Pretending

2486 Words
MALALIM na paghugot ng hininga ang pinakawalan niya sa dibdib bago lakas-loob na pinindot ang doorbell. Isang may-edad na lalaki ang lumitaw mula sa kaliwang bahagi ng bahay. “Sino ang sadya mo, hija?” Bantulot na sumagot ang dalaga, ipinakilala ang sarili bilang Londyn Chivalez. “Ako ho ang fiance ni Rigo,” aniya nang makitang lumalim ang gatla ng matanda sa kulubot nitong noo. “Aba’y ikaw pala ang nobya ni amo ko. Halika, pumasok ka. Siguradong matutuwa iyon,” masayang wika nito. She nodded and forced herself to smile. Kinakabahan man ay buo ang loob na sumunod si Nadja sa matanda. Pagpasok sa loob ng bahay ay namangha siya sa namalas na karangyaan. Kanina, habang lulan sa taxi na inarkila niya’y namangha siya sa kagandahan ng tanawin. Nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada ang mga puno na tila daang taon na ang tanda. Nakayungyong ang mga sanga niyon dahilan para bahagyang lumilim ang daan. Hanggang sa humantong nga siya sa tapat ng isang wrought iron gate. Hindi mahirap matunton ang address sa Valle Verde. Sa gitna ng malawak na solar ay nasilip niya sa siwang ng gate ang nakatirik na dalawang palapag na bahay with a wide wooden verandah. It had a three car garage. The block was huge, at napapahugot siya ng hininga nang makita ang garden na nasisilip niya mula sa gate. It was immaculately kept. Iba’t ibang uri ng orchids ang natatanaw niya na nagpapaligsahan sa ganda. Ngayon ay walang dudang nasa teritoryo na siya ni Rigo Sariego, na nakatakdang makaharap ang lalaki. Ang palad niya’y nanlalamig at nanginginig sa salik na nararamdamang kaba. Bulag ang lalaki kaya malabong malaman nito na hindi siya si Londyn—ang girlfriend nito. Bagaman bukod sa pisikal na kaanyuan ay hindi nalalayo ang height nilang dalawa ng pinsan. Maging sa built ng katawan ay hindi rin naiiba, at ang pitch ng kanilang boses ay halos magkasing tunog. Nanalangin siyang sana’y malabong makilala siya ng lalaki. Pagpasok sa living room, bumungad sa kanila ang bulto ng isang lalaki. Nakaharap ito sa glass window na tila tinatanaw ang malawak na kagandahan ng Taal Lake. “Sir, mayroon ho kayong panauhin,” pormal na wika ng matandang lalaki. “I don’t want any visitor, Manong Piyo. Sinabi ko na sa inyong nais kong mapag-isa!” angil nito na ikinapitlag ni Nadja sa taas ng boses ng lalaki. Hindi man niya makita ang mukha nito’y katakot-takot naman na presensiya ang sinalubong nito. “If its Londyn, then tell them to leave and go back where they came from. I won’t speak to anyone else, do you understand? I need this time to myself.” malamig na patuloy ni Rigo. “Aba’y ang nobya mo nga ang iyong bisita, hijo,” tukoy ng matanda sa kanya na hindi man lang natakot sa taas ng boses na pinakawalan ng lalaki. Pigil ang hininga at parang may laksa-laksang paruparo sa loob ng kanyang tiyan nang pumihit ang bulag na binata paharap sa kanila. Diretso ang tingin na halos lampas sa kanilang kinaroroonan. Ngunit hindi naging kabawasan ang pagiging makisig nito sa pagiging bulag. Her inference was right. He was Rigo Sariego, a charming and debonair man, but not in that moment. Standing there felt like she needed to think again bago niya pangatawanan ang karakter. Napalunok siya nang masalubong ng mga mata niya ang madilim nitong anyo. His bold and dark eyes had an adhering fierceness that might drown her in the lake. Ang malagong bigote at balbas nito sa mukha ay tila ilang linggo nang hindi naaahitan. It almost covered the entire skin of his jaw and cheeks. The man's aura was intimidating, and she couldn't shake off the feeling that she was in danger. His posture was strong and dominant, exuding a powerful presence that she could feel even from a distance. Sa kabila ng pagiging bulag ng lalaki, nabubuhay ngayon ang lahat ng senses niya sa katawan. “Is that you, Londyn?” he asked in a cold voice. She tried to clear her throat before answering. “Y-yes it’s me, Rigo. Talagang inaasahan mo ang pagdating ko ha?” aniya na pilit na pinagalak ang tinig. Matabang na ngumiti si Rigo. “Hindi ko inaasahan ang pagbabalik mo, after everything that happened,” may himig ng pait sa likod ng boses na saad nito. She was taken aback by his words, her mind racing with questions and confusion. What did he mean by “after everything that happened”? “As his fiancée, Rigo wants me to meet his family and announce our wedding to the public, Nadja. But I still don’t know how to tell him that I’m backing out of the wedding. I'm struggling to say it because I'm afraid of hurting him too much, lalo na’t sa kalagayan niya ngayon. Malaki ang naging epekto sa kanya sa nangyaring aksidente, kaya hindi ako mapapanatag kung may mangayari man sa kanyang masama.” Tumimo iyon sa isipan nang maalala ang sinabi sa kanya ni Londyn nang pumapayag na siya sa inaalok nito. Kaagad niyang inilihis ang paksa. “Hindi ka ba masaya ngayong narito na ulit ako sa tabi mo?” tanong niya. Naramdaman ang tahimik na pag-alis ng matandang lalaki upang iwan sila nito. “I’m not sure, Londyn. You ghosted me for five days at hindi mo siguro aasahan kung ano man ang nararamdaman ko.” She felt guilty and pity for the man. Ang inakala siguro nito ay inabandona na siya ng nobya. At parang iyon na nga ang ginawa ng babae sa kasintahan nito. She left him hanging. Oh, Londyn! You're a crazy woman! Iniisip niyang naloloka na nga ito pag-ibig but unfortunately, not with this man standing in front of her, but with Craig, ang tunay na mahal nito. “I-I’m so sorry, Rigo. Alam mo naman na—” “I know, kailangan mong magtrabaho dahil marami kang commitments ngayon, right? Kaya nga hindi na kita tinatawagan pa.” There was a trace of bitterness in his voice, and she hardly heard it. “Oh, please. Ayoko na munang pag-usapan ngayon ang trabaho,” she said. Trying to sound convincing. Sa isip niya, napakahirap makuha ang puso o simpatiya ng lalaki. Subalit, kailangan niyang maging kapani-paniwala. Rigo laughed sarcastically as he used the walking stick to turn and took a step away from her. Sa nais na alalayan ito ni Nadja at hawakan sa braso ay pinigil niya ang sarili. Gamit ang tungkod, inalalayan ni Rigo ang sarili patungo sa balkonahe. Ayon kay Londyn, ang pag-alalay ang ayaw na ayaw ng lalaki. Ang iparamdam dito na useless at isa itong inutil na walang kakayahang gawin ang mga bagay na kaya ng isang normal na tao. At dahil sa medyo mataas na ang impluwensiya ng teknolohiya, ang gamit nitong blind stick ay mayroong ultrasonic sensor sound wave. Tumutunog ito kapag may nakaharang sa dadanan nito. Kaya malaking tulong iyon para magabayan ito patungo sa nais nitong puntahan. “I can’t believe I’m hearing those words from you, Londyn. Nasanay ako na mas gusto mong pinag-uusapan natin ang tungkol sa trabaho mo rather than preparing for our wedding.” halata ang sarkasmo sa tinig nito. Oh God! Ganoon ba si Londyn tuwing kasama ang lalaking ito? himutok ni Nadja sa sarili. Humakbang siya palapit kay Rigo. At kahit na anong pigil ng dalaga sa nais ay natagpuan niya ang sariling nakahawak sa braso ng binata. Parang napaso siya sa pagdidikit ng kanilang balat. Gusto niyang bawiin ang kamay rito pero huli na para bumitiw. It will take to her grave if does that. “A-alam kong marami na akong pagkukulang sa iyo, Rigo. And I'm not trying to have a serious conversation about work right now. Kaya ako andito para bumawi sa ’yo lalo na sa kalagayan mong ’yan.” “I don’t need your sympathy Londyn! Kung ang kalagayan ko lang naman ang iniintindi mo para mag-stay ka. You better stay away for me. I don't need you!” Napaigtad si Nadja sa pagtaas ng boses ng lalaki. Fear swallowed her up. Nakatiim ang mukha nito sa galit. Hindi inaasahan na ganoon kalaki ang pinagbago ni Rigo magmula nang maaksidente. He has become hot-headed and tyrannical. However, she new his behavior had changed due to the trauma he experience in accident. But she had to say something. Hindi maaaring nakatayo lamang siya sa tabi at hindi na magsasalita para lang hindi ito masaktan. “Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin,” aniya. Bahagyang hinaplos ang binata sa balikat upang kumalma. “I know you've been through a lot, and I want to support you. Pero hindi ako papayag na tratuhin mo ako ng ganito. Kailangan nating mag-usap para maintindihan natin ang isa’t isa. Nabigla si Rigo sa ginawa ng nobya. Nagtataka ito sa mahabang pagpapasensiya na inilaan nito sa kanya. But he didn’t say a word about it. “Kumusta ang lagay mo habang wala ako rito?” malumanay niyang tanong sa lalaki sa pag-iiba ng paksa. “Quite well,” maikli at malamig na sagot nito. Tumingin ang dalaga sa mga mata ng binata. Ayon sa nakalap niyang impormasyon kay Londyn, sinabi ng doktor na fifty-fifty ang chance upang makakita pa ang lalaki. Masyado raw naapektuhan ang optic nerves sa mga mata nito nang maaksidente ang kotseng minamaneho kamakailan. She bit her lower lip. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya gusto ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ni Rigo. “Uhm, kumain ka na ba? Would you like me to cook something for you? I’m sure it would help you feel a bit better.” Matamang natawa ang lalaki. Hindi sadyang lumabas ang mapuputi nitong mga ngipin. “There you are again, Londyn. You really haven’t changed. Lagi mong sinisingit ang pinsan mo sa usapan. And you always make me believe that foods would make me feel better.” Naagaw ang atensiyon niya sa tinutukoy na pinsan. Siya ba ang tinutukoy nito? Sapagkat siya lamang ang nagsasabi ng ganoon kay Londyn. She smiled. Hinawakan ang lalaki sa kamay. “Hindi ba’t totoo naman? Ang pagkain ay may paraan para gumaan ang pakiramdam natin. Tama naman ang pinsan kong si Nadja Saka gusto kong maka-recover ka ng mabilis. May magandang future pa tayong dalawa na naghihintay sa atin. At hindi ba’t may mga pangako pa tayo sa isa't isa?” Nagdaop ang kanilang mga palad at naramdaman ang bahagyang paghila nito sa kanyang kamay. Napilitan siyang humakbang at sumunod dito habang nakaalalay upang marating nila ang mahabang sofa para maupo. Ang akala ni Nadja ay papaupuin din siya ng lalaki sa tabi nito, ngunit nagkamali siya ng inakala. Nagulat siya nang matagpuan ang sariling nakakalong sa lalaki. Sa ginawang iyon ni Rigo ay hindi siya nakapagsalita at nakagalaw. Natuod siya sa kinalalagyan. “Naninibago ako sa iyo, Londyn.” “H-ha?” Agad nailang ang dalaga. Nais kumawala sa mga bisig at pagkakakandong sa lalaki, pero hindi niya magawa dahil hindi siya si Nadja sa mga kasalukuyang oras na iyon. Kailangan niyang umakto bilang kasintahan ng lalaki. “I was thinking about something these past few days noong wala ka.” Kaagad lumukob ang kaba sa dibdib ng dalaga. Nang titigan ito ay walang bakas ng anumang ekspresyon ang mukha ng lalaki “May mga katanungan na hindi maalis-alis sa isip ko,” “A-ano’ng mga katanungan?” “Like you’ve changed your mind? Matatawag ba iyon na kakalas ka na sa kasal?” Her lips parted. Hindi alam ang sasabihin. “You know, I won’t blame you, Londyn. Mas naiintindihan kita dahil hindi na kita mapapaligaya sa kalagayan ko ngayon.” Kinabahan siya. Pilit na natawa sa sinabi ng lalaki kahit hindi naman nakakatawa. “We’ve already talked about it, ’di ba? Sasama na ako sa ’yo sa Batangas to meet your family.” Kung saan man niya nakuha ang salitang iyon ay hindi niya alam. Rigo smiled kindly and took a deep breath. “At alam mo rin ba na matagal na ’kong hindi nakakaramdam ng init sa katawan? His face was tensed, trying to control himself for something. “A-ano’ng ibig mong sabihin?” she asked in confusion. Ang kabang nararamdaman ay higit na nadagdagan. “Kahit ano’ng gawin ko, nararamdaman kong lumalayo ka na sa ’kin sa tuwing magkakalapit tayo nang ganito. Pero ngayon, mas naging iba ka at gusto kong ipaalam ko sa ’yo na gusto ang ginagawa mo.” Sa isang iglap ay sakop na siya ng mga braso nito. He slightly reeled his face and claimed her mouth to kiss. Her eyes widened in astonishment, hindi inaasahan ang ganoong kapangahasan ng lalaki. At dahil sa pagsinghap niya, his tongue slipped between her teeth . . . tasting . . . exploring. Lalong natilihan si Nadja. Oh, God! She couldn't bear the sensation na pinaparamdam nito sa kanaya. Ngunit ang makulong sa mga bisig nito’y parang doon siya nararapat, parang iyon ang tama. Being in his arms felt like home. Iyon ang idinidikta ng isip niya kaya naman tumugon din siya ng halik at yakap. Ginaya niya kung paano siya nito hagkan sa mga labi, kahit hindi ganoon kabihasa ang tulad niya. Bagaman biglang huminto sa paghalik si Rigo at bahagya siyang inilayo mula sa katawan nito. Nagtataka ang mga mata habang nakatitig sa kawalan. She gasped. Napangiwi sa nangyaring hindi dapat mangyari. Bumangon muli ang kaba sa kanyang dibdib. Did he noticed? bulong ng kanyang isip. Mariing pumikit si Rigo. Nakitang kinokontrol nito ang sarili sa kanya. “Ipapaasikaso na kita sa mayordoma,” wika nito. Speechless, she stared at him. And then bahagyang lumayo at tumayo. Hindi mawari ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Ano’ng nangyari at pumayag siyang magpahalik sa lalaking ito? Oh god! She took advantage of him! nababagabag na bulong ng isip niya. Kailangan makausap niya si Londyn sa lalong madaling panahon. Dinudurog ang puso niya sa katotohanang niloloko lamang nila ang lalaki. Sooner or later ay kakalasan din ni Londyn ang lalaking ito. At bakit patatagalin pa niya? Hindi niya kayang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng binatang ito na umakit sa kanya. “I-I’m sorry, pero kailangan ko nang umalis.” Rigo sighed. “Okay, I can’t force you to stay here with me. But I just hope you will come back tomorrow. I don’t want to wait for another five days, Londyn. Marami pa tayong pag-uusapan at aayusin sa pag-alis natin patungong Batangas.” This was the right time to tell him there would be no Batangas. There was no need to talk about the future nor about the marriage. Dahil ang bride ay kakalas na mismo sa kasalang magaganap. At kahit siya’y hindi na niya kaya pang manloko ng tao. She and Londyn should stop this ridiculous plan. But to her own surprise, she smiled and found herself saying, “Pangako . . . babalik ako bukas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD