bc

The Pretend Wife

book_age4+
3.2K
FOLLOW
29.1K
READ
sex
forced
pregnant
billionairess
drama
bxg
city
lies
cruel
substitute
like
intro-logo
Blurb

Lara Mendez was very surprised when her Identical Twins Laura went to the house she was renting, after she had not seen her for several years.

Tearfully her twin ask a favor, that she would pretend to be her twin, for one night with her husband Calix.

Gusto tulungan ni Lara ang kaniyang kakambal, at pumayag siya sa gusto nito na mag palit silang dalawa ng katauhan sa isang gabi, at nangako ang kakambal niya na babalikan siya nito.

Then morning came and fear enveloped her being when there was no sign of Laura.

Lumipas ang taon at patuloy lamang

nag papanggap si Lara bilang ang kakambal sa harapan ni Calix, at naging lihim na sikreto ang pag-papanggap dito.

Unti-unti nang napa-mahal si Lara sa asawa ng kaniyang kakambal, na kahit alam niyang bawal iyon.

Pano kong isang araw, dumating si Laura bitbit ang apat na taong gulang na anak nilang dalawa ni Calix?

Kaya niya bang isuko at kalimutan na lang ang nararamdaman kay Calix, alang-ala sa kaniyang kakambal?

O

Kaya niyang aminin at ipag laban ang nararamdaman niya para dito, kahit may asawa na ito?

chap-preview
Free preview
Prologue
The Pretend Wife “Ano?!!” Gulat na saad ni Lara “No way! Hindi ako makakapayag sa gusto mo Laura!” Tinalikuran nito ang kaniyang kakambal ngunit napa- tigil ako muli ng humarang ito sa aking dinaraanan. Maluha-luha na ang mga mata nito na konti na lang iiyak na ito anumang oras. "Nag mamaakawa ako sa’yo Lara, pag bigyan mo naman ako sa hiling ko sa’yo.” Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pilit akong kinukumbinsi sa bagay na ayaw ko. “Napaka imposible naman kasi ang hiling mong pabor sa akin Laura. Kahit gusto man kitang tulungan, hindi kita mapag bibigyan ngayon. Pasensya na.” final na sambit niya dito at bumagsak lamang balikat nito sa sinabi ko. “Ngayon lamang ako humihinggi ng pabor sa’yo. Isang gabi lang naman Lara ang hinihiling ko sa'yo pag bigyan mo naman ako, hmm?” Pag mamakawa nito sa akin. Pinisil nito bahagya ang kaniyang kamay at mamula-mula na ang mata nito “Isang gabi, Isang gabi ka lang mag papanggap bilang ako na si Laura sa asawa ko.” Aniya nitong, tinignan ko ng masama ang kaniyang kakambal. “Napaka- imposible naman kasi ang hiling mo sa akin. Paano kong mahuli tayo? Paano kong ipa kulong nila ako, na nag papanggap na ikaw!?” Napaka bigat na ng kaniyang pag hingga ng sandaling iyon, dulot ng pagod at puyat. Apat na oras lamang ang tulog nito sa sandaling iyon galing trabaho, sa kaniyang pag uwi isang pamilyar na pigura ang sumalubong sakaniya. Nadatnan nito sa kaniyang pinapauhang maliit na bahay ang kakambal, si Laura. Ako nga pala si Lara Mendez bente singko anyos at kasalukuyang nag tratrabaho bilang factory worker sa isang di-sikat na patahian sa Antipolo. May kakambal ako, si Laura Mendez. Identical twins kami ng aking kapatid na si Laura. Mula sa mukha, mata, katawan, hugis ng katawan, para silang perpektong replica ng bawat isa. Sa unang tingin mo pa lamang ay hindi mo na mahuhulaan kung sino ba ang tototoong Lara at Laura saamin Sa una mo pa lang sila pag titignan, hindi mo mahuhulaan kong sino ba talaga ang totoong Lara at Laura kapag sila nag sama. Maraming tao ang hindi nahahalata at matutukoy ang pinag kaiba nilang dalawa. Ngunit kahit mag kakambal sila marami silang similarities at mga katangian na pinag kaiba ni Laura. Gaya nang napaka hinhin at napaka- bait ng kanyang Ate Laura, naka- suot ito parati ng mahahabang damit na ayaw nitong ipakita ang kaniyang balat. Samantala naman naman ako, mas komportable akong naka- suot ng mga maiikling damit at kong-ano ano pa. Likas ang pagiging siga at bungangera, palaban, chismosa, na lumaki sa squatter area. Joke lang yong chismosa. Bata pa lamang kami no’ng mag kahiwalay ang aming mga magulang ng walong taong gulang pa lamang kami ng aking kapatid. Matanda sa akin si Laura ng ilang minuto bago ako iluwal, ‘yan ang kwento ng kaniyang Mama. No’ng mag kahiwalay ang aming mga magulang doon ito napag- kasundo na tig-isa silang anak na dadalhin bago umalis. Dinala ng kaniyang Mama ang aking Ate Laura, samantala naman napunta ako sa aking Tatay Diborsio. Isang karpentero at umaasa lamang sa pag construction worker kong saan-saan ang Papa. Binuhay ako ng Papa sa ganung klaseng trabaho, at napag tapos niya ako ng pag aaral at kursong maging Teacher sa elementarya. Hindi ko pinag- kakahiya na binuhay ako ng Papa na ganung klaseng trabaho, bagkus pinag sisigawan ko pa na marangal iyon. Kahit na mahirap ang buhay, tumulong ako kay Papa. Sari-sari na din ang napasukan kong trabaho para maka tulong sa iba’t-ibang gastusin. Isang maliit na barong-barong lamang ang kanilang tinitirahan, na madalas tinutuluan ng tubig kapag malakas ang ulan sa pinag tagpi-tagping yero at flywood. Samantala dinala naman ng kaniyang Mama ang kanyang Ate Laura sa Cavite at doon naka- tagpo ng foreigner na mapapangasawa. Tumira sila sa Canada at doon nabuhay ng masagana at marangyang buhay. Mula no’ng lumipad ang kanyang Ate Laura papunta sa Canada, hindi sila nawalan ng komunikasyon sa isa’t-isa at pahilim silang nag tatagpo at nag uusap, na hindi nalalalaman ng kanilang mga magulang. Lingid kasi sa kaalaman nila ito. Ayaw na ng kanilang mga magulang na mag- kita, mag kausap pa kami ng aking kakambal, sa hindi namin malaman na rason. Nang bente tres anyos na kami, ganun na lamang ang saya ng kaniyang puso ng muling bumalik ang aking Ate Laura mula sa Canada at dito na siya tumira sa Pilipinas. Sa edad nitong bente tres anyos nakapag sundo siya ng kaniyang mga magulang na ipag- pakasal sa mayaman na pamilya. Well, hindi ko pa talaga nakikita ang asawa ng aking kakambal, pero marami akong naririnig na marami daw itong ari-arian at negosyo at Mall dito sa Pilipinas. Walang sinumang tao, bukod sa aking mga magulang, na may alam na mayron akong kakambal ganun din ang bagong pamilya ng kaniyang kakambal. Naging isang lihim na sikreto ang kanilang pagkatao, na kahit din ang pamilya at asawa ni Laura, hindi din alam ang tungkol sa’kin. “Nag mamaaawa ako sa’yo Lara, pag bigyan mo na ako please. Ngayon lang ako sa’yo humihinggi ng pabor, Isang gabi lang naman ang hinihinggi ko” anito. Kong tutuusin wala pang hinihingging tulong at pabor sakanya ang kanyang kakambal. Bagkus napaka laki ang pasasalamat niya dito, dahil madalas siyang nakaka- hinggi ng tulong dito kapag nangangailangan akong financial na tulong sa pag papagamot ng aking Papa na na stroke na ng limang taon. Nasa pangangalaga ng aking Tiya Cecelia ang kaniyang Papa at binibigyan ko na lamang iyon ng pera kapag sumasahod na siya pero kahit papano, kulang pa din iyon sa araw-araw na gastusin at pag bili ng gamot at pag papagamot niya. “Bakit mo ba kasi ginagawa ito Laura?” tanong ko. “Nag away kasi kami ng asawa ko na si Calix.” Anito. “Pakiramdam ko kasi wala na akong kalayaan sa buhay ko Lara, pati si Mama kinokontrol niya ang buhay ko at pinipilit niya ako sa buhay na ayaw ko. Pagod na pagod na ako na ganun na parati umiikot ang mundo ko.” Umiyak na ito sa kanyang harapan. Masakit na makita ang kakambal niya na nahihirapan sa mga nangyari. Arrange marriage lamang ang pag papakasal nilang dalawa ng kanyang asawa na si Calix, at hindi niya ito totoong iniibig. Hindi naman kasi gaanong nag ku-kwento ang kanyang kakambal sakanya pero rinig nyang masama daw talaga ang ugali ng kanyang asawa na sinasakal siya nito sa mga bagay na ayaw niya. “Kong pagod kana, bakit hindi mo na lang iwan ang asawa mo?” Suhesyon niya at umiling lamang ito. “Hindi madali ang gawin ang bagay na ‘yon Lara, kasi kailangan kong manatili sa pag sasama namin dahil nabaon sa milyong utang ang naging asawa ni Mama sa pamilya ni Calix,” saad nya at doon siya natigilan. “Please Lara, tulungan mo ako. Isang gabi lang naman ang hinihinggi ko sa’yo. G-Gusto ko lang makapag isip-isip at pagkatapos maari kanang bumalik sa dati mong buhay.” Nag pakawala siya ng malalim na buntong-hiningga bago nag salita. “P-Per---” “Please tungan mo ako kahit ngayon lang Lara, ngayon lang itong pabor lang ang hihilingin ko sayo.." " Lara, I'm begging you just this time ako naman ang pag bigyan mo ” sa pagkakataon na ito, nag simula ng umiyak ang kanyang kakambal sa harapan niya. Nag pakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hiningga. Kahit na rin isya, hindi nya alam kong ano ang magiging sagot niya sa pabor na hinihinggi nito sakanya. “Sige na nga,” napilitan n’yang saad, Pinunasan ni Laura ang luha sa kanyang mata. “Talaga ba kambal? Pag b-bibigyan mo ako?” Mangiyak-ngiyak nyang sambit at tumango siya. Wala naman syang choice kundi tulungan ang kanyang kakambal. Wala naman sigurong masama kong tutulungan niya ito diba? “Maraming salamat talaga Lara.” Nagulat na lamang ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit. “Maraming salamat at pinaburan mo ako sa aking hiling kambal.” Saad nito at una syang kumalas sa pag kakayakap nilang dalawa. “Isang gabi lang okay? At pagkatapos wag mo ng guguluhin ang buhay ko.” Asik niya at pinunasan nito ang luha sa kanyang mga mata. “Hmm. Oo.” Saad nito at marahan nyang tinapik ang likod nito. Lara's POV “Sure kabang gagawin ko talaga ‘to? Kinakabahan talaga ako ng husto Laura.” Bakas ang nerbyos sa kanyang dibdib ng sandaling ‘yon. Lumapit sakanya ang kanyang kakambal at inayos nito ang suot nyang damit. Sa pagkakataon na ito, nag palit silang dalawa ng damit at ayos. Naka suot siya ng kulay brown-orange na mahabang skirt na lagpas tuhod ang haba at tinernuhan ito ng white longsleeve at pares ng sapatos na puti na mag mukha na syang manang sa porma nya. Jusko bakit ba napaka kati at napaka init naman ng porma ng aking kakambal? “Sure ka ba na kailangan ko pang mag suot ng kasuotan mo? Hindi talaga ako komportable na mag suot nito kambal.” Napa nguso nyang saad. “Oo, ako bahala sa’yo. Mag tiwala ka lang sa’kin hm? Kailangan mong mag tiis na suotin niyan para hindi tayo mahuli.” Saad nito at hinawakan niya ang aking balikat. “Babalik din ako bukas pangako… Magkita tayo dito bukas ng alas singko:trenta ng umaga. Dito sa likod ng masyon doon, tayo mag papalit ng katauhan.” Tumango siya kahit sa loob-loob nya ayaw niya talaga dumiretso. “Basta siguraduhin mo sa’kin na pasado alasingko-trenta nandito kana sa likuran, at kapag lumapas kapa ng limang minuto, mag lilibot na ang mga guards, at kapag nangyari ‘yon mahuhuli tayo, at hindi na tayo mag kakaroon ng pag kakataon na mag palit ng katauhan.” Paalala nito sakanya. Sandali. Ganun talaga kabilis na minuto ang palugit? “Sure ka ba talaga dito Laura? Paano kong mag kamali ako? Natatakot ako na baka mahuli ako o kaya nama—” “Relax okay? Magiging okay ang lahat. Kinabisado mo naman lahat ng galaw at kilos ko diba?” Pag papalakas loob nito saakin at binigay niya sa’kin ang cellphone. “I-text or tawagan mo ako, kapag may nangyari na hindi maganda at pupunta ako. Hmm?” Anito at tumango na lamang siya. “Bakit mo kasi kailangan mag isip-isip?” Saad niya at umiwas ito ng titig sakanya na tila ba may tinatago ito na hindi niya mawari. “Babalik din kaagad kambal.” Saad nito. “Ikaw na bahala Lara, may tiwala ako sa’yo.” Matamlay syang ngumiti sakin. Niyakap siya ng kanyang kakambal sa huling pagkakataon at sinuklian niya naman iyon ng mahigpit na yakap. “Sige na, mauna na ako. Paalam Lara.” Kumaway siya at nag lakad na ang kakambal niya paalis. Nang mawala na sa paningin niya ang kanyang kapatid, nag pakawala na lamang sya ng malalim na buntong-hiningga bago pumasok sa sikretong pinto na sila lamang dalawa ang nakaka alam. Sobrang lakas ang kabog ng kanyang dibdib ng sandaling iyon na hindi niya mawari. Ito ang kauna-unang beses na maka ramdam siya ng takot sa kanyang dibdib. Nag pakawala siya ng malalim na buntong-hiningga at inipon niya ang natitirang lakas ng loob sa kanyang dibdib. Kaya mo ito Lara. Isang gabi lang ito. Pag daan niya sa sikretong pintuan at sumalubong sakanya ang likuran ng mansyon. Medyo tago nga ang pintuan na iyon, na kahit siguro sino, hindi malalaman na may daanan doon na hindi makikita ng mga guards sa paligid. Niyakap niya ang kanyang sarili ng dumapo ang malamig na simo’y ng hangin sa kanyang balat. Marahan siyang tuminggala at doon ko napansin na nag- aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan, at pasado alas- sais na nang hapon iyon. Patuloy lamang siya nag lalakad sa hindi familiar na lugar na hindi niya din alam kong saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Nalula pa siya sa ganda at laki ng kanyang nasaksihan na tila ba mala palasyong bahay na mayrong apat na palapag. Napaka ganda at mukhang mamahalin ang bawat materyales na pag kakagawa no’n na halatang ginastusan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasaksi siya ng ganito kaganda at karangyang mansyon, na napapanuod niya lamang sa telebisyon. Hindi niya aakalain na sobrang yaman ng napangasawa ng kanyang kapatid. Ano kaya ang pakiramdam na maka tira sa ganito kalaki at karangyang bahay? Ano kaya ang pakiramdam kapag wala kang pino-problemang pera? Ganun na lamang ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng may humawak sa kanyang pulsuhan. Sindak na lumukob sa kanyang dibdib na makita ang isang katulong sa kanyang harapan. “Nandito lang po pala kayo Mam, kanina ko pa kayo hinahanap.” Kabado nitong saad at napa lunok ako ng laway. Sandali sino ba siya? “Tara na po Mam, hinahanap na po kayo ni Sir.” Saad nito at napa piyok ako sa kanyang sinabi. Sino daw? “P-Per---” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng hinila niya ako. Wala akong nagawa kundi mag patanggay sa pag hila niya sa’kin. Maya’t-maya pa tumigil kami sa mamahalin at malaking pintuan sa aming harapan. Binuksan niya iyon at napa nganga ako ng makita ko, ang napaka gandang silid. Pinag halong puti at dark brown ang pintura sa dingding at kisame. Napaka laki ng silid na pwede kayo mag habulan doon. Kompleto din ang gamit na naroroon na mukhang mamahalin base sa itsura no’n. Nakita ko ang malaking kama na hula ko king size bed, kulay puti ang unan, cover at comforter don, malaking wardrobe sa isang tabi, vanity mirror na halatang gamit iyon ng kanyang kakambal. May sariling sala set sa bandang kanan at pintuan sa bandang dulo na hula niya c.r iyon. Nag kalap din ang magagandang ilaw at chandelier na nag paagaw ng kanyang atensyon. Sobrang ganda ng silid na ang sarap-sarap pag masdan. “Maiwan ko na po kayo Mam Laura.” Saad ng katulong at bigla akong nag panic ng mag lakad siya paalis. “P-Per---” sa ikalawang pag kakataon ay hindi ko natapos ang aking sasabihin ng tuluyan na syang umalis at sinarhan ang pintuan ng silid. Marahan syang nag libot-libot sa naturang silid. Sinusuri niya kong ano ang baka display at mga gamit doon sa loob. Manghang-mangha talaga siya sa kanyang nasaksihan na, pakiramdam ko munti akong prinsesa sa ganda at mamahaling gamit na naroon. Nakita ko ang isang pintuan na kulay puti at binuksan ko iyon, sa labis na aking kuryusidad. Pag bukas ko ng pinto doon tumambad sa’kin ang napaka laking espasyo ng silid. Sa kanan ko nakita ko ang pang lalaki na mga cabinet na doon naka lagay ang mga gamit pang bahay, pang gala at mga office suits, na siguro mga damit yon ng asawa ng kanyang kakambal. Sa ibaba naman na parte naka lagay ang iba’t-ibang mga itim na sapatos na ginagamit nito sa pang araw-araw na pag alis nito. Bahagya kong binuksan ang drawer at napa nganga ako muli ng makita ang laman ng drawer, ay ang iba’t-ibang kulay at disenyo ng mga tie ng asawa ng kanyang kakambal. Binuksan ko ang isang drawer at tumambad sa’kin ang iba’t-ibang disenyo at kulay ng mga relo na mukhang mamahalin, at may halaga. My god. Totoo ba ito? Kinagat ko ang aking ibabang labi at nag lakad ako sa kaliwang bahagi ko ang mga damit pang babae. Nandon naka display at naka hanger ang damit ng kanyang kakambal sa araw-araw na ginagamit nito, mula pang bahay, at pang alis. Sa bandang babang bahagi naka display ang iba’t-ibang klaseng sapatos at stilletos na mukhang mamahalin at may signature. Naka display din ang magaganda at mahal na mga signature bags. Binuksan nya ang maliit na drawer at doon tumambad sakanya ang iba’t-ibang alahas at mga relo na ginagamit ng kanyang kakambal, na tila ba mamimili kana lang kong ano ang gusto mong suotin. Grabe. Ganito ba kayaman ang napangasawa ni Laura? Patuloy pa syang nag lakad at dinala muli siya ng kanyang mga paa patungo sa malaking kama. Humigga siya at marahang pinikit ang kanyang mga mata ng tumama ang likod niya sa malambot na kama. Napaka sarap sa pakiramdam. Ganito pala kasarap kapag maayos ang iyong hinihigaan. Samantala pinag titiisan nyang mahiga sa manipis na foam na kanyang nabili sa kanyang inuupuhang bahay. Nabalot ng nerbyos at takot ang kanyang dibdib ng marinig niya ang pag bukas-sara nang pinto ng kanyang silid, na tanda may pumasok. Sandali sino iyon? Minulat niya ang kanyang mga mata at umupo siya sa malambot na kama. Nakita niya ang misteryosong lalaki na naka tayo sa bandang pinto at sobrang seryoso siyang naka titig sa’kin. Naka suot siya ng white long sleeve at kapares ng itim na slacks. Matangkad at maganda ang hubog ng kanyang katawan. Sa una mo pa lang syang titignan, mapag kakamalan mo syang foreigner sa kanyang itsura. Guwapo siya at matangos ang kanyang ilong. Nakakakaakit at sobrang lagkit ang paraang pag titig n’ya sa’kin na tutunawin niya na ako. Jusko. Ang gwapo niya ah. Pinag pala talaga. “C-Calix?” Nabalik ang ulirat niya ng sandaling iyon. Sandali siya na ba? Sya na ba ang asawa ng kapatid ko? “Nandyan kana pala. Hehe sige alis muna ako.” Kabado kong saad at umalis ako sa ibabaw ng kama. Mabilis ang yabag ng aking paa paalis ng silid ng iyon. Bago paman ako tuluyan maka alis, ganun na lamang ang panlulumo ko humawak siya sa pader para lamang harangan ako sa aking daan. Kumabog ng sobrang bilis ang aking puso na hindi ko na alam ang gagawin ko ng sandaling iyon ng naka titig pa din siya ng malamig sa’kin. “B-Bakit?” Jusko bakit ka ba kinakabahan ng husto ng Lara? Kunwari, asawa mo siya ngayong gabi, dapat hindi ka maka ramdam ng kaba sakanya. “Saan ka pupunta?” Malamig pa sa yelo nyang saad. s**t. Bakit napaka lakas ng dating ang kanyang boses? “Sa L-Labas. Mag papahangin lang.” anito na lumukot ang kanyang noo sa sinabi ko. “Sa oras na to?” s**t. Mag isip ka ng dahilan Lara, diba magaling ka naman sa mga ganun? “O-O---” napa singhap na lamang ako ng higitin niya ako at sinandal sa malamig na pader. Jusko ano bang nangyayari? Kumabog ng sobrang bilis ang aking puso sa takot at kaba ng sandaling yon. “You know what? You seem odd” tila pag kikilatis nyang saad at sinuri nya ang aking mukha. Jusko. May alam ba siya? Alam nya ba na hindi ako ang kanyang asawa? “Ha?” Napa pikit ako ng mariin ng bahagya nyang nilapit ang mukha niya sa’kin ng malapit na malapit. Kulang na lang tuluyan ng bumigay ang aking tuhod sa pag lapit niya sakin. Tumatama sa’king balat ang mainit nyang hiningga na nag papatayo ng aking balahibo. Sa malapitan malaya kong naamo’y ang mabango at mabango nyang perfume. Hmm. Sherep yern? Umayos ka nga Lara. Si Calix yan. Yan ang asawa ng kakambal mo. Huwag kang maharot. “B-Bakit?” Kabado nyang sambit at napa singhap ako muli ng hapitin siya nito muli sa kanyang baywang. Napaka lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng mapa hawak siya matipuno at matigas nitong abs. Jusko. Napaka bait naman sa’kin ang diyos at binigyan ako ng mala- adonis na lalaki. Nilapit niya ang mukha niya sa’kin ng sobrang lapit na halos maduling na ako ng ilang pulgada na lamang ang lapit ng mga labi namin. “Saan kaba pumunta kanina? Kanina pa kita hinahanap. So gagawin na ba natin?” Maka hulugang saad nito na mag kasalubong ang kilay nya sa sinabi nito. Gagawin ang ano? Tila ba mamababaliw na siya na hindi alam ang gagawin ng sandaling iyon. “Ang a-alin?” Nilunok niya ang laway sa kanyang lalamunan. Ngumisi lang siya sakin. s**t. Ang gwapo. “Ibang klase ka din ano? Matapos no’ng nangyari kanina, tapos bibitinin mo lang ako ngayon.” Saad nito na mapa kurap ako muli. Bakit bigla akong natakot at kinabahan sa sinabi niya sakin? Hindi kaya? Mag sisiping kami? Pinamulahan ako ng aking pisngi at kumabog pa lalo ng malakas ang aking puso. Jusko. Huwag naman. Di ako prepare diyan. Wala sa usapan naming dalawa ni Laura, na may ganitong eksena na magaganap. Kailangan ko ng umalis. Hindi dapat ito mangyari. “H-Ha?” Taranta kong saad. “Pwede bang next time na lang? O-Oo next time na lan----” hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng mabilis nyang sinakop ang aking mga labi. Namilog ang aking mga mata ng maramdaman ko ang malambot nyang mga labi. Sobrang init. Sobrang lambot. At mapupusok ang paggawarang halik na binigay niya sa’kin, na malunod pa ako lalo sa aking nararamdaman. Sandali. Mali to. Hindi dapat ito mangyari. Asawa siya ng kakambal ko. Itutulak ko na sana siya nang mas nilaliman niya pa ang pag gawaran niyang pag halik sakin. Sobrang pusok. Sobrang init. At tuluyan na ako nga akong bumigay sa mainit nyang mga halik. Unti-unti kong naramdaman ang mainit nyang palad, na humahaplos sa masisilang parte ng aking katawan, na napapasinghap ako sa sarap at init na ngayon ko pa lang naramdaman. Ang isa nyang kamay, unti-unting hinuhubad ang aking damit. And the rest was history. Nagising ako sa malamig na hangin na dumapo sa aking balat. Tanging kumot lamang ang naka takip sa hubo’t- h***d kong katawan. Minulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa’kin ang napaka dilim na silid. Nakita ko ang lalaking naka dapa sa aking tabi, at mahimbing na natutulog. Kahit ganun ang kanyang posisyon, napaka guwapo niya pa din tignan. Sinapo ko ang aking mukha sa labis na pag ka dismaya at naalala ko ang kahihiyan na aking ginawa. Ano bang nangyayari sa’yo Lara? Bakit binigay mo ang sarili mo sa lalaking hindi mo naman mahal? Bakit sinuko mo ang pag ka-birhen mo sa asawa ng kakambal mo? No hindi pwede. Pano kong malaman ito ni Laura? Tiyak na magagalit sakanya ang kanyang kakambal, kapag malaman nitong may nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang asawa? Ano bang ginagawa mo Lara? Bakit tuluyan kang bumigay kay Calix? Ano na ang gagawin ko ngayon? Pinilig nya ang kanyang ulo, para iwaksi ang tumatakbo sa kanyang isipan. Kailangan kong maging kalmada. Relax Lara. Magiging maayos din ang lahat. Kinuha ko ang ang cellphone na naka patong sa table at binuksan iyon. Namilog ang aking mga mata ng makitang 5:10am na pala ng umaga. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong umalis. Hindi dapat mangyari ito. Dapat hindi na ako tumagal dito. Hila-hila niya ang kumot na tumayo at nag simula na syang mag bihis. Buong inggat ang kanyang galaw, na hindi niya magigising ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kama. Nang matapos syang mag bihis, sa huling pag kakataon sinulyapan niya ng tingin si Calix, na mahimbing pa din na natutulog. “Paalam Calix,” huling salita na binitawan ko sabay ng pag labas ko ng silid. Mabilis akong bumaba ng hagyan at hallway. Tila ba para akonh mag nanakaw na puno ng ingat ang kanyang yabag ng mga paa, at iniwasan ang maka gawa ng tunog at ingay. Mabuti na lang wala pang gising na katulong at guards, kaya’t hindi ako masyado nahirapan maka labas ng mansyon. Naka hingga ako ng maluwag at lakad-takbo lamang ang kanyang ginagawa, hinahabol niya ang oras na sakto syang maka rating sa sikretong daanan ng alasingko-trenta nang umaga. Hinihinggal akong naka rating sa likuran ng mansyon. Lumingon ako sa kaliwa’t-kanan at wala syang nakitang ibang tao, bukod lamang sakanya. Napa tingin siya muli sa cellphone at naka hingga ako ng maluwag ng makitang alas singko-bente-singko pa lang nang umaga. Ilang minuto na lamang ang kanyang hihintayin at darating na ang kanyang Ate Laura. Lumipas ang isang minuto. Dalawang minuto. Limang minuto Sampung minuto pero walang dumating na Laura. “P-Please, asan kana ba Ate Laura?” Kulang na lang maiyak na ko, 5:45 na ng umaga ngunit wala paring bakas ng presensya ng aking kakambal Asan kana ba kasi? Bakit ang tagal mo? Bakit? Sa bawat segundo at minuto na lumilipas, lalong nararagdagan ang kaba at takot sa aking dibdib, hindi pa dumadating ang kanyang kakambal. Nanginig ang kanyang kamay na binuksan muli ang cellphone at sinimulan na tawagan ito. Baka lang na traffic ito kaya’t natagalan ito. “The number you have dialed, is either attended or out of coverage area. Please try again later.” No “Please, huwag Ate” naiiyak kong saad ng hindi ko matawagan ang numero nito. “The number you have dialled, is not attended or out of reach of area. Please try a call later.” “N-No,” garalgal nyang saad at patuloy niya itong tinatawagan, pero wala pa din. "A-Ate Laura,” saad niya at nawalan na siya ng lakas na tawagan ito. Doon na siya nawalan ng pag asa. Hindi na dumating ang kanyang kakambal. Bakit? Bakit Ate Laura? Napa tigil ako ng marahas na humawak sa aking pulsuhan, at ganun na lamang kabilis ang t***k ng aking puso ng sandaling iyon sa takot ng makita niya kong sino iyon. “C-Calix” napalitan ng takot at sindak ang kanyang mukha ng makita niya si Calix na naka tayo sa harapan inya. Tanging pantalon na itim ang kanyang suot at wala syang suot na pang itaas na damit, na napag masdan niya ang maganda nitong katawan at six packs abs. Puno ng galit at lamig ang kanyang mga mata na naka titig sakin, na tila ba naka gawa ako ng pag kakamali. Napa singhap at napa daing ako sa sakit ng marahas niyang hinuli ang aking panga. “A-Aray. Nasasaktan ako C-Calix,” daing ko sa sakit na ngayon naka hawak siya sa aking panga ng sobrang diin at puno ng galit. “B-Bitawan mo ako, ano ba!” Asik ko. Pilit akong nag pupumiglas at inaalis ang kanyang kamay na naka hawak sa aking panga, pero hindi ko magawa dahil mas malakas ito kumpara sakin. “Where do you think your going?!” Malakas at mala- demonyo syang tumitig sa’kin na nag palambot sa aking mga tuhod. “Akala mo matatakasan mo ako Laura?! Not this time! Hindi ko hahayaan na takbuhan mo pa ako muli, naiintindihan mo ba ako?!” Malakas nyang sigaw na napuno ng takot ang aking puso. Sandali. Ano bang nangyayari? Bakit ibang-iba na siya? Bakit biglang nawala iyong malambing at mabait na Calix, na nasilayan ko kagabi? Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit at nakakatakot ang pamamaraang pag titig niya sakin. “C-Calix” daing ko sa sakit ng mas diniinan niya pa lalo ang pag kakahawak niya sa aking panga na mapa luha ako. “Please, huwag. N-Nasasaktan ako.” Pag mamakaawa ko. “Nasasaktan ka?!” Puno ng pag uuyam sa kanyang labi. “Mas lalo ka lang masasaktan sa’kin Laura!” Nilapit niya ang mukha sa’kin, at ilang pulgada na lang ang mukha namin. Gusto kong sabihin na hindi ako si Laura Pero nanaig ang takot sa aking puso. “So, this is how you play your game huh? Well let see Laura. I will make your life, miserable like hell sweetheart!” Mala demonyo siyang ngumiti sa’kin, na nag panindig ng aking balahibo. At kasunod no’n, ang pag patak ng luha na kanina nya pa pinipigilan. Asan kana ba Ate Laura? Tulungan mo’ko. Kailangan kita ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook