02

1044 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Kinagabihan, Half naked na lumabas si Keehan sa kwarto. Parang lasing itong naglalakad patungo sa pinto kung nasaan ang room ni Jaxon. Hinawakan ni Keehan ang door knob ngunit bago niya mabuksan iyon. May bumuhat sa kaniya na parang isang sako na bigas at dinala pabalik sa room nito. Binagsak si Keehan sa kama. Mulat ang mga mata nito ngunit walang buhay— napasapo sa noo si Bazile. Tinitigan ang mukha ni Keehan. Hindi na nagtataka si Bazile kung bakit bumibigay si Jaxon ang bestfriend nito. May magandang mukha si Keehan at slim na katawan. Tumayo si Keehan at pinulupot ang mga braso kay Bazile na walang buhay na nakatingin sa binata. Hahalikan ni Keehan si Bazile nang takpan ni Bazile ang mga mata ni Keehan at ilayo ito sa kaniya. Hindi lahat katulad ng kaibigan nito na si Jaxon. Hindi si Bazile iyong tipong nagta-take advantage. Hiniga nito si Keehan sa kama. Nagpapasag si Keehan ngunit maya-maya— bumaba na din ang mga kamay nito na nasa balikat lang ni Bazile. Tinanggal ni Bazile ang mga kamay niya sa mata ni Keehan na ngayon ay natutulog na ulit. Huminga nga malalim si Bazile at tumayo— niluwagan nito ang suot niya na longsleeve. Inayos niya nang higa si Keehan at tinakluban ito ng kumot. Naglakad palabas si Bazile at sinabing gusto niya nang mag-quit. After nga malaman nina Apollo ang kondisyon ni Keehan pinakiusapan nila si Bazile na bantayan ito after nga nang minsan nito pigilan si Keehan. Paglabas ng kwarto ni Keehan— nagsindi ng sigarilyo si Bazile at napatigil matapos makita si Jaxon na naka-pokerface. "May alam ka ba sa kondisyon ni Keehan?" tanong ni Jaxon na may kakaibang tono. Sumandal si Bazile sa pinto. "Sleep walking? Yeah— binalik ko na siya sa room niya you don't need to worry," sagot ni Bazile. Ayaw talaga ni Bazile sa mga taong katulad ni Jaxon. Matapos magsara ang pinto. Pinako ni Bazile ang mata sa pinto— naiintindihan niya na ngayon kung bakit nag-aalala sina Apollo. Tinitingnan ni Jaxon na s*x object lang si Keehan. Alam ni Jaxon ang kondisyon ni Keehan ngunit tinatago niya ito kahit kay Keehan hindi dahil sa concern ito. He want to keep Keehan for his self and satisfaction. Kinaumagahan, Napabangon si Keehan kinaumagahan. Napatingin sa paligid at sa sarili. Tiningnan niya kung hubad ba siya o may masakit na naman sa katawan niya. Bahagyang nakahinga si Keehan matapos makitang nasa kwarto pa din siya at suot niya pa din ang pang-ibaba niya. Hindi din masakit ang ibabang bahagi ng katawan niya. May kumatok sa pinto— napatingin si Keehan. Niluwa 'non si Jaxon na may pagtatakha sa mukha. "Are you okay? Mag-prepare ka na pupunta tayo ngayon sa studio." Ngumiti si Keehan at sinabing susunod na siya. Bumati din ng good morning si Keehan. Natawa si Jaxon at kumaway lang— bumaba na si Keehan ng kama at tinungo ang bathroom. "Bazile— dumating na ba siya kahapon?" Nawala si Bazile nang halos two weeks. Sinabi ni Grim na umuwi daw ito sa kanila— kung walang nangyari sa kaniya kagabi ibig sabihin bumalik na si Bazile. Lumambot ang expression ni Keehan sa idea na maaring dinala ulit siya ni Bazile sa room niya before siya makapasok sa room ni Jaxon. Tuwing umaga kasi since highschool lagi niya na lang nakikita niya ang sarili niya sa room ng ibang lalaki o kaya ni Jaxon. Tumapat si Keehan sa shower at binuksan iyon. Ngunit nang makilala niya si Bazile at tuwing nasa paligid niya ito— wala nang nangyayari na ganoon tuwing gabi. Binibitbit siya nito sa kwarto without doing nothing. Paglabas niya nang bathroom after niya maligo. Nagulat siya matapos makita si Bazile. Nakatingin siya ngayon sa direksyon niya. "Ano ka bata? Lalabas ka sa bathroom ng walang damit kahit towel?" Natawa si Keehan. Isa o dalawang segundo lang yata siya nag-alala at after niya makita na si Bazile iyon. Parang bulang naglaho iyon— ni hindo nga ito umiwas ng tingin. Wala din siya nakitang kahit ano sa expression nito. "Dalawang linggo ka nawala. Kamusta pag-uwi mo?" tanong ni Keehan at lumapit sa closet niya. Kumuha siya nang mga damit doon. "Ayos lang— nasermonan ako ni mom," sagot ni Bazile. Napako ang tingin ni Bazile sa leeg at likod ni Keehan. Maputi si Keehan kaya visible sa katawan nito kahit iyong mga pulang marka na unti-unting nagfa-fade. Umupo si Bazile sa kama at sinabing huwag na mag-artista si Keehan at ibenta na lang nito ang katawan sa auction. "Doon kikita ka pa," ani ni Bazile. Napatigil si Keehan matapos marinig iyon. Hindi sumagot ang lalaki at nagpatuloy da pagbibihis. "Hindi ko ito ginusto Bazile." "Pero hindi ka gumagawa ng paraan para gumaling ka o humingi ng tuong sa iba," sagot ni Bazile. Tumawa si Keehan at lumingon kay Bazile. "Para ano? Pagtawanan ako— i-judge ako at layuan? Ayokong mangyari iyon either malaman ng pamilya ko. Wala ka sa sitwasyon ko Bazile kaya please huwag mo pagkatuwaan ang kondisyon ko," ani ni Keehan matapos lingunin si Bazile na tinitigan siya sa mata. "Lahat ba ng tao iniisip mo na pagtatawanan ka, ija-gudge at iti-take advantage ka?" tanong ni Bazile. Niyukom ni Keehan ang kamao at humarap muli sa closet. "Hindi ko naiisip iyan kasi hindi ka ganiyan," ani ni Keehan at yumuko. Napatingin si Bazile. "Ngunit alam ko na hindi lahat ng tao katulad mo. Hindi lahat maiintindihan ako," ani ni Keehan hanggang sa pumasok ang mga ala-ala niya 'nong highschool. Kung saan may mga kumalat na nude picture niya at nakapatong sa kaklase nilang lalaki. Kung hindi dahil kay Jaxon at kina Apollo maaring hanggang social media kumalat iyon at malaman ng family niya. Akala niya at nina Apollo edited lang iyon. Ngunit noong malaman nga ni Keehan ang kondisyon niya— parang gumuho ang mundo niya. Lahat ng nangyari 'nong highschool sa camping at retreat nila totoo. Nandidiri siya sa sarili niya dahil doon at tuwing naiisip niya iyon— gusto na lang ni Keehan mawala sa mundo. Babae o lalaki basta makita niya at nakapasok siya sa kwarto— nagagawan niya ng masama and worst wala sa mga ito ang nagsasabi sa kaniya. "I'm a worst."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD