Kabanata 3

1121 Words
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Wait hindi naman naarawan ang kwarto ko a. Binuksan ko ang mata ko at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. Wait... s**t oo nga pala! Halos sabunutan ko ang sarili ko nang maalala ang nangyari kagabi. Binuklat ko ang kumot at tinignan ang katawan ko. Nakasuot ako ng oversized tshirt at sa ilalim ay boxer shorts. Hindi ko maalalang nag bihis ako kagabi kaya malamang si Eros ang nagbihis sa akin. Agad na nag-init ang pisngi ko nang maisip iyon. Napalingon ako sa pinto nang pumasok doon si Eros. Nakahubad siya pero may suot na apron, pang-ilalim ay tanging boxer short lamang din. Nakagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Lumapit siya at binaba sa kama ang dala niyang pagkain. "Breakfast in bed, baby." May ilang paru-paru ang naglalaro sa tiyan ko nang tawaging niya akong baby. "L-late na ako," nauutal na sabi ko. Tumango-tango siya. "I know, kumain ka na, I already bought you clothes." Kinain ko ang hinanda niyang pagkain. Fried rice, hotdog, egg and bacon. Hindi ko naubos lahat dahil masyadong marami iyon. I took a bath in his bathroom. Medyo nanakit pa ang balakang ko at ramdam ko pa sa aking baba ang naganap kagabi. Gusto niya pang ihatid ako sa office pero tumanggi na ako. Nasa baba naman ang kotse ko kaya okay lang. Nagulat ang mga empleyado nang makita akong pumasok, nagulat sila na late ako ngayon. Hindi ko na lamang pinansin ang mga tingin nila at dumiretso na sa opisina ko. Kakaupo ko pa lamang ay may kumatok na. Pumasok ang secretary ni Papa. "Ma'am, meeting." Tumango ako sa kan'ya at sumunod sa meeting room. Pagkapasok ko ay nandoon na si Enrico at magulang niya kasama ang mga magulang ko. Ako na lamang yata ang hinihintay nila. Wala naman kaming naka-schedule na meeting ngayon kaya hindi ko alam kung tungkol saan ang pagmemetingan namin. I sat down beside my mama. My mother glared at me. Ano namang problema ni mama? "Doon ka sa tabi ni Enrico," bulong niya. Hindi ako sumunod sa utos ni mama. Nakaupo na ako, nakakahiya namang tatao pa ako para lumipat. Namigay ng documents containing the meeting's agenda ang secretary ni Papa at tinignan ko iyon. Ang akala ko ay bagong product proposal iyon o monthly income report pero nagulat ako nang makita na wedding gowns iyon. Sunod-sunod kong binuklat at pawang mga design nga iyon ng gown. "What's this?" gulat na tanong ko. "Ehem," I looked at my papa's secretary as she presented the gowns. Nakatingin silang lahat sa screen as Tasha, papa's secretary explain every detail of each gown. Lumulutang ang isip ko at hindi na nasundan ang presentation ni Tasha maging ang pag-uusap nila. I was once okay with this wedding but now, I don't know... They seem excited, they look happy, while me, I'm... I felt suffocated. "Alin ang gusto mo anak? Syempre dapat bride parin ang masusunod," si Mama at ngayon ay nakatingin na silang lahat sa akin. "Uhh..." parang may nagbara sa lalamunan ko. "L-lahat m-maganda," nauutal na sagot ko. Tumango-tango sila. Napalingon kami sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Eros. He was smiling until he saw the screen. His mood instantly change. Naglakad siya papalapit sa amin at naupo sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya lang ako pinansin. "Amanda, wants black," sabi ni Eros at agad na sinamaan siya ng tingin ng magulang niya at ni Enrico. "Eros!" pagalit na tawag sa kan'ya ni Tito. Nagkibit balikat lamang si Eros at hindi pinansin ang ama. Siniko ko siya kaya bumaling siya sa akin at ngumiti. "Wag kang magulo," utos ko sa kan'ya. "Fine," kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Parang walang nangyari akong bumaling kay Tasha para mag patuloy pa siya sa pagpe-present ng iba pa. She show us a long sleeve white wedding gown. Maganda sa totoo lang, lahat naman ay maganda. Ako lang siguro ang wala sa kondisyon para pumili. "Lahat naman maganda, kung ikaw ang magsusuot," bulong sa akin ni Eros. Agad na naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Nadaanan ng tingin ko si Enrico na nakatingin sa amin ng mapanuri. Mabilis akong nagseryoso at tinuon ang atensyon kay Tasha. Natapos ang meeting o kung matatawag ko nga ba talagang meeting iyon, kung hindi naman business related. Lumabas na kami at napatingin ako sa pinto nang makitang hinihintay ako ni Enrico. "Kailan pa kayo naging close ng kapatid ko?" bungad na tanong niya sa akin. "H-hindi naman kami close," tanggi ko. Really hindi? Halos sapakin ko ang sarili sa kasinungalingang iyon. You gave yourself to him, Amanda! "I'm warning you, Amanda, wag kang masyadong maglalapit sa kapatid ko." "Why?" Halos pagsisihan ko na tinanong ko pa siya kung bakit, stupid Amanda. Seryosong nakatitig sa akin si Enrico. "You seriously asking me that, Amanda?" Agad na nag-iwas ako ng tingin sa kan'ya. Alam ko naman, lahat sila walang tiwala kay Eros. Wala ngang position dito sa kompanya si Eros. Kahit siguro janitor ay hindi nila ito iha-hire. Bumuntong hininga ako. "Don't worry about me, hindi naman kami malapit ni Eros. Kapatid mo siya kaya kinakausap ko." Tumango-tango siya at naglakad na palayo. "Hindi tayo close, Amanda?" Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. "E-Eros..." "Talaga ba, Amanda?" Natataranta ko siyang hinigit papasok ulit ng meeting room dahil baka biglang lumingon ang nakalayo ng si Enrico. Akala ko ay nakaligtas na ako pero Nanlaki ang mata ko nang makita si Tasha na nasa loob pa at nagliligpit. "Uh..." magdadahilan pa lang ako ay nagsalita na si Tasha. "It's not part of my job, I won't tell it to your father," she said bago lumabas. "Eros!" naiinis kong tawag sa pangalan ng lalaking nakangiti sa harap ko. "Yes, baby?" Nakagat ko ang labi ko, really isang baby niya lang rurupok na ako. Pinigilan kong ngumiti at pilit nagseseryoso. "Eros naman," I hopelessly said. "Hmm," malambing na tinig niya at humakbang papalapit sa akin. Umatras ako pero humakbang ulit siya. Natigilan ako nang lumapat ang likod ko sa pader. Nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko at nakangising yumuko para malapit ang mukha namin. "L-lumayo k-ka nga!" nauutal na utos ko. "Okay," sagot niya at akmang lalayo na pero biglang lumapit at hinalikan ako sa labi. Nababaliw na yata ako at tumugon pa ako sa halik niya. Ano ba Amanda, wake up! Itutulak ko palang siya ay narinig ko na ang pag-click ng pinto senyales na may papasok. Marahas ko siyang naitulak at kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang paglapat ng kamay ko sa pisngi niya. "Amanda!" sigaw ni Tita Grace sa gulat sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD