CHAPTER 3

1827 Words
#UTS03 "Hoy ba't ka namumutla?" tanong sa 'kin ni Iyah. Bago pa man ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang taong kanina lamang ay tinitignan ko. "Dad, here are the papers you asked me to take from the faculty room," he said, lifeless. 'Wow. Teka tatay n'ya ang dean? Iba rin.' Hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng kanyang tinig, na kahit walang buhay n'ya itong sinabi para bang isa itong awitin na hindi mo pagsasawaang pakinggan. "Just put it there," the dean said while fixing our papers. Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako sa lalaking 'to, at nilingon n'ya ako. Biglang nangunot ang kanyang noo at bahagya pang tinagilid ang kanyang ulo. "Hey Miss, why are you looking at me?" he stated. 'Teka, ako ba sinasabihan nito?' Luminga-linga pa ako nang bahagya sa paligid ko kung ako ba ang tinutukoy n'ya. "Ako?" Halos pabulong ko nang sagot sa kanya sabay turo sa aking sarili. Tumingin pa muna siya sa akin ng ilang mga segundo, at hindi niya sinagot ang tanong ko. Bigla na lang siyang umalis doon, at hindi man lang nagpaalam sa kaniyang tatay. "Hoy Klaire! Ano ba tara na!" sigaw ni Iyah at hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala s'ya malapit sa pinto. 'Hala, bakit naman naging gano'n ang epekto sa 'kin n'ong lalaking 'yon.' Tumayo ako nang marahan at bahagyang tumango sa dean na ngayon ay may tipid na ngiting ginagawad sa akin. "Thank you po. Have a nice day, ahead." Habang naglalakad sa hallway, hindi ko lubos maiisip kung bakit naging ganoon ang naging akto ko kanina. Hindi ko alam kung bakit napatulala na lang ako sa kanya bigla. Naramdaman kong sinakbit ni Iyah ang braso niya sa braso ko. "Hey Klaire, kanina ka pa walang imik, may nangyari ba?" Iyah asked me, and base on the tone of her voice, she was worried. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya 'yong kanina at paniguradong tutuksuhin lang ako nito. At paniguradong gagambalain ako nito t'wing gabi kapag sinabi ko. "Wala nam—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sikuhin, at tumingin sa akin na may mapang-asar na ngiti. "Hoy ba't ka nga pala namutla kanina no'ng nakita mo si Kiel?" she said and I think she is teasing me right now. 'So Kiel pala.' "Teka, sino si Kiel?" tanong ko habang nakakunot ang noo. She rolled her eyes. "Kunwaring 'di alam, yak," sabi niya nang nakangiwi. "Pero bakit nga, kilala mo ba s'ya?" she added. "Namumukhaan lang." 'Yon naman kasi talaga. Noong una habang nakatayo pa s'ya malapit sa fountain, hindi ko maaninag masyado ang kaniyang mukha. Pero no'ng pumasok na s'ya sa loob ng dean's office, ro'n ko namukhaan pero hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakita. "Hmm, well," she said calmly, and her phone beeped. 'Iba 'yong atmosphere niya kay Kiel ah.' "Ay, teka, ba't mo kilala 'yon, 'yong Kiel?" I asked her in a confusing tone. She shrugged her shoulders. "Ah wala, nakita ko lang yung ID n'ya," she replied, while busy tapping something on her phone. 'Eto na naman tayo, hindi ko na naman siya makakausap ng matino. My phone beeped, and I immediately checked it. It was a message from my Mom. From: Mama Sweetie, how's your day? Uhm, I'm sorry 'yung dorm na pina-reserve namin, nag back-out, mayroon na raw palang naka-reserve na iba. As I read the message, I immediately called my Mom. ["Hello, sweetie. I'm really really sorry. Don't worry your—" ] I halted her. "Ma, it's okay, makakahanap naman po kami ni Sakiya ng iba pa pong dorm dito sa Harmown Town." Pinasigla ko ang aking boses para kahit papaano ay hindi mag-alala sa akin ang nanay ko. Iyah looked at me with a confused look. I just gave her a wait signal, and she nodded. ["But sweetie, your Dad is already—"] I cutt her off before she could continue. "No but's po Ma, kami na pong bahala, magpahinga na po kayo." I assured her. I heard her sigh on the other line. [Okay sweetie, just call me kapag nakahanap na kayo at kapag nagkaproblema, okay?"] "I surely will Ma, I love you." And I ended the call. Iyah nudges at me, as soon as I end the call. "Hoy, anong sabi ni Tita about do'n sa dorm?" tanong niya sa akin, tuluyan na kaming nakalabas ng university, at oras na para maghanap na lang ng titirahan namin. "Wala e, nag back-out daw, hanap na lang tayo," I said and giving her a smile. Halos limang oras na kaming naghahanap ni Sakiya pero hanggang ngayon, 'eto tengga. Hindi namin alam kung sa'n pupunta, dahil wala kaming mahanap na mga dorm na available sa ngayon. Ang masaklap pa rito, hanggang ngayon dala-dala pa rin namin ang mga maleta namin at mukha tuloy kaming naglayas pero wala naman kaming patutunguhan. Jusko. 'Kay lupit ni tadhana.' Nakakagigil din kasi 'tong univeristy na 'to naturingang well-known pero walang mga dorm. Hanep. It was seven o'clock in the evening. Sakiya and I were hungry, so we decided to go out for dinner at a restaurant near us. Pagkapasok namin sa loob ng restaurant parehas na kumalam ang tiyan namin ni Sakiya. Nagkatinginan at nagturuan pa kaming dalawa kung kanino 'yon, e alam naman naming pareho na kaming dalawa iyon. As usual, I ordered the crab recipe while Sakiya ordered her favorite chicken wings with matching chocolate ice cream. Hindi ko na alam kung saan pa maghahanap lalo pa't nagsisimula ng lumalim ang gabi. Hindi namin alam kung saan kami tutuloy ngayon, dahil hindi naman namin alam ang lugar na ito, at wala kaming kakilala rito. "Klaire, wala ka pa rin bang nahahanap online?" Iyah asked me while eating her ice cream. I shook my head. Dahil wala pa talagang akong nahahanap, sumasakit na rin ang mata ko ng dahil sa radiation na nanggagaling sa cellphone ko sa sobrang pagkatutok ko rito makahanap lang ng dorm. 'Mukhang sa kalye kami pupulutin.' "Mayroon akong nakita, kaso girl ang layo ng place, though sakop pa rin s'ya ng Harmown Town, pero ang layo talaga sa university natin e," saad niya na tila ba problemado na agad, kahit hindi pa kami roon nakatira. "Sakiya, okay na 'yon 'no. May matuluyan lang tayo ngayong gabi, then tomorrow we'll just search again," I said confidently. Pero sa totoo lang, ayoko rin do'n. Nasabi niya kasi na malayo sa university, so malaking hassle 'yon kapag nagkataon. May matuluyan lang talaga, kakagat na kami roon. She looked at me with an apolegetic smile. "Sorry na agad, I decline it. Akala ko kasi ayaw mo rin kaya 'di na kita tinanong kanina," she stated. Umakto pa siya na para bang maling-mali talaga ang ginawa niya. Before I could confront her, a woman approached us. She doesn't look like a waitress, and in fact, she wears a uniform from HMU. (Harmown Univeristy) 'Wow, summer class?' "Hi, hello ladies! Hmm a-ano..." she trailed off. Hindi niya matuloy-tuloy ang kaniyang sasabihin dahil medyo nakatingin si Iyah sa babaeng iyon nang masama. "What's your problem?" Iyah asked with a creased forehead. 'Maldita mo 'oy!' Napasinghap ako sa inasal ni Iyah at bahagya siyang hinawakan sa kaniyang braso. The girl was shocked by the sudden act of my friend. "A-ano, my name is Roxanne Peralta, a HUMSS student at HMU. I just want to—" She didn't finish what she was going to say when Iyah cut her off. "Just go straight to the point lady," Iyah said nonchalantly. 'Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to napaka-maldita, pero sa mga lalaki gorang gora.' "Hmm, I just want to invite the two of you to my dorm. It's perfect for 3 people. Wala pa kasi akong kasama. And I saw the two of you carrying a maleta, feel ko po kasi wala pa kayong nahahanap na dorm?" kabadong saad niya sa amin, at hindi siya makatingin ng diretso dahil iba ang naging approached ni Iyah sa kaniya. "Well, if that's the case, then we're in," Iyah said and this time her voice was in friendly mode. Ngumiti ako sa babaeng nangangalang Roxanne, at ngumiti rin siya pabalik sa akin. Ngayon pa lang nakikita ko na ang pagiging jolly person niya, base sa kaniyang itsura. Habang papunta kami sa dorm na sinasabi ni Roxanne. Hindi ko mapigilang matawa sa ginagawa ng Iyah ngayon kay Roxanne. Paano ba naman kanina, grabe kung magmaldita pero ngayon may paakbay pa sa braso nito at tawa nang tawa. Well ganito talaga s'ya, aakalain n'yong masungit, pero pag nakilala mo na, mas baliw pa sa baliw. 'Nako, ba't ko nga ba naging kaibigan 'to?' When we entered the room, there were three beds and cabinets. The first thing I noticed was the glow in the dark stars on the ceiling. My mouth formed an 'o' while I was roaming my gaze inside the dorm. Sakiya was about to go to bed near the window, but then I stopped her. "Hoy babae! Kanina pa 'yan tinitignan ng mata ko, chupi, chupi." Sinenyasan ko pa siya na umalis doon. Ngumuso lang siya at hindi na tumutol. Pinuntahan niya na lang ang kamang nasa gitna, dahil 'yon na lang ang available na higaan. 'He! Akala mo mananalo ka sa 'kin, maldita ka lang 'no.' Habang inaayos namin ang gamit namin sa cabinet, narinig kong tumikhim si Iyah at bahgyang tinignan ang puwesto ni Roxanne na ngayon ay abala sa study table niya. "Hey, Roxanne right?" Pagtawag pansin niya kay Roxanne. Agaran namang tumingin sa gawi namin si Roxanne at ngumiti. "Yep," she said cheerfully. "Uhm, I'm sorry for what I did earlier. I didn't know that you would offer us to live in this dorm," Iyah said apologetically, at makikita mo sa mga mata n'ya ang sinseridad sa kanyang sinabi. Roxanne just smiled at us. "Hey, it's okay. No problem. Sanay na ako sa ganyan," she replied with a laugh. 'Wow, ang bait. Kung ako 'yon,'di ko s'ya patutuluyin dito.' Ako naman ang nagtanong kay Roxanne, ang dami ko na agad na naipon na tanong sa kaniya at hindi ko alam kung paano iyon itatanong. Pero dahil nakakausap namin siya ngayon, tatanungin ko na rin siya. "Hmm Roxanne, I just want to ask how many years have you been studying here at HMU?" "One year pa lang. Actually dito ako nag Grade-11," saad niya, umayos siya nang pagkakaupo at tuluyan ng humarap sa gawi namin ni Iyah. "Oh, teka may summer class kayo?" I asked her once again. "Yep, kailangan eh. Para ready na ako this coming school year, 2 weeks na lang kaya," she replied, smiling. "Why so adorable." Biglang singit ni Sakiya. "Teka, una na akong magpahinga sa inyong dalawa ah, maaga pa kasi pasok ko bukas. Nagagalak ko kayong makilala!" Nagawa pa niyang tumalon sa kama niya ng sabihin niya iyon. 'Hindi nauubos energy nito, papahawa nga ako sa kanya minsan.' "Sige, patapos na rin naman kami rito," Sakiya said while closing her cabinet. "Gaga, ikaw lang!" sigaw ko at binato sa kanya ang damit na hiniram ko two years ago. "Wow binalik," Iyah said sarcastically. "Go ahead you better sleep na, 'wag mo na akong hinta—" I didn't finish what I was going to say when she suddenly spoke. She pressed her lips, and looked at me fiercely. "Who the hell said to you, that I'm waiting for you?" she asked, raising her left eyebrow. "Katahimikan po please." Singit ni Roxanne sa pag-uusap namin. Nang tignan ko kung saan siya nakahiga, nakataas ang kaniyang kamay, at nakatikom ang kaniyang kamao habang nakapikit. I just gave Sakiya a deadly glare. Hindi ko siya puwedeng kaltukan agad lalo pa't nagbigay na ng warning si Roxanne. Kadalasan kasi kapag nag-aasaran kaming dalawa, talagang nililibot namin ang buong kuwarto makaganti lang sa isa't isa. 'Bakit ko nga na naging kaibigan 'to. Tch.' Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong may ibang kasama sa dorm bukod kay Iyah, ay dahil ayoko ng maingay, lalo na't nag-re-review ako, ayoko ng pala-hilik dahil mababaw lang ang tulog ko, ayoko ng malakas ang boses kapag nagsasalita, at higit sa lahat ayoko 'yong tipong lahat ng gamit ko hihiramin na, tapos hindi naman ibabalik pa. 'Sana hindi ganito si Roxanne.' I would rather choose to be with Iyah than with someone who is supposed to be asleep, but she managed to saway us with her, 'katahimikan po please'. Hindi ko sinasabing si Roxanne 'to ah, pero mukhang s'ya nga. Inisa-isa ko muling inilabas ang mga gamit sa isang bag na pinadala ni Mama. "Bakit naman kasi ang dami-daming pinapadala ni Mama. It looks like all my belongings are already here?" I whispered to myself. Buti na lang hindi iyon narinig ni Iyah dahil naka-earphone siya. Panigurado kasing tatanungin na naman niya ako ng kung anu-ano, makarinig lang siya ng kahit anong sasabihin ko. 'Hilig na hilig niya ang mag-earphone bago matulog, 'di na ako magugulat kung isang araw bingi na talaga s'ya.' Habang inaayos ko ang mga natitirang gamit ko sa maleta, at sa bag na pinadala ni mama. Biglang sumagi sa isip ko iyong lalaki na nangagalang Kiel. 'He looks very familiar.' Alam ko sa sarili ko na matagal ko na siyang nakita, pero hindi ko matandaan kung saan at kailan nangyari iyon. Pilit kong inaalala ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan, pero hindi ko matagpuan kung saan ko nga ba talaga siya nakita. "'Sa'n ko nga ba s'ya unang nakita?" I whispered to myself. I literally stopped fixing my things when suddenly I remembered something. 'Ay teka, siya ba 'yong taong 'yon?!' To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD