TNSH 2-BIG MANSION

2001 Words
Sumakay ni Tiyang sa magarang kotse ng aking magiging amo. Sa unahan pa ako pilit na pinasakay ni tiyang katabi ng driver. Sinunod ko na lang baka sabihin pa sa akin ni sir Kier ay choosy pa ako. Umandar na ang sasakyan. Panay naman ang sulyap sa akin ni sir Kier lalo na kapag natatapat kami sa stop light at kapag medyo traffic. Naiilang naman ako kaya ibinabaling ko na lang ang mga mata sa pagtingin-tingin sa labas ng bintana. Ginaya ko na lang ang ginawa ni tiyang Loleng kanina nung nasa byahe kami kahit puro sasakyan din naman ang nakikita ko. "Masyado yatang napapangitan si Sir Kier sa akin kaya ganun na lang kung makatingin." Sa isip isip ko naman. Hindi naman ako sanay na binibigyan ng atensyon ng ibang tao dahil tanging ang Tiyang Loleng ko lang ang gumagawa ng ganung bagay sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay mas mahaba ang naging byahe namin ngayon kumpara kanina ng papunta pa lang kami ng dito sa Maynila. I felt uneasy. Naiilang din ako dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip nito sa akin. Tahimik kami sa buong byahe. Walang nagsasalita ni isa sa amin. Ako naman ay nawala din ang kadaldalan kay tiyang Loleng dahil ang layo niya sa akin. Nasa tabi ako ng driver samantalang si tiyang ay nasa backseat. Hanggang sa pumasok na kami sa isang malawak na subdivision. Walang kabahayan sa paligid. Bumukas ang isang malawak na garahe. Himinto ang sasakyan at bumaba na kami ni tiyang. Nang sa wakas nakarating na rin kami sa mansyon ng mga Montelibano. Unang sulyap ko pa lang ay namangha na kaagad ako sobrang laki nito. Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang paghanga sa nakikitang sukat ng mansyon. Ang lawak at ang laki! "Wow! Ang ganda pala talaga ng mansyon tiyang Loleng. Labas pa lang napaka enggrande na." Pabulong na sambit ko kay tiyang. Habang nakakapit ako sa braso nito. "Oo anak, pero mas maganda pa iyan sa loob at talagang mamamangha ka pa kapag nakapasok ka na. Mga mamahalin ang mga kagamitan nila kaya mag ingat ka sa bawat kilos mo, ha? Iwasan mo ang makabasag dahil mas mahal pa ang mga iyon sa sweldo natin sa loob ng isang taon." paalala pa sa akin ni Tiyang Loleng. "Opo naman po Tiyang, tatandaan ko po lahat ang bilin nyo sa akin." nakangiting tugon ko pa. "Henry!" boses ng Sir Kier iyon. Agad namang may lumapit na isang lalaking binatilyo. Sa tingin ko ay mag-kasing edad lang kami nito. "Ano po iyon, Sir Kier?" sagot naman agad nito. Nakatayo pa ng tuwid na tuwid sa unahan ng amo na animoy nasa isang OJT. Natawa tuloy ako ng bahagya dahil naalala ko nung nag O-OJT kami sa School pero agad ko din binawi ang ngiti ng magawi ang paningin ng nagngangalang Henry sa akin. Napatingin naman ako kay sir Kier na ngayon ay nakatingin kay Henry tapos ay titingin sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. "Dalhin mo ang mga gamit nila sa kwarto ni Tiyang Loleng mo." "Opo, Sir Kier." Nag-ala sundalo na naman ito. Umalis sa harap namin at pinuntahan na ang mga bagahe namin na nasa compartment pa ng sasakyan. Inisa isa na nitong ipinasok ang bagahe namin sa mansyon. Pero nang makita kong bitbit nito ang aking backpack ay agad kong kinuha iyon mula kay Henry. "Henry!" Tawag ko. Sandali itong tumigil at tumingin sa gawi ko. "Ako na ang magdadala ng bag ko, nakakahiya naman sayo," nahihiyang sambit ko pa pero nginitian ko din ito pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko. Walang pag aalinlangan naman na ibinigay sa akin ni Henry iyon. "Ang bait mo naman," komento nito sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon. Pakiramdam ko ay makakasundo ko agad si Henry. Una pa lang ay magaan na kaagad ang loob kay Henry. Dahil siguro magkasing edad lang kami and super approachable ito. Naputol lang ang pag uusap namin ng biglang magsalita si sir Kier. "Sige na Manang Loleng, mauna na po kayong pumasok ni Akira sa loob," utos nito sa amin ni tiyang na agad naman sumunod. Iginiya na ako ni tiyang papasok sa loob ng mansyon. Napalingon pa ako kay Kier at nakita kong masama ang tingin habang nakatitig sa akin kaya agad akong nag iwas ng tingin at dumiretso na sa paglalakad. Patakbo pa akong sumunod kay tiyang dahil naiiwan na pala ako ni tiyang. Hays ang bilis niya maglakad. Bakit kinakabahan ako sa kakaibang klase ng tingin sa akin ni sir Kier? Para akong laging hinihigop ng paningin nito. Para na tuloy akong natatakot sa presensya ng amo ko. Umpisa pa lang ng araw ay nag-iisip na kaagad ako ng kung anu-ano. Pagkapasok ko sa loob ay mas lalo pa akong namangha at napanganga. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko sa sobrang ganda! Pero napansin ko rin na parang wala man lang ni isang katulong dito? Napaisip tuloy ako kung si Henry lang ba ang makakasama ko sa paglilinis ng malaking bahay na ito. Naiisip ko pa lang ang bagay na iyon ay mukhang mahihirapan na agad ako. Kaya pala naman hirap na hirap si Tiyang Loleng dito dahil ito lang pala mag isa ang katulong. All around? Sa isip isip ko ay baka kuripot naman itong magpasahod? Na-curious ako kaya hindi ko napigilang itanong kay Tiyang Loleng ang bagay na nasa isip ko. "Tiyang Loleng?" agaw pansin ko kay tiyang habang iniaayos nito sa kabinet ang mga gamit ko. Naipasok na lahat ni Henry ang mga bagahe namin. Napansin ko naman na ilang piraso lang ng damit ang dala ng Tiyang Loleng. Siguro ay babalik din agad ito ng probinsya namin. Nalungkot ako sa isiping iiwanan ako ni tiyang dito na mag isa. "Ano 'yun, Hija?" tugon ni tiyang na hindi ako tinitingnan. Dirediretso ang pag aayos nito ng gamit ko. "Bakit po pala walang ibang katulong si Sir Kier bukod kay Henry?" kuryosidad na tanong ko dahil kahit sino naman siguro ay magtataka. Ang laki laki ng mansyon tapos walang ibang katulong bukod kay tiyang? "Naku Aki. Mahirap makuha ang tiwala ni Kier at bihira din magtiwala sa iba kaya bukod sa akin ay si Henry lang ang palagi nyang inuutusan. Dati ay lima kami ditong katulong. Kaya lang ay palaging nawawalan ng gamit ang mansyon kaya ng i-check sa CCTV ay nakitang ipinupuslit ito ng mga katulong kada day-off ng mga ito." kwento naman ni Tiyang. Grabe naman? Paano nila nagagawa ang magnakaw? Masyado nila ibinababa ang dignidad ng maid. "Yang si Henry, si Sir Kier mo ang nagpapaaral dyan," dugtong pa ni Tiyang Loleng sa sinabi nito kahit hindi naman na ako nagtatanong. "Ganun po ba? Ang bait naman po pala niya," nasambit na lang niya kahit na nag aalinlangan na ako kung magpapaiwan pa ba ako o hindi na. "Kaya kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang magsabi kay Kier dahil bukas nang madaling araw ay aalis na rin ako. Ituturo ko lang sayo ngayon ang mga dapat mong gawin dito sa mansyon," ani Tiyang Loleng. Sa isip-isip ko ay hindi nga ako nagkamali ng iniisip kanina lang. "Sige po, Tiyang Loleng, para naman po ma-ipahinga mo na rin po ang katawan mo. Ako na po muna ang bahala dito." Ngumiti ako ng tipid kay tiyang at ipinagpatuloy ko na ang pag aayos ng iba kong pang gamit sa kabinet na naririto sa loob ng kwarto. Iginala ko rin ang aking paningin. Malaki at malawak ang silid na tutuluyan ko. Parang hindi silid ng katulong kung iisipin ko. Ang sabi din ni tiyang ay hindi ito ang silid niya noon pero hindi naman nito sinabi sa akin kung saan ang dati niyang silid. "Mauna na akong bumaba sayo. Kailangan kong magluto. Sumunod ka na lang kapag tapos ka na dyan ha," ani Tiyang Loleng. Tumayo na ito at lumabas na ng silid. "Opo Tiyang." Nanlalambot na sagot ko kahit hindi ko sigurado kung narinig pa ni tiyang ang tugon ko. Parang nakaramdam ako ng pagod dahil sa mahabang byahe. Gusto ko sanang humiga muna kahit sandali lang pero hindi ko na nagawa iyon dahil narinig ko na agad ang tawag ni Tiyang Loleng. "Akira, Hija! Halika na sa baba at kakain na tayo." Nagtaka naman ako kung bakit ang bilis naman yatang makapagluto ni tiyang dahil kakalabas lang naman nito ng silid. "Opo, tiyang. Lalabas na po!" Inayos ko ang salamin ko sa mata pati na rin ang nakatirintas ko pang buhok. Lumabas na ako at bumaba na ng hagdanan dahil nasa taas ang silid ko. Kita kong nakaupo na silang lahat at ako na lang ang hinihintay sa hapagkainan. "Maupo kana, Akira," utos ni Tiyang sa akin. Agad naman ako umupo sa tabi nito. Katapat ko si Henry sa upuan, si sir Kier naman ay nakaupo sa mismong unahan ng mesa. "Let's eat." rinig ko pang sabi ni sir Kier. I wonder kung hindi ito maselan dahil isinabay kami nito sa pagkain. Nagsimula na kaming kumain. Sa hapagkainan pa lang ay naninibago na ako dahil ang tanging maririnig lang ay tunog ng mga kubyertos. Bawal ba mag usap dito kapag kumakain? Ang misteryoso naman masyado ng bahay na ito. Sanay ako na kapag kumakain kami ni tiyang ay palaging may pinag-uusapan. Yung mga mahahalagang bagay; Mga kaganapan sa buhay buhay at kung anu-ano pa. Mas gusto ko kasi ang ganun. Mas nagiging malapit kami at mas nakikilala pa namin ni tiyang ang isa't isa. Nalalaman ko rin ang mga experience nito sa buhay. Nang makatapos kaming kumain ay sinabi ni Henry na ito na daw ang magliligpit pero ko. "Ako na, Henry." nakangiting protesta ko. Alam kong si Henry na ang nagluto at naghain ng lahat ng iyon. Kaya dapat ako naman ang magligpit at maghigas ng mga iyon. Hindi naman ako sanay na maging prinsesa sa bahay. Kaya alam na alam na ko na ang dapat kong gawin. "Hayaan mo siya Henry." wika naman ni sir Kier. Nagpunas ito ng table cloth sa bibig pagkatapos ay tumayo na. Napasunod na lang ako ng tingin sa malapad nitong likuran. Pagkatapos kong mahugasan ang lahat ng iyon at maayos na sa tamang lagayan ay lumapit sa akin si tiyang Loleng at kinausap na ako. Nagsimula na si tiyang na ituro sa akin ang mga daoat kong gawin. Madali lang naman ang mga itinuturo ni tiyang sa akin dahil marunong naman na ako sa mga gawaing bahay. Nang matapos na si tiyang sa pagtuturo sa akin. Sunod ay ipinatesting niya sa akin ang ibang gamit sa pagluluto kagaya ng mga electric stove. Alam niya yung nga gamit na hindi ako pamilyar. "Saglit lang anak, ha." paalam nito sa akin. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang ipinapagawa nito sa akin. Nang matapos na ako ay hinanap ko si tiyang para alamin ang susunod kong dapat na gawin pero nakita kong kausap nito si sir Kier. Medyoumapit pa ako ng kaunti pero hindi muna ako nagpakita sa dalawang nag-uusap. Ikinubli ko ang aking sarili sa pader. Nag-ala marites muna ako. Sabay hagikhik. "Opo, Sir. Kayo na po sana ang bahala sa pamangkin ko," rinig kong sabi ni Tiyang Loleng. Mas lalo ko pang pinagbutihan ang pakikinig. "Walang problema manang Loleng. Huwag po kayong mag alala sa pamangkin nyo. Ako na pong bahala sa kanya. She'll be safe with me," sabi naman ni sir Kier kay tiyang Loleng. Pagkadismaya naman ang naramdaman ko. Pakiramdam ay ipinamimigay na talaga ako ni tiyang. Buong akala pa naman ay mananatili lang ako dito habang hindi pa sila nakakahanap ng magiging kapalit ni tiyang pero bakit parang balak na ni tiyang na dito na na ako patirahin sa mansyon na ito? "Sige, sir Kier. Ipagkakatiwala ko sa inyo ang pamangkin kong yan. Napakarami na niyang pinagdaanan sa buhay. Alam kong hindi niya gustong mag-stay dito. Pero kailangan kong gawin ang bagay na ito." Nakita ko pa ang mapait na ngiti ni tiyang. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya pero bakit wala siyang sinasabi sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD