CHAPTER 1

1754 Words
Chapter 1: Betrayal (Trigger Warning: This Chapter Contains, Cheating, Emotional Abuse, Attempted Murder, Arson and Strong Words!) Be aware before you proceed with reading! NANG hindi na makayanan ni Elise ang sakit habang naririnig niya ang ingay na nililikha ng asawa at kapatid niya ay mabilis niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Elisa at saka niya nakita ang dalawa na nagulat sa pagpasok niya sa loob. "E-Elise..." kinakabahang tawag ni Joaquin sa pangalan ng asawa niya. Umiiyak man ngunit masama ang mga tingin ang binigay ni Elise sa dalawa. Habang sila Joaquin at Elisa naman ay napatalukbong ng kumot sa mga katawan nila dahil sa hindi nila inaasahang pagpasok ni Elise sa kwarto kung nasaan sila. "How dare the both of you do this to me?!" Elise yelled. Hindi naman mapakali si Joaquin dahil hindi alam ang gagawin. Di kasi nila inaasahan ni Elisa na mahuhuli sila kaagad ni Elise dahil ilang taon na rin nilang tinatago ang relasyon nila kay Elise. "E-Elise, please calm down..." Elisa tried to say that. "F*ck you! Don't tell me to calm down because I can't even do that! Paano ako kakalma kung huling-huli ko ang kababuyan n'yong dalawa?! M-masaya bang pagmukhain akong t*nga ha?! M-matapos ang ilang taon na naging mabuti ako sa inyong dalawa ay ito lang ang igaganti n'yo sa akin?! S-sabihin n'yo nga sa akin ang totoo! Gaano katagal n'yo na akong niloloko ha?! Sumagot kayo!" sigaw ni Elise habang patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha. Mabilis namang kinuha ni Joaquin ang boxer niya sa sahig saka iyon sinuot nang mabilis. Habang si Elise naman ay nag-iwas ng tingin ng makita niyang sinubukan ni Joaquin na magbihis sa harapan nilang mag kapatid. Sobrang galit ang nararamdaman ni Elise ng mga oras na iyon at gusto niyang saktan ang dalawa. Ngunit pinipigil niya ang sarili dahil hindi niya makukuha ang sagot na gusto niyang marinig kung hindi niya kakausapin nang maigi ang mga ito. Sinubukan naman ni Joaquin na lumapit kay Elise ngunit mabilis na lumayo si Elise sa lalaki. Masamang tingin lang ang ibinaling niya sa lalaki kaya tumigil din itong abutin si Elise. "Elise, please don't be mad. I'll explain everything, but please calm down, okay?" Joaquin tried to convince Elise. "Nagpapatawa ka ba, Joaquin?! Sa tingin mo ba magagawa ko pang kumalma matapos ang lahat ng nasaksihan ko?! Akala mo ba hindi ko narinig ang mga pinagsasabi mo?! T*ngina ka! K-kung libog na libog ka pala s-sana sinabi mo sa akin p-para hindi na ako nagpakasal sa'yo n-noong una pa lang! K-kung alam ko lang na hindi k-ka pala makukuntento sa katawan ko h-hindi na ako nagsayang ng panahon sa'yo! S-sa dinami-dami ng babaeng ipagpapalit mo sa akin, si Elisa pa talaga ang napili mo?! Napaka-hayop mo!" gigil at mariing turan ni Elise sa lalaki. Hindi naman nakakibo si Joaquin sa sinabi ni Elise. Habang si Elisa naman ay napaiwas ng tingin kay Elise ng makita nitong napabaling sa kanya si Elise. "Ikaw naman, Elisa! Matapos ang lahat ng ginawa ng mga magulang ko para sa'yo i-ito lang ang igaganti mo sa akin?! Bakit? Naging masamang kapatid ba ako sa'yo? L-lahat naman ginawa ko para hindi mo maisip na hindi kita tanggap bilang kapatid ko! T-totoo ang naging pagtrato ko sa'yo k-kahit ampon ka lang sa pamilya namin! Tinuring kitang tunay na kapatid! H-hindi ko akalain na matapos ang lahat ng ginawa ko para sa'yo m-magagawa mo lang landiin ang asawa ko! Bakit? Masaya bang makita na baliw na baliw ang asawa ko sa'yo ha?! G-ganun ka ba kalandi at kadesperada para kunin ang atensyon ng asawa ng kapatid mo?!" singhal na sabi naman ni Elise kay Elisa nang balingan niya ito. Naikuyom naman ni Elisa ang kamao niya dahil hindi niya matanggap ang sinabi ni Elise. At dahil dun kaya matapang na sinalubong ni Elisa ang tingin ni Elise sa kanya saka siya nagsalita. "Elise, hindi ko inagaw si Joaquin sa'yo. Hindi pa kayo kasal noon ay sinabi niya na sa akin na ako ang mahal niya! Pero dahil palagi mong sinasabi sa akin na mahal na mahal mo si Joaquin kaya hinayaan ko siya na makasal sa'yo kahit labag sa loob ko! Bakit? Naging masaya ka naman nung naging mag-asawa kayo 'di ba? Masama bang nakihati ako sa lalaking mahal mo? Kailangan ba lahat ng meron ka, wala ako? Hindi mo ako masisisi kung mas gusto ni Joaquin na matulog kasama ko dahil siya ang may gusto nun. Sinusunod ko lang ang gusto ni Joaquin dahil kami naman talaga ang dapat na mag-asawa ngayon kung hindi ko siya pinaraya sa'yo," matapang na sabi ni Elisa kaya kumunot ang noo ni Elise at hindi makapaniwala sa narinig niya. Hindi akalain ni Elise na simula pa lang ng maikasal sila ni Joaquin ay niloloko na siya ng dalawa. Unti-unting pumasok sa isip ni Elise na sa tuwing tinatrato niya nang mabuti ang dalawa ay pinagtatawanan siya ng mga ito dahil nagmumukha siyang katawa-tawa sa sitwasyon nila. "T*ngina n'yong dalawa! M-mga baboy kayo! N-nakakadiri kayong dalawa! H-hindi ako makapaniwala na naging mabuti ako sa inyo! A-ang sama-sama n'yo!" sigaw ni Elise at nagsimula na itong magtitili dahil parang masisiraan na nang bait si Elise sa mga nadiskubre niya. "Elise please calm down! Makinig ka muna sa sasabihin ko please!" sinubukang pakalmahin ni Joaquin si Elise at saka niya ito hinawakan sa kamay pero mabilis na tinapik ni Elise ang kamay ni Joaquin palayo. "Huwag mo akong hawakan! Nakakadiri ka! A-ayoko nang marinig ang mga sasabihin n'yo! L-lumayas kayo sa bahay na 'to ngayon din! Huwag na huwag na kayong magpapakita sa akin! A-at ikaw naman Joaquin, m-makikipaghiwalay na ako sa'yo! Hindi ako makapaniwala na nagpakasal ako sa walang kwentang lalaki na gaya mo!" naghi-hysterical na sabi ni Elise. At dahil sa narinig nila Joaquin at Elisa na iyon ay mabilis na pinulupot ni Elisa ang kumot sa katawan niya saka napatayo sa kama pagkatapos niyang pulutin ang damit niya. "Elise hindi kami papayag na paalisin mo kami! Nakakalimutan mo na bang anak pa rin ako ng mga magulang mo? May karapatan pa rin ako sa bahay na 'to! Isa pa hindi ako papayag na paalisin mo na lang kami basta na hindi mo binibigay sa akin ang parte ng yaman ng mga magulang natin!" mariing sabi ni Elisa. At dahil sa narinig ni Elise ay nagpatandig ang tenga niya at saka pagak na natawa sa sinabi ni Elisa. "Nahihibang ka na ba?! Wala namang pamana na iniwan sa'yo si Daddy! Sa tingin mo ba iiwanan ka ng yaman ng Daddy ko? Nakalimutan mo na bang hindi ka namin kadugo? Naging mabuti ako sa'yo, Elisa kahit na hindi ka naman binigyan ng pamana ng mga magulang ko. Balak sana kita bigyan ng pamana pero dahil sa kasalanang ginawa n'yo sa akin ay hindi na ako papayag na makinabang kayo sa yaman ng pamilya ko! Kung tutuusin mga sampid lang naman kayo sa yaman namin! Kaya umalis na kayo sa harapan ko at huwag na kayo magpapakita sa akin kahit kailan! Huwag na rin kayo umasa na may pera kayong makukuha sa'kin dahil wala kayong karapatang angkinin ang mga yaman na iniwan sa akin ng mga magulang ko! Wala na akong pakialam kung mamatay kayo sa gutom ang maghirap kayong dalawa! K-kulang pa ang mga iyon bilang kabayaran sa pananakit at panlolokong ginawa n'yo sa akin!" mariin na sabi ni Elise saka tinalikuran ang mga ito. Nang makarating si Elise sa tapat ng hagdan ay hindi niya inaasahan na itutulak siya ni Elisa dahil hindi namalayan ni Elise ang pagsunod nito sa kanya. Agad na nawalan ng balanse si Elise at natapilok siya sa baitang ng hagdan dahilan para bumagsak siya at tuloy-tuloy na nahulog at nagpaikot-ikot sa hagdan. Mabilis na nakaramdam ng hilo si Elise ng tumigil siya sa pinakailalim ng hagdan at naramdaman na lamang ni Elise ang pagkirot ng kanyang ulo. Nang tumingala si Elise habang nakahiga sa sahig at duguan ay nakita niya si Elisa at Joaquin na tumayo sa harapan niya at walang emosyong makikita sa mga mukha ng mga ito. "Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na sirain mo ang mga plano namin ni Joaquin?! Nagtagumpay na akong patayin ang mga magulang mo! Tutal na bisto mo na rin naman kami ni Joaquin ay mas maiging isunod na kita sa mga wala mong kwentang magulang para hindi na ako mahirapang kunin ang yaman ng pamilya n'yo!" galit na sabi ni Elisa. "Pasensya ka na, Elise. Hindi sana mangyayari sa'yo 'to kung nanahimik ka na lang at hindi mo kami pinagbantaan na hindi kami makikinabang sa yaman mo. Wala na tuloy kaming ibang choice kundi ang iligpit ka dahil magiging sagabal ka pa sa plano namin!" malamig na sabi ni Joaquin kay Elise. Sinubukan mang tumayo ni Elise ngunit hindi niya nagawa dahil namamanhid ang buong katawan niya. Bukod pa dun ay hindi rin makayanan ni Elise ang pananakit ng ulo niya kaya wala siyang nagawa kundi mapaluha na lamang. Hindi akalain ni Elise na ang mga salarin sa likuran ng pagkamatay ng mga magulang niya ay ang dalawang tao na malapit pa sa kanya na pinagkakatiwalaan niya. Nanlalabo man ang mga paningin ni Elise ng oras na iyon ay nakita niya namang binuhusan ni Elise ang katawan niya ng gas at ganun din ang ibang parte ng town house nila. "Paalam, Elise. Sana ay manahimik ka na sa kabilang buhay at huwag mo na kaming guluhin pa!" malamig na sabi naman ni Elisa saka nito sinindihan ang lighter na hawak nito at saka iyon binato sa dingding ng townhouse. Agad namang nagliyab ang lugar kung saan hinagis ni Elisa ang lighter at mabilis namang gumapang ang apoy papunta sa kung saan nakahiga ang katawan ni Elise. At habang gumagapang papalapit ang apoy sa kinaroroonan ni Elise ay napapaiyak na lamang na napatingin si Elise sa pintuan ng townhouse nila habang nakikita niyang naglalakad palabas ng townhouse si Joaquin habang naka-akbay ito kay Elisa. Napahagulgol na nang tuluyan si Elise dahil alam niyang iyon na ang magiging katapusan niya. Bukod pa dun ay unti-unting nagsisi si Elise kung bakit nagawa niyang pagkatiwalaan ang dalawa. Bukod pa dun ay hindi rin nakalimutan ni Elise na humingi ng tawad sa mga magulang niya sa kanyang isip dahil wala siyang kaalam-alam na ang dalawang iyon ang tatraydor sa pamilya nila. Naisip ni Elise na masyado pala siyang minalas sa buhay niyang iyon dahil napakasalan at minahal niya ang taong sisira at mananakit sa kanya ng sobra. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD