CHAPTER 2

1579 Words
“Saan mo ba ako dadalhin?” I asked him as I was chasing my breath. Kanina pa kami lakad takbo sa ginagawa niyang paghila sa akin. Nasa tapat na kami ng soccer field sa ilalim ng matirik na araw. “Bakit mo ginawa ‘yon?” He was furiously looking at me.  I bit my lower lip.  “Kasi ayokong nakikitang sinasaktan ka?” buong loob akong sumagot sa kanya. Totoo naman eh. Ayokong mapahamak siya kanina. Baka mamaya magkasugat pa siya sa mukha. Sobrang nasaktan na nga siya sa break up nila ni Irine, pati ba naman sa katawan eh masusugatan pa siya? “Ano naman sayo? Stop what you’re doing. I won’t tolerate that,” he coldly demanded.  Salubong ang kilay niya at sa mga oras na ‘to, alam kong galit siya.  “Bibigyan pa rin kita ng love letters tuwing may okasyon. At kung pwede nga araw araw pa.”  Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para sabihin iyon. Alam kong nakakahiya at parang oportunista ako sa sitwasyon at mga oras na ito pero anong magagawa ko? Kumunot ang noo niya at tinitigan ako ng masama, pero abot hanggang tainga ang ngiti ko sa harapan niya habang direktang nakatingin sa kaniya.  Ang maitim niyang buhok na nasisikatan ng araw at ang mga mata niyang malungkot na pilit itinatago.  Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha. Matapos ng mga nangyari kanina ay bigla nalang ako nabuhayan ng loob. Well, bahala na, basta ipagpapatuloy ko pa rin ‘to. “Iniinis mo talaga ako ‘no?” seryosong tanong niya na kasalukuyang magkasalubong ang kilay.  Nagkibit-balikat lang ako habang nakangiti sa kanya.  “Alam mo? Ang guwapo mo, kaso ang suplado mo.” Napangiwi na lang ako. “Kung hindi lang talaga kita gusto e,” bulong ko sa sarili ko na agad ko naman ikinangiti.  “May sinasabi ka?” iritadong tanong niya. Sasagot na sana ako nang bigla nalang sumigaw si Aila mula sa likuran ko. “Kelly!”  Kitang kita sa kanya na hingal na hingal na siya kakatakbo mula sa canteen. “Hoy! Kaii! Bakit mo naman hinatak palayo si Kelly?!” inis na tanong niya habang nakahawak sa tuhod niya at hingal na hingal pa. “Pagsabihan mo nga ‘yang kaibigan mo, stop sending me those stupid letters,” iritadong saad niya saka tumalikod. “Ang kulit mo din kasi! Sinabihan na kita diba? Tignan mo ‘yang siko mo, nagkasugat! Ano nalang sasabihin ng nanay mo sa’kin? Pinabayaan kita?” panenermon ni Aila habang nakita ko naman si Kaii na bahagyang napahinto at bumalik ng tingin sa amin bago tuluyang umalis. “Oo na, mamaya mo na ako sermonan. Ang init init eh,” saway ko sa kanya at hinila siya paalis ng field. Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang pinakaboring na subject. Umunat ako at humikab nang makaalis na ang teacher.  “Library muna tayo.” Anyaya ni Aila. “Sige, matutulog muna ako doon,” natatawang sabi ko habang inaayos ang bag. Napailing na lang siya at natawa dahil lagi naman akong natutulog sa library, samantalang siya ay palaging nagbabasa. Nang makarating sa library ay agad akong umupo sa paborito naming upuan ni Aila. Ewan ko ba, lahat yata ng puwedeng pagtambayan ay may sarili kaming paboritong puwesto.  “Maghahanap muna ako ng libro, dito ka muna ha?” Pagpapaalam niya. Tumango lang ako at ipinatong ang ulo ko sa sa mesa. Inaantok talaga ako. Pumikit ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Pag gising ko, wala pa rin si Aila.  Inayos ko ang sarili ko at umupo ng maayos nang mapansin na may nakalagay na band aid sa mesa. Iginala ko ang paningin ko at mukhang wala namang tao sa paligid kun’di ako lang maliban sa naka-assign na student assistant sa may bandang unahan. Sino naman kaya ang naglagay nito? Napanguso na lang ako habang tinitignan ang band aid. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil baka kay Kaii galing ‘to!  Kaunti na lang talaga ay mapapasigaw na ako sa kilig. Ano ba naman kasi ‘yang si Aila napakatagal! Hindi ko tuloy nakita si Kaii. Tumayo ako at pumunta sa bookshelf section para hanapin si Aila. Sa laki ng library ay mukhang matatagalan ako, kaya naghanap na rin ako ng libro na babasahin ko pagbalik sa table.  Gusto ko mag advance reading para sa college, ang hirap pa naman ng Architecture. Umabot ako kakahanap sa pinakadulo ng section E, at akmang kukunin ko na ‘yung libro nang may narinig akong pag-uusap. “Nica, tigilan mo na nga ako. Hindi na ako makikipagbalikan kay Kaii. Sawang sawa na ako sa pagtatago niya sa akin ng dalawang taon.” “Irine, kawawa naman ‘yung tao. Kita mo naman kanina, nilapitan ka na niya, ni hindi niya ‘yun ginawa sa iyo simula dati. Malay mo nagbabago na siya.”  Mukhang kahit si Nica ay naawa kay Kaii. Tama nga din naman kasi siya. Kawawa si Kaii. “Hahayaan mo na lang ba na baka mapunta siya doon sa babaeng hinila niya kanina?” Maarte ang boses nito na may halong panlalait sa tono ng pananalita niya.  “Tigilan mo na nga ako! Wala akong pakialam kung ipagpalit niya ako doon sa babaeng payat na hindi naman maganda.” Panlalait ni Irine.  Nagpanting ang tainga ko kaya’t akmang susugurin ko na ‘yung Irine na ‘yun nang bigla nalang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko, at dinala ako sa section D na bookshelf.  Agad akong nag-angat ng tingin at nakita kong naka itim na jacket ang humila sa akin.  “Shhh,” bulong ng isang lalaki na tumama pa sa batok ko ang hininga niya kaya nag tayuan ang balahibo ko sa katawan.  “Sige, Ikaw din. Baka mamaya pagsisihan mo. Sayang ‘yung dalawang taon ninyo.” Rinig kong panghihinayang ni Nica. “Tara na nga, akala mo ikaw ‘yung ex-girlfriend eh, kung maka react ka diyan mas hindi ka pa maka-move-on sa akin,” natatawang sabi ni Irine. “Concern lang naman ako sa iyo, ayokong masaktan at iiyak ka na naman,” malungkot na paliwanag ni Nica. Kumawala ng isang malalim na paghinga si Irine na rinig naman mula sa puwesto namin. Naka tayo lang kami habang nakatakip ang kamay ng lalaki sa akin habang nakikinig sa usapan nina Irine. “Tara na, ‘wag ka nang malungkot d’yan na parang ikaw yung nasaktan. Bukas mo na hanapin ‘yung librong hinahanap mo. Samahan mo ako bumili ng susuotin para sa thanks giving party na pupuntahan natin.” Matapos ang usapan nila ay agad naman silang umalis at agad ko namang siniko sa sikmura ang lalaking nanghatak sa akin kanina. Kung hindi niya ako pinigilan, malamang ay nakatikim na sa akin ‘yung dalawang ‘yun.  “Ahh!” Napahawak siya sa sikmura niya kung saan ko siniko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka jacket siya at nakayuko. “Sino ka ba kasi? Bakit mo ako pinigilan ha? Susugurin ko na sana ‘yung babaeng ‘yun eh!” inis na sabi ko sa lalaki habang tinititigan lang siyang nakahawak sa sikmura niya. I crossed my arms, rolled my eyes and shook my head. I couldn’t believe that she actually said that.  “Sinabihan ba naman akong hindi maganda?” bulong ko sa sarili ko habang tinuturo ko ang sarili.  I heard him smirked. “Aba! So hindi nga ako maganda?” Tinulak ko siya at napahawak pa ako sa bewang ko habang tinatanong siya. “Gusto mo ba tadyakan kita diyan ha?” banta ko sa kanya at tinaasan ito ng kilay.  Iniinis na talaga ako ng lalaking ‘to! Hindi ko pa nakikita ang mukha nito pero gusto ko na agad ibaon sa lupa! Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina, kaya hinawakan ko iyong tali ng jacket sa bandang hood at dahan dahang inangat. “Iniinis mo talag…” I cut myself off after seeing his face. Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mata ko.  “K-kaii?” Halos mabulunan ako ng sarili kong laway dahil sa nakita ko. Kung ano-ano pa naman ang sinabi ko sa harap niya tapos s**t! Siya pala ‘yun? Lumapit siya kaya agad akong napaatras at binitawan ang kamay kong nakahawak sa tali ng hood niya.  “Hindi ka lang pala maingay at makulit no? Sadista ka pa,” mahinang sabi niya pero seryoso ang mukha habang papalapit ng papalapit sa akin. Ako naman, paatras ng paatras hanggang sa bahagyang bumangga ang likod ko sa bookshelf.  Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ‘to sa sobrang lakas at bilis. Ano ba naman Kaii! Pag hindi talaga ako nakapagpigil naku! I pressed my lips together and close my eyes. I didn’t want to assume but he’s really close to me and I could even feel and feel his breath.  Stop making me feel like this Kaii! I might not be able to control myself. Oo gusto kita pero, ‘wag mo naman ako baliwin ng ganito. Sasabog na ako sa sobrang init ng pisngi ko at kilig sa kaloob-looban ko. “Be my date tomorrow night, seven pm.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD