi din niya na swerte siya at naging nobya siya nito dahil napakabait at maaalahanin nito at iyang ang mga bagay na paunti-unting nagugustuhan niya sa binata. Hindi siya nito pinipigilan sa kanyang gusto at magkasundo nito ang kanyang mga magulang. Kung magpapakatotoo lang siya, sinagot niya ito hindi dahil sa gusto niya ang lalaki, kundi may naalala siya rito. Because of one man she met a long, long time ago. It's been 18 years sa kanyang pagbibilang. Naalala pa rin niya ang hubong ng mukha nito. Ang ngiti, tawa at ang masayahing ugali nito. Too bad, hindi humantong sa masayang pagtatapos ang huling pagkikita nilang dalawa. Nasaan na kaya ito? Anong ginagawa nito ngayon? Ang huling balita niya ay bumalik ito ng France kung saan ito tumira. Ano kaya ang naging trabaho nito doon? Siguro nakamit na nito na maging basketball player dahil noon high school pa lamang sila, varsity player ito at palaging MVP. O di naman kaya, may sarili na itong pamilya. Magkaedad lang silang dalawa. They're 28 years old. Kung meron na, she's happy for him. But, for the last time, sana makita niya ito muli. Kahit ilang segundo lang kontento na siya. [Celestine] Nasa loob na sila ng Le Alessandre Hotel. First time niya nakapasok dito at manghang-mangha siya sa lugar. Nakikita niya lang ito sa mga magazines pero iba pala talaga kapag nakita mo sa personal ang ganitong napagandang lugar. Napakalawak at nakapaenggrande sa bawat sulok na makikita niya. Parang siyang nasa isang palasyo. Halos lahat ng mga bisita ay hindi basta-basta. Halos na nandito ay negosyante. Kaya pala gustong gusto ni Benjamin na makadalo dito dahil hindi lang ang may-ari ng Le Alessandre ang pakay nitong mag-invest sa negosyo nito, para din makakilala at makipagkaibigan sa iba pang maimpluwensyang tao. "I can't believe we are here, Celestine. This is what you called opportunity. Ang daming business men na kilalang kilala hindi lang dito.Hindi na dapat ako magsayang ng oras, kailangan ko na kumilos." Kumislap ang mga mata nito dahil sa saya. Ito talaga ang ugali ni Benjamin. Kapag tungkol sa negosyo ang paguusapan, hyper ito at hindi ito nagsasayang ng oportunidad. "Benjamin, can you, maybe... set aside for that? Mag-enjoy muna tayo na tayong dalawa lang." Dahil masyado itong busy minsan sa trabaho, hindi na sila nakakapag-bonding o date man lang. "We can do that later, Celestine." Malumanay na sabi nito at hinawakan ang kanyang kamay. "Pero mayaman ka na. Lumalago na ang negosyo mo, Benjamin." "No. Still, it's not enough, Celestine. We can date all we want, but for now, hindi ko ito palalagpasin ang gabi na ito. You know, this is how business works. Kung gusto mo pa na mas umasensyo, grab it like there's no tomorrow. Please, give this to me, okay?" Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lamang. Ngumiti ito at niyakap siya. "Yes! Thank you. Promise, this will be a great deal. Hindi lang ang mga tao nandito ang makikilala at magiging kaibigan ko, pati na din ang Le Alessandre." Palagi na lang ganito ang sitwasyon nilang dalawa. Bakit hindi niya masabi kung ano ba talaga ang nararamdaman niya? Kung hindi niya kayang sumuway sa kanyang mga magulang, pati rin ba naman sa relasyon nilang dalawa ni Benjamin? Parang wala siyang lakas ng loob para sabihin kung ang kanyang gusto. Alam na niya sa sarili niya na duwag siya. Gusto man niya makawala pero saan naman siya pupunta? Saan? Naiisip pa lang niya, natatakot na siya. Saan ba siya kukuha ng lakas ng loob? [Celestine] Kalahitng oras na din sila nasa event. Inanunsyo rin na male-late ng kaunti ang pagpunta ng CEO ng Le Alessandre kaya magihihintay pa sila ng ilang oras.Habang ang iba ay masayang naguusap at nagsasayawan, siya naman ay nasa isang sulok lang, nakaupo habang tinitignan ang hawak niyang baso. Hindi siya sanay na makipaghalubilo sa ibang tao at ayaw niya din makakilala ng iba. Sa totoo lang, guato na niyang umuwi. Pero tinitiis lang niya ito para sa kanyang nobyo na magiliw ang paghahalubilo sa ibang mga bisita. Napabuntong hiniga siya. Wala siyang magawa kundi tumunganga lang. Naguguton na rin siya pero ayaw niya naman kumain. Kaya napagpasyahan na lang niya na lumabas muna ng venue para makapagpahangin man lang. Iiwan muna niya si Benjamin at diyan na siya babalik kapag tatawagan na siya nito. Tumayo na siya at lumabas. Hindi na niya alam saan siya napadpad sa kakalakad niya at napadpad siya sa isang lugar na punong puno ng mga bulaklak. She can't believe what she see. A garden of flowers. Most of it are roses. Roses is her favorite flower kaya naman pumasok siya agad doon. May fountain din at napapalibutan din ng mga bulaklak. "Sa wakas, may nakikita na rin ako maganda." Natatawa niyang sambit. Umupo siya sa tabi ng fountain at pumiki ng maramdaman niya ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam at parang gusto niyang pumunta dito uli. Kung pwede nga lang. Tumunog ang kanyang cellphone. Ang kaibigan niya si Cookie. "Tea!" Sigaw nito sa kabilang linya. "What's up, Cookie. At bakit ka ba biglang sumigaw? Papaano kung nabingi ako?" Si Cookie ang tanging nakakintindi sa kanya. Nagkakilala silang dalawa noong nagtatrabaho sila sa isang fastfood chain at mula noon at ngayon na iba na ang kanilang kakera sa buhay, close na close pa rin silang dalawa. Tumawa ito. "Nah! Okay lang iyan. Magdo-donate na lang ako ng second hand na eardrum para sa iyo." "Ewan ko sa iyo. Napatawag ka?" "Sumasagap lang ako ng chika ano ng ganap diyan sa party dinaluhan ng jowa mong utak pera." Nadidinig niya talaga ang pagkasarcastic nitong tono. Una pa lang kita nig Cookie ni Benjamin, hindi na ito boto rito. Palagi na lang daw nasa bibig nito ay negosyo at pera at isa sa ayaw na ayaw ni Cookie ang mayayabang na tao. "Ayan ka na naman. Natural lang naman iyan kay Benjamin." "What-eh-vah! Ano, ako na ang makikipag-break para sa iyo para quitz na! Hindi ka pa maiiyak! So, ano na ganap diyan?" "Alam mo naman na ayoko ng ganitong event, hindi ba? Gusto ko na nga umuwi, pero sila Mama, Papa at Benjamin lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito." "Bakit ba kasi hindi ka pa lumayas diyan. Para okay na." "Hindi ganoon kadali iyan, Cookie." "Sabagay. Kung ako sa kanila, sila na lang at ng Benjamin na iyang ang mag-jowa. Total wala naman bukang bibig ang mga iyan kundi pera. Hay nako, kundi lang kita beshie, kinarate ko na sila." "Oo na. Wala akong gagawin bukas. Tayo na lang mag-date." Suhestiyon niya. "Ay! Gora ako niyan, Sis! Mas masaya akong ka-date kesa sa utak pera na jowa mo." Nahinto ito ng may narinig siyang boses sa kabilang linya. "Hay nako! Tea, babush muna. Naghuhumirentado na itong Boss ko. Ja, matane! Tawagan tayo ulit mamaya!" She quickly hanged up. Hindi na siya nagtka pa dahil kilala niya ang sinasabi nitong "Boss". Si Cookie at personal assistant ng isang mapakasikat na artista at singer. Palagi na lang ito highblood dahil sa hindi magkamayaw ng mga utos nito sa kanyang kaibigan. Pero sa tatlong taon nitong personal assistant, nakaya pa rin nito ang "sayad" ng Boss nito. Tumunog ulit ang kanyang Cellphone at pangalan na ni Benjamin ang nakalagay. "Yes?" "Where are you? You have to be here right now. Papunta na dito ang CEO ng Le Alessandre." Bakit pa ba siya pupunta doon na wala naman siyang pakay sa CEO? "Okay, okay. Babalik na ako diyan." Umalis na siya sa tinungo ulit kung saan ang venue. Ngayon lamang niya namalayan na napakalayo pala ng nilakad niya at parang nararamdaman niyia ang konting kirot sa kanyang mga paa. Kung hindi ka pa naman nakasuot ng 4 inches na heels? Isang napakataas na hagdan ang bumungad sa kanya. Kailangan pa niyang akyatin iyon ulit. Pag nasa taas na siya, tiyak sususuko na ang kanyang mga paa. Hinay-hinay siyang umakyat sa hagdan. Hinahabol niya ang kanyang hininga ng nasa taas na siya. Hindi pa siya nakakabalik sa venue. Baka naroon na ang CEO at baka galit na si Benajmin dahil wala pa siya. Kailngan na niyang magmadali. Lalakad na sana siya ng may biglang nagsalita sa kanyang likuran. "Nice outfit. Too bad for the shoes." Wala siyang oras para makarinig ng anong opinion sa suot niya. "I don't want your opinion so---" Nilingon niya ito at siyay napahinto. Gulat na gulat siya sa kanyang nakikita sa kanyang harapan. It can't be... him! He smirked and ambled towards her. "Hi, Celestine. Long time no see." "Lysandro..." She said she wanted to see him again for the last time but... Not today?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook