CHAPTER 1

1075 Words
KUNG ano ang kay Sinas, kay Silas. At kung ano ang kay Silas, kay Sinas. Sinas and Silas were six years old when they came up with that bro code. Pareho kasi sila nang natanggap na regalo noong Pasko, kulay nga lang ang pinagkaiba. Kulay asul na robot ang kay Sinas, habang kulay pula naman ang kay Silas. Imbis na nakaramdam ng pagkadismaya, tinawanan lang ng dalawa ang nangyari. Bagkus ay nagpalitan pa sila ng laruan. Kung ano ang kay Sinas, kay Silas. At kung ano ang kay Silas, kay Sinas. And when they were in their teenage days, kung ano-anong kalokohan ang pinaggagawa ng dalawa. Sa sobrang pagkakamukha nina Sinas at Silas, ginamit nila iyon sa katuwaan. The twins basically enjoyed their teenage days by deceiving and confusing people with their looks. Ang lagi nilang nagogoyo ay ang kanilang mga magulang at ang kanilang mga maids. Ang sama man tingnan pero nagawa na nilang manloko ng mga babae. Kung may girlfriend si Sinas, ilang linggo lang ay si Silas na ang papalit sa responsibilidad nito bilang boyfriend. At gano’n din ang gagawin ni Sinas sa relasyon ni Silas. They were just teen, immature, and having fun. But when they reached their adulthood stage, they stopped doing the silliness. Maliban sa pinagsasabihan sila ng kanilang magulang noon, naisip din nila na mali ang mga pinaggagawa nilang kagaguhan noong mga kabataan nila. They realized it was not something tolerable. Kapag tumatanda na talaga ang isang tao saka lang mare-realize ang mga nagawang pagkakamali at kagaguhan. Despite what they've done, at least they enjoyed their teenage life at may binabaon silang masasaya at kahiya-hiyang memories tungkol sa kabataan nila. Besides, ginagamit nina Sinas at Silas ‘yon bilang clout o ‘di kaya ay pang-asar sa isa’t-isa. Kung ano ang kay Sinas, kay Silas. At kung ano kay Silas ay kay Sinas. Maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Ngunit sa edad na beinte y otso, iisa lang ang hindi nagbago. Ang kanilang bro code. Kahit na tinagurian silang “Nation’s Beasts” when it comes to business deals, nagagawa pa rin nilang i-apply ang bro code sa negosyo. Kapag kasi may gusto silang pareho, kung sino ang unang nagkagusto sa isang bagay na ‘yon, kailangan siya ang magparaya. Kilala naman ng kambal ang isa’t-isa. Kaya hindi tatalab ang pag-deny. Tulad na lang sa mga oras na ito. They were in the conference room, talking about the Isla Atlas bargained to their company. Kung magpapakatotoo si Sinas, matagal na siyang may interes sa naturang beach resort. Gusto na niyang ligawan ang may-ari ng Isla Atlas noong mga nakaraang taon, pero hindi niya ginawa. Maliban sa dahilan na hindi naman ibinebenta ang resort, alam niya ring may interes din ang kakambal niyang si Silas sa naturang beach resort. Hindi rin naman kasi mapupunta sa kanya iyon. Siguradong kay Silas niya maipapangalan ang Isla Atlas. And he was not mistaken. Bago sila pumasok sa conference room two hours ago, nilapitan siya ni Silas. “You want the Isla Atlas, don’t you?” he asked him with a smirk on his lips. Inayos ni Sinas ang suot na itim na tuxedo. Sa hindi niya pagsagot agad, alam na ni Silas na ‘oo’ ang sagot niya. “Paano ba ‘yan, Sin? I guess you were the first one who lured in the beauty of Isla Atlas. Alam kong simula’t sapul ay gustong-gusto mo nang mabili ang beach resort na ‘yon,” he spat off, unbuttoning the button of his black long sleeve cuff. “By that means, sa akin mapupunta ang Isla Atlas?” Staring at Silas’ anticipating smile, wala nang nagawa si Sinas. He looked like he really want Isla Atlas as he does. Kung hindi nila pagkakasunduan ang ganitong bagay ngayon din, natitiyak ni Sinas na hindi siya titigilan ng kakambal. Makulit si Silas na para bang ilang beses itong nagpabalik-balik sa tiyan at iniri ng kanilang nanay. Kaya nang pirmahan na ang kontrata na nabili na ang beach resort, si Silas ang pumirma; tanda na sa kapatid ni Sinas nakapangalan ang Isla Atlas. Marahil na rin siguro sa laging sumasama sina Sinas at Silas sa lolo at ama nila ay maagang namulat ang kambal sa negosyo. Noong yumao ang kanilang abuelo ay ang ama nila ang humalili sa matanda. Pero hindi rin nagtagal ay ibinigay ng ama nila sa kanila ang kapangyarihang mamalakad sa kompanya. Nang gumraduate silang dalawa sa kolehiyo, iyon na ang ginawa ng kambal. Kahit tapos ng MedTech si Sinas at Architecture si Silas ay ang kompanya na iniwan sa kanila ng lolo na ang pinagtuunan nila ng pansin. Hanggang sa napalago nila ang kompanya. Conglomerated Adler and Real Estate, or ConAd Real Estate, deals with a combination of businesses like a logistics company and a homoeopathic medicine manufacturer. ConAd Real Estate is also a trading and construction company that accurately bids on projects manages costs, and delivers quality work that satisfies customers. Hindi napapagod ang kompanya nila taon-taon. Kaya hindi na nakakapagtaka na tinaguriang Nation’s Beasts ang magkapatid na Adler dahil sa tiyaga at pakikibaka ng dalawa sa larangan ng negosyo. Naiwan sina Sinas at Silas sa loob ng conference room. Napatitig si Sinas sa image na naka-flash sa white board sa harapan niya. Naka-flash pa rin hanggang ngayon ang imahe ng Isla Atlas gamit ang projector. May nararamdaman na panghihinayang si Sinas. Isla Atlas is perfect for his liking. Para kasi iyong maliit na isla na napapaligiran ng tubig. Kahit na sa litrato o sa social media lang niya nakikita ang Isla Atlas, alam niyang presko ang naturang beach resort dahil sa mga beach trees na nakapaligid. Isla Atlas looks green and blue, calming and refreshing. For Sinas, it is perfect to bring his beloved—to hold a date with his girl. Hindi tuloy niya naiwasan ang mapailing sa naisip. Sure, he’s a damn hopeless romantic. Sa edad niyang, nila rather, dalawampu’t walo gusto na niyang makilala ang babaeng makakasama niya habang buhay. He want to settle. Gusto na niyang makita ang magiging anak niya. Ayaw tumulad ni Sinas kay Silas na kung kailan malapit na silang mawala sa kalendaryo ay ngayon pa naisipang magpapalit-palit ng mga babae. What he mean is, parang ayaw gumraduate ni Silas sa pagiging Bachelor. Para kay Sinas, tapos na ang pagiging loko-loko niya. And if he’ll meet a woman who’s at the level of his standard, he’ll court her at all costs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD