Chapter- 4

2563 Words
Pagkagulat ang makikita sa mukha ng magulang ni Xion ng mapag buksan siya ng pinto ng Ina.  "Hi Mommy, kumusta po? si Daddy?" "Xion, anak bakit hindi ka nagsabi na darating ka?" Hindi man lang kami nakapag prepared ng kahit ano, sana binigyan ka namin ng Daddy mo ng welcome party?" "Okay lang po iyon Mom, biglaan lang ang pag uwi ko dahil may mahalaga akong aasikasuhin." Palihim niyang minasdan ang Ina, ayaw niyang isipin na hindi siya welcome sa bahay nila. Subalit naghuhumiyaw ang katotohanan na hindi na siya parte ng pamilyang ito. Simula ng mangyari ang namagitan sa kanilang dalawa ng inaakala niyang kapatid. Magmula ng araw na iyon ay naramdaman na niyang hindi na siya kapamilya. "Xion, anak masyadong malalim yata ang iniisip mo kaya hindi mo naririnig ang mga sinasabi ko?" "Sorry po Mom, ano nga po iyon?" "Ang sabi ko ay kailan ka pa dumating?" K-kahapon lang po, kasama ko nga pala ang kaibigan ko kaya lang ay dumalaw muna siya sa ermat niya kaya hindi ko siya nakasama dito." "I see, hanggang kailan ka pala mag-stay dito anak? Hindi ba at marami kang kasong hawak ngayon?" Nakaramdam siya ng sakit sa dibdib na malamang hindi man lang siya na miss ng Ina. Obvious naman na ayaw na nitong naririto siya, at unti-unting nagkaroon siya ng hinanakit para dito. Sa mga nakalipas na taon hindi ba siya naalala man lang ng Ina? Sabagay kahit isang tawag nga sa telepono ay wala, natiis siya ng mga ito ng sampung taon na hindi makita o makausap man lang. "Hindi naman po ako magtatagal dito Mommy, siguro mga ilang buwan lang at babalik din agad ako ng Europe." "Ah, ganon ba anak? By the way hindi ko pa pala pinalinisan ang dati mong kwarto. Ginawa na ng Dad mo na stockroom ang silid na iyon magmula ng umalis ka. But don't worry bukas na bukas ay lilinisin ko iyon." "No need Mom, doon na lang po ako sa penthouse ko dahil malapit din iyon sa inaasikaso ko." "Bakit ano ba ang mga nilalakad mo anak? Related ba sa trabaho mo?" "Hindi po Mommy, ang totoo po kaya ako umuwi dito ay dahil sa biological father ko. Gusto ko siyang makilala pati na ang mga kapatid ko, at sa katunayan nga po ay magkikita kami bukas." "Who? I mean how did you know about your f-father?" "Sa kaibigan ko po, last time ay nagbakasyon siya at ang kapatid niyang detective ay siyang may hawak ng case naming magkakapatid. Matagal na pala kaming hinahanap ang aming tunay na Ama." Naputol ang pag uusap nila ng Ina dahil sa pagdating ng taong matagal na niyang pinanabikan. Malakas ang pintig ng kaniyang puso at halos hindi alam ang gagawin kung lilingon o mananatiling nakatingin sa Ina. "Mommy, sinong bisita?" "Desiree, magpalit ka muna anak at may pinag uusapan lang kami..." "K-kuya?" Nauutal at hindi makapaniwala na ang kausap ng kaniyang Mommy ay ang matagal na niyang inaasam na makita. Parang nag slow motion ang lahat ng nasa paligid ni Xion, at kahit alam niyang maaaring magalit ang Ina ay mabilis na nilapitan ang kapatid at mahigpit na niyakap. "B-baby, I miss you so much." "I miss you too, Kuya!" Hindi na napigilan ni Desiree ang umiyak, sunod-sunod ang patak ng kaniyang luha habang mahigpit na nakayakap sa kapatid. Ang nakatayong Ina ay mabilis na tumalikod at umakyat sa ikalawang palapag. Si Xion ay walang pakialam na nilamukos ng halik ang nagulat na si Desiree. Wala siyang gustong gawin ngayon kundi ang ikulong lang sa kaniyang mga bisig ang dalaga. Ayaw na niyang bitawan pa ito dahil baka mawala pa ito sa kaniyang paningin. Kung hindi pa halos pangapusan ng hininga ay hindi pa gustong bumitaw dito. "Baby, stop crying alam mo namang ayaw ko na nakikitang umiiyak ka." "Ang daya-daya mo Kuya, bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Bakit ang tagal mong hindi umuwi? Akala ko nakalimutan muna ako at may iba ka na doon?" "Shhh, hindi mangyayari iyon baby kaya tumahan ka na, dahil mula sa araw na ito ay hindi na tayo maghihiwalay pa. At kaya matagal akong hindi nakauwi ay masyado akong naging busy sa trabaho ko, kaya sorry na baby." "Paano Kuya? Alam na ba ni Daddy na narito ka sa pilipinas?" "Hindi pa, at wala kang dapat alalahanin..." "Xion?" "Dad!" Mabilis silang naghiwalay at lumapit siya sa Ama para magbigay respeto. "Kailan ka pa dumating Son? Bakit hindi mo ipinaalam sa amin na darating ka?" "Biglaan lang po ang pag uwi ko Dad, pasensya na po kung hindi ko kayo na inform. "Nag dinner na ba kayo?" Pag iiba ng Ama sa usapan nila. 'Hindi pa po Dad." Mabilis na sagot ni Desiree sa Ama. "Kung ganon ay doon na tayo sa kitchen mag kwentuhan at para makakain na rin." "Nasaan pala ang mommy ninyo?" "Umayat po sa taas Dad." Si Desiree ang mabilis na sumagot sa Ama. "Doray, iha paki tawagin muna ang Ma'am mo." "Sige po Sir..." "Ako na lang po Dad." Hindi na hinintay na sumagot ang Ama at nagmamadaling tumalikod na si Xion. Alam niyang may gustong sabihin ito kay Desiree kaya nga siya na ang nag kusang tumayo para puntahan ang Ina. Naiwan sa hapag kainan ang mag Ama habang walang gustong magsalita. Alam ni Desiree na nakatitig ang Ama sa kaniya ngunit ayaw niyang tingnan ito dahil natatakot siya sa maari nitong sabihin. “Anak, kailan ang plano ninyong magpakasal ni Nathan? Matagal na ang inyong relasyon at gusto na namin ng iyong Mama na magkaroon ng mga apo. ‘Di bali isama mo na lang bukas paglabas mo ng boutique para dito na mag lunch bukas.” Nabigla siya sa sinabi ng Ama, hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin sa kaniya nito. Ang akala niya ay tungkol sa Kuya Xion niya ang pag uusapan nila kaya naman hindi agad siya nakasagot. “Desiree?” “P-po, Daddy?” “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” “A-ano nga po iyon Dad?” malakas ang kaba niya sa takot na magkamali ng sagot. Samantalang dumiretso si Xion  sa kwarto ng mga magulang ng natigilan sa gagawing pag pihit ng seradura. Dinig  na dinig niya ang mga sinasabi nito sa kausap at nang may banggitin itong pangalan ay agad na kinabahan. "Gretta! Bakit mo hinayaang mangyari ito? Malaking pera ang ibinabayad namin sayo para gawin ang trabaho mo! Malinaw ang usapan natin hindi ba? Ang sabi mo ay ayos na kayo ni Xion at kailanman ay hindi na siya babalik dito?" Gustong-gusto ng pumasok ni Xion dahil sa mga naririnig sa Ina, ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para sumbatan ito o maging emotional siya. Kailangang hindi masira ang mga plano niya, kaya minabuting sumandal na lang sa wall at nagpatuloy sa pakikinig. Nang tumahimik ang silid ay pinalipas pa niya ang isang minuto bago kumatok ito. "Mom? Nariyan ka po ba? Naka-ready na ang dinner at naghihintay na sila ni Daddy." "Nariyan na Son, sige mauna ka na at susunod na ako." "Sige po Mom." Habang pababa ng hagdanan ay sinikap na maging normal ang mga kilos niya. Walang dapat na makakita nang pagkabalisa niya, kaya kahit naghahalo ang galit, hinanakit at emotion ay kailangang ipakita niya na okay siya. "Nasaan ang Mommy mo Son?" "Susunod na daw po Dad, may kausap po yata sa phone." "Kumusta naman ang trabaho mo anak? Baka naman masyado ka ng busy ay nakakalimutan mo na ang sarili mo? Alalahanin mong malapit ka ng mag thirty five at dapat magpa pamilya na ang iniisip mo?" "Huwag kang mag alala Dad at malapit na akong mag asawa." Palihim niyang sinulyapan ang kapatid at hindi naka ligtas sa paningin niya ang sakit na gumuhit sa mukha nito. "Good to hear that Son, pinay ba o foreigner?" "Of course pinay Dad! Kahit kailan ay hindi ko iniisip na mag-asawa ng ibang lahi." Biglang tumayo si Desiree at hindi na nagawang magpaalam kay Xion at sa Ama. Nagsisikip ang dibdib sa mga narinig kay mula sa binata, umasa lang pala siya sa wala. Ang akala niya ay totoo ang mga sinabi nito sa kaniya, siguro nasabi lang iyon para kumalma at tumigil sa kakaiyak.  Ang pababa ng hagdan na Ina ay kitang kita ang luha sa mukha ng anak. Bilang Ina ay masakit na makitang nasasaktan ang anak, ngunit wala siyang magawa para dito.  Natapos ang dinner na hindi na muling nakita pa ni Xion si Desiree, kaya malungkot siyang nag paalam sa mga magulang.  Habang nag da-drive ay naisipang tawagan ang kapatid na si Cain, ayaw muna niyang bumalik ng penthouse dahil maiisip lang niya ang dalaga.  "Kuya, nasaan ka ba ngayon?" "Nasa sasakyan, pupunta ako dyan sa lugar mo kaya mag prepare ka na at gusto kong lumabas tayo." "Sige Kuya, magbibihis lang ako." Kakausapin niya ang kapatid, tama ang kaniyang kaibigan na dapat nga ay may kasama siya sa gagawin niyang plano. At kahit ngayon lang niya nakilala ang kapatid ay mas malaki ang tiwala niya dito. Anuman ang mangyari ay alam niyang hindi siya pababayaan ni Cain. Huminto siya sa tapat ng umpukan ng kalalakihan, namukhaan niya ang mga kaibigan ni Cain. Binuksan ang bintana at nag busina siya at mabilis na nag lapitan sa kaniya ang mga ito. Kumuha siya ng ilang pirasong papel sa wallet nya at inabot sa mga ito. "Drink all you can, Dude!" Nakangiti niyang pahayag sa mga kalalakihan. "Salamat pare, susunduin mo ba si pareng Cain?" "Uo, isasama ko muna siya at may pupuntahan lang kami." "Bumaba ka muna ng maka shot, ipatatawag ko na lang si pareng Cain." 'Sige, salamat." Iginilid niya ang sasakyan sa tabi at saka bumaba, hindi man siya sanay sa lugar na ito ay ayos lang. Dahil lugar ito ng bunsong kapatid kaya dapat ay sanayin na niya ang sarili sa mga tao rito.  "Dalawang shots lang ako mga Dude, mag da-drive pa ako." "Ayos lang pare, oh! ayan na pala ang kapatid mo." "Kuya tara na, at kayo ay huwag masyadong magpaka lasing." "Sure bossing, ingat kayong dalawa at tumawag ka lang kung kailangan ninyo ng back up!" Tinanguan lang ni Cain ang mga kaibigan. "Kuya, saan ba ang lakad natin?" "Sa Bar, at may pag uusapan rin tayo." "Seroso ba Kuya?" "Hindi naman masyado, gusto ko lang na mag bonding na rin tayo." "Hindi ako masyadong umiinom Kuya at hindi rin ako mahilig mag Bar." "Pareho lang tayo Brother, mas gusto ko ay sa bahay lang uminom, kaya lang gusto kong makasama ka." "Kung ganun ay doon na lang tayo sa penthouse mo Kuya?" "Sige, okay lang sa akin." Nag u-turn na lang si Xion dahil ang way nila ay pa south, samantalang ang penthouse niya ay patungong west. Napansin ni Cain na may kakaiba sa kapatid, kahit bago palang silang magkakilala ay alam na niyang may dinadala itong problema. "Alam kong may problema ka, Kuya, tell me baka may maitulong ako?" "Ang totoong dahilan kaya ako umuwi ng Pilipinas ay dahil sa kapatid ko. I love her so much at gusto ko siyang bawiin." "Syempre naman kapatid mo yan eh! Kahit naman ako ay mahal ko ang mga kapatid ko." "Hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin, Brother. Mahal ko siya hindi bilang kapatid, pagmamahal sa isang babae ang nararamdaman ko sa kaniya!" "What? Are you crazy? Ano ka ba, Kuya! Huwag kang magbiro ng ganyan! Sira ulo lang ang lalaking nagmamahal sa sariling kapatid bilang isang babae!" "Alam ko naman yun, kaya nga nauunawaan ko ang ginawa ng parents namin 10 years ago. But now ay lalaban na ako at hindi ako papayag na tuluyang mawawala sa akin ang babaeng mahal ko." "Pero magkapatid kayong dalawa Kuya! Kasalan sa mata ng tao at lalo nang kasalanan sa Diyos ang gagawin mo!" "We are not blood related, Brother! Naging magkapatid lang naman kami..." "Wait, Kuya, anong sinasabi mo?" "Hindi kami tunay na magkapatid, dahil adopted child ako ng mga magulang ni Desiree!" Natawa si Cain sa kapatid, "lawyer ka diba? Bakit mo pinoproblema ang hindi naman dapat problemahin?" "Aba! Bakit pinagtatawanan mo yata ako, brother?" "Kasi naman ikaw eh! Simpleng bagay pinoproblema mo, ano kidnapin na ba natin?" "Hindi na kailangan, Brother, dahil gumawa na ako ng moved." "Yon naman pala eh! Ano pa ang pinoproblema mo?" "Ang problema ko ay nagpa plano ang parents namin na ipakasal si desiree sa lalaking boyfriend nito." "May boylet na ang babaeng mahal mo, Kuya?" "Malamang! Sampung taon kaya kaming hindi nagkita!" "Kaya nga, Kuya! Kidnap na lang ang sagot sa problema mo." "Ang boyfriend niya ay hindi basta-basta, Brother. Ayon kay detective ay miyembro ang lalaking iyon ng isang malaking grupo ng mga mamamatay tao." Nakaramdam si Cain ng galit at awa para sa kapatid, hindi niya ma-imagine na sampung taon ng naghihirap ang loob nito.  "Anong gusto mong tulong, Kuya?" "Mamaya na natin ituloy ang usapan, Brother at malapit na tayo." Napalingon siya sa paligid parang nanibago siya, parang hindi iyon ang pinuntahan nila noon. "Nagtataka ka ba?" "Parang hindi mo ako dito dinala noon, Kuya?" "Hindi nga dito, bagong penthouse ko ito, Brother. Hindi alam ng parents ko ang bahay na ito." "I see, iba na talaga ang ma-pera, ang dali lang bumili ng ganito kamahal na bahay." "Iiwan ko sayo ito Cain, pagbalik ko ng Europa at hindi ka pa rin sasama ay dito ka na tumira." "Saka na natin pag usapan ang bagay na iyan, may hindi ka pa nalalaman tungkol sa akin, Kuya." Nag park lang si Xion at umakyat na sila sa pinaka taas. "Wow! Ang mahal siguro nito ano? Ang ganda dito at kitang kita ang buong kamaynilaan." "Do you like it, Brother?" "Aba, hindi pa ako nasisiraan ng ulo para hindi magustuhan, kaya lang hindi ako sanay sa ganitong bahay, Kuya."  Hindi na sumagot si Xion at ng lingunin niya ito ay wala na, kaya umupo na lang siya sa mahabang sofa. Hindi naman nagtagal ay bumalik ito at may dalang dalawang baso at isang bote ng whisky. "Ikaw, Brother, may girlfriend kaba ngayon?" Biglang na tahimik si Cain, bakit sa kaniya napunta ang topic? "Humn...something wrong?" "Halos pareho lang tayo ng pinagdaanan, Kuya. Kagaya mo nagmahal rin ako ng sobra. Hindi ko nga alam kong may asawa na iyon ngayon at kung nasaan na na siya. Kung malaki na ba ang anak namin..." "May anak ka na?" "Yeah! Iyon ang pagkakaalam ko, kaya lang simula ng umalis siya ay nawalan na ako ng pag asa na makikita pa siya. She is my boss, driver bodyguard niya ako, and that time ay nakatakda siyang ikasal sa business partner ng ama niya. One week before the wedding ay may nangyari sa aming dalawa. Hindi lang limang beses ko siyang nadala sa kama at wala akong ginamit na protection. Then after one year ay nabalitaan ko na hindi pala natuloy ang kasal nila. Ngunit wala na sa bansa ang babaeng mahal ko, at ang sabi ng dating kapitbahay niya ay buntis ito ng umalis sa lugar nila." "Sorry, Brother..." "Wala yon, kaya nga alam ko ang nararamdaman mo dahil dinanas ko rin iyan. Mabuti ka pa nga at alam mo kung nasaan ang babaeng mahal mo. Samantalang ako ay walang kasiguraduhan kung magkikita pa kami. I still love her, Kuya, kaya hindi ko na magawang tumingin o magmahal pa ng iba. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD