bc

A Wife's Vengeance

book_age18+
1.0K
FOLLOW
6.0K
READ
revenge
self-improved
drama
tragedy
bxg
heavy
female lead
realistic earth
weak to strong
victim
like
intro-logo
Blurb

Elise believed her husband Joaquin truly loved her because Joaquin accepted their arranged marriage and married Elise. Joaquin showered Elise with love, and she felt contented with all of Joaquin's love for her because she genuinely loved him also. Elise was happy with her life because she had a caring husband and lovely sister. Even if Elisa was adopted, Elise learned how to love her sister dearly. That's why after Elise married Joaquin, she let Elisa stay and live with them.

But then Elise's life collapsed after discovering that her husband Joaquin and her adopted sister Elisa were cheating on her behind her back. They're having a secret love affair, and their true colors are revealed when she found out their secrets in their family townhouse.

Joaquin and Elisa did their best to get rid of Elise. Elisa and Elise fought that day, and when Elisa pushed Elise harder on the stairs, Elise's head hit the floor, making her head bleed and make her unconscious. So, when Elise was finally unconscious, they immediately tried to set the townhouse on fire and hoped that would kill Elise.

So, when the townhouse was burned after Joaquin returned and tried to check if Elise's body was still inside the townhouse. When Elise got her consciousness, she saw Joaquin carrying her. But because her body was hurting all over, she couldn't move.

And she was late to realize that her husband Joaquin had tried to murder her when Joaquin suddenly threw her into the river. When Elise's body was slowly drowning in the river, she only realized what was happening to her. She suddenly realized that she was going to die, and that's when she cried all of the pain she felt.

She felt betrayed, and her anger was building inside her chest. And because she couldn't move her body that was aching, she only wished that someone would save her so she won't be dead after getting her revenge on her ex-husband and her adopted sister Elisa.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue: Revelations THIRD anniversary ng kasal nila Elise at Joaquin ng araw na iyon ng magpasiya silang i-celebrate na lang iyon sa Monville townhouse ng pamilya nila Elise. At dahil namatay sa aksidente ang mga magulang ni Elise ay tanging siya na lang ang iniwanan ng ari-arian at kayaman ng pamilya Garcia dahil si Elise ang nag-iisang legal na anak ng mag-asawang Garcia. Habang si Elisa naman ay adopted sister ni Elise. Pero kahit na hindi magkadugo ang dalawa ay sobra ang pagmamahal ni Elise sa kanyang kapatid na si Elisa dahil sabay silang lumaki na dalawa. Bukod pa dun ay kasama na rin nila Elise si Elisa sa bahay nilang mag-asawa dahil ayaw ni Elise na mabuhay ang kapatid niya ng mag-isa lalo na't pareho na silang ulila sa mga magulang. "Nandito na ba lahat ng gamit na ka-kailanganin natin?" nakangiting tanong ni Elise sa asawa niyang si Joaquin. "Nailagay na yata sa compartment ng sasakyan lahat ng gamit na kailangan natin. Si Elisa na lang ang hihintayin natin dahil mukhang hindi pa yata siya tapos magbihis," seryosong sagot naman ni Joaquin. Kaya tumango na lang si Elise saka nagpasiyang bumalik ulit sa loob ng bahay nila at nang makita niya si Elisa na pababa na sa kwarto nito ay napailing si Elise habang nakangiti. "Ang tagal mo naman magbihis, Elisa." natatawang sabi ni Elise. "Pasensya ka na, Elise... Nae-excite kasi ako kanina pa kaya hindi ako makapag-focus sa pagbibihis eh. Paano ba naman kasi after mamatay nila Mom and Dad, hindi na tayo nakabalik sa townhouse." seryosong paliwanag naman ni Elisa. Dahilan para muling maalala ni Elise ang sinapit ng mga magulang nila ni Elisa. Tama nga naman kasi si Elisa. Simula kasi ng mamatay ang mga magulang nila ni Elise ay ilang beses tinanggihan ni Elise ang kapatid niyang si Elisa na bumalik sa townhouse nila nung kakamatay pa lang ng parents nila. At dahil importanteng araw para kay Elise ang araw ngayon ay nagpasiya siyang mag-move on na sa pagkamatay ng mga magulang nila para naman maging masaya na ulit sila Elise kahit na wala na ang mga magulang nila. "Pasensya ka na, Elisa ah? Mahirap lang kasi talaga sa akin nung una na kalimutan iyong nangyari... Pero huwag kang mag-alala dahil simula sa araw na ito ay nagpasiya akong manatili na lang na maging masaya kasama kayo ni Joaquin," nakangiting sabi naman ni Elise. Kaya naman napayakap si Elisa sa kanya saka siya nito nginitian. "Salamat, Elise. Iyon din naman ang gusto kong mangyari sa'yo. Hindi ko man totoong magulang ang mga magulang natin ay thankful pa rin ako sa kanila dahil naging parte ako ng pamilya n'yo. At isa iyon sa dahilan kung bakit gusto kong makalimot ka na sa sakit at magpokus na lang sa pagiging masaya ng buhay n'yo ni Joaquin." payo naman ni Elisa kay Elise. Pagkatapos naman ng pag-uusap nilang iyon ay nagpasiya na ang dalawang lumabas at nang makalabas sila pareho ay nakita naman nila si Joaquin na nakatingin sa kanila habang naghihintay ito sa pinto ng sasakyan. "Akala ko ay bukas pa tayo makaka-alis eh," ngising biro ni Joaquin sa dalawa kaya mabilis na tinapik ni Elise sa braso si Joaquin. "Sira! Pumasok ka na nga sa kotse at nang maka-alis na tayo!" natatawang sabi ni Elise saka sila sabay-sabay na pumasok sa sasakyan. Pagkatapos naman nun ay nagsimula na bumyahe si Joaquin patungo sa townhouse nila Elise. At dahil malayo-layo ang lugar na iyon ay nakatulog pa sa byahe ang dalawang babae bago sila nakarating sa townhouse. Nang makarating sila roon ay ginising lang ni Joaquin ang dalawang babae saka sila nagpasiyang bumaba na tatlo at saka isa-isa nilang pinasok ang gamit nila sa loob ng townhouse. "Sa wakas at nakabalik na rin dito sa townhouse," nakangiting sabi ni Elisa kaya napangiti si Elise at saka lumapit sa kapatid niya. "Naaalala ko pa, Elisa na dito pa kami nakatira noong pinakilala ka sa akin ni Daddy nung araw na inampon ka nila. Naalala ko rin na hindi ka pa nabibinyagan nun kaya iba iyong pangalan mo tapos nagpasiya sila Dad na ipareho na lang sa pangalan ko ang pangalan mo since naging parte ka na ng pamilya namin nun," nakangiting sabi ni Elise habang inaalala ang nakaraan. Napangiti naman si Elisa. "Kaya nga pinakagusto kong lugar itong townhouse dahil dito ako nagsimulang magkaroon ng pamilya. H-hindi ko siguro kakayanin kung pati ikaw nawala sa akin, Elise..." sabi ni Elisa saka nagsimulang mapahikbi. Niyakap naman ni Elise ang kapatid niya saka napahingang malalim. "Ano ka ba, Elisa... Hinding-hindi mangyayari iyon, okay? Habang nabubuhay ako ay hindi kita hahayaang mag-isa ulit. Tayong dalawa na lang ang magkakampi sa oras na 'to kaya hindi ko hahayaang may mangyari sa ating dalawa." matapang na sabi ni Elise. Nakita naman ni Elise na malungkot na nakatingin si Joaquin sa kanila kaya naman nang mapansin ni Joaquin na napatingin si Elise sa kanya ay agad naman itong ngumiti nang pilit. "Huwag ka na umiyak, Elisa. Hangga't nandito kami ni Elise ay hindi ka namin pababayaan." seryosong sabi naman ni Joaquin saka sila nilapitan. Tumango naman si Elisa saka napangiti nang pilit. "Salamat guys, napakaswerte ko sa bayaw at kapatid ko." "Basta para sa'yo, Elisa." nakangiting sabi naman ni Joaquin. At nang matapos ang pag-uusap nilang tatlo ay nagsimula na silang i-akyat ang mga maleta nila sa kanya-kanya nilang kwarto. Si Elisa ay nakabukod ng kwarto habang si Elise at Joaquin naman ay sa iisang kwarto lang. Ginabi na rin kasi sila ng dating sa townhouse kaya pagkatapos nilang ayusin ang mga gamit nilang dala ay nagpasiya silang magpahinga na. Nagpalit lang ng nightgown si Elise habang si Joaquin naman ay nagpalit ng plain t-shirt at nakasuot naman ito ng pajama sa pang-ibaba nito. Tinanaw lang ni Elise ang tanawin sa labas ng kwarto nila ni Joaquin dahil may glass door doon sa balcony nila at sinundan naman si Elise ni Joaquin. Niyakap siya ng lalaki sa likuran nito saka siya hinalikan sa pisngi. "Happy third anniversary, mahal." nakangiting bati ni Joaquin kay Elise kaya naman hinawakan ni Elise ang pisngi ni Joaquin ng harapin niya ito. "Happy third anniversary rin, mahal. Thank you dahil kahit mahirap sa akin na bumalik dito ay in-encourage mo pa rin ako na bumalik. Kung hindi mo siguro iyon ginawa ay pinagsisisihan ko na hindi ko ulit nakita ang tanawin na 'to," sabi naman ni Elise saka muling tumingin sa labas ng balcony nila. Wala naman masyadong nangyari ng gabing iyon dahil alam ni Joaquin na pagod si Elise kaya inaya niya na lang itong matulog ng gabi na iyon. At para kay Elise ay normal lang naman iyon sa kanilang mag-asawa dahil sanay naman si Elise na bihira lang may mangyari sa kanila ng asawa niya. Hindi pa kasi nila pinag-uusapan ni Joaquin ang tungkol sa pagpa-plano nilang magka-anak kaya siguro hindi rin masyadong binibigyang pansin ni Joaquin ang pagtat*lik nilang mag-asawa at para kay Elise ay normal lang sa kanila. At dahil nga pagod sa byahe ay mabilis na dinalaw ng antok si Elise. Ngunit sa kalagitnaan ng masarap na tulog ni Elise ay bigla na lang siyang na-alimpungatan ng madaling araw ng mapansin ni Elise na wala sa tabi niya si Joaquin. Kaya naman tumayo si Elise sa kama at saka sinuot ang tsinelas niyang pambahay para lumabas ng kwarto at uminom ng tubig sa kusina dahil baka nandun din si Joaquin dahil nauhaw ito. Nang makababa sa si Elise sa sala ay napansin niyang wala ng ilaw doon kaya dumiretso na si Elise sa kusina pero gaya ng hindi inaasahan niya ay wala roon si Joaquin. Mabilis lang na kumuha ng tubig sa baso si Elise at saka uminom doon bago nagpasiyang bumalik sa kwarto nila ni Joaquin ng mapansin ni Elise hindi kalayuan na bukas ang pinto at ilaw sa kwarto ni Elisa. At dahil sa kuryosidad ay mabilis na naglakad si Elise patungo sa kwarto ng kanyang kapatid ng magsimula siyang makarinig ng ingay galing sa silid ni Elisa. "Seryoso ka bang gusto mong gawin 'to ngayon? Baka mamaya magising si Elise at hanapin ka!" narinig ni Elise na sinabi ng kapatid niyang si Elisa. Kaya sinubukang sumilip ni Elise sa bukas na pintuan ni Elisa at doon nagimbal si Elise nang makita niya si Joaquin at Elisa na magkayakap habang si Joaquin ay humahalik sa leeg ng kapatid ni Elise. "Basta huwag ka masyadong maingay para hindi magising ang babae na iyon. Hindi mo ba alam na ilang araw na akong nagpipigil na huwag kang makasama? I want to f*ck you but I can't when your sister is keeping an eye on me. Kaya nga inaya ko siya bumalik sa townhouse na 'to para naman magkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka!" narinig naman ni Elise na sabi ng asawa niyang si Joaquin. At dahil sa mga narinig ni Elise ay napasandal na lang siya sa gilid ng pintuan ng kwarto ni Elisa at narinig niya pang natawa si Elisa kasunod ang pag-ungol nito. Nang maglakas-loob si Elise na silipin ulit ang dalawa sa loob ng kwarto ni Elisa ay nakita niyang nagsimula ng maghubad ang dalawa ay sunod-sunod na pumatak ang luha ni Elise sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos na akalaing magagawa sa kanya iyon ng dalawang importanteng tao sa buhay niya—ang lokohin. Masyado kasing nagtiwala si Elise sa dalawa na hindi iyon gagawin sa kanya ni Elisa at Joaquin dahil naging mabuti naman siya sa dalawa. At habang nasasaksihan ni Elise ang paglalampungan ng kapatid at asawa niya at parang dinudurog ang puso ni Elise dahil hindi maisip ni Elise kung kailan siya nagawang lokohin ng mga ito. Tumakbo rin sa isip ni Elise kung gaano katagal na siyang pinagmumukhang tanga ng dalawa habang siya ay walang kaalam-alam sa mga kababuyan ng mga ito. Ang daming tumatakbo sa isip ni Elise ng mga sandaling iyon at ang daming katanungan sa isip niya na gusto niyang masagot pero ang tanging nagawa lang ni Elise ng mga sandaling iyon ay umiyak ng tahimik habang nanghihina ang buong katawan niya sa palabas na nasasaksihan niya. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook