HER NIGHTMARE

1099 Words
Evangeline Nang buksan ko ang pintuan at pumasok ay natigilan ako sa narinig na kaluskos na nagmumula sa kusina. Nahihirapan akong lumunok at tahimik na naglakad. Mas naging alerto na baka may magnanakaw na nakapasok sa bahay namin. “Saan ka galing?” Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses ni mama. “Ang aga niyo naman umuwi, ma. Pupuntahan pa sana kita sa palengke para tumulong,” salubong ko sa kanya at sinubukang umupo, binaliwala ang tanong nito. Narinig ko ang pagbukas ng gripo at tunog ng tubig na umaagos mula sa lababo. Ngunit hindi nakatakas sa akin ang mahabang buntong hininga ni mama. “At ano naman ang gagawin mo roon? Makakaabala ka lang,” diretsong usal nito na parang wala lang na siyang nagpatigil sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang kirot na naramdaman sa dibdib. Tanging pilit na ngiti na lamang ang ginawa ko at peking tawa. Hindi man intension ni mama na saktan ako pero tuwing nasasabi niya iyan ay pakiramdam ko pabigat ako sa buhay niya, totoo naman. Imbes na ako na ang tumutulong sa kanya dahil matanda na rin ay ako pa ang nangangailangan ng tulong at alalay niya. “Umuwi ako dahil birthday mo, hindi ba? Kailangan bang lagi kong ipaalala sa iyo ang kaarawan mo kada taon?” sarkastikong usal nito na kung nakakakita lang ako ay siguradong umiiling na ito. Tumayo na ako upang putulin ang usapan namin. “Magpapalit lang po ako, ma.” “Eva, anak,” tawag niya upang pigilan ako. “Anim na taon na sa araw na ito mismo ang nangyaring trahedya. Hindi ka ba napapagod?” tanong niya. Napayuko na lamang ako, alam ko na ang pupuntahan ng usapan na ito at sigurado akong magtatalo lang kaming dalawa. “Pulis nga nahihirapan, ikaw pa kaya na bulag at walang makita? Ano ang magagawa mo?” may pagmamakaawa sa boses ni mama ang mas lalong nagpanginig sa buong sistema ko. Sa galit at sa sakit. Alam ko na nahihirapan si mama sa kalagayan ko, nag-aalala siya kung kaya nais na lamang niyang kalimutan namin ang aksidenti. Naiintindihan ko dahil kahit sa anong anggulo man tignan ay talagang wala ng pag-asa para sa akin na mahanap ang taong may gawa nito. Kinalma ko ang sarili ko bago siya hinarap. “Hindi ko naman po pweding pabayaan—“ “Inaaksaya mo ang oras mo sa kasong iyan. Anim na taon na at wala namang usad,” may bahid na iritasyon ang boses niya. “Hangga’t hindi mo kakalimutan ang nangyari, hindi mawawala ang sakit. At nasasaktan din ako na makita kang nasasaktan.” Suminghot ako at tuluyan na ngang bumagsak ang luha sa mga mata nang marinig ang pigil na hagulhol ni mama. Sinubukan ko siyang lapitan upang mayakap ngunit siya na ang lumapit sa akin. “Ma, hindi mawawala ng sakit at bangungot ng nakaraan hangga’t hindi ko nakukuha ang taong dapat managot sa nangyari.” “At kapag hindi mo nakuha ang hustisya, habang-buhay kang mabubuhay sa trahedya ng nakaraan? Habang-buhay ka na lamang na ganyan?” diretsang usal niya kung saan ramdam ko ang hinanakit nito. Mas lalo lang lumakas ang hagulhol ni mama sa balikat ko. “Hanggang kailan ako maghihintay? Anim na taon na tayong hindi nagdiriwang ng iyung kaarawan. Wala na tayong ginawa sa anim na taon kung hindi ang pagtuunan ang kaso ng aksidenti mo. Bigyan mo naman ng paraan ang sarili mo na gawin ang bagay na mga gusto mo… Na makakita ulit,” humina ang boses ni mama sa huling sinabi niya. Agad akong napakalas sa yakap niya sa akin at mariin na umiling. Ayokong pagtaluhan na naman namin ang bagay na ito, hindi niya mababago ang isip ko. Tuwing nagkakaroon kami ng pagtatalo sa paghahanap ko ng hustisya ay laging nauuwi sa kanyang hiling na mapa-operahan ako. Hindi ako magpapagamot! “Wag na.” “Anak, may naipon ako. Pinaghandaan ko na ito at kahit paano ay nagbasa ako sa internet ng mga nabulag at nagpagamot, hindi ganun kalaki ang pera na naipon ko sa pagtitinda pero pwedi na natin simulan na ipatingin—“ “Ma!” hindi ko mapigilan na tumaas ang boses ko. “Walang magpapagamot, walang magpapa-opera. Hindi ko kailangan makakita, gamitin mo na lang yung perang naipon mo sa panggastos dito sa bahay.” “Bakit? Wala ka naman ideya kung ano magkano ang pera na gagastusin kaya bakit ganyan na lamang ang tugon mo tuwing nababanggit ko ang pagpapagamot mo? Wala ka namang interes sa pagpapagamot kaya hindi ko maintindihan kung makapagsalita ka ay para bang doctor ka.” Hindi ako nakaimik. Hindi niya alam ngunit ilang beses na akong bumisita sa ospital at naghanap ng murang mag-oopera sa akin noon. Bukod sa mahal ay isa sa pinakamahirap magawan ng solusyon ay maghanap ng donor na magma-match sa akin, ang bagay na hindi ko makakalimutan na laging sinasabi ng doctor tuwing nagpapakonsulta ako. Doon pa lang ay malaking pera na ang kinakailangan nito. Matapos nun ay hindi na ako muling sumubok ulit, nawalan na ako ng pag-asa. Tinalikuran ko na siya at pumasok ng kuwarto ko. Sa inis ko ay binaba ko ang stick na hawak habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha. Gustong-gusto kong makakita, gusto ko ng magpagamot. Yun ang gusto kong sabihin kay mama. Ayoko ng maging bulag, ang hirap maglakad sa daan na madilim at walang direksyon. Ang hirap maging pabigat dahil hindi ako makakita, ang hirap ng oportunidad sa katulad ko. Pero gustuhin ko mang makakita, gustuhin ko mang magamot at ma-operahan, hindi ko gagawin. Hindi ako papayag na malaan lang sa akin ang lahat ng pera na pinaghirapan ni mama. Hindi ako magpapagamot hangga’t nahihirapan si mama. WALANG PAGDIRIWANG ang nangyari sa araw na yun hanggang sa maisara ko ang mga mata ko at tuluyan na ngang nakatulog. Naging normal na araw lamang iyun sa akin katulad sa mga nagdaang taon. “Tu-tulong… Tulungan… mo ako. Parang awa mo… Tulungan mo ako.” Napabangon ako at mabilis hinawakan ang mga mata ko. Ramdam ko ang sakit, pakiramdam ko ay nasa mga mata ko pa rin ang mga bubog ng sasakyang tumama sa akin tuwing nagigising ako sa panaginip ko. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko habang nanginginig sa takot. Nasanay na ako sa nagdaang taon, ito na ang pinakakalmado kong sistema kapag nananaginip. Dahil sa unang mga taon ay nagwawala ako at nasusumigaw sa sakit at takot. Ngunit sa kabila ng nangyari at haba ng taon na lumipas. Ang bangungot, ay nanatiling buhay sa isip ko. Chapter 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD