bc

Camilla [COMPLETED]

book_age18+
462
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
BE
love after marriage
second chance
heir/heiress
bxg
civilian
like
intro-logo
Blurb

Masaya at bagong kasal lamang si Camilla at ang asawa nitong si Marco.Lumipat sila sa bagong bahay na pinatayo ng kaniyang asawa. Iyon na ang pangarap ni Camilla na mag simula ng bagong buhay, kasama ang asawa at sa magiging pamilya nila.Sa pag lipat nila sa bagong tahanan nila, buong akala nila magiging masaya sila.Subalit mali sila ng akala.Unti-unting nag bago ang lahat.Nag simula ang bangungot, na pilit nilang tinatakasan.Date started: June 9, 2022Date Finished: June 26, 2022

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 Dapit alas-kwatro ng hapon ng maka rating ang bagong mag-asawa na si Marco at Camilla sa kanilang panibagong tahanan. Gaya ng ibang mag-asawa, excited at sabik na sabik sila sa magiging tahanan na nila ngayon, na marami na kaagad silang naisip na kanilang gagawin para mapaganda ang kanilang bahay. Isang linggo na ang naka lipas simula no'ng kinasal sila ng mahigit pitong taon nilang mag nobyo at nobya. At ngayon ito talaga ang inaabangan ni Camilla sa lahat, ang pag lilipat at pag bubukod nilang mag asawa ng kanilang matitirahan. May sariling business at company ang mga magulang ni Marco at kasalukuyan na tumutulong ang kaniyang asawa sa kanilang negosyo. At dahil narin sa pag-iipon ng kaniyang asawa, naka bili kaagad ng lupa at nakapag patayo silang malaking bahay. Naka tayo ang kanilang bahay sa isang private subdivision. Malaki at malawak ang bahay na mayron lamang itong dalawang palapag at kompleto na rin sa gamit. "Nagustuhan mo ba Hon?" Umakbay si Marco sa asawa, na pareho nilang pinag mamasdan ang napaka ganda nilang bahay. Busog na busog ang kanilang mga mata na pinag mamasdan ang kabuuang kagandahan at old style ng pag kakagawa no'n at iba rin na mga antique na mga gamit. Sa unang palapag doon mo makikita ang malawak na sala, dining area, kusina, at isang silid para sa maid. Sa ikalawang palapag naman doon mo masasaksihan ang master bedroom, dalawang bakanteng silid, attic, at comfort room, na hindi konektado sa kanilang silid. Iyon kasi ang hilig nila pareho nila ni Marco ng style ng tema ng kanilang bahay, na maka luma ang dating at istura dahil iyon talaga ang pangarap nilang bahay na ipapagawa. No'ng 18 years old pa lang si Camilla nakilala niya si Marco dahil iisa lamang ang Unibersidad na kanilang pinapasukan. Doon na kaagad nagkaroon ng lihim na pag kagusto si Camilla ng una niyang nakita si Marco. Simula no'ng araw na iyon, pinupuntahan ni Marco sa silid si Camilla at sinu-surpresa ng kong ano-ano kaya't naging malapit at naging kilala nila ang isa't-isa. Bago paman matapos ang taon ng kanilang pasok sa School, labis ang pagka lungkot ni Marco ng official ng mag paalam si Camilla na doon na maninirahan sa Canada at ipag patuloy ang pag- aaral nito kasama ang pamilya nito. Walang magawa si Marco kundi mag paalam sa kaniyang ini-ibig. Labis din ang pag kadismaya ng binata dahil sa oras na sana na mag tatapat siya ng tunay niyang nararamdaman kay Camilla, doon din ito tuluyang mag papaalam sakaniya. Hindi na nagawa ni Marco na maka-usap si Camilla at nawalan na sila ng komunikasyon sa isa't-isa, ng pag tungtong nito sa Canada dahil na rin sa labis na pag ka- strict ng mga magulang ng dalaga na bawal humawak ng mga gadgets at kong ano-ano pa. Lumipas ang mga buwan at taon, tuluyan na nila naka limutan ang isa't-isa at nag karoon na rin ng kanya-kanyang buhay at trabaho. Labis ang pag kasabik ni Camilla, matapos ang mahigit siyam na taon, unang mag message si Marco sa social media, at doon na muli sila nag karoon ng komunikasyon. Simula ng sandaling iyon, official ng mang ligaw at mag tapat ng totoong nararamdaman si Marco sa dalaga. Ilang buwan lamang niligawan ni Marco si Camilla, mabilis din kaagad siyang sinagot nito dahil pareho naman sila ng kanilang nararamdaman na mahal nila ang isa't-isa. Nag patuloy ang kanilang pag-iibigan na dalawa na kahit long distance relationship sila, gaya ng ibang relasyon. Pero kinakaya naman nilang harapin at lagpasan ang bawat hamon at pag subok na sumubok sa tatag ng kanilang relasyon na dalawa. Ilang taon silang mag kasintahan at official na nag proposed si Marco ng pag papakasal kay Camilla dahil ayaw na niyang mawalay at mawala ito sakaniya. At doon na nga naisipan ni Camilla, na umuwi sa Pilipinas para maka sama na ang lalaking pinaka-mamahal niya. "Oo Hon gustong-gusto ko dito." Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Camilla dahil sabik na siyang mag simula kasama ang kaniyang asawa. Pangarap niya na talaga na pag lutuan, at asikasuhin ang kaniyang asawa bago pumasok sa trabaho, gaya ng napapanuod niya sa telenovela. Kompleto na ang lahat ng gamit at iba pa nilang pangangailangan sa kanilang munting tahanan. Ang tangi na lang nilang dadalhin ang kanilang gamit at damit, kaya't hindi na gaanong nakakapagod ang kanilang pag- lilipat. Tinulungan na siya ni Marco mag dala ng kanilang maleta sa kanilang silid, at nag impake na rin sila ng mga damit para ilagay sa kanilang munting wardrobe. Mag kasama silang mag asawa na nag libot-libot sa bawat sulok ng kanilang tahanan. "Kain kana Hon." Masayang turan ni Marco at nilapag nito ang magarbo at masarap na hapunan na hinanda niya para sa kaniyang pinaka- mamahal na asawa. Umupo si Marco sa harapan lamang ng silya ni Camilla. Naka set-up na rin ang mga kubyertos, plato at ilang pagkain na niluto niya. "Wow napaka sarap naman nito Hon." Hindi na maalis sa labi ni Camilla ang labis na saya at pagka sabik na pinag- mamasdan ang ilang putahe ng ulam na hinanda ni Marco. Hilig din ng kaniyang asawa ang mag luto ng masasarap na pagkain, nakaka lungkot lamang dahil hindi biniyayaan si Camilla ng talent sa pag luluto na kaya niya lamang lutuin ay tanging prito-prito lamang. "Taste it, Hon." Excited na sambit ni Marco. Sinimulang tikman ni Camilla ang niluto ng kaniyang asawa, at sabay na napa ngiti dahil napaka sarap nito na mag luto. "Hmm, masarap siya Hon." Nag thumbs-up pa siya dito, na kinalawak naman ng ngiti ni Marco. Masaya at sabay silang nag salo na dalawa ni Marco sa hapag-kainan. Nag-usap na rin sila ng mga bagay-bagay, at hobby talaga nilang dalawa na nag-uusap at nag kukulitan habang kumakain. "Kamusta na pala si Mommy?" Tukoy ni Marco ang kaniyang Mom. "Nandon siya sa bahay. Si Auntie Cecilia ang kasalukuyan nag- aalaga sakaniya ngayon." Formal na tinig ni Camilla na tumango na lamang ang asawa niya. Sampung taon nang patay ang kaniyang Papa, dahil na rin sa kadahilanan na nahulog ito sa hagdan at nabagok ang kaniyang ulo. Ang Mama naman naman naroon sa Cavite, at kasalukuyan na pangangalaga ng kaniyang Auntie Cecilia, na kapatid ni Mom. Tatlong taon ng stroke si Mama at hindi na ito nakakapag lakad at nakakapag salita ng maayos. Isang taon din itong namalagi sa Hospital para mag pagamot, pero ngayon sa bahay na lang siya, nag papagaling. Kumuha si Camilla ng private nurse para mag alaga at mag matututukan ng pangangalaga ang kaniyang Mama para sa mabilisang recovery nito. "Naisipan ko lang Hon na dalawin natin ang Mommy mo sa Cavite? Nakaka lungkot lamang dahil hindi siya naka dalo man lang no'ng kasal natin," suhesyon ni Marco, na kinatigil ni Camilla sa pag-kain. "That's a good idea Hon, miss na miss ko na rin si Mama." "Sige ipapa-ayos ko lang ang schedule ko sa trabaho at pwede na natin dalawin siya sainyo." Isang simpleng ngiti na lang ang tinugon ni Camilla bilang pag sang-ayon sa kaniyang asawa. CAMILLA'S POV Nagising ang diwa ni Camilla ng madama ang kakaibang lamig na ngayon niya pa lang nadarama. Kahit naka bukas man ang aircon sa kanilang silid, pero iba pa din naman ang lamig na kaniyang nararamdaman na nanunuot sa kaniyang laman. Kusot-mata na umupo si Camilla sa malambot na kama at doon niya lamang napag tanto na napaka dilim ng kanilang silid. Tanging ilaw na lamang sa lampshade ang bukas, pero hindi pa din sapat ang liwanag no'n para pag masdan ang buong paligid. May ibang parte pa din ng kanilang silid ang nilamon na ng dilim. "Hon? Marco?" Tawag ni Camilla sa pangalan ng kaniyang asawa pero, nakaka- bingging silid ang sumagot sakaniya. Mag-isa na lamang siya sa silid, at hindi niya mawari kong asan si Marco. Pag kakatanda ni Camilla sabay silang natulog ng kaniyang asawa matapos nilang mag movie marathon sa sala, pero asan kaya siya ngayon? "Hon?" Tawag niya muli pero wala pa ding sumagot sakaniya. Hanggang nag paagaw atensyon sa mga mata ni Camilla ng makita niya ang bulto ng isang tao na naka tayo sa isang sulok at madilim na bahagi ng kanilang silid. Wala siyang naramdaman na pangamba at takot sa katawan dahil, unang pumasok sa kaniyang isipan ang kaniyang asawa. "Marco?" Pilit niyang inaaninag ang bulto ng tao na kaniyang nakita na nilamon na sa kadiliman. Hindi niya makita ng maayos ang itsura at damit na suot nito dahil parang anino lamang ang kaniyang nakikita. Parang napaka itim na anino at hugis ng tao lamang iyon. "Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo Hon, pero hindi ka naman sumasagot sa akin," pabiro pang turan ni Camilla na kina-kausap niya ang maitim na anino. Napa-sapo si Camilla sa mukha at bumangon sa kaniyang kinahihigaan para lapitan ang kaniyang asawa. "Halika na Hon, matulog na tayo inaantok na ako," patuloy niya pa din kinakausap ito, na hinakbang niya ang kaniyang paa palapit ng palapit sa misteryoso at nakakatakot na anino. "Hon? Hindi ka ba mag sasalita? Matulog na tayo," kinukusot ni Camilla ang kaniyang kaliwang mata sa labis na antok at puyat. "Hon?" Kusa ng nanigas ang katawan ni Camilla dahil apat na hakbang na lamang ang distansya niya sa misteryosong anino. Namilog ang kaniyang mga mata sa labis na takot, at gimbal na kaniyang nadarama na nag kamali siya ng akala. Naka lutang ang misteryong anino sa hangin at hindi naka apak ang mga paa nito sa sahig. Ano ito? Nakita at klarong-klaro sa kaniyang paningin ang sindak at kilabot ng makita niya ng harap-harapan ang nakakatakot na nilalang na naka tayo, at kanina pa siyang pinag mamasdan na natutulog. Naka tayo ang matangkad at naka suot ng puting bestida na babae. Na hula niya lamang hindi na ito normal na tao. Nababalutan din ng mahaba at maitim ang kaniyang buhok at nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Gusto niyang mag salita, at sumigaw pero walang tunog ang lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi rin niya magawang tumakbo at ihakbang ang kaniyang mga paa sa labis na takot, na animo'y kusa ng napako ang kaniyang mga paa sa sahig. Nabalot na ng takot at sindak ang puso niya dahil hindi asawa niya ang patuloy niyang kina-kausap. Unti-unting lumalapit ang nakakatakot na nilalang, at handa na siya nitong sakmalin. At doon na siya nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook