Isang taong espesyal sa ‘yo ang humingi ng malaking pabor. At dahil hindi ka makakatanggi sa pabor na hinihingi niya, pumayag ka sa isang experimental project na ginagawa ng institution niyo. No’ng una ay ayaw mo talaga dahil kilalang kilabot ng campus no’ng nag-aaral pa lamang kayo ang hinihiling niyang tulungan mo at kalaunan nga ay naging mas salbahe pa. Drug abuser, justice offender, law violator, outcast—iilan lamang ‘yan sa mga bansag sa kaniya ng mga tao.
At nang maramdaman mong tila hindi kayo umuusad sa pagtulong sa kaniya ay nag-umpisa kang sumuko. Pero nang ipag-tabuyan mo siya at itulak palayo, bigla mong naramdaman na may kulang sa sarili mo. Konsensiya lang ba?
O nahulog ka na sa kaniya?