bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

book_age18+
23.7K
FOLLOW
163.1K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
pregnant
playboy
bitch
comedy
bxg
disappearance
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

It was a night which all Pamela wanted to do was to forget.

Forget the pain of getting rejected by the only man she has her eyes on.

Forget how she betrayed her best friend Chantal in the name of love.

But that one night ended her in the bed of a stranger.

A stranger who took her virginity and left no trace but a souvenir she will treasure a lifetime, her son Finn Jasper. A child she conceives that one night with a Bewitching stranger.

chap-preview
Free preview
Prologue
MAINGAY ang paligid. Ang lakas ng tugtog. Nagkikislapan ang ibat-ibang kulay ng ilaw. Marami ang mga nagsasayaw at nagsasaya. Nandito lang ako nakaupo sa  may bar counter at tahimik na umiinom. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko. Masyadong mabigat ang nararamdaman ng puso ko para pansinin ang mga babaing kanina pa tingin ng tingin sa akin at ang iba ay lantaran ang pagpapapansin.  Nainis ako ng may babaeng tumabi sa akin. Inisip kong gusto rin nitong magpapansin sa akin kaya siya tumabi. Nang lingunin ko siya ay medyo napa nganga lang naman ako. She looks deadly beautiful and sexy! Iyong klase ng ganda na kahit saan mo ilagay ay agad na mapapansin, kahit hindi mag-effort ay tatawag ng attention. Nakita kong inilapag niya ang hawak niyang susi ng kotse sa ibabaw ng bar counter. "Kuya, bigyan mo ako ng pinakamatapang niyong alak dito," narinig kong order niya sa bartender. So nagkamali pala ako. Hindi siya tumabi sa akin para kunin ang attention ko. Mukhang interesado pa kasi siya sa alak kaysa ang tumingin manlang sa direction ko. Balak din yatang lunurin ang sarili sa alak na tulad ko. Nakarehistro rin sa mukha niya ang mabigat na dinadala. Siguro iniwan 'to ng boyfriend niya o kaya nahuli niyang nangangaliwa. Kung totoo ang hinala ko, tanga siya. Pinakawalan niya ang isang Diyosa sa kagandahan. "Alin ang gusto mo, Madam? We have Sunset rum, Balkan vodka, Bacardi---" "Anything," she answered cutting the bartender off. "Right away, Madam." Ilang sandali ay binigay na ng bartender ang order niya. Nagulat ako sa lakas niyang uminom. Ginagawa niya lang tubig ang rum na in-order niya sa bartender. Hindi pa nga halos nag-iinit ang pwet niya sa inuupuan niya pero nakakatatlong baso na siya. Napailing nalang ako. Mukhang broken hearted nga 'to. Tsk, tsk tsk. Ayaw ko talaga ng babaeng hindi kumikilos babae lalo na iyong mas malakas pa uminom sa akin. Major major turn off talaga sa akin 'yon. Hindi naman sa naghahanap ako ng isang Maria Clara. Ang gusto ko lang ay iyong babaeng hahayaan kang alagaan siya at iturin na reyna. Hindi iyong babaeng mukhang maangas pa kaysa sa akin na para bang siya pa ang lalaki sa aming dalawa. "One more, kuya. Make it double, please!" order ulit niya kahit lasing na siya. May balak atang lunurin ang sarili sa alak. But who cares? Pakalunod siya kung gusto niya. Mukha namang may pambayad siya eh. Tumayo ako para magpunta sa mens room. Pagbalik ko ay nadatnan ko na umu-order nanaman siya ng panibagong alak. "Ma'am, sigurado po kayo? Mukhang lasing na po kayo eh," concern na tanong ng bartender. Mukhang ayaw na nitong bigyan ng alak ang babae dahil totoo namang lasing na talaga ito. Ang bait talaga nitong si Alan. Kaya paborito ko siyang bartender dito. Totoong may concern siya sa mga costomer at hindi pera pera lang.   "What is it to you? Give me my order..." pagtataray niya sa bartender. "Ma'am, lasing kana po kasi. May kasama manlang po ba kayo?" "No, I'm not drunk. Give me my order now! Kilala ko ang may-ari dito, ipapasisante kita..." Wow. Bigatin kung ganoon! Pero totoo nga kayang kilala niya ang business partner ko? Oo, isa ako sa may ari ng bar na 'to. Isa ito sa mga personal investments ko. Wala naman talaga akong balak magtayo ng bar noon. Pero noong makita ko ang business plan ng kaibigan ko na siya talagang may-ari ng pinakamalaking bahagi nito, nag-invest narin ako. Isa lang naman ako sa mamumuhunan eh. Siya ang front person at namamalakad nitong "High Society Bar". Sa galing ng kaibigan at business partner ko sa pamamalakad ng negosyo, mayroon nang limang branches ang "High Soceity" na matatagpuan sa malalaking lungsod tulad ng Maynila at San Juan. Anyway, mabalik tayo sa alluring beauty next to me. Patuloy parin ang pagdidiskusyon nila ng bartender. Nagpipilit kasi itong bigyan pa siya ng alak kahit lasing na talaga siya. Mababakas iyon sa mukha at pagsasalita niya. "Ma'am, lasing ka na po talaga e... Gusto niyo po tawagan natin ang driver mo?" pagmamagandang loob na alok ng bartender. "Pati ba naman alak hindi ko parin pwedeng gustohin? Gusto ko lang naman makalimot dahil ang sakit sakit na... Sobrang sakit na dito oh..." turo nito sa dibdib niya sa tapat ng puso. So tama nga akong mabigat ang dinadala niya. Kahit napipilitan ang bartender ay binigyan naman nito ulit ng alak ang aking alluring katabi. Pero sigurado akong binawasan niya ang alcohol kc malabnaw ang kulay ng alak. Mukha namang sa kalasingan niya ay hindi na niya iyon pansin. "Hahaha. Thank you, kuya. I love you na agad." May pa flying kiss pang kasama. Wala lasing na talaga siya. Hawak ang baso ng alak ay tumayo siya sa inuupuan at nag-umpisang umindak sa  saliw ng tugtog. Para siyang baliw na tumatawa at sumasayaw mag-isa. Walang pakialam sa paligid at iginigiling ang katawan sa saliw ng musika. Animo pag-aari niya ang mundo. Aaminin ko. Kahit lasing siya at parang wala na sa sariling katinuan, ang ganda parin talaga niya. Kahit sino yatang lahi ni Adan ay mabibighani sa kanya. Lalo na sa uri ng pagsasayaw niya na parang ng iimbita sa kama. Yong parang nangangako ng mainit na magdamag. Oo at hindi ang katulad niya ang tipo ko sa isang babae. Pero grabe! Nakakabuhay siya ng likido sa katawang lupa ko. Nararamdaman ko ang pagsikip ng pantalon ko habang pinapanood siya. At kailan man ay wala pang kahit na sinong babae ang nakapagpadama nito sa akin kahit na ang babaeng minahal ko ng maraming taon. Ngunit bakit sa estranghero na babae sa harap ko ay biglang nagwawala ang likido sa katawan ko? And to think that I don't even know her name.   "F*ck!" mahina kong mura sa aking sarili. "Don't look at her, Gab. Control yourself!" kausap ko sa aking sarili sa isip. Ngunit pilit ko man inilalayo sa kanya ang attention ko. Hindi ko parin talaga mapigilan  ang mapatingin sa kanya. Patuloy parin siyang sumasayaw at dahil lasing na lasing na siya, muntikan na siyang natumba kundi nasalo ng isang lalaki na dumadaan sa may tabi niya. "Hey, Babe. You okay?" narinig kong tanong ng lalaki. "Hehehe." Tawa lang na sagot nito sa lalaki. "You're drunk. Let me take you home..." kausap dito ng lalaki. "Boss, kilala niyo po?" tanong ng bartender.   "Girlfriend ko," sagot ng lalaki sa bartender. "Let's go, Babe. Iuuwi na kita." Inakbayan nito ang dalaga at kinabig palapit dito. Tiningnan ito ng dalaga. "Who are you? I don't know you."  "Ano ka ba naman, Babe. Lasing ka na nga. Hindi mo na ako nakikilala. Halika na iuuwi na kita," turan ng lalaki at hinihila ang braso ng lasing na dalaga. Alam kong hindi kilala ng babae ang lalaking 'yon dahil nakita ko 'yon kanina kasama ng isang grupong pumasok. Hindi naman sa pamimintas pero napakalayo ng hitsura nito para sa babagay na kasintahan ng dalaga. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong lumapit at nakialam sa kanila. Siguro dahil may kapatid din akong babae at alam kong may masamang balak ang lalaki sa lasing na dalaga. "Where are you taking her?" tanong ko. "Huwag kang makialam, Pare. Girlfriend ko 'to!" maangas na turan ng lalaki sa akin at hindi parin binibitiwan ang braso ng babaeng lasing. "Paano mo siyang naging girlfriend e ako ang boyfriend niya, Idiot!" hinila ko ang babae lasing papunta sa akin. Bumagsak siya sa malapad kong dibdib dahil sa paghila ko. Tiningala niya ako. "Boyfriend? You're my boyfriend?" mapungay ang mga mata niyang tingala sa akin. "Just ride on sweetheart, if you don't want that something bad will happen to you..." bulong ko sa kanya. Tapos ay hinarap ko ang lalaking humihila dito kanina. "f**k off!" sikmat ko dito. Aangas pa sana ang lalaki nang magsalita ang bartender. "Pare, Boss namin 'yan. Kung ako sayo ay huwag ka nang makialam kung alam mo na ang makabubuti sayo," babala nito at inikot pa ang tingin sa naglalakihan ang katawan na mga bouncer sa bar. Bigla naman natakot ang lalaki at nabahag ang buntot. "I'm sorry, I didn't know. Sorry!" paghingi ng paumanhin ng lalaki at iniwan na kami. "Come on. I'll take you home," inalalayan ko na ang dalagang lasing. "Boss, hindi pa po siya nagbabayad," kausap sa akin ni Alan. "No problem. It's on me," sagot ko sa kanya. May pinermahan ako para katunayan na ako na ang bahala sa bills nitong lasing na dalaga. Pero dalaga ngaba? Siguro naman dalaga pa siya. Wala naman akong nakikitang suot na wedding ring eh. Ay iwan ko. Bakit kasi nakialam pa ako? "Boss, susi po ng koste niya," habol sa akin ni Alan noong palabas na kami. Kinuha ko ang susi at inalalayan na ang dalaga sa paglalakad dahil hindi na ito makatayo ng deretso sa sobrang kalasingan. Halos kargahin ko na siya hanggang sa makalabas na kami ng bar. "You drunk alone in a bar. Do you know how dangerous it is? You could get yourself raped!" Pangaral ko sa kanya na para bang magkakilala kami.   "Who are you? Let me go..." itinulak niya ako palayo. "Miss, if I didn't help you, you could've been in trouble now," sumbat ko dito. "So if I were you, I'll be a good girl while I'm being nice here." Walang utang na loob. Siya na nga ang tinutulungan siya pang manunulak? "Leave me alone. I don't need your help... Tsuuu!" dinotdot niya ng daliri ang matipuno kong dibdib at itinaboy na parang aso. "I don't need anyone's help. You can all leave me... The hell I care!" tapos ay gumigiwang ito na naglakad palayo ngunit muntikan na itong sumobsob mabuti at na hawakan ko. "I can take care of myself. Give me my car key..." inagaw nito ang susi ng kotse niya sa kamay ko. "Go away." Pucha. Bakit ko ngaba siya pinapakialaman? Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko siya kaanu-ano. Ano naman sa akin kung may mangyari sa kanya? "Fine. Ano ngabang pakialam ko sayo?" At hinayaan ko na nga siya. Nauubusan na ako ng pasensiya. Pinaka ayaw ko talaga sa lahat ay ang babaeng nagmamagaling at matigas ang ulo. Pero kahit naiinis na talaga ako hindi ko parin siya magawang pabayaan. Hindi talaga kaya ng konsensiya ko. Sigurado kasi ako na sa hitsura niya ngayon ay imposible niyang maiuwi ang sarili niya ng buo. Naroon na ang marape siya sa daan, ma gang rape o ang mabangga ang kotse niya dahil sa hitsura niya hindi mahirap hulaan na tatlo na ang paningin niya dahil sa kalasingan. At ayon na nga ang sinasabi ko! Nakita ko ang pagsulpot ng isang sasakyan sa may parking area at kung hindi ko siya natakbo at nahila ay siguradong nabangga siya.   "Do you really have a death wish, lady?" galit kong sigaw sa kanya. Pucha! Nagpunta ako ng club para maglasing  hindi para mag-alaga ng lasing. Tumawa lang siya na animo walang pakialam sa muntikan na nitong pagkaaksidente. "You're insane," naiiling na turan ko sa kanya. "Give me your car key. I'll drive you home," at inagaw ko ang susi ng kotse na nasa kamay niya. Nakainom ako pero hindi ako lasing. Maglalasing palang sana. Kung hindi siya biglang sumulpot at ginimbal ang nananahimik kong mundo. ginimbal ang mundo kong nananahimik. "Which one is your car?" I asked. "There..." turo niya sa isa side ng parking lot. Inalalayan ko siya sa direction na tinuro niya. Pinindot ko ang lock ng susi para mahanap kung alin sa mga kotse doon ang pag-aari niya. Tumaas ang kilay ko ng bumukas ang isang puting Porsche. Bigatin nga ang isang ito. Inalalayan ko siya sumakay sa passenger side at umikot ako sa driver side. "What's your address?" I asked. Ngunit ng lingunin ko siya sa  passenger side ay tulog na tulog na siya. s**t! Ang bilis niyang nakatulog. Gusto ko na talaga pagsisihan kung bakit pa kasi ako nakialam kanina. "Now, what should I do with you, sweetheart?" kausap ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi niya ako sasagutin kasi naghihilik na siya. But s**t! Double s**t! Ang ganda parin talaga niya. Sinubukan ko siyang gisingin para itanong ang address ng bahay niya ngunit umayos lang siya ng posisyon at tulog na tulog parin. Naghanap nalang ako ng kahit na ano na posibling magturo sa akin kung saan ko siya ihahatid. Ngunit wala akong makitang bag, wallet o maski cellphone manlang niya. "Great!" naiiling na turan ko. Dahil hindi ko alam kung saan siya iuuwi. Napagdesisyonan kong dalhin nalang siya sa hotel room ko. Buhat-buhat ko siya ng bigla siyang magising at anyong susuka. "No, no no..., sweetheart. Hold on for a second, we are almost there." Pigil ko sa kanya na halos takbuhin ko na ang pinto ng kwarto. Mabuti nalang talaga at hindi naman siya kabigatan dahil nga kahit matangkad siya ay maliit naman ang katawan niya. Nasa tapat palang Kami ng pinto ng bigla itong sumuka sa tapat ng dibdib ko. "F*ck..." tanging nasambit ko. Nagmamadali ko nang binuksan ang pinto ng kwarto. Ibinaba ko siya sa bathroom at itinapat sa lababo dahil anyong susuka nanaman siya. "Sorry. Are you, okay?" tanong ko dito nang mauntog ang ulo niya sa lababo. Paano naman kasi ang likot niya. Ayon tuloy nauntog siya. Hinawi ko ang buhok niya patalikod habang sumusuka siya. Tiningnan ko ang sarili ko. Putik naman oh. Kung minamalas ka nga naman. Puno ng mabahong suka ang polo kong suot pati narin ang pantalon ko. Hinubad ko ang mga iyon at tanging boxers ang itinira. Nilinis ko muna ang sarili ko tapos ay inasikaso ko naman siya. Punong-puno siya ng suka kaya hinubaran ko siya at itinapat sa shower. Wala na akong pakialam kung nakikita ko man ang kaluluwa niya. Ang gusto ko lang ngayon ay matapos na ang kalbaryong 'to at mabihisan ko na siya. Nakakapagud siyang alagaan. Nakakaubos ng lakas. "Clean yourself," utos ko sa kanya. "Where are you going?" tanong niya noong iiwan ko siya sa banyo. "I'll be right back. Just give me a second," sagot ko at lumabas ng bathroom para kumuha ng damit na pwedeng pamalit niya. Pagbalik ko ay nakita ko siyang natutulog sa ilalim ng shower. "F*ck, f*ck f*ck!!!" bulalas ko at agad ko siyang nilapitan. Ako na ang nagpaligo sa kanya. Nang matapos ko siyang paliguan ay kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ko siya. Hirap na hirap ako sa ginagawa ko kung alam niyo lang. Hindi ako Santo para hindi makaramdam ng init sa katawan lalo na kung kasing ganda niya ang nasaharap ko huwag nang isama na attracted naman talaga ako sa kanya kahit noong nasa bar palang kami. Napakaganda naman kasi talaga niya at sobrang sexy rin niya. Ang kinis ng balat niya na mala kutis pursilana. Pero pinigilan ko ang nararamdaman ko. Nagconcentrate ako sa pagpupunas sa katawan niya. Halos hindi ako huminga habang pinupunasan ko ang basang katawan niya. "Ohhh.." ungol niya na parang nasasarapan. My God! Tukso, layuan mo ako! Parang awa mo na! "It would be a big help, Sweetheart if you will keep your mouth shut... You're waking up something dangerous," turan ko sa kanya. Tumingala siya sa akin. Titig na titig sa mga labi ko. "Kiss me..."  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
106.6K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
235.9K
bc

Unloved by the billionaire

read
396.3K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.0K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.3K
bc

A Billionaire In Disguise

read
652.9K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook