CHAPTER: 1

1150 Words
“Ate Arleta, alam mo naman na wala akong pinagkakatiwalaan na tao, bakit naman biglaan ang desisyon mo na magreretiro?.” “Pasensya ka na talaga Creed, kailangan ako ng anak ko ngayon. Alam mo naman na bagong panganak ang isang yun at wala namang asawa na aalalay dahil nga tinaguan siya.” Napaupo ako sa sofa dahil sa kunsumisyon. Nakakahagas! Saan ako kukuha ng kasambahay na sa panahon ngayon ay mahirap makahanap? Ang hirap din makakuha ng mapagkakatiwalaan. “Pasensya na talaga Creed, maghahanap ako ng kapalit ha?. Habang nandoon ako sa probinsya. Tatawagan kita kaagad kapag nakahanap ako. Hindi ko naman din akalain na mapapa-aga ang panganganak ni Claire.” “Ano pa nga ba ate ang magagawa ko?.” Sagot ko sa aking kasambahay na itinuturing ko ng nakakatandang kapatid dahil halos sabay kaming lumaki, anak din ito ng kasambahay na nanilbihan sa aking mga magulang noon. “Paano Creed, mauuna na ako ha?. Ihalik mo na lang ako kay Zy.” Tumango lang ako sa matanda at humugot ng ilang libo at inabot sa kanya. “Hindi na, ano ka ba! Ikaw na nga sumagot sa bayarin sa hospital at mga gamit. Tama na masama naman ang abusado.” “Ate, sige na tanggapin mo na ito dahil alam mo naman na wala ako nitong pag gagamitan. May sariling trabaho si Zy ganun din ako.” “Edi sige, kung mapilit ka. Maraming salamat ha.” Sabay yakap ko sa babae at hinalikan ito sa noo. Malungkot ako na naupong muli dahil ang mga kasambahay ko ay on-call lamang, ayaw ko ng may nananatili dito sa bahay lalo at mga babae dahil kapag nakainom ako ay mahina ako sa tukso. Si ate Arleta lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat dahil iba ito sa ibang babae. Isa pa, kasundo ito ng yumao ko na babaeng minahal. Isa akong single dad, sa murang edad na labing pito ay nakabuntis ako ng babae na ka edaran ko din. Sa kasamaang palad ay maaga itong pumanaw dahil sa panganganak kay Zy. Simula noon ay hindi na ako umibig pang muli dahil siguro natatakot ako na baka sa susunod na may mabuntis ako ay kunin lang din sa akin kaagad. Hanggang umabot na ako sa ganitong edad na kwarenta y otso ay tumitikim na lang ako ng babae at hindi na nakikipagrelasyon pa. “Yes, Victoria?.” Tanong ko sa babae na kanina pa tumawag sa aking cellphone na kausap ko na ngayon. “Kadarating ko lang from US bakit hindi mo ako sinundo? Namimiss na kita ‘e.” Napangiti ako sa sinabi ng babae na to. Isa siyang modelo at aking f**k body sa loob ng limang taon. Walang usapan, walang pangako tanging pareho kami nagkasundo na parehong maglalabas lang ng init ng aming katawan sa isat-isa. “Okay, kita na lang tayo sa Hotel Paraiso hintayin mo ako doon.” “Hindi ba ako pwedeng pumasok na lang sa suite mo?. Bakit ba ayaw mo akong papasukin doon? Ano ba'ng tinatago mo?.” Narindi ako sa bunganga ng babae kaya pinatayan ko ng tawag. Kung ayaw sumunod sa gusto ko ay hindi ko pipigilan na lumayas sa buhay ko. Meron na akong anak, kaya wala akong pakialam sa mga babae na come and go sa buhay ko. Tinungo ko ang kusina at naglabas ako ng pasta, magluluto na lang ako ngayon ng pagkain namin ni Zy. Tunog ng tunog ang aking cellphone kaya naiinis na pinatay ko ito. Day off ko ngayong araw ng linggo kaya magbabantay ako sa mga on-call na kasambahay na maglilinis dito mamaya. Pagkatapos ko makapagluto ay kumain na din ako. Ang mga natira ay nilagay ko sa microwavable at nilagay sa ref para mamaya ay iibigin na lang ni Zy. Habang nagkakape ay nakaupo ako sa isang upuan dito sa swimming pool. Parang masarap mamaya maligo. “Good morning Boss, pinapasok ko na mga kasambahay daw na maglilinis.” Sabi ng isang gwardya na naghatid sa mga babae. Tumango ako at nagpasalamat. “Good morning Sir.” “Good morning. Kayo na ang bahala maglinis, ang dalawang room sa taas na magkatabi ay hindi ninyo papakialaman, linisin lang ninyo ang labas at palibot. Dito lahat kayo na ang bahala. Kapag nagutom, magluto kayo ng pagkain ninyo. Lahat ng laman ng ref pwede kainin. Kailangan bago mag alas otso ng gabi tapos na kayo.” “Copy Sir.” Sagot ng isa na tinanguan ko lang. Pagkatapos ko mag kape ay naghubad na ako ng aking suot na damit at shorts. Mabilis akong tumalon sa tubig at sumisid pailalim. Pabalik-balik ako hanggang sa mapagod. Umahin na ako ng tuluyan dahil naalala ko na may gagawin pala ako sa aking opisina. Habang nakaupo nakita ko ang isang kasambahay. Maputi ito at makinis, malaki ang hinaharap. Nakaupo lang ito habang ang dalawa ay mabilis ang kilos at aligaga. Tumingin ito sa akin ng kagat labi. Napangisi ako na naglalakad-lakad at nilapitan ang babae. “Pumunta ka dito para maglinis hindi para mang-akit kaya kumilos ka. Kung ayaw mo naman kumilos ay umuwi ka na.” Bulong ko sa babae na kinabig ko pa kanina para mayakap. Ang dalawang kasama naman nito ay kinikilig na niloloko ang babae. Akala siguro nila tipo ko ang mga babae na obvious kung humarot. Hindi na ako bata, kaya kung gusto nila ay pagbibigyan ko namn sila, basta iyot kaagad walang usapan pagkatapos magparaos. Wala ng marami pang bolahan dahil pang bata lang ang ganun na istilo. “Anong sabi sayo? Hindi naman kita masisisi kung type ka ni Sir, ang ganda mo naman kasi at ang sexy.” Sabi ng isang kasambahay na kinindatan ko pa. Halata na kinikilig ang mga ito pero ako hindi. Naiirita ako sa isa na lantaran kung lumandi. “Hello everyone!.” Sigaw ng anak ko na papasok pa lang ng pintuan. “Ohh sexy ladies.” Sabi nito sabay palo sa pwet ng isang kasambahay. “Ay buli ni apo mo, Sir!.” Sigaw ng isang babae na naglilinis dahil sa gulat. Napaka pilyo talaga ng anak ko na ito. Napakalayo sa ugali na mayroon ako. Namana niya ang pagiging makulit sa kayang pumanaw na ina. “I like your butt baby ha.” Papuri pa nito sa isang kasambahay sabay kindat. “Isalang mo na lang sa microwave ang pasta, may niluto ako kanina. May gagawin ako ngayon sa opisina. Ikaw na muna ang bahala sa mga naglilinis.” “Copy kuya!.” Napailing na lang ako. Ganito ito mangulit. Kuya ang tawag sa akin minsan dahil parang magkapatid lang daw kami. Well totoo naman dahil sila mommy at daddy din ang nag-alaga sa kanya. Sabay kami inalagaan halos dahil menor de edad pa lang ako noong isinilang siya. Pagdating ko sa loob ng aking silid ay diretso ako sa banyo para maligo. May virtual meeting pala ako kaya kailangan ko mag-asikaso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD