03

1025 Words
Chapter 03 3rd Person's POV "Sa australia lahat ito galing? Ang dami." Pinagkaguluhan nina Gaizer at ni Keehan ang mga dalang prutas ni Bazile. Makakagawa ng maraming jam at alak si Keehan hanggang sa gusto niya. "Buti pinayagan ka ni mom bumalik dito," ani ni Grim. Nagkibit-balikat si Bazile— sinabing tumakas lang siya. Nabo-bored na siya sa mansion nila at gusto niya doon. "Gawa tayo mamaya ng fruit salad. Sino gusto?" tanong ni Keehan— nagtaas ng kamay sina Gaizer. "Teressa, anong oras start ng meeting?" tanong ni Apollo. Napatigil si Teressa at sinabing sandali lang. Kukuhanin niya iyong schedule sa kwarto niya. "10:30 may 3 hours na lang kayo para sa preparation," sagot ni Gaizer na nakaupo sa sofa at nilalaro ang mga anak nito sa crib. Napasapo si Apollo sa noo at tiningnan si Teressa. Napayuko ang babae at napatingin si Jaxon. "Bakit hindi niyo na lang kunin ulit si Gaizer kung alam niya naman ang lahat. Bago pa lang si Teressa. Normal lang na makalimutan niya minsan ang schedule," pagtatanggol ni Jaxon. Tiningnan siya ni Elliseo. "Wala kaming sinasabi," sagot ni Elliseo. Dumilim ang mukha ni Grim matapos marinig iyon. "Bago? Almost 4 months na si Teressa sa field na ito. Paanong nakalimutan niya ang schedule? Manager siya dito hindi flower girl," basag ni Grim. Natahimik si Jaxon at tiningnan si Teressa. "Pasensya na hindi na mauulit." Tumakbo si Teressa palabas at agad siya sinundan ni Jaxon. Napa-pokerface si Grim. "Masyado kayong harsh sa babae. Naga-adjust pa din si Teressa hayaan niyo na," sagot ni Gaizer habang nakapako ang tingin sa mga anak at pinipisil ang pisngi ng isa sa quad. "Hindi na iyon nakakatuwa Gaizer. Ikaw pa din gumagawa at umaayos ng about sa TK kahit nag-resign ka na. Paano kung hindi ka pumupunta sa concert? Katulad last time naiwan niya mga gamit ni Keehan at Elliseo sa compartment. Nandoon ang stick ni Keehan at kung hindi mo nakita iyon at naidala sa backstage— magwawala ang mga fans kapag hindi kami lumabas agad," ani ni Grim at nag-cross arm. Tumawa ng mahina si Gaizer at tiningnan ang asawa. "Ngunit nandoon ako palagi— nasa likod ako palagi ng TK. Huwag mo na i-big deal iyon okay?" Binuhat ni Gaizer ang isa sa mga anak. Kinaway ang kamay nito sa ama. Lumambot ang expression ni Grim dahil doon. "CG, badtrip na naman mga uncle mo. Hindi na sila pogi?" Gumawa ng mga ingay ang batang si CG na para bang naiintindihan siya nito. Tumawa si Gaizer dahil doon. "Manager! Pinagbalat kita ng fruits tikman mo," ani ni Keehan at naglapag ng plato sa coffee table. — "Pakiramdam ko hindi nila ako kailangan dito. Anong gagawin ko Jaxon? Gusto ko na mag-resign," umiiyak na sambit ni Teressa ang kasalukuyang manager ng TK habang umiiyak. "Paano na ang TK kung mawala ka? Hayaan mo na lang sila at ayusin mo ang trabaho para wala na silang masabi. Huwag ka ng umiyak," pag-aalo ni Jaxon at niyakap si Teressa. Agad na namula ang babae dahil doon at tiningnan si Jaxon. Hinalikan ni Jaxon sa noo ang babae pababa sa mga labi nito. Agad siya sinagot ng babae at napahawak sa sleeve ng lalaki. Binaba ni Jaxon ang halik sa leeg ni Teressa at inuupo ito sa lamesa habang ang kamay ni Jaxon ay nasa loob na ng skirt ng dalaga. Walang pakialam si Jaxon kung babae o lalaki ang nakaka-s*x niya as long as nasa-satisfy siya. He don't mind. Sa labas ng pintuan nakita nakatayo si Keehan habang may hawak na tray at dalawang plato. Mula sa iwang ng pinto nakikita niya si Jaxon at Teressa. Napahawak ng mahigpit si Keehan sa tray matapos makita iyon. Hanggang sa namalayan niya na lang tumutulo na ang luha niya. Naninikip ang dibdin niya at parang pinipiga ang puso niya habang naririnig ang palitan na ungol ng dalawang tao na nasa kwarto. "Marami akong alam na porn site. Mas maganda manood on screen kaysa live." Napatigil si Keehan matapos marinig ang boses ni Bazile. Hindi niya alam kung haharap ba siya o ano. May hawak siyang tray— hindi niya mapunasan ang pisngi niya. "Keehan? Ang tagal mo. Matutunaw na iyong yelo!" sigaw ni Miguel mula sa room ni Gaizer. Humarang si Bazile. "Wala yata sina Jaxon dito. Susunod kami," sagot ni Bazile. Nagtaka si Miguel ngunit pumasok ito sa loob at sinabing bilisan nila. Napatalon si Keehan matapos ibalibag ni Bazile ang pinto. Narinig niya mula sa loob ang pagsigaw ni Teressa. Kinuha ni Bazile ang tray at tinulak siya papasok sa room niya. Pagkasara ng pinto narinig niya ang boses ni Jaxon. "Bazile?" "Baka naiinitan kayo— dinalhan ko kayo ng milk shake," ani ni Bazile na may ngisi sa labi— namula ng todo si Teressa hindi dahil sa hiya. Type niya si Bazile at nalaman niya na single din ito. Kinuha iyon ni Jaxon at nagpasalamat. Pinagsarhan ni Jaxon ng pinto ang lalaki at naiinis na nilagay iyon sa lamesa. Hindi dahil naistorbo sila kung hindi nahuli sila nito. Alam niya na nakita sila nito at binagsak ang pinto ng sadya. Nang magsara ang pinto lumingon si Bazile. Nakita niya si Keehan na nakasilip sa pintuan ng room niya. Namumula ang mga mata nito— napa-pokerface si Bazile. "Ilang beses ba kita ililigtas para matuto ka at magising?" tanong ni Bazile. Nakagat ng lalaki ang labi at binuksan ang pintuan. Nag-sorry ang lalaki. "Tara na— hinihintay na tayo nina Miguel," yaya ni Bazile at naunang maglakad. Lumabas na din si Keehan at sinundan si Bazile. Tiningnan ni Keehan ang likuran ni Bazile. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya tinutulungan ng lalaki ngunit nagpapasalamat si Keehan. Kahit pa hindi siya nakikinig dito at lagi siya nitong pinagsasalitaan ng masama hindi nito kinakalat ang sekreto niya— lagi pa din siya nito nililigtas at tinutulungan. Hinawakan ni Keehan ang mga braso hanggang sa pumasok sa isip niya si Jaxon. Kahit sana isa lang sa mga side ni Bazile nakuha ng kaibigan ay matutuwa na siya. Wala na siyang mahihiling pa— napayuko si Keehan at bumulong. "Bakit kasi ikaw pa Jaxon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD