DC02

1229 Words
“Fourth! Kumusta?” tanong ni Baron kay Troyce at tinapik ito sa balikat ng bahagya. “I'm good. How's the business?” sagot naman ni Troyce at humithit ito ng sigarilyo sabay binuga sa mukha ng kaibigan. Medyo naubo ito dahil sa pagkabigla ngunit hindi naman nagalit. Smoker din siya ngunit hindi lamang niya napaghandaan ang atake ng kaibigan. “Hindi ka pa rin nagbabago. Mas gusto mo pa rin ang totoong tobako kesa vape,” sabi ni Baron at siya naman ang humithit sa kanyang vape. “You know me, I am not into artificials,” saad niya at uminom ng beer pagkatapos magsalita. “How about the hospital?” muling tanong ni Baron at tinitigan ng seryoso ang kaibigan. “Okay naman. Kung pwede nga lang na walang pasyente. We humans are meant to die at araw-araw marami ang namamatay. Even skin problems lead to death,” sabi niya at ibinuga ang kanina pa naka-hold na usok ng sigarilyo sa kanyang bibig. Sabi nga, a good smoker can speak before the smoke comes out. Natawa sa Baron sa naisip. “Hey, check this out,” turo ni Baron sa babaeng papalapit sa kanilang pwesto gamit ang kanyang nguso. Lumingon ng bahagya si Troyce at sinipat ang babaeng bago sa kanyang paningin. Mukhang may ibubuga naman at halatang sanay sa mga ganitong lugar, naisip niya. Dahil hindi pa nagsisimula ang banda, malamyos at erotikang musika lamang ang maririnig at ang kalansing ng mga baso. Ang mga halakhak ng mga magtro-tropang nag-iinuman na may tama na. “Hey, Miss. Magkano ka?” tanong ng lalaki sa babae gunit hindi niya ito pinansin. Dahil sa napaka-revealing niyang kasuotan, napagkakamalan siyang bayarang babae o pokpok. Puting sleeveless shirt o sando na may malaking awang sa bandang kili-kili na halos makita na ang mabibilog niyang dibdib. Wala siyang bra, tanging nip*le sticker ang tumatabing sa tuktok ng mga ito. Bukod pa rito, crop top ang damit. Halos mapalingon ang mga kalalakihan dahil sa mabibilog niyang balakang. Sa bawat hakbang ng mahaba niyang biyas ay tila slow motion show ang pag-indayog ng malusog niyang dibdib na lalong nagpakatakam sa mga kalalakihan. Agaw-atensyon din ang maong short shorts na kung tawagin ng karamihan ay pekpek shorts na pinaresan niya ng black semi-boots. Halos kalahati ng kanyang pwet lamang ang natatakpan ng kapirasong maong na tela. Marami ang sumipol, ang iba at napalunok na lamang dahil sa taglay niyang alindog, ang nakakagigil niyang bewang. Ngunit mas kaakit-akit ang maamo niyang mukha sa kabila ng lantad at mahalay niyang kasuotan. Bumagay ang kulot niyang buhok sa kanyang exposed at makinis na balikat. Gumamit din siya ng black matte lipstick upang mas lalong kaakit-akit ang kanyang bow shaped lips. Pinaghandaan niya ang gabing ito at iyon talaga ang intensyon niya. Ang punahin at pag-interesan ng mga kalalakihan. Natanaw agad ni Vittoria ang pakay sa sulok ng bar, ang lalaking matagal na niyang hinahanap at nais makausap. Naninigarilyo ito at habang hawak ang lata ng beer. Si Troyce Montero. Ang pang apat na anak ngunit bastardo na anak ng dating pangulo. Napangisi si Vittoria. Bingo! Ilang taon din niyang pinaghandaan ang araw na ito at sa pagkakataong ito ay gagawin niya ang lahat. Kung kinakailangan niyang gamitin ang katawan, hindi siya magdadalawang-isip na isakripisyo ang kanyang p********e. Balewala kay Troyce ang babae na lumapit at umupo sa silya na malapit sa kanya. “Isang baso ng beer, please.” sabi ni Vittoria sa battender ng nakangiti. Lihim na nagkatinginan sina Baton at Troyce. Lumingon si Troyce sa babae na may kahabaan ang kulot nitong buhok. Napuna niya sa bandang neckline ang mga simple tattoo na iba't ibang kulay. Habang lihim na sinusuri ang babae, patuloy lang si Troce sa pag-lagok ng beer at pag-hithit ng sigarilyo. “Bro, I need to go. Alam mo na si Misis. Mahirap ng matulog sa labas ng kulambo,” sabi ni Baron na tatawatawa pa habang tinatapik ang kanang balikat ni Troyce. Tumango lamang si Troyce. Alam niya ang ibig sabihin ng kaibigan. Halata naman kasi na ang katabing babae na bagong dating ay interesado ky Troyce. Ngunit totoong may pamilya na su Baron. Pangarap niya rin iyon, abg magkaroon ng pamilya. Malapit na siyang mag treinta y cinco pero simula nang mamatay si Mia, wala ng ibang babae ang nagpatibok at pumukaw sa kanyang p*********i. Wala naman siyang erectile dysfunction. Sadyang hindi siya mabilis malibugan o makaramdam ng init sa mga babae. At alam niya ang dahilan. Dahil sila na lamang dalawa ang natitira sa bar counter, kahit na malakas ang music ay parang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa dalawa gayong hindi naman nila kilala ang isa't isa. Pakunwaring umubo ang babae at lumingon kay Troyce sabay pihit ng katawan na animo inihantad sadya ang kanyang mga dibdib. Ngunit ang mga mata ni Troyce ay nasa mata lamang ng babae na nakatitig sa kanya. Ang kulay brown nitong mata, medyo makapal na kilay at black hair color. Dagdag pa dito ang natura nal halimuyak na amoy ng babae. Napuna ni Troyce ang hikaw nito sa ilong at magkabilang dulo ng labi, bagay naman sa kanya na lalong nagpatingkad sa kanyang aura. “So, how do I rate?” tanong ng babae na ngayon ay naka-kagat-labi na. Napukaw ang diwa ni Troyce at yumuko lamang ito. Tinapik ang dulo ng sigarilyo at muling humithit. “Your tattoos are fake, right?” tanong ni Troyce. Alam niyang peke ang mga iyon ngunit nais lang nita magkaroon ng topic at maiwasan ang atensyon sa katawan ng babae. Matagal-tagal na rin siyang natitimpi at hindi siya madaling ma-attract sa babae. “Does it bother you whether they are real or not?” tanong nito sa kanya. “Sort of, it would be lovely if they were real,” sagot ni Troyce at nilagok ang natitirang beer. “Do you know a tattoo artist?” tanong niyang muli kay Troyce. Lihim na nabigla si Troyce. Does this woman know him? “Do you want a real one?” tanong niya na parang nagdadalawang isip. Matagal na ring panahon nung itigil niya ang trabaho bilang tattoo artist. Mas nagfocus na lamang si Troyce bilang isang Dermatologist. “Ah wala,” tanggi niya. “Well, gusto ko sana kaso mukhang mahihirapan ako. By the way, may I know your name?” yanong niya kay Troyce na medyo nagitla. “My name is Vittoria, Vittoria Suarez,” sabi niya at inilahad ang kamay. “Beautiful name, I'm FG, just call me FG,” inabot niya ang kamay ng babae at pinisil iyon ng bahagya. Ang lambot ng kanyang kamay na parang bulak na parang naghatid ng kung anong bultahe at init sa mga ugat ni Troyce. Bago pa siya ipinagkanulo ng sarili ay binitiwan niya agad ang kamay ni Vittoria. Fuck! What was that? Gigil na sita ni Troyce sa sarili. Alam niyang weakness niya ang tattoo pero mga peke iyon. Dahil lamang ba sa sinabi niyang gusto niyong magpalagay ng totoo? “Hey, are you alright?” tanong ng dalaga sa kanya. “Y-Yes, I am good,” sabi niya at lihim na yumuko sa pagitan ng kanyang mga hita. Naninikip iyon. Nais kumawala at parang nais niyang hilahin si Vittoria ngunit maraming tao sa paligid. “Stay here,” sabi ni Troyce at bilang tumayo. Iniwan no Vittoria na nakanganga pa ang bibig dahil sa pagkagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD