bc

Love Me, My Prince (Filipino)

book_age18+
6.6K
FOLLOW
28.9K
READ
contract marriage
badgirl
powerful
mafia
tragedy
sweet
female lead
city
first love
faceslapping
like
intro-logo
Blurb

Warning: This novel is strictly for adult readers only. (With explicit and violent content.)

COMPLETE/FREE

Pitong taon ang nakalipas nang ipinagkasundo si Prin at Cally ng mga magulang dahil ang dalaga ang best candidate para maging asawa ng binata. Her cherry blossom scent made himfall in love with her. Namatay si Prin matapos ang isang misyon, ang iligtas ang isang kaibigan.

Ngunit paano kung matapos ang pitong taon ay bumalik ito nang nagdadalang-tao at siya ang ama?

Read this rollercoaster story of Prin and Cally, the Master of Dark Lords.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Prin Matsui
NANUNUOT ang hamog sa buong kapaligiran sa lugar na iyon. Isang lalaki ang nasa loob ng isang kulungan na gawa sa bakal na hinihila ng isang sasakyan papunta sa norte. Dinukot siya ng pamilya ng Peters kaya alam ni Cally na nagsimula na ang laban sa pagitan ng mga ito laban sa pamilya niya, ang Pamilya Kent. Pinipilit niya na hindi makatulog sa nagaganap. Nangangatal ang kanyang labi. May puti-puti na ang kanyang buhok at kilay at alam niya na malapit na siyang mawalan ng malay. He may have to get a frost bite for this fvcking coldness. Naisip niya ang mama niya, ang daddy niya at ang tatlo pa niyang mga kapatid. Isa pa, hindi maaari na mamatay siya roon. Sigurado siya na iiyak ang kanyang ina. Magdedeklara ng digmaan ang daddy niya. At hindi matatapos ang laban sa pagitan ng lahat. Sa loob ng ilang taon, nagsikap si Cally na angatan ang kung anuman ang narating ng magulang niya. Kaya nga ilang taon din siyang nagpakadalubhasa at nagsanay. Dahil alam niya na noon pa man, siya ang Prince of Dark Lords na magiging Master sa buong samahan pagdating ng takdang panahon. Nagising sa kaisipan si Cally dahil bigla na lang may tumalon na babae mula sa kung saan hanggang sa makasampa sa ibabaw ng kulungan. “Tabi!” sabi nito. Sinunod naman niya ang nais nito. May kinabit ito na kung anong bagay sa rehas na bakal at saka may isinenyas. Sumabit ang babae sa gilid kung saan ito magtatago. Ilang saglit pa ay sumabog ang lock at bakal. Nakuha nila ang atensiyon ng isang bantay mula sa loob ng sasakyan. "Hey!” sigaw nito na naglabas ng armas at itinutok iyon sa babae. Hindi pa man nito naigagalaw ang gatilyo ay may inilabas nang animo'y karayom ang babae at inihagis iyon dito dahilan upang maparalisa ng kaunti ang lalaking iyon. Hindi nito naigalaw ang katawan na tinusukan ng bagay na iyon. “Asshole!” Ngumisi ang babae. "D’yan ka lang ba? Hindi ka ba lalabas?” tanong nito sa kanya. Noon tila gumana ang isipan ni Cally. Kumapit siya sa malaking buka ng bakal at saka siya ng kulungan. Noon lang niya nasuri nang mabuti ang babae sa malapitan. Mahaba ang buhok nito na naka-pusod ng mahigpit. Wala ni isa man na hibla ng buhok ang nalipat sa ibang pwesto. Mata na maihahalintulad sa diyamante—maganda at kumikinang. Sa height ni Cally na naglalaro sa anim na talampakan at higit pang pulgada, sa tingin niya nasa limang talampakan at limang pulgada ang tangkad nito. Makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang labi. Napaisip si Cally na may mali sa sitwasyon. Iniligtas ba siya ng isang prinsesa? "Bago pa nila tayo mahuli, kailangan na nating umalis!" paalala nito sa kanya. Doon lang nakabalik si Cally sa reyalisasyon. "Who are you?" usal niya. "Cally, are you joking? Prin Matsui. Remember?" nagtaas ang kilay nito at parang hindi makapaniwala sa kanya. Agad din namang naglaho ang imahe at ang pangyayaring iyon nang bumalikwas ng bangon si Cally. Mabilis ang t***k ng puso niya. Nitong mga huling araw, madalas niyang mapanaginipan ang babae. Nasasaktan siyang isipin na nahulog ito sa bangin, ang asawa niya dahil sa kanyang kapabayaan. "Prin…" usal niya sa pangalan ng babae. *** BUMALIKWAS ng bangon si Cally dahil napanaginipan niya si Prin. Malapot ang kanyang namumuong pawis sa noo at hindi alam kung paano niya pakakalmahin ang kanyang dibdib. Tumayo siya mula sa kama at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig. Matapos diretsong inumin ang likido mula sa fridge, isinandal muna niya ang magkabilang kamay sa gilid ng ref. Sinilip niya ang relo na nasa pader. Alas-tres ng madaling araw. Wala na siya sa mood na matulog kaya nagpalit siya ng running clothes at saka lumabas ng bahay. Nag-iisa siya sa bahay na nabili niya nang nakaraang taon nang mapagdesisyunan niyang manatili sa Maynila para tumulong sa daddy niya sa business. Naisip niyang tumakbo na lang sa buong village. Habang tumatakbo ay naisip niya si Prin, ang namatay niyang asawa. Bumilis ang takbo ni Cally nang maalalang muli ang babae. "Hindi ko na kaya Cally" umiiyak na sabi nito habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa makapal na tali. Namumula na ang kamay nito o namamanhid. Ang ilalim nito ay bangin na may nagagalit na tubig na humahampas sa batuhan. Itinulak ito ng isang White Guard. Mabuti na lang at naihagis niya kaagad ang lubid para mahawakan nito matapos niyang baliin ang leeg ng White guard na iyon. May pilay sa kamay si Cally na nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang katawan ng kanyang asawa. "Honey, please... Please... Hold on," aniya habang ginagamit ang buong lakas para maiangat ito papunta roon sa itaas. "Ahhh!!!" hiyaw ni Cally. Dahil biglang may sumaksak sa kanyang braso. Lalong lumakas ang iyak ni Prin dahil nakita nito ang nagaganap sa kanila sa itaas. Nakipagtagisan siya rito ng lakas. Matapos ang napakahirap na labanan, naitulak niya sa bangin ang white guard. Kasabay nito ang paggaan ng lubid. Sumilip siyang muli. Nothing! Wala na roon si Prin at tanging ang malalakas na hampas ng dagat ang kanyang nasisilayan. "Noooooo!!!!" His voice echoed. Hinihingal si Cally sa pagtakbo nang makabalik sa bahay. Nakayuko niyang hinawakan ang magkabilang tuhod. Hanggang sa mga oras na iyon, naaalala niya ang babae. Tumuloy siya sa loob. Uminom muna muli ng tubig at dumiretso sa kanyang mini gym. Meron siyang punching bag, bike at kakaunting weights na naroon sa silid. Sinimulan niyang suntukin ang punching bag para mailabas ang galit niya sa dibdib. Naaalala niya ang nakangiting mukha ni Prin habang sumusuntok doon. Ilang minuto pa, hindi na niya maramdaman ang sariling damdamin. Mabilis ang pintig ng kanyang dibdib at ramdam niya na namamaga na ang kanyang braso sa sobrang pagkamanhid. Umalingawngaw ang tunog ng kanyang telepono sa buong kabahayan. Nalipat dito ang atensyon niya. "Yes?" sagot niya. Hindi siya sanay na sumagot ng "hello" sa telepono dahil iilan lang ang nakakalam sa numerong iyon. Mga tauhan at mga kapatid niya ang madalas na tumatawag. "Master, pinatatawag ka ni Madam Lira. Kailangan niyong bumalik sa UK," sagot sa kabilang linya. Binaba niya agad ang handset. Kung ano ang responsibilidad ni Cally sa kompanya ng MGM ay mas mabigat ang responsibilidad na mayroon siya sa samahan ng Dark Lords. At hindi siya basta-basta papupuntahin doon ng kanyang abuela o ni Madam Lira nang walang dahilan. Agad niyang inayos ang gamit. Tinawagan ang piloto ng personal niyang eroplano para abisuhan ito. Habang nasa sasakyan papunta sa airport, tinawagan niya ang daddy niya na si Cloud Han para ipaalam dito na mawawala siya ng ilang araw. "Dad, I'm going to the UK." Matagal na tahimik ito sa kabilang linya. "I have never said I'm sorry in the past. I'm sorry if you became my son that you could do these hard things," sabi nito sa kabilang linya. Nalungkot siya sa sinabi nito. He would never question himself, or his family being a Kent or Han because they are a family. Gayunman ay naiintindihan niya na lihim na nalulungkot ang pamilya niya dahil kung hindi rin dahil sa responsibilidad na mayroon siya ay buhay pa sana si Prin. "Dad, I like what I’m doing. You don't have to say sorry." “Are you now ready to be the headmaster of the Dark Lords?" tanong nito sa kanya. "Yes."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.0K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.0K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
432.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook