Princess 2

1481 Words
Nagising si Empress Maxima sa malakas na pagbukas ng pinto. Halos masira pa nga ito sa tindi ng pagkakasalpak. Nang tignan ng empress kung sino ang pumasok at sumira sa kanyang tulog ay agarang napangiti siya nang makita si Emperor Hadrian sa tapat nito. Hindi man niya maaninag ang buong mukha nito dahil sa kadiliman ng kwarto pero alam niya na ito ang kanyang asawa. "Hadrian," abot tenga ang ngiti niya nang tawagin ang pangalan ng kanyang asawa. Mabilis na lumapit naman sa kinahihigan niya ang emperor at tumigil ito sa gilid ng higaan. Iyon nga lang sa dilim ng kwarto ay hindi nakikita ni Empress Maxima ang madilim na mukha ngayon ng kanyang asawa. Iniupo niya ang sarili mula sa higaan para mas makita ang mukha ng emperor. "Hadrian, nakita mo na ba ang ating prinsesa?" umaasang tanong pa ni Empress Maxima, "Ano? Sino ang kamukha niya?" Lumipas ang ilang sandali pero walang imik ang emperor at nakatitig lang ito sa kanyang mukha. Sinubukan ni Empress Maxima na iangat ang kamay at higitin ang manggas ng damit ni Emperor Hadrian. "Hadrian, bakit hindi ka sumasagot? M-M-May problema ba sa ating prinsesa?" kinakabahang tanong niya. Biglang naalala niya ang kakaibang reaksyon ng komadrona nang maipanganak niya ang prinsesa. Ngunit isang malakas na sampal ang isinambulat sa kanya ng kanyang asawa. Sa lakas nito ay napatagilid sa kinahihigaan ang empress. Namanhid pa nga ang buong mukha niya dahil sa lakas nito. Gulat na gulat na napahawak sa kanyang pisngi ang empress dahil sa ginawa na iyon ng kanyang mapagmahal na asawa. Ito ang unang beses na pinagbuhatan siya ng kamay nito. "H-H-Hadrian...?" nalilitong pagtawag niya sa emperor. Nangilid ang luha sa mata niya at hindi maiwasang madamdam sa ginawa na ito ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung ano ang rason ng asawa para saktan siya nito. "M-May problema ba tayo?" garalgal na tanong pa niya. "Problema? Hindi mo alam ang aking problema, Maxima?" galit na galit na sambit ni Emperor Hadrian at ramdam doon ay labis na paghihinakit sa hindi niya malaman na dahilan. "H-Hindi ko maitindihan... B-Bakit n-nagagalit ka sa akin?" naiiyak na tanong muli ni Empress Maxima, "A-Ano ang ginawa ko para magalit ka at pagbuhatan mo ko ng iyon kamay?" "Gaano katagal mo na ako niloloko?!" biglang tanong naman ng emperor, "Gaano mo na ako katagal na pinagmumukhang tanga ha?!" "Ha?! Hindi ko alam ang sinasabi mo? Anong niloko kita?!" hindi pa rin na maitindihan na sambit ni Empress Maxima, "Alam mo kung gaano kalaki ang katapatan ko sa iyo! Hindi kita kailanman niloko!" Ngunit isang malakas na sampal muli ang sumagot kay Empress Maxima. Doon ay hindi na napigilan ng empress na umiyak. Wala siyang kaide-ideya sa kinagagalit ng kanyang asawa. "Hindi ka talaga aamin, Maxima?! Sige! Ipapakita ko sa iyo para malaman mo!" bulyaw muli ni Emperor Hadrian at walang kung ano ay mahigpit na hinawakan sa braso ang asawa. Pagkatapos ay pakaladkad na hinila niya nito palabas ng kwartong iyon patungo sa kinaroroonan na kwarto ng prinsesa. "H-H-Hadrian! Ano ba?! Nasasaktan ako?!" nakangiwing sambit ni Empress Maxima dahil sa pananakit sa kanya ng emperor. Hanggang sa napasalampak siya sa malamig na sahig nang walang awa na itulak siya ng emperor doon. "H-Hadrian?" Nalilitong inilibot ni Empress Maxima ang tingin sa kanyang paligid at napag-alaman niya na nasa kwarto siya na kanyang hinanda para sa kanilang anak. Hanggang sa natuon ang tingin ng empress sa crib ng kanyang anak. "Uwaaaa!" malakas na pag-iyak pa ng sanggol dahil sa malakas na pagbukas ng pinto ng emperor. "H-Hadrian... B-Bakit mo ba ginagawa ito?" naghihinakit na bulalas naman ng empress, "Ano ba ang ginawa kong mali sa iyo?" "Tignan mo ang batang iyan para malaman mo," malamig na turan ng emperor sa kanya habang nakaduro ang hintuturo sa mismong crib. Doon ay dahan dahan na tumayo ang empress patungo sa crib ng kanyang prinsesa. Sinilip niya roon ang kanilang anak. Nakita niya roon ang magandang bata na may kulay rosas na buhok. Nakahinga pa siya ng maluwag na malaman na normal na naipanganak niya ito at walang problema. Pero hindi niya pa rin maitindihan ang ikinagagalit ng kanyang asawa. "A-Anong problema mo sa ating anak?" nalilitong tanong pa niya, "Wala naman ako makitang mali sa kanya." Sinamaan siya ng tingin ni Emperor Hadrian. Punung puno ito ng pagkasuklam sa kanya. Ang akala kasi ng emperor ay nagtatanga tangahan lang ang kanyang empress para hindi nito makita ang anumang mali sa kanilang anak. "Umamin ka sa akin. Sino ang totoong ama ng batang iyan?" galit na tanong ng emperor sa kanyang empress. Nanlaki ang mata ni Empress Maxima dahil sa klase ng tanong na iyon ng kanyang asawa. Doon lang niya napagtanto ang kinukwesyon nito tungkol sa prinsesa. Iyon ay dahil sa hindi ito nagtataglay ng pilak na buhok at bughaw na mata. "Hadrian, ikaw ang ama niya!" malakas na hayag ni Empress Maxima at nagagalit na rin sa pagkwe-kwesyon na iyon ng kanyang asawa. Hindi niya akalain na pag-iisipan siya nito ng masama. Inakala nito na may tinalik siyang ibang lalaki para lang mabigyan siya ng anak. Masakit para sa kanya na ganoong kababa ang tingin ng kanyang asawa sa kanyang pagkatao. Kahit siya lamang ang lalaki na inibig niya. Aaminin niya na medyo nasasaktan siya sa tuwing may mga opisyales na nagpapakilala ng anak nila sa emperor. Pero hindi siya ganoong kadesperada para linlangin ang asawa niya. Dahil kaysa lokohin niya ito ay mas pipiliin niya na lang na pumili ito ng pangalawang mapangangasawa. "Anuman ang iniisip mo ay wala itong katotohanan! Totoong anak mo ang prinsesa!" naghihinakit na sambit niya, "Ikaw ang kanyang ama!" Lalong sumidhi ang galit sa mga mata ng emperor. Iyon ay dahil sa pagpupumilit na iyon ng kanyang empress. Anumang isip ang gawin niya at imposible na siya ang ama ng sanggol. "Si Sir Leo... Siya ang ama ng batang iyan di ba?" pagbanggit na lang niya ng pangalan ng knight nito. Napasinghap si Empress Maxima nang madamay ang pangalan ng knight. Alam niya ang maaaring kahinatnan nito dahil sa maling paratang na iyon ng kanyang asawa. "Hadrian, ikaw nga sabi ang ama ng prinsesa! Huwag mo na idamay dito si Sir Leo! Inosente siya!" natatarantang pagpigil ng empress sa tila binabalak ng kanyang asawa. Ayaw niya madamay ang knight sa problema niya. Lalo na may sariling pamilya si Sir Leo. Ngunit dahil sa pagtatanggol ni Empress Maxima sa knight ay lalong nagsuspetya sa kanilang relasyon ang emperor. "Dalhin rito si Sir Leo! Siya mismo ang tatanungin ko!" malakas na pag-utos ni Emperor Hadrian sa mga knight na kasama niya. Hindi naman nagtagal ay pakaladkad na ipinasok sa kwartong iyon si Sir Leo. Mayroon itong mala-rosas na kulay ng buhok pero mas matingkad ito na halos maging kulay pula na. Dahil doon ay lalong lumakas ang hinala ng lahat na ang knight ang totoong ama ng prinsesa. "Sir Leo..." malamig na pagtawag ni Emperor Hadrian sa kawal. Agaran naman lumuhod at iniyuko nito ang ulo. Ginawa niya iyon kahit hindi niya alam kung ano ba ang dahilan para biglaang dalhin siya roon. Pahinga niya kasi ngayon araw kaya naisipan niya na ibili ng laruan ang kanyang mga anak pero bigla na lang siya dinampot ng mga kapwa na kawal at dinala roon. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Emperor Hadrian?" magalang na tanong niya sa emperor. "Aminin mo ang totoong relasyon mo sa aking asawa," pautos na sambit ng emperor sa kanya. Bahagyang napakunot ng noo si Sir Leo dahil sa tanong na iyon ng kanyang emperor. Iba kasi ang dating ng tanong na iyon sa kanya. "Ako ay isang knight na handang magbuwis ng buhay sa pinaglilingkuran ko na empress ng emporyo na si Empress Maxima," agarang sagot niya sa harapan ng emperor. Nagkaroon naman ng bulungan sa paligid ng knight. Halatang walang gustong maniwala sa sinasabi niyang iyon. "Kung tama ang pagkaalam ko ay may asawa at anak ka na, Sir Leo," seryosong sambit ni Emperor Hadrian. "Opo," sagot naman ng knight. "Ano kaya ang mararamdaman nila kapag nalaman nila na niloko mo sila?" makahulugan na sambit muli ng emperor. Napahilig naman ng ulo ang knight. Hindi niya maitindihan ang ibig iparating ng emperor sa kanya. "Hindi ko po kailanman kayang lokohin ang aking asawa at anak, Emperor Hadrian," seryosong sambit naman niya para pabulaanan ang sinasabi na iyon. "Talaga lang ah..." hindi pa rin naniniwalang sambit ng emperor hanggang sa hilahin niya si Sir Leo patungo sa crib ng prinsesa, "Sige, ipaliwanag mo sa akin ngayon kung paano ka nagkaroon ng anak sa aking empress." "P-Po?" gulat na sambit ni Sir Leo sa paratang na iyon ng emperor pero nawindang na lang siya nang makita ang kulay rosa na buhok ng prinsesa. Napatigalgal na lang siya at hindi malaman ang gagawin na paliwanag. Samantala, malungkot na napatingin ang empress sa kanya at napalugmok sa sahig senyales ng kanyang pagsuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD