Chapter 1

1597 Words
CHAPTER I Nagising akong masakit ang katawan at halos hindi na magalaw ang leeg ko dahil sa haba ng biyahe. Pupungas-pungas pa ako ng bumangon mula sa upoan kung naging kanlungan ko ng ilang oras. “Hoy, Dustin bumangon ka na diyan. Nandito na tayo.” Sigaw ni Ashton na nakatayo na sa tabing dagat. Ito ang daan papunta sa isla kung saan sila natrap ni Aya. Bibilhin niya daw ang isla para regalo dito. Masyadong nilamon na ng pagmamahal ang gago. Nakakatakot talaga ang pag-ibig ‘e bigla nalang umaatake ng hindi mo namamalayan at kakainin ka ng buo. Mabuti pa ang single na katulad ko malaya at walang problema. Kaya mahirap talagang nagsiseryoso nakakahanap ka ng katapat mo. Iyong handa mong iwan ang lahat para sa ikasasaya niya. Tsk! Di masaya. “Didiretso na ba tayo sa isla?” tanong ko bago sinulyapan ang orasang nasa kamay ko. “Alas kwarto na pala.” “Oo kaya dito nalang muna tayo. Ikaw ba ang sasama maghanap ng hotel o kami nalang ni Fin?” napasulyap ako sa van kung saan natutulog ang malandi din naming kaibigan. Napuyat na naman yata sa paghada kagabi. “Ako na gusto ko ring mag-ikot,” presinta ko bago sumunod ditong maglakad. Pinark lang namin ang sasakyan sa may pinakasentro ng bayan ng Davao bago nag-ikot. At ang tukmol tulog pa rin hanggang ngayon. Kailangan ko palang kumustahin ang La Promesse. “Are we going to book for two night or just tonight?” napangiwi ako sa tanong ni Ashton lalo pa ng gulat na tiningnan kami ng mga tao sa front desk. “Wtf! Bustarde umayos ka baka isipin nilang may relasyon tayo.” Asik ko sa kanya pero tumawa lang ito at malanding kumindat. “Sayang ang gwapo nila noh!” “Baka naman iyong isa bi lang pareho kasi hindi mo naman aakalain na may relasyon sila.” “Gapangin ko kaya ‘yong isa mukhang magiging lalaki pa.” Napahilamos nalang ako sa sariling mukha ng tumalikod kami paalis sa counter at marinig iyon. Tapos ang gagong Ashton umakbay pa habang naglalakad kami. Ang mga tao talaga puro judgemental. Minsan nakakatakot mahuli ka nila sa isang alanganing sitwasyon. Kasi hindi mo na maipagtatanggol ang sarili mo dahil una palang may hatol na sila sa’yo. Binalikan lang namin si Fin sa van at kinuha ang mga gamit namin bago umakyat sa kwartong kinuha ni Ashton. Ang walang’ya nagtipid pa isang kwarto lang ang kinuha kaya napagkakamalan kaming mga bakla ‘e. “Tang’na mahirap ka ba walang ibang kwarto? Kami hati sa bed ikaw mag-isa lang?” reklamo agad ni Fin ng makita namin ang kwartong kinuha niya. “Gago! Di sana kumuha din kayo ng kwarto niyo makaarte kayo parang sapilitan ang pagtulog niyo dito ah!” “Sabihin mo kuripot ka lang, gago! Diyan na nga kayo.” Bato ko kay Ashton ng unan pero nasalo lang din niya. “San ka na pupunta?” tanong ni Ashton bago ako makalabas. “Bibili ng pagkain nagugutom na ako.” Ang mga walang’ya ang dami pang bilin akala mo nagbigay ng pera. Di bale hindi naman ako nakakalimot at mahaba na ang listahan nila. Nagugutom na ako kaya sa jollibee nalang ako bibili ng pagkain namin. Kahit sandamakmak na cholesterol ang makukuha ko, talo-talo nalang muna kami. Papasok palang ako ay madami ng tao nagulat nalang ako ng may kumalabit sa akin mula sa likod. “Kuya, sorry.” Nakayukong saad ng babaeng nasa harap bago hinawakan ang mukha ko at dinamba ng halik. Dampi lang iyon gaya ng isang halik ng teenager pero pota natulala ako. Napakurap-kurap pa ako ng kindatan niya ako gamit ang asul na mga matang ‘yon. Kahit nanlalaki pa ang mata ko sa biglaang halik na ‘yon hindi ko na nagawang magtanong pa. Dahil sa mismong paglayo niya ay nawala na rin siya sa paningin ko. “Wtf!” I hissed the moment I gain my sanity. Ilang beses pang inikot ng mata ko ang buong fast food pero hindi ko na mahanap ang babaeng ‘yon. Mangha akong napapailing habang wala sa sariling hinahaplos ang mga labi ko. Para akong nabato-balani dahil sa halik ng estrangherong babaeng ‘yon. “Sir… sir..” kunot noo kung nilingon ang cashier sa counter. “Huh?” wala sa loob kung tanong. Hindi ko namalayang nakarating na ako sa unahan ng pila. Napangiti ito, “Kayo na po. Ano pong order niyo?” Napapakamot nalang ako sa ulo habang nag-oorder. Ilang beses pa akong lumingon sa likod pero hindi ko ito makita. Sinubokan ko pa ulit padaanan ng tingin ang buong fast food pero hindi ko na nakita ulit ang babaeng nagnakaw ng halik sa akin. Kahit hindi ko naman siya namumukhaan pakiramdam ko makikilala ko siya oras na makita ko siya. Ang mga mata niyang masayang nakangiti habang nakatitig sa akin. Wtf! Is wrong with me? I let a stranger kiss me. What if she’s sick? What if I got infected? What a f*****g idiot! Pagdating ko sa hotel ay lutang pa rin ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ay babaeng ‘yon. Hindi ko na nga kinuwento sa dalawa dahil buska na naman ang aabutin ko sa kanila lalo na kay Fin. Kaya pagkatapos namin kumain ay bumaba nalang ulit ako para bumili ng alak. Dahil sa pesteng halik na ‘yon nakalimutan ko na ang bibilin ko. “Sir ano po bang hinahanap niyo? Kanina pa po kasi kayo ikot ng ikot ‘e,” tanong ng babaeng hindi ko namalayang nakasunod na pala sa akin habang nag-iikot ako sa grocery store malapit sa hotel. “Okay na ako Miss. May hinahanap lang ako,” pagtaboy ko dito pero talagang mapilit siya at panay ang sunod sa akin kahit saan ako magpunta. “Miss sinabi ng ako na maghahanap ng—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod at pumunta sa kabilang condiments side. Naririnig ko pa siyang bumubulong habang naglalakad palayo. “Akala mo kung sinong gwapo! Security kaya ako dito kaya ako umiikot. Hmf!” Hinahanap ko nalang ang mga alak at chitcheryang pinapabili ng mga walang’ya kung kaibigan. “Nasaan na ba ‘yong sauce ng Doritos dito. Ang dami namang kulang sa grocery na ‘to. Dapat hindi sila nagbubuk—” “Kung marami kang reklamo ‘di wag kang bumili hindi ka naman pinipilit.” Mangha kung nilingon ang babaeng nasa tabi ko at may dala ding mga chitcherya bago nilingon ang likod ko baka may iba itong kausap. Nakaitim itong sumbrero sobrang baba noon kaya hindi mo makikita ang buong mukha niya. Nakaputing sweater ito na may malaking mickey mouse sa gitna at mukhang sobrang iksi pa ng shorts nito dahil hindi mo mapapansin agad. Nakasukbit sa balikat niya ang isang itim na Gucci backpack na mukhang mamahalin. Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang itong umingos ng makitang sinusuri ko ang suot niya at nagmamadaling naglakad paalis. “Pervert!” “Wtf is wrong with this people!” I hissed frustratedly. Nagmamadali akong naglakad papunta sa counter para sana habolin ang babae pero pagkatapos ko magbayad ay hindi ko na ito makita. Paglabas ko ng entrance ay may mga lalaki pa akong nakabangga. Mukhang nagmamadali sila at may hinahanap kaya pinabayaan ko nalang. “Excuse me!” gulat kung nilingon ang kumalabit sa akin. “Umm.. Omg! You’re Chef Dustin Del Carmen right? My brother really loves your books.” Biglang nabuhay ang katawang lupa ko sa tanong niya bago hinanda ang killer smile ko at nagpakilala. “The one and only but Dustin is enough Miss—” sinadya kung putolin ito para sabihin niya ang pangalan niya at hindi nga ako nagkamali. “Alicia Gandara, Sha-sha for short. Can we take a picture? I’m one of your fans too.” Hindi ko alam na hanggang dito pala ay sikat ako. Akala ko ay sa US lang ang kagwapohan ko hanggang dito rin pala sa Pinas. Marami pa siyang sinasabi gustohin ko mang makinig sa kanya, isang pamilyar na sweater ang nahagip ng mata ko. “Sorry Miss but I need to go. See you around!” nagmamadali kung paalam at kumindat. Dali-dali kung sinundan ang babaeng nakayuko pang naglalakad at panaka-nakang tumitingin sa likod. Nagulat ito at napatigil ng bigla kung hawakan ang bag niya dahilan para hindi siya agad makaalis. “Ano ba bakit hinahawakan mo ang bag ko? Bitawan mo ako!” Asik niya habang hawak ang sumbrero pero nakayuko pa rin at hindi lumilingon na parang nagtatago. “Humarap ka muna!” “Baliw ka ba? Ba’t ako haharap sa’yo di naman kita kilala?” Napangiwi ako sa sinabi niya. Nagulat ako ng hilahin niya ang bag niya dahilan para mabitawan ko ito. Handa na akong tumakbo para sundan siya pero nakakailang hakbang palang siya dali-dali itong naglalakad pabalik sa akin at sinalubong ako ng isang halik. Nanlalaki na naman ang mata ko dahil sa gulat pero kahit ganoon ay nakaramdam ako ng isang pamilyar na pakiramdam ng halikan niya ako. At ang mga labi kung traydor ay nakilala ang mga labing lumapat dito. The kiss snatcher! “Stay still please. I need to lost them.” Bulong niya habang nakadikit ang labi sa akin at kinukulong ng dalawang kamay niya ang mukha ko. “Its you! Ikaw ‘yon.. ikaw ang magnanakaw ng halik sa jollibee!” wala sa loob kung bulong habang nakatingin sa mata niya. Dahil iyon lang ang nakikita ko sa posisyon namin bukod sa natatakpan ng sumbrero at kamay niya ang mukha niya. Nanigas ako ng gumalaw ang labi niya papunta sa pisngi ko hanggang sa huminto ito sa tapat ng tenga ko. Parang pati t***k ng puso ko ay pansamantalang tumigil dahil sa ginagawa niya. “Oh is that you? I’m sorry! Pero salamat sa halik mo niligtas ako.” Bulong niya sa tenga ko. Bago pa ako makabawi sa pagkabigla ay wala na siya sa harap ko. And just like that I lost my two precious kisses. The kiss snatcher really abuse my precious lips in one day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD