CHAPTER 3

1479 Words
ERIELA Hindi magkandauga-uga sa pagtakbo si Eriela papasok sa eskwelahan. Halos lahat na ngang humaharang sa pagtakbo niya ay binabangga niya. Alam ninyo iyong malapit ka na sa finish line ay may pagsubok na namang dumating. Nakakaasar lang kasi, sa tanang buhay niya hindi pa siya tumatakbo ng ganito. Kahit kinakapos na siya sa paghinga ay kinakaya pa rin niya. Napatigil siya at dali-dali niyang kinuha ang inhaler nasa bag dahil bigla na lang naninikip ang dibdib niya. She take a deep breath and when her breathing is getting normal ay agad siyang bumuga ng hininga bago pinagpatuloy ang paglakad-takbo. Nang makarating siya sa opisina ni Principal Hughes ay agad siyang umupo at pinunasan ang tagaktak na pawis niya sa noo. Hindi na nga siya kumatok at wala man lang siyang permiso dahil nasa utak niya ay gusto niyang magpahinga. "Why are you la— what the hell!" gulat na bungad nito nang makita siya. Napangiwi ito. "Sino ka? What exactly are you doing in my office? Y-you smell like a garbage bag," nandidiring sabi nito sa kanya sabay hawak sa ilong nito. Halata naman kasi na ayaw nito sa amoy niya. Pero teka—-anong mabaho? Napakunot ang noo niya pinagsasabi nito. "Nakainom ka ba? Sino kaya ang nagpapunta sa akin dito? Walang iba kundi ikaw. Kung makasigaw ka parang nasa malayo ang nasa harapan mo ah. Anong pinagsasabi mo riyan na mabaho ako?" Inaamoy niya ang kanyang kili-kili pero wala naman siyang naamoy. "Pinagloloko mo ba ako, principal? Eh… Wala nga akong maamoy." she added. Mas lalo siya nitong sinamaan ng tingin. "Sabi ko, ayokong makarinig ng ganyang salita, Ms.San Jose. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na rumespeto sa kapwa mo o mas nakakatanda sa’yo? Gan’yan ka ba pinalaki ng mga magulang mo kaya ka naging sutil? Baka naman… hindi ka mahal ng mga magulang mo kaya wala ka talagang pakialam kung anong ibig sabihin ng manners?" Wala siyang makita na emosyon sa mukha nito habang sinasabi nito sa kanya ang masasakit na salita. "Para kang walang pinag-aralan ah. Akala ko ba… Isa ka sa mga top student dito sa unibersidad Bakit hindi ko man lang nakita at nararamdaman?" Para siyang sinampal sa katotohanan sa sinabi nito at napatahimik siya bigla. Hindi niya alam kung saan siya nasaktan. Iyon bang pang-iinsulto nito sa kanya o iyong pagsampal sa kanya sa katotohanan na hindi siya mahal ng kanyang totoong mga magulang? Mapait na ngumiti siya rito. Tama nga naman ang mga sinasabi nito sa kanya. Wala siyang kinikilala at kung ano ang manners. Wala siyang respeto sa iba maliban na lang sa dalawang kapatid niya at sa kaibigan niya. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya inilapag ang kailangan nito. "May kailangan po ba kayo, sir? Pwede na ba akong umalis?" Hindi man lang siya nito pinansin bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang pagbabasa sa papeles na hawak nito. Napabuntong-hininga na lang siya at saka lumabas na lamang ng opisina nito. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga pinapagawa nito sa kanya. Hindi niya alam kung kailan talaga matatapos ang pagsunod sa mga utos ng principal sa kanya. Ang bigat ng pakiramdam niya ngayon dahil naalala na naman niya ang pinagdadaanan niya noong wala pa siya sa saktong gulang. Kung hindi siya nagkakamali mga nasa anim o pitong taon pa siya noon. "Ma! Pa!" sigaw ng isang batang babae sa kalagitnaan ng isang park na hindi niya alam kung saan. Maraming mga taong napatingin dito ngunit walang nagtangkang lumapit sa kanya. Inilibot niya ang kanyang mga paningin, pero kahit anong lakad, takbo, at paghahanap sa mga magulang niya ay hindi niya mahanap dahil sa maraming taong nandito sa park. "Baby, saan ang mga magulang mo?" Napatingala siya sa babaeng nakangiti sa kanya. Lumabi siya at maya't-maya ay bigla siyang ngumawa ng napakalakas. "Mama! Papa!" "Shhh… Baby, gusto mo hanapin natin sila—" Napatigil ito nang makita ang malaking pasa sa kanyang braso. Palipat-lipat ang tingin nito sa mukha niya at sa mga braso niya. Sinipat nito ang katawan niya. "Anong nangyayari sa’yo? Bakit may malaking pasa ka sa braso at pati ang pisngi mo? Sinong nanakit sa’yo?" Bakas sa boses nito ang pag-alala at may halong galit iyon. Hindi niya alam kung bakit ganito ang reaksyon nito nang makita siyang ganito ang itsura. Hindi nga sila kaano-ano. Hindi na siya nagpumiglas nang kargahin siya ng babae. Sumiksik ang ulo niya sa leeg nito at humikbi. Nakatulugan na lang niya ang pag-iyak sa balikat nito. Hanggang lumaki siya ay wala pa ring balita tungkol sa totoo niyang mga magulang. Tuluyan na niyang nakalimutan ang mga ito hanggang sa nakasanayan na niyang tawagin ang kumupkop sa kanya na Mama at Papa. Tinuring na niya itong totoong mga magulang ang mga San Jose. Mahal pa nga siya ng mga ito kaysa sa kanyang biological parents niya. "Eriela!" Napapitlag siya ng may biglang may tumawag sa pangalan niya. Nakita niya ang kanyang kaibigan na bakas na pag-alala sa mukha nito. "Bakit ka umiyak?" taka nitong tanong sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisngi. Naramdaman niyang basa iyon. Hindi man lang niya namalayan na umiiyak na pala siya. Sa totoo lang kahit na walang pakialam ang kanyang totoong mga magulang ay mahal pa rin niya ang mga ito. Ngumiti siya sa kaibigan at agad niyang pinunasan ang luha. "I miss my biological parents." Napasimangot ito sa sinabi niya. "Why did you miss them? Sila nga na walang pakialam sa’yo at iniwan ka nga nila at binugbog pa, " napaismid na sabi nito. Alam kasi nito lahat tungkol sa buhay niya. Sinabi niya rito kung ano siya at sino siya. Isa lang siyang simpleng tao na hangad lang ay mahanap niya ang matagal na niyang hinahanap. Napabuntong-hininga na lang ito nang hindi siya sumagot at hinila siya patungo sa classroom nila. "Tara na! Pasok na tayo sa room dahil alam mo na ang professor natin magiging dragon iyon kapag may uma-absent sa klase." Napangiti na lang siya sa sinabi ng kaibigan. "Paano na lang kaya ako kapag wala ka ano—Aray!" Napaigik siya nang bigla siya nitong sinapok sa ulo. "Ang sakit kaya no’n!" "Huwag ka na ngang O.A riyan,” sita nito sa kanya. “Nandito lang naman ako hindi naman ako mawawala." Meghan added. "Gan’yan tayo best of friends kaya nga love na love kita." Magkaakbay na pumasok sila sa room nang biglang dumagundong ang boses ng professor. "Wow! What a wonderful student!" their professor remarked sarcastically. "What's the deal with your tardiness? Gawain ba iyan ng estudyante, Ms. San Jose, and Ms. Pablo?" Napangiwi siya sa tanong ng professor nilang si Ms. Lopez. "Hindi, professor. Na-late po kami kasi pinapunta pa kami sa opisina ni Principal Hughes." Napataas ang kilay nito sa sinabi niya. "At bakit?" Halata sa boses nito na naiinis ito sa narinig. Bakit naman kaya? Wala naman siyang ginawa. "Eh kasi–" Napatigil siya nang biglang tumunog ang phone niya. Akmang kukunin na sana niya ito nang biglang magsalita na naman si Ms. Lopez. "Kapag kinakausap kita, Miss San Jose, huwag mo munang pansinin ang iba dahil naiirita ako kapag hindi nakikinig ang estudyante ko," naiinis nitong sabi sa kanya. Bigla na lang namatay ang tunog ng phone kaya napabuntong-hininga siya. "Sor—" Naputol na naman ang sasabihin niya ng tumunog na naman ang phone niya. Pahamak talaga ito kaya kinuha niya iyon at akmang papatayin ang tawag nang bigla n alang nawala ang phone niya mula sa kanyang kamay. "I will confiscate this phone, Ms. San Jose, and you may now sit." Wala na siyang magawa at saka umupo na lang kasama ang kaibigan niyang napahagikhik sa tabi niya. Sinamaan niya ito ng tingin kaya napatakip ito ng bibig at napaayos na lang nang upo. "Class, alam niyo naman na malapit na ang inyong school festival at ang tour ninyo .Nagpaalam na ba kayo sa mga magulang ninyo na may two weeks na tour tayo sa isang kilalang resort?" Napatingin siya sa kaibigan na tinutusok-tusok ang pisngi niya. “Anong problema mo?" "Nothing," nakangising anito na ipinagtaka niya. "Mukhang high na high ka ngayon ah!" Mas lalong kumislap ang mga mata nito kaya lalong napakunot ang noo niya pero ang mas ikinagulantang niya nang marinig ang sinabi ng kanilang professor. "Are you in Miss San Jose to represent our Miss Campus?" Muntik na siyang matumba sa kinauupuan nang marinig niya iyon. "Ma'am, hindi ba pwedeng sa iba na lang ninyo ibigay iyan? Kasi hindi naman ako bagay sa mga ganyan," tanggi niya rito. Ayaw niya talagang sumali dahil wala siyang kompyansa sa kanyang sarili. Napangisi ito sa sinabi niya. "Ms. San Jose, if I were you, sasali ka sa kompetisyon na iyan dahil ikaw ang representative sa department natin. Nakakahiya naman kung walang representative, diba? Napasimangot na lang siya at napangalumbaba. May magagawa pa ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD