"Ang ganda mo talaga," puri ng isang Ginang sa babaeng nakaputing bestida.
"Mukha ka talagang birhen bata ka," ani naman ng matabang babae at hinawakan ang kamay ng dalaga. Nahihiyang nginitian niya ang mga ito.
"Maraming salamat po," sagot niya sa mga ito.
"Kumpare ang swerte niyo naman sa anak niyo ni kumare, parang birhen sa kagandahan."
Narinig niyang puri ng mga kaibigan ng Papa niya na puro mga kagawad. Kasalukuyang parang may piyesta sa bahay nila dahil sa pagka-panalo nila sa eleksiyon. Mayor na ang ama ng dalagita sa La Sedilva.
"Naku! Hija siguradong marami kang manliligaw," ani ng babaeng sa tantiya niya'y nasa edad treinta.
"Ewan ko nga rito sa batang ito. Desi-otso na wala pa ring sinasagot sa mga manliligaw niya," nakangiting ani ng Papa niya sa mga kaibigan nito.
"Papa.." pagpo-protesta niya rito. Tiningnan siya ng Ama niya at nginitian.
"Oo na, naiintindihan ko anak. Magma-madre kasi itong anak ko mga kaibigan. Binibiro ko nga minsan na baka kako pwede naman siyang mag boyprend kahit na nag-aaral na siya," asar ng ama niya sa kaniya.
"Sayang ang ganda," komento ng isa.
"Oo nga, lalo na at nag-iisa mo pa siyang anak. Hindi ka pala magkakaroon ng apo," saad naman nu'ng isa. Ngumizi lamang ang am niya.
Napailing na lamang siya sa mga turan ng kaibigan ng ama niya.
Nagpaalam muna siyang may pupuntahan siya at nang hindi na siya maging hotseat sa mga kaibigan ng papa niya. Halos lahat yata sa probinsiya nila pinupuri ang ganda niya subalit hindi pa rin siya nasasanay. Binagtas niya ang daan papunta sa labas ng bahay nila nang may mahagip siyang tao. Napaka-guwapo nito sa suot na stripe white and black v-neck shirt at naka rugged jeans ito na nakasandal sa kotse. Lumingon ito sa kinaroroonan niya, nanlaki naman agad ang mata niya nang makita niyang nakatingin sa gawi niya ang binata. Nagmamadaling lumakad siya papunta sa likod ng bahay nila. Agad na napahinga siya nang maluwang noong wala ng taong makakakita sa kaniya. Sa wakas ay napag-isa na rin siya. Napangiti siya habang nakatingin sa malayo. Ipinikit niya ang oaniyang mga mata upang ramdamin ang napaka-preskong hangin na tumatama sa mukha niya.
"Hi," ani ng usang boses.
Malakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang magandang boses na umalingawngaw sa tenga niya. Nilingon naman niya ang kinaroroonan ng boses na iyon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nang makita ang lalaking nakakuha ng atensiyon niya kanina. On her 18 years of existence ngayon lang siya nakaramdam ng kakaiba sa lalaki. Hindi niya maintindihan ang sarili. She's acting so weird.
"I know I am worth staring at," nakangising ani ng binata sa kaniya. Napaka-pamilyar ng mukha nito. Parang nakita na niya ito noon pa. Lumapit ang binata sa kinaroroonan niya at tumabi sa kaniyang umupo. Kaagad na umusod naman ang dalaga. As much as possible ayaw na ayaw niyang nakikipag-usap sa mga lalaki dahil ang tanging gusto lang naman nila ay angkinin siya. Gagawing trophy na puwedeng ipahmalaki kahit sino dahil sa kagandahan.
"H-hindi, namumukhaan lang kasi kita," ani niya at itinuon ang tingin sa mga bulaklak.
"Hmm. Maybe because my father is a good friend of, Tito Zandro," sagot ng binata naramdaman niyang nakatitig ito sa kaniya. Naiilang na tiningnan niya ang binata na agad niyang pinagsisihan dahil nagkaroon lang siya ng pagkakataong titigan ito at purihin. Sobrang gwapo nito.
"I'm Reuchi, you're Merian right?" Nakangiting ani nito. Napatango lamang siya at kumunot ang noo niya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"naguguluhang tanong niya.
"No man would miss the chance knowing your name. You are famous in your school. I can see why. You're too beautiful to be human," nakangiting ani ng binata. Napairap na lamang siya rito. Lahat na lang ba ang nakikita sa kaniya ay ang kagandahan niya at hindi ang tunay na siya?
"Stop praising me. Halos lahat pare-pareho ang sinasabi niyo. Naiisip ko tuloy na baka gino-good time niyo lang ako. Marami naman akong kayang gawin na pwedeng mapansin hindi 'yung puro mukha ko lang ang pinapansin," asar na aniya. Manghang napatingin naman ang binata sa kaniya.
"You're not just a pretty face gorgeous, you're beyond that," seryosong ani ng binata at tinitigan ang mukha niya. Naiilang na napatingin naman siya sa mukha nito. She smiled a little at him. Mukhang ito lang ang nakpagsabi ng bago sa taenga niya. Huminga nang malalim ang dalaga at itinuon ang pansin sa htap niya. Napaka-ganda talaga ng mga bulaklak.
"Thank you," mahinang ani niya. Hindi oa rin siya makatingin sa binata.
"Merian Alinna," tawag nito sa kaniya. Nakangiting hinarap niya ito.
"Bakit?" tanong niya.
Ilang sandali lang ay may malambot na bagay ang dumampi sa labi niya. Napakurap-kurap siya at hindi makagalaw. Inilayo ng binata ang labi niya sa labi ng dalaga.
"Why did you do it?" mahinang tanong niya habang wala pa rin sa sariling katinuan. Kumukurap-kurap lang siya. Her heart was beating so fast. Hindi niya maintindihan. Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa gulat.
"Please wait for me, MA. I will marry you once I will have my inheritance. Wait for me," ani ng binata sa kaniya. Nagtagpo ang kilay niya sa sobrang kagulohan.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya rito.
"I like you very much. No, I think I love you already. Just please don't find somebody else," mahinang saad ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit basta na oang siyang napatango. Binigyan niya ito ng false hope.
"Magma-madre ako," ani niya rito. Kaagad na nawala anng ngiti sa labi ng binata. Bumalik ito sa pagiging seryoso.
"Basta, hintayin mo ako," ani ng binata na ikinanuot na naman ng noo niya.
Ilang saglit pa ay unti-unting nawala na ito sa paningin niya.
"Reuchi.." mahinang sambit niya. Napahawak siya sa labi niya at napailing. Hindi puwedeng magpadala siya sa mga ganoon. Kailangan na mas mataas ang devotion niya kaysa sa temptation. Hindi siya puwedeng maging mahina.
Tbc
Zerenette