CHAPTER 2

2661 Words
SPENCER Napailing na lang siyang napatingin sa papalayong pigura ng babaeng estudyante. Aminin niyang nagulantang siya sa bastos ng bibig nito. Akala mo walang respeto sa nakakataas dito. He couldn't believe that someone cursed at him in front of his face. Sa kasamaang palad estudyante pa ng unibersidad. He doesn't want someone who disrespects him. Sa mga taong ganoon ang ugali dapat parusahan. "She is feisty and a beautiful woman.” Napangisi siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Driego na nasa tabi niya ngayon. He is here because he is looking for someone. Hindi naman ito pupunta rito kung wala itong kailangan. "Yeah, I agreed. Pero aanhin mo naman ang pagiging maganda, kung bastos naman ang bibig?" he hissed na ikinatawa nito. "She is feisty and you are reserved. The opposites attract.” He smirked at Driego and said, "I don't do principal-student relationships, Driego." "Ang pag-ibig ay hindi mo talaga maiiwasan iyan." nakangising sabi nito. "Bakit ba napakapakialamero mo ngayon?" Kunot-noong hinarap niya ito. "Kung sasabihin ko kaya sa babaeng matagal mong hinahanap na hindi siya magpapakita sa’yo? Para naman mas lalo kang mahihirapan sa paghahanap sa kanya." Bago siya umalis ay tinapik niya ang balikat nito at napailing na lang nang makitang namumutla ang mukha nito. Nang nakalabas na siya sa gymnasium ay agad siyang nagtungo sa kung saan ang office niya. Habang naglalakad siya ay napansin niya ang tahimik ng buong paligid. Ito ang gusto niya na tahimik. Masarap kasing mag-isip kapag tahimik ang paligid. Walang ingay na nakakasagabal kaya tama nga na nandito siya para masubaybayan niya kung paano magpapalakad ng ganito kalaking eskwelahan. Gusto niyang pamunuan ang paaralang pinagkakatiwalaan ng kanyang ama dahil dito siya magsimulang muli. Lahat ng pinaghihirapan niya ay nakamit na niya ngayon. Ginawa niya lahat para mapasakanya ang eskwelahan na ito. He'll set rules that no one will break, and if they do, rules will be broken. He will not put up with his students' disrespect for his employees. Kung kailangan ng masinsinang pag-uusap gagawin niya. Kapag hindi pa rin magbabago ang ugali ng mga estudyante ay wala na siyang magagawa dahil isa lang ang dapat gawin para maputol ang sungay ng mga estudyanteng matigas ang ulo at hindi sumusunod sa utos ng nakakataas ay kakausapin ang mga magulang na putulin ang allowance ng mga ito. Papalinisin niya ng mga silid aralan o ‘di kaya maruming kubeta at higit sa lahat he will confiscate their gadget. He was well aware that many young people are now addicted to their cellphone, tablet, laptop, or any other technology to the point where being without them feels like losing a limb. Alam din niya na hindi mabubuhay ang mga ito kapag walang pera. Hindi nila alam kung gaano kahirap maging isang kahig-isang tuka lang. If they don't obey his regulations, he will teach them where to stand and what is right and wrong. Punishment will be hell for them. The beautiful thing about punishment is that he will be able to observe how his student suffers. Because he is a strict principal, no one is allowed to break his rules. A principal is someone who delegates authority, thus he will now carry out his responsibilities. Napangisi na lang siya ng may naalala. May dapat pa pala siyang paparusahan. Sisimulan na niya kung ano ang nararapat sa mga estudyanteng bastos ang bibig at lumalabag sa patakaran ng eskwelahan. Nang nasa tapat na siya ay mabilis niyang binuksan ang pintuan at nagtungo sa kanyang desk. He pressed the intercom. "Hello there, I'd like to inform you that your karma will begin on this day. To the students, professors, and all of the staff at this great school, sisimulan ko na ang parusang nararapat para sa mga estudyanteng pasaway at mga gurong ayaw sumunod sa batas dito sa paaralan. Ang una kong tatawagin ay si Thomas Franco, pangalawa ay si Professor Rebecca Gomez at ang pinakahuli ay si Eriela San Jose. Ang mga pangalan na tinatawag ko ay kailangan tumakbo sa oval nang dalawamput-limang beses. Kung hindi ninyo sinunod ang parusa ay may panibagong parusang nakaatang sa inyo. To all students and employees that disobey me, I am sorry to say this, I am difficult to please. I am a compassionate person who is enthusiastic about equal rights. When it comes to my beloved students and my staff, equality implies that everyone has the same rights, opportunities, and responsibilities. I hope you pay attention to what I'm saying because I'm not going to say it again, thank you." Kunot-noong napatingin siya sa pintuan ng may biglang kumatok doon. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. "Come in!" "S-Sir, n-nandoon na sa oval ang tatlong pinatawag n-ninyo." He raised his brow when his staff stuttered at napansin niya ang pamumula ng pisngi nito. "Yeah, I know. You can go now. " Taboy niya dito. Imbes na sumunod ito sa sinabi niya ay nakatanga lang ito sa harapan niya."Didn't you hear what I just said?" pasuplado niyang tanong sa kaharap. "S-Sir?" He rolled his eyes at nayayamot niyang tiningnan ito. "I said you can go now because I can go by myself." Nahihiyang yumuko ito sa kanya sabay hingi nang patawad, "S-sorry, sir. Aalis na po ako." He deeply sighed and massaged his temple. Hindi niya akalain na may ingot din pa lang staff niya rito. Ayaw niyang pinapaulit kung ano ang sasabihin niya dahil nakakapagod lang. He has quite a bad temper when dealing with uncooperative people. Napailing na lang siyang pumunta sa oval kung saan makikita niya kung paano parusahan ang mga taong lumabag sa rules niya. "Students, alis kayo riyan. Nandiyan si sir!" Rinig niyang sabi ng isa sa estudyante na nakakita sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin at tuloy-tuloy na naglalakad patungo sa bakanteng upuan at hindi naman niya alam kung bakit may plastic chair. He just shrugged his shoulders and enjoyed the scene that he wanted to watch. Sa kalagitnaan ng kanyang panonood ay bigla na lang tumunog ang kanyang telepono na gusto niyang ibato sa kung saan. Bagkus na sagutin ang tawag ay pinatay niya na lang dahil mas gusto pa niyang manood sa mga naparusahan kaysa sa buwisit na telepono niya. "Sir!" Nayayamot na tumingin siya sa staff niya na hinihingal sa harapan niya. "It’s you again?" iritadong tanong niya rito. "Pwede ba, huwag kang susulpot bigla?" "S-Sir, tumawag po ang Papa ninyo." Naputol ang pag-uusap nila ng kanyang ama nang bigla na lang nagsigawan ang mga estudyante na pinagtataka niya. Kunot-noong tiningnan niya ang mga ito at akmang papagalitan na sana nang marinig niya ang pangalan na sinisigaw ng mga ito. "Eriela!" Parang slow motion ang lahat ng nangyayari. Nakita niyang bumagsak ang katawan ng dalaga sa lupa kaya nagkagulo na lahat. Hindi niya alam na kusa na pala siyang tumakbo patungo roon at hinawi agad ang mga tao na nakakasagabal sa paningin niya. Ang gusto lang niyang makita ay si Eriela. Bilang mabuting mamamayan at namumuno ng eskwelahan kaya niya ito ginawa. Bilang mabuting mamamayan o nag-alala ka lang sa kalagayan niya? "Erie—-" Naputol ang pagtawag niya at nandilim ang kanyang paningin nang makitang binuhat ng isang lalaking estudyante si Eriel. Inisang hakbang lang niya ito kaya nagulat ang estudyante niya na may hawak kay Eriela. "Akin na siya." Natatarantang ibinigay naman nito ang dalaga sa kanya. He groaned when the moment her body touched him. He couldn't recognize the feeling but it felt good to have her in his arms. Is it good or bad? He doesn't know. Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan niy. Bago siya umalis ay sinamaan niya muna ng tingin ang lalaking nakahawak kanina sa dalaga. "Nurse! Nurse! Where are you!" sigaw niya ng makarating siya sa clinic. Bumungad sa kanya ang nagtatakang mga tingin ng Nurse na lumapit sa kanya at agad namang lumipat naman ng tingin nito sa hawak niya. Napatango-tango ito. "Pakilapag lang siya sa kama, sir." mahinahong pakiusap nito sa kanya kaya sinunod naman niya ang sinabi nito. He frowned when he saw how calm the nurse is. "Iyan lang oxygen mask? Hindi mo man lang siya tiningnan kung ano pa ang komplikasyon niya at kung bakit siya nahimatay?" naiirita niyang tanong sa kaharap niyang nars na napailing na lang sa tinuran niya. "Sir, kinakapos lang po siya ng hininga kaya nahimatay siya. Hindi siya pwedeng magpakapagod o tumakbo dahil may asthma po siya. Kung hindi ninyo siya pinatakbo sa oval ay hindi sana magkaganito ang kapatid ko." "Kapatid? " Palipat -lipat ang tingin niya sa dalawa. Hindi magkahawig ang dalawa. "Madalas ba siyang nagkakaganito?" Kunot-noo siyang tiningnan nito. "Teka lang, sir… Bakit ka ba tanong ka ng tanong? Interesado ka ba sa kapatid ko?" Napangisi siya sa sinabi nito. "I am not. I'm just asking because I'm concerned for her health." "Even if you are the principal of this school kapag kapatid ko na ang inaagrabyado hindi ko pagsisihan na makasakit ako ng tao." Isang malutong na mura ang lumabas sa kanyang bibig nang bigla na lang siya nitong sinampal ng napakalakas kulang na lang ay mababali ang leeg niya. "I deserve that slap." Nagising na lang si Eriela nang makarinig siya ng ingay. Kunot-noong tiningnan niya ang dalawang taong nagbabangayan. Nakita niyang nagpupuyos na sa galit ang Ate niya kaya tinawag niya ang atensyon nito. "Ate..." Napangiti ito nang makita siyang gising na kaya ngumiti siya rito pabalik. Sobra talagang ganda ni Ate Patricia kaya nga maraming nahuhumaling sa ganda ng ate niya. "Eriela…” Naglakad ito palapit sa kanya. Ang akala niyang yakap ay sapok ang abot niya rito kaya napaaray siya at napakamot sa ulo niyang sinapok nito. "Ate naman, ang sakit kaya no’n!" reklamo niya sa pagkasapok nito. "Kung hindi ka boba… Hindi ka sana umabot sa ganito. Alam mo namang may asthma ka tumakbo ka pa rin." Napanguso na lang siya sa sinabi nito at hindi na lang umimik. Kasalanan naman kasi niya. kung hindi naman siya tumakbo hindi siya aabot sa gani—teka nga bakit ang sarili niya ang sinisisi niya kung ang pesteng principal naman nila ang may kasalanan? Kung bakit hinimatay siya at nawalan ng hangin ang kanyang baga. Napatingin siya sa bandang likuran ng Ate niya. Napakunot ang noo niya nang makita ang Principal nila. Naniningkit ang kanyang mga matang napatitig dito. Hindi niya alam kung bakit ito nandito dahil sa totoo lang wala namang rason kung bakit ito nandito sa clinic. Napatigil siya ng may sumagi sa isipan niya. Ah, tama! Alam na niya kung bakit nandito. "Kung nakokonsensya po kayo sa akin… Okay na po ako at huwag niyo ng sisihin ang sarili ninyo dahil kahit anong gawin mo ay tapos na at nangyari na po ang lahat. Kung ako po sa inyo ay umalis na po kayo dahil nakakaabala na po kami sa oras ninyo, Mr.Principal." Nagkasalubong ang makakapal nitong kilay. "Kung okay ka na, pumunta ka sa opisina ko dahil may pag-uusapan tayo." "Ano naman iyon?" "Bakit ka ba maraming tanong?" naiirita nitong tanong sa kanya. Napabaling ang atensyon niya sa kanyang Ate nang marinig niyang humagikhik ito. Tinaasan niya ito ng kilay sabay sabing, “Nabaliw ka na ba, Ate?" "I am just enjoying the scene." She rolled her eyes at her sister. Ibinaling na lang ang tingin sa lalaking nakatitig pa rin sa kanya. Iyong titig na nanunuot sa kaluluwa niya na para bang gustong alamin kung ano ang nasa isip niya. Biglang nanindig ang balahibo niya sa klase ng titig ng Principal. It's not creepy, but she sensed something strange that she couldn't recognize. — " Sit down, Eriela." Bungad ng Principal sa kanya pagkapasok pa lang niya sa opisina nito. Napatigil siya at napapikit ng maamoy niya ang mabangong perfume ng lalaki. Aaminin niya na ito ang unang pagkakataon na nakakaamoy siya ng nakakaadik at masarap yakapin ang kung sinumang pagmamay-ari na pabango na iyon. Nanunuot sa kanyang ilong ang pabango, pero sa kasamaang-palad naputol ang pagpapantasya niya ng may tumikhim. "This is the condition that you need to follow." Napatingin siya sa papeles na nasa harapan niya ngayon. Nandito siya sa opisina nito dahil may pag-uusapan sila. Ito siya, walang magawa kundi umupo at tahimik na binasa ang papel na hawak niya. "Wait, hindi ito tama.” Kunot-noong inilapag niya ang papel na hawak niya. "Bakit naman ako susunod sa kondisyon mo, kung tapos na ang parusang ginawa ko kanina. Muntik pa nga akong mamatay nang dahil sa’yo." Nagpupuyos siya sa galit. Sinong matinong mag-isip na gawin kang isang assistant nito buong taon? Haler! Kung sa iba ay papayag sila na maging assistant ng isang magaspang na ugali ng isang lalaki, pero siya ay hindi siya papayag. Tatawagan daw siya sa kahit anong oras na kailangan siya nito. Wow! Maid lang ang peg? Nakangising pinagsalikop nito ang dalawang kamay. "Gagawin ko kung ano ang gusto ko, Eriela San Jose. Kung ano ang nakasulat diyan, sundin mo dahil kung hindi, madagdagan na naman ang parusa mo." Napasinghap siya sa sinabi nito. "Wala ka ba talagang puso? Sa maliit na kasalanan pinaparusahan mo na? Gan’yan ka ba talaga, Mr. Principal?" Sinamaan siya nito ng tingin. "Kinukwestiyon mo ba ang patakaran ko Ms. San Jose? Kung hindi ka lang tanga hindi sana hindi ka nandito. Kung hindi ka sana bastos na estudyante ay hindi ka sana paparusahan. Gan’yan ka ba pinalaki ng mga magulang mo kaya lumaki ka ng gan’yan ka bastos?" Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito at napakuyom ang kamay niya. Gusto niyang suntukin ang pagmumukha ng kaharap niya. "Huwag mong idadamay ang mga magulang ko rito, dahil hindi sila kasali sa kinasasangkutan ko ngayon, principal." Napangisi ito sa sinabi niya. Gusto niyang burahin ang ngisi nito sa labi dahil mas lalo lang siyang naasar at sinamaan niya ito ng tingin. Kung may laser lang ang mga mata niya kanina pa ito patay. "Idadamay ko kung sino ang gusto kong idamay. If I were you, Eriela, sundin mo na lang ang gusto ko dahil kung hindi, pasensyahan na lang tayo baka nga sa susunod ay wala ka na rito sa paaralan." "How dare you!" nanggalaiting sigaw niya dito na ikinatawa lang ng Principal. "Yeah, how dare me!" maangas na sabi nito. "Hindi ko kasalanan kung bakit nandito ka sa harapan ko. Hindi ko kasalanan kung bakit bastos ang bibig mo. Bukas na bukas, sisimulan mo na ang pagiging assistant mo sa akin. Ala sais nang umaga ay kailangan nandito ka na sa school. Number two, don't be late. Number three, susundin mo ang lahat ng gusto ko. Kung hindi lalabag ka, one week ang paru--" "Wait lang! Anong madagdagan nang one week—" "Number four, huwag kang magsalita kapag nagsasalita pa ang kausap—" "Wala akong pakialam, dahil hindi makatuwiran ang ginawa mo. Sa maliit na kasalanan gani—" "Madagdagan na naman ng one week ang parusa m—" "Hindi pwede iyan!" "Another week, for a total of three months and two weeks. You'll be my secretary/assistant starting tomorrow." "Hindi iyan—" "Aangal ka pa? Sige, another one w—" "Oo nga, sabi ko tatahimik na ako. Bakit ba ang kulit mo, principal?" sabat niya dahil ayaw na niyang madagdagan ang parusa niya. Bakit ba kasi hindi niya makontrol ang bibig niya sa pagsasalita? Kaya ayan tuloy nadagdagan na naman. He glared at her kaya inosente siyang napatingin dito. "Aalis na ako, principal, dahil may klase pa ako." Tumango na ito sa kanya at ibinaling nito ang atensyon sa nakalatag na papeles sa mesa nito. Wala na siyang magagawa kundi padabog na tumayo sa upuan. Nakita niyang napaangat ang tingin nito sa kanya. "Nagdadabog ka ba, Ms. Eriela?" "Huh? Wala ah! Kasalanan niyang upuan kaya nagdadabog siya." Turo niya sa walang kamuwang-muwang na upuan. "Ah sige, principal, aalis na po ako." Nakasimangot siyang lumabas sa opisina nito kaya pagpasok pa lang niya sa klase wala na, wala na siyang habang pag-aralan. Nakakaasar talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD