Part 2

2008 Words
Limelight AiTenshi April 1, 2017   Mula sa aking kinatatayuan ay sumalubong ang malakas na liwanag na nag mumula sa loob buong silid. Nakaka silaw ito at nag bibigay ng kakaibang pakiramdam..   Ito na ang oras upang ipakita sa lahat ang tunay na talento ni Mark Kiko Peralta Jr.   Part 2   "Welcome Mr. Kiko. Upo po muna kayo." ang bungad ng isang staff.   "Bakit walang tao?" tanong ko naman.   "Nasa loob na kasi si Mr. Niko. Nag a-audition na siya." ang sagot niya sabay turo sa isang silid kung saan nagaganap ang pang huhusga kaya naman muli ako binalot ng kaba.   Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa pinto ng naturang silid. "Sabi sa iyo sakto lang ang dating natin. Mag relax ka lang dyan at mamaya ay sa iyo na ang major role." wika ni Dada sabay tapik sa aking braso.   "Bahala na, basta may plan B ako." sagot ko naman.   "Wala nang Plan B dahil ito na iyon. This is it ng bonggang bongga."   At habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag kakagulo ng tao sa hallway. Dito ay nakita ko ang isang lalaking papasok, naka salamin at maraming nakapaligid na body guard. Ang lalaking ito ay si Albert Rogondola na naka suot ng sirang maong at sandong itim na pakat na pakat sa kanyang matipunong dibdib na animo nililok sa perpektong hugis. Noong mga sandaling iyon ay napatingin ako sa aking ayos, pareho kaming naka sando ngunit hindi ganoon kaganda ang aking katawan kumpara naman sa kanya. "Umuwi na tayo, siguradong si Albert na ang makukuha." ang bulong ko sa manager ko na animo pinang hinaan ng loob.   "Aba, bakit tayo aalis? After ng mga hirap at pag pupuyat mo sa gym? Never tayong aatras no. Saka sino ba nag sabing siya na agad ang makukuha?" ang tanong ni Dada.   "Yung abs nyang 6 pack. Umuwi na tayo!" ang wika ko sabay tayo sa aking kinauupuan ng biglang bumulaga sa aking harapan si Albert. Medyo na starstruck pa ako ng kaunti dahil ngayon ko lamang siya nakita ng personal. Mas matangkad ito sa akin, pakiwari ko ay nasa 6ft siya, maputi at parang may lahing banyaga dahil sa kanyang mata na kulay brown. "Hi pare, tapos na ba?" tanong niya.   "Ah eh, hindi pa. May nag aaudition pa sa loob  Ang sabi ay tatawagin nalang daw kapag okay na." sagot ko.   "Sige bro. Goodluck sa atin." naka ngiting sagot niya sabay upo sa kabilang gilid ng waiting area.   Walang kibuan, ititigan lang kami. At pakiramdaman. Hindi ko alam kung anong isinisip niya pero sa tingin ko ay over confident siya na mag tatagumpay na makuha ang role. "Basta bahala na, may the best man win." ang bulong ko sa aking sarili.   At habang nasa ganoong pag iisip ako ay bumukas na ang pinto ng silid kung saan nagaganap ang audition at mula nga dito ay lumabas si Niko Cruz. Masayang masaya ito at kinamayan pa ang lahat ng staff sa loob waiting area. Yung tipong parang nag tagumpay na siya. Ito ang rin ang unang pag kakataon na nakita ko siya. Katulad ni Albert, maganda rin ang kanyang katawan, payat ngunit bato bato ito. Mag kasing tangkad lang kami at mas chinito lang siyang tingnan lalo na kapag ngumingiti.   "Mga pare goodluck sa inyo." ang wika nito sabay kamay sa amin ni Albert.   "Salamat." sagot ko naman.   "Teka, picture muna tayo. Bihira tayong mag kita kita eh." ang wika nito na feeling close agad sa amin ni Albert. Agad niyang ibinigay ang cp sa kanyang alalay at pumagitna ito sa amin ni Albert.   "1 2 3.. Smile!!" ang wika ni Niko at doon ay nag flash ang kanyang cellphone Agad niya tiningnan at inupload sa kanyang social media. "Ayan good shot mga pare. Lagyan ko ng caption. ATM with Albert Rogondola and.. and.. ano na nga pangalan mo pre?" ang tanong niya sa akin.   "Kiko nalang." ang sagot ko na hindi mawari kung maiinis ba o mahihiya dahil hindi man lang niya ako kilala.   "Ah oo, Kiko. Nice." ang wika niya at muli kaming kinamayan. "Oh paano mga tol mauna na ako. May guesting pa ako sa mall mamaya." ang pag paalam niya.   At habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag tawag sa susunod na mag aaudition. "Mr. Albert Rogondola. Next na po kayo." ang wika ng staff sa pinto.   "Woah, bilis ah." ang wika ni Albert at bago pumasok sa silid ay agad na itong nag alis ng sando. Talagang ibinuyangyang na niya ang kanyang magandang katawan.   "Hala, bakit siya? Eh nauna kami rito?" reklamo ni Dada   "Yun po ang utos ni Direk kaya iyon ang sinunod namin. Pasensya na po. Waitsung nalang kayo dito." ang sagot staff.   "Aba't pati rito hindi sinusunod ang first come first serve policy. Anyway di naman makukuha iyang si Albert dahil masyadong macho. Parang wrestler na saka alangan siya kay Jevan. Baka mag mukhang anak lang niya ito no. Tingnan mo, luz valdez iyan pag labas dito." ang wika ni Dada at habang nag sasalita siya ay biglang bumukas ang pinto ng silid, mula rito ay lumabas si Albert.   "Agad agad? Wala pang 1 minute ah." ang bulong ng aking manager   "Salamat direk. Excited na ako! The best ka talaga!" ang wika ni Albert habang kumakaway sa loob.   "Bilis mo ah. Kamusta ang audition?" ang tanong ko noong makalapit ito sa akin. "Okay pa sa alright pare! Paano goodluck saiyo ha. Teka picture muna tayo. Ano na nga ulit name mo?" ang tanong ulit niya.   "Kiko" ang sagot ko naman.   "Ah oo nga pala." wika niya sabay taas ng cp niya at dito ay nag sselfie pa kaming dalawa.   "Mr. Kiko tawag kana ni Direk." wika ng tao sa pinto.   "Good luck pare!" ang pahabol naman ni Albert sabay tapik sa aking balikat.   Lumakad ako sa pintuan at huminga ng malalim. Mabilis ko ring sinulyapan ang aking sarili sa salamin at nakita kong maayos naman ito at hindi hagard pag masdan. Kumakabog man ang aking dibdib ay pinilit ko pa ring ikalma ang aking sarili at ngumiti habang humahakbang palapit sa kanilang kinalalagyan.   Pag pasok sa loob ng silid ay bumulaga sa akin ang isang mahabang lamesa kung saan naka upo ang apat na tao dito. Sa gitna ay ang direktor ng pelikula, sa kanyang tabi naman ay ang kanyang assistant. Sa kabilang gilid naman ay naroon si Jevan na abala sa pag pindot ng kanyang cellphone. At katabi niya ang kanyang manager na abala sa pag paypay sa kanya bagamat aircon naman sa buong silid.   Unang beses kong makita si Jevan. Hindi ko maitatanggi na gwapo talaga ito kaya naman pala bet na bet siya ng direktor para sa role. Maganda ang mga mata, maamo ang mukha, matangos ang ilong. Yung tipong mag uuwi na lahat dahil may nanalo na. Idagdag mo pa yung kanyang ngipin na pantay at nakaka akit pag masdan. Nakakabakla kung tutuusin. Napaka simple lang niya ngunit malakas ang dating, nakakatulala talaga.   "Hi Kiko." ang bati ng assistant director.   "Hi." ang naka ngiti kong sagot.   "Hello, ask ko lang kung may experience ka na ba sa big screen? Mayroon ka na bang major role na ginanapan?" tanong ng assistant.   "Meron na po, yung ano, yung comedy movie na ang title ay "Patayin sa Kiliti si Nestor". Ako po yung best friend ng bida. Saka po kung napanood nyo yung Indie Film na "Tukso Lapitan Mo Ako" ako rin po yung isang bida doon. Kung valid po yun." sagot ko.   "Syempre naman, pwede yun. Iyon ang mga direktor na naniniwala sa iyo."  naka ngiting wika ng direktor.   "Ahh oo, alam ko yung Patayin sa Kiliti si Nestor. Ikaw pala yung isinubsob sa cake at nahulog sa bangin. Nice Role ha." ang sarcastic na tugon ng kanyang assistant.   "Siya si Mark Kiko Peralta yung sinasabi ko sa inyo. What do you think?" ang wika ni Direk.   "Cute siya, baby face at parang napaka inosente ng dating." ang maarteng wika pa ng assistant director. Samantalang si Jevan naman ay walang paki alam sa akin na parang may sariling mundo.   "Mas maganda kung fierce ang mukha. Yung lalaking lalaki. Mag deliver kana ng line. Try natin ha." ang wika ni Direk.   Tumayo ako ng matuwid at inihanda ang aking emosyon. Internalize ika nga, yung huhugutin ko ang lahat ng feelings sa aking dibdib at ibubuga ng isang bagsakan.   Huminga ako ng malalim at tumingin sa mata ng direktor. Nag katitigan kaming dalawa at dito ay binigkas ko ang maramdaming linya ng bidang tauhan.    "Naguguluhan ako sa aking sarili, hindi ako bakla ngunit kapag kasama kita ay nang hihina ang aking tuhod, tumitibok ng mabilis ang aking dibdib na para bang lalabas ang aking puso sa matinding kaba at tuwa. Nakakabaliw ang nararamdaman kong ito para sa iyo Ruben. Halikan mo ako at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako katulad ng pag mamahal ko sa iyo."   Tahimik..   "Okay cut!" ang wika ng direktor. "Magaling ang batang ito. Yung mata niya ay nangungusap at nag sasalita. Im impressed."   Tumingin sa akin ang baklitang assistant director. Pakiramdam ko ay hindi talaga niya ako gusto dahil tumaas ang kilay nito. "Mag hubad ka nga." utos niya kaya naman inalis ko ang tshirt kong suot.   "Medyo mataba ka pa para sa role. Pero parang pumayat kana niyan hano? Kumpara naman doon sa sitcom niyo tuwing linggo ng gabi. Ano na nga yung title nun?" ang maarteng salita nito.   "Skul Dribol trobol" sagot ni Direk.   "Oo yuon. Skul Dribol Ek ek na yan. Ang taba taba mo don. Kitang kita yung baby fats sa katawan mo. Prangkahin na kita Kiko, mas gusto ko talaga si Albert Rogondola, ang ganda ng katawan noon, lalaking lalaki at malaki ang fan base niya. 5 million ang follower niya sa twitter at 4 million naman sa **. Ikaw ilan ang follower mo? Noong chineck ko ang fan page mo ay nasa 5.8k lang ang likes nito. Masyadong maliit iyon. Saka yung tuhod mo medyo maitim, yung kili kili mo kulang sa buhok, at yung pisngi mo masyadong pang baby face. Im sorry ha. Wag sana sumama ang loob mo." ang wika ng assistant director.   "Kung sakaling makuha ako ay pwede ko naman iwork out lahat ng panget sa katawan ko." ang sagot ko.   "Oo nga naman, saka pwede naman daanin iyan sa retoke diba? Yung ilong niya ay medyo flat kaya dapat kaunting tangos pa. Yung mata niya ay medyo singkit pwede iyan lakihan. Diba direk?" ang sabad ang manager ni Jevan.   "Pwede naman iyan iedit. Madali remedyuhan ang tamang anggulo." sagot ni Direk.   Noong mga sandaling iyon ay tila nag halo halo na sa aking dibdib ang lahat ng pang lalait sa akin ng harapan. Wala akong nagawa kundi ang itikom ng mahigpit ang aking kamao at mag salita. "Eh puro lait lang pala aabutin ko sa inyo bakit nag padala pa kayo ng imbistasyon sa akin? Mga gago! Akala mo naman kung sinong mga gwapo at magaganda! Tang ina ninyong lahat!!!" ang sigaw ko dahilan para matutula sila at matahimik sa kadaldalang ginagawa. Kasabay noon ang pag babalik sa normal ng aking paligid. "Excuse me Kiko may sinasabi kaba? Pasensya na ha, masyado kasing madaldal itong katabi ko." wika ni Direk.   Naisip ko lang pala yung pag sigaw ko kanina. Pero iyon talaga ang gusto kong gawin noong mga sandaling iyon. Bagkus ngumiti nalang ako at pinigil ang pag patak ng luha sa aking mata. "Haha wala po direk. Lalabas na po ako. Medyo mainit dito. hehehe." ang wiko sabay suot ng aking tshirt.   "Thank you Kiko. Call nalang kami." ang pahabol ni Direk.   "Salamat din po! Bye hehe." ang sagot ko sabay labas ng silid.   Pag labas ko ay agad kong nakita si Dada at doon ay umiling nalang ako. Hudyat na hindi naging maganda ang resulta ang aking audition.   Mabilis kong kinuha ang aking bag at doon ay lumalakad palabas ng gusali. Hindi naman ako kinuwestiyon o pinagalitan ni Dada, inunawa nalang niya ang aking nararamdam bagamat bakas rin ang lungkot sa kanyang mukha.   Halos sumabog ang aking dibdib sa matinding sama ng loob. Matapos ang araw araw na pag pupuyat at pag papagod ay nauwi rin sa wala ang lahat at may free na lait pa mula sa mga mapanghusgang tao sa aking paligid. Marahil ay hindi nga para sa akin ang mundo ng spotlight. Ito na siguro ang hudyat upang bumitiw ako sa bagay na aking pinangarap.     itutuloy..          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD