bc

The billionaire's tribe Princess

book_age18+
4.0K
FOLLOW
17.4K
READ
fated
brave
princess
bxg
mystery
royal
gorgeous
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Prinsesa Priya the last princess of Mandan tribe na. Isa sa pinakamalayong tribo sa bundok ng Pilipinas. Maganda, matapang, tuso at pinangarap na mamuno sa kanilang tribo upang pumalit sa kanyang amang datu. Ngunit nang dahil sa kanilang kultura ay pagtatagpuin sila ng tadhana ni Fernan de la Costa. Isang mayamang billionaryong pilit na tinatakasan ang sakit ng mawalan ng minamahal.

Magawa kayang makalimutan ni Fernan si Lalaine?

Magawa kayang talikuran ni Prinsesa Priya ang kanyang pangarap dahil sa estrangherong gagawin ang lahat upang kanyang maging kabiyak?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa malayo at tagong bundok naninirahan ang lagpas isang libong mamamayan ng tribong Mandan. Hindi sila naabot ng kasalukuyang sibilisasyon. At walang taong nangangahas na pumunta sa kanilang tribo dahil sa usap-usapang malulupit at kinakatakutan ang mga ito. May mga nagsasabi pang myembro sila ng cannibal o kumakain ng tao. Ngunit ang hindi nila alam ay ang nakatagong yaman ng mga ito. At pinamumunuan sila ni Datu Kiram at ang asawa nitong si Dayang Arya kasama ang nag-iisa nilang anak na si prinsesa Priya. Sa kabila ng kanilang yaman ay nanatili sila sa kanilang kultura. Namumuhay pa rin sila na katulad ng noong unang mga panahon ngunit mas maunlad lamang sa ngayon dahil ang iba sa kanila ay inaatasang bumaba sa bundok upang aralin ang mga bagay na pwede nilang magamit sa kanilang pamumuhay. Kabilang na roon ang iba’t-ibang lengwahe na naituturo din nila sa mga mamamayan ng tribo. At bukod doon ay nag-aangkat din sila ng mga produkto sa bayan kapalit ng mga nasasaka nilang pananim. Kaya nanatiling sagana sila sa kanilang pamumuhay. Halos lahat ng tao sa tribo mapa-babae man o lalaki ay marunong makipaglaban maliban lang sa mga bata. Naging experto sila sa pagamit ng matutulis na bangkaw at pana. Ginagamit din nila ang kakayahang ito sa tuwing nangangaso sila sa bundok. Kaya mas pinagbuti pa nila ang kanilang kakayahan upang ma-protektahan ang lahat ng nasasakupan ng kanilang tribo. “Arya? Nasaan ang anak natin?” Tanong ni Datu Kiram sa kanyang asawa. Habang tinatanaw nila ang malawak na lupain na pinagtataman ng mais. “Nagpaalam sa akin ang anak natin. Magsasanay daw siya ulit na magpana sa burol.” Sagot ni Arya. “Kakaiba talaga ang anak natin Arya. Imbis na manatili lang siya sa kubol ay mas gusto pa niyang aralin ang mga bagay na hindi naman niya magagamit kapag nag-asawa na siya.” Bumaling ang tingin ni Arya sa kanyang asawa. “Matalino ang anak mo Kiram. Marunong siyang manindigan sa kung ano ang tama. At ayaw niya ng pinapangunahan siya. Kaya dapat hayaan mo siyang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin.” Paliwanag niya sa kanyang Asawa. “Arya, prinsesa ang anak mo at hindi nararapat sa kanya ang tumayo bilang pinuno ng ating tribo. Kaya nga natin ipapakasal siya kay Amir. Dahil siya ang nararapat na pumalit sa akin.” Giit ni Kiram. “Kiram, nasa makabago na tayong panahon. Hindi na dapat natin ginagawa ang nakagawian ng ating mga ninuno. Hayaan nating si Priya ang masusunod.” “Kaya nagiging matigas ang ulo ng anak mo, Arya! Dahil kahit ikaw ay hindi marunong makinig sa mga sinasabi ko. Kaya tayo nananatili bilang isang tribo dahil pino-protektahan natin ang ating cultura. At kasama na doon ang pagpapakasal ni Priya. Ako ang masusunod at wala kang magagawa.” Ma-authoridad na wika ni Kiram bago talikuran ang kanyang asawa. Walang nagawa si Arya kundi tanawin na lamang ang galit na papalayong si Datu Kiram. Gustuhin man niyang ipagtangol ang karapatan ng kanyang anak ay natatakot siyang mas higpitan pa ito ni Kiram at tuluyan ng ikulong sa kubol.    Kasalukuyang nakatayo si Prinsesa Priya sa malaki at kulay kayumanggi niyang kabayo. Sinisipat ang bunga ng bayabas sa itaas ng puno. Na may sampung dipa ang layo sa kinaroroonan niya. Itinaas niya ang kanyang palaso mula sa kanyang likuran at inilagay sa busog na kawayan. Hinila niya ang tali kasama ang palaso. Nang masiguro na niya ang kanyang puntirya ay binitawan niya ito. Nanlaki ang mata niya nang tumama sa gitna ng bayabas ang palaso niya kaya hindi niya naiwasan ang tumalon na ikinagulat naman ng kanyang kabayo. Kaya tuluyan na siyang nahulog sa maputik na lupa. Impit siyang napasigaw dahil sa paglagapak ng kanyang puwit sa lupa. “Tori naman eh! Gusto mo bang ipalatigo kita kay Amir?!” Singhal niya dito. Ngunit nagpapadyak lang ito na wari’y Tuwang-tuwa sa pagkahulog niya. Galit na tumayo si Priya at hinila ang kanyang kabayo papunta sa kinaroroonan ng malalim na talon. “Ikaw ha, kapag hinulog mo ako ulit hindi na kita ipapasyal sa burol. Paano kong hindi matuyo itong damit ko?” Nagmamaktol parin na sabi ni Priya sa kanyang kabayo. Nagkaputik kasi ang kaniyang damit na bagong tahi pa lamang. Yari ito sa mamahaling abaka na kulay dilaw at ang haba ay lagpas sa kanyang tuhod. Mabuti na lamang at malapit lang sila sa ilog na may mataas na talon. Malalim ang binabagsakan ng talon kaya doon siya palaging nagtutungo kapag gusto niyang maligo sa malamig na ilog. Wala ding ibang nangangahas na maligo doon dahil nasasakupan ito ng kanilang tribo. Napasinghap si Priya nang tumambad sa kanya ang ganda ng ilog. Malakas din ang bagsak ng tubig sa itaas ng talon dahil sa matinding pag-ulang noong nakaraang mga araw.  “Ang lamig!” Nagtatatalon sa lamig si Priya dahil sa tubig na nilalaro niya sa kanyang paa. Nasa tabi siya ng ilog at kinukusot ang nadumihan niyang damit. Ngunit napa-angat siya ng tingin nang may marinig siyang humingi ng tulong sa bandang taas ng ilog. Iniwan niya ang kanyang sapin sa paa at inakyat ang malaking bato pataas. Kitang-kita niya ang isang lalaki na pilit na lumalangoy pataas. Mula sa malalim na binabagsakan ng tubig sa talon. Hindi niya alam kung lalapitan niya ito at tutulungan dahil alam niyang stranghero ito at hindi nabibilang sa kanilang tribo. “Help!” Sigaw ng lalaki. Nag-umpisang mataranta si Priya dahil unti-unti ng nanghihina ang lalaki at dumadalang narin ang pag-abot nito at pagkampay ng kamay sa itaas. Kaagad siyang tumalon at nilangoy ang lalaki dahil hindi na ito lumutang ulit. Mabilis siyang lumangoy at pilit na dinidilat ang kanyang mga mata sa ilalim ng tubig upang mahanap niya ang lalaki. Hanggang sa nakita niya itong unti-unting lumulubog sa ilalim at kinapos na ng hininga. Mas pinagbuti niya ang paglangoy upang makarating at matulungan kaagad ang lalaki. Nang makalapit siya dito ay buong lakas niyang hinila ang braso nito paangat sa tubig. Kinakabahan siya dahil wala na itong malay. Mabilis niya itong nadala sa mababaw na parte ng ilog. Pilit niya itong ginigising ngunit hindi parin dumidilat ang mga mata nito. Wala na siyang magawa kundi subukang iligtas ang lalaki. Sa pamamagitan ng paghinga sa bibig nito ay umasa siyang maililigtas niya ang lalaki. Nang makita niya ang dahan-dahan na pagdilat nito ay kaagad siyang tumakbo palayo dito.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook