CHAPTER 2

2986 Words
Alas-dos ng hapon nang makarating kami sa bahay. Sa iilang oras na kasama ko si Iyah, masasabi ko na nagka-bonding na rin kami kahit papaano. Sapat na siguro iyon, at babawi na lang kami sa susunod. Iyah looked at me, while removing her rubber shoes. "What if nag-aaway na naman si Tita saka si Tito?" tanong niya sa akin na para bang hindi na bago iyon sa kaniya. "Edi gawin mo 'yong palagi mong ginagawa, kapag ibang tao lang naman ang nagpapatigil sa kanila." I sighed. "Okay, okay." She gave me a tap on my back, and she smiled at me. "Hi ma, I'm ho—" I didn't finish what I was going to say when I heard my parents shouting again. "Robert, dumating na rito si Aling Neda kanina, kailangan na nating mabayaran 'yong utang natin sa kanila!" sabi ni Mama habang mangiyak-ngiyak na nakikiusap sa aking ama. "Klaire, are you sure gagawin natin?" pag-aalalang tanong sa akin ni Iyah. Ewan ko ba kung kailangan pa niya itong tanungin, e sisigaw lang naman siya para matigil ang sigawan ng mga magulang ko. I just sighed heavily. Hindi na bago kay Iyah ang ganitong eksena sa bahay. Palagi rin naman siyang nandito, at nasasaksihan ang pag-aaway ng mga magulang ko. "Just do it," I said nonchalantly, and she nodded. "Hi Tita and Tito! Nandito na po kami ni Klaire!" She shouted cheerfully, knowing my parents will stop if there's someone here in our house. And they stopped. Minsan lang sila tumigil kapag ako ang nag-aawat sa kanila, pero kapag kay Sakiya na, walang anu-ano'y tumitigil sila. Kaagad. Maybe because ayaw nilang mapahiya, na ganito yung family namin? Na lubog sa utang. "Hello, beautiful ladies. How's your gala, hmm?" my Mom said while wiping her tears on her cheeks. While my father just nodded at me, then he walked up stairs. "Hmm, actually Tita hin—" I cut off what Sakiya was going to say before she could continue it. "Great, Ma! We bought your favorite ice cream cake," I said, smiling at her while showing her the ice cream cake that I bought. Iyah looked at me with a confused expression. Siguro dahil 'yon sa pagsisinungaling ko. Ayoko ko kasing pag-alalahanin si Mama. Ayokong malaman niya na hindi natuloy ang gala namin ni Iyah, dahil lang sa sinabi niya sa akin. Paniguradong pagagalitan niya ako, at tatanungin kung bakit hindi natuloy, hanggang sa malaman na niya na ang dahilan ay iyong sinabi niya. Habang hinahanda ko ang mga gagamitin namin sa pagkain ng ice cream cake. Kinausap muna ni Iyah ang aking ina. "Tita, I have a question po," Iyah asked my mother, while she was holding her chin. I just rolled my eyes. "What is it, hija?" my Mom asked, looking at the ice cream cake that I was preparing. I just couldn't help but laugh softly. 'Naglalaway na naman si Mama.' I giggled. 'Eto kasi ang palaging pinabibili sa akin ni Mama sa t'wing umaalis ako o 'di kaya ay bibilhan ko siya ng kusa. "Sa'n po pala ipagpapatuloy ni Klaire 'yong SHS n'ya po?" Iyah asked. Kung sa'n naman ako nag-aaral do'n din s'ya, that's why she asked my mother. Iyah and I are now upcoming Grade 12-ABM student in Crisoma Senior High School this coming school year here in our town. I decided to take an Accountancy course at college, since hilig ko ang paglalaro ng play money noon, at medyo kinahihiligan ko ang subject na Math. I asked Iyah what course she would take and she said her motto, "Kung anong sa bestfriend ko, 'yon din ang 'akin." "Hmm, a-about that..." my Mom trailed off. Bahagya namang nakunot ang noo ko dahil sa inasal ni mama. "Ma, oo nga po. One month na lang at resume na ng klase namin," saad ko at inabot sa kaniya ang ice cream cake na hinanda ko. My Mom forced a smile. "Klaire s-sweetie, your dad decided to move you to Harmown Town and continue your Grade-12 at Harmown university," saad ni Mama sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Narinig ko ang malalim na singhap mula kay Iyah. "Hala! Tita, seryoso po?" She even exaggeratedly covered her mouth. I creased my forehead. "Pero Ma, paan—" I didn't finish what I was going to say when suddenly Iyah shouted. "Seriously Tita? Sa Harmown Town talaga? Sa university na iyon?" Napatayo pa siya mismo sa kaniyang kinauupuan habang sinasabi niya iyon. 'Ano bang meron sa Harmown university na iyon, at ganito na lang ang gulat ni Iyah?' "Iyah calmed down," my Mom said, trying to calmed down my friend. Umayos siya nang pagkakaupo, at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream cake. Bumaling ng tingin sa akin si Iyah. "Klaire, alam mo ba 'yong Harmown Town?! 'Yong Harmown university?!" saad ni Iyah, at niyugyog pa ang aking balikat na para bang sa ganoong paraan malalaman ko ang nga sinasabi niya. I just shrugged. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Iyah sa balikat ko at tinignan siya na may pagkalito. Nasapo ni Iyah ang kaniyang noo. "Jusko naman Klaire! Harmown Town 'yon," wika niya na para bang lumong-lumo na hindi ko alam ang lugar na iyon. Binalingan ko ng tingin ang aking nanay, pero nakatingin lang siya sa amin at hinahayaan na si Iyah ang magpaliwanag sa akin. "Teka nga, ano ba'ng mayroon sa lugar na 'yon at gulat na gulat kang do'n ako mag-aaral?" tanong ko at tuluyan ng humarap sa gawi niya. "So papayag ka nga na roon ka mag-aaral?" Muli na naman siyang napasigaw at bahagyang tumayo."Tita, tell her what that place was, and I couldn't believe that she would study at that university. Gosh, Tita." Humalukipkip siyang sumandal sa upuan at tumingin kay mama. Hindi ko alam kung bakit ganito si Iyah. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging OA dahil nalaman lang niya na sa Harmown university ako mag-aaral. Ni hindi ko nga alam kung ano ang lugar na iyon, hindi ko rin alam kung saan din iyon. My Mom sighed. "Hija, for the nth time, please calm down," saad ni Mama at inilagay sa tabi ang bowl na wala ng laman na ice cream cake. Naguguluhan akong tumingin sa aking ina. "So Ma, ano po'ng mayroon sa lugar na 'yon at gulat na gulat 'tong si Iyah?" I asked my mom in a confusing tone. My Mom plastered a small smile. "Sweetie, that Harmown university is prestigious school in Harmown Town, your dad decided to continue your Grade-12 there with Iyah," malumanay na paliwanag niya at tumingin sa aming dalawa ng kaibigan ko. My mouth formed an 'o' "What Ma? Wait, kasama ko po si Iyah?" I looked at my friend and her expression was really shocked, while her hands were covering her mouth. "Tita talaga?! Pumayag din si Mama? Pera ang labanan do'n tita, bakit pumayag kayong dalawa?" Naguguluhang tanong ni Iyah kay Mama, at doon na mismo nakuha ang kuryosidad ko. "Ma, ano? Pera ang labanan? Bakit doon pa ako mag-aaral?" "Yes sweetie, but don't worry, you're now a scholar there. I have already arranged your papers. All the things are settled," malumanay na saad pa rin ni Mama. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kung mag salita, marami pa kaming kailangan bayaran sa lugar na ito at hindi ko alam kung maiiwanan ko ang mga pamilya ko rito. "Pero a—" I didn't finish what I was going to say when she suddenly spoke. "No but's sweetie, arrange your things now. Sa Monday na ang punta niyo roon, para ibigay pa ang ibang credentials na hindi ko pa naibibigay." Tumango at nanahimik na lang ako dahil ayoko naman na tumutol pa sa mga plano ng aking mga magulang. Ayoko rin na pag-isipin pa sila masyado, at ayoko rin na magbigay ng sakit ng ulo sa kanila. Kung ito naman ang makabubuti sa akin ay susundin ko na lang ang lahat ng sasabihin nila. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Iyah. "Bakit naman hindi 'to sinabi sa 'kin ni Mama?" tanong ni Iyah sa kaniyang sarili. My mother's phone rang. "Excuse me ladies, I have to answer this call." When we nodded, she walked away. 'Siguro isa na naman iyon sa mga utang namin.' I sighed at that thought. Gusto ko ng makatulong sa kanila, pero hindi naman nila ako hinahayaan na magtrabaho. Palagi lang nilang sinasabi sa akin na pag-aaral ang unahin ko sa lahat ng pagkakataon. "Kung gusto mo umuwi ka muna, at komprontahin mo si Tita Arlyne?" suhestiyon ko kay Iyah. She shook her head. "No, tomorrow na lang. Bukas din naman uuwi ako, at Sunday din bukas 'no, you know some family bonding," sinabi niya iyon nang nakangiwi. I nodded. Minsan lang kung gumala kami ng pamilya ko, dahil wala silang oras o 'di kaya ay nabayad na ang lahat ng pera namin sa lahat ng pinagkakauntangan namin. 'Kahit gusto ko man silang igala, wala naman akong pera para magastusan ko sila. "Imposible, siguro kapag may trabaho na 'ko, I whispered to myself and sighed heavily. "May sinasabi ka?" tanong sa akin ni Iyah at ng tignan ko siya, kasalukuyan na siyang nakaharap sa telepono niya. 'Mukhang nag-uupdate na siya sa mga social media accounts niya about sa Harmown university na pag-aaralan namin dalawa.' My eyes rolled spontaneously. "Ang sabi ko tara na't umakyat sa kuwarto ko, ng makapagpahinga na tayo pareho." Tumayo ako at inayos ang pinagkainan ni mama. Narinig ko pang napasinghap si Iyah sa sinabi ko. Habang papaakyat sa kuwarto ko. Naisipan kong tanungin si Iyah about sa Harmown Town. Kaso paglingon ko sa kanya, tatawa-tawa lang siya habang makatingin sa cellphone niya. So I decided to open up that topic later when we are going to sleep. "Iyah, you better take a bath na, I'll just fix something for a while," anas ko at inumpisahang ayusin ang kamang paghihigaan naming dalawa ni Iyah. Hindi siya sumagot sa akin at dumiretso lang siya sa loob ng banyo habang nakatitig pa rin sa kaniyang telepono. "Siguro may kalandian na naman 'tong babaeng 'to," I whispered to myself. And as expected, she heard it. "Hoy Marriane! May sinasabi ka?!" she shouted "Hoy! Josefina tigil-tigilan mo 'ko sa kakatawag sa second name ko. First warning babaita!" I shouted back. "'Wag ka kasing bubulong-bulong d'yan Marriane," she said while grinning at pa-dabog na sinara ang pinto ng CR. "Morfelliano second warning! Gaga ka talaga!" I shouted again. Narinig ko lang na tumawa siya nang malakas, at enjoy na enjoy siya sa pang-aasar sa akin. Ewan ko ba kung bakit ayaw kong tinatawag ako sa buo kong pangalan at sa second name ko. Masiyado akong nahahabaan at the same time, parang hindi ko gusto na tinatawag ako ng ganoon. 'May araw ka rin sa 'kin Sakiya Josefina Morfelliano.' We was about to sleep when I remembered I needed to ask her about Harmown Town. Umayos ako nang pagkakaupo at nilagay ang unan sa hita ko. Tumingin ako kay Iyah na ngayon ay hawak pa rin ang telepono at bahagyang nakangiting nakatingin dito. "Iyah, I have a question." I poked her shoulders but she didn't respond on me. Patuloy pa rin siya sa pagta-type ng kung ano sa telepono niya, at hindi pinapansin ang pagkulbit ko sa balikat niya. "About sana ro'n sa Harmow—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Iyah at bahagyang binato sa p'westo ko ang unan na hawak-hawak niya. I just rolled my eyes. Ganito talaga 'to sa t'wing may alam siya na hindi ko alam, excited na excited kung mag kuwento. 'Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to?' "So spill," I said while brushing my hair with my hands. "Here, Harmown university is a well-known school all over the world," saad niya habang pinapakita sa 'kin ang kanyang cellphone na naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa unibersidad na aming papasukan. "Hmm." 'Yon lamang ang nasabi ko, dahil hindi naman na bago sa 'kin ang ganito. E halos lahat naman ng school sa iba't ibang lugar ay kilala, at hindi na ako magugulat pa kung nagpapalakpakan ang pera nila. "Wow Klaire, 'hmm' lang talaga?" she said imitating what I said earlier. "What should be the reaction ba?" I said nonchalantly. "Nevermind," she replied, while rolling her eyes. "Well anyways, bukod sa kilala sila sa buong mundo, pinakamaraming students daw dito ay sa course na Accountancy, and guess what? Nandito ang pinakamagaling na teacher when it comes to teaching an Accountancy student!" Tuluyan siyang napatili habang sinasabi niya iyon, nagawa pa niyang kuhanin ang unan sa tabi ko at himapas-hampas sa akin ang mga iyon. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya, kanina lang na halos tutol siya na roon ako mag-aaral. Pero ngayon, siya pa itong mas excited sa akin. "Hoy teka! Masakit, tumigil ka nga!" Awat ko sa kanya, pero hindi s'ya tumitigil sa kanyang ginagawa at patuloy pa rin akong hinahampas sa sobrang excitement na nararamdaman n'ya. "Tapos 'eto pa, alam mo ba?" Nag-scroll siya sa kaniyang cellphone, at pinakita sa akin ang isang page na about sa Harmown university. 'Mukhang alam ko na ang sasabihin nito.' "There are many handsome guys in the Architecture Department!" she said, fascinated. "I'm not interested," I said casually, habang inaayos muli ang aking hihigaan. Nagtanong ako para kumuha ng mga impormasyon sa kaniya patungkol sa lugar na iyon, nabigyan niya naman ako n'ong una. Pero hindi ko alam kung mabibigyan pa niya ulit ako, gayong binuksan niya na ang topic patungkol sa mga gwapong lalaki sa Architecture Department na iyon. "Ang korni mo! Teka nga, when will you be interested in entering into a relationship, ha?" aniya, na akala mo'y isang siga na naghahamon ng isang away sa isang kanto. "Shut up, Sakiya." Humiga na ako at tumalikod sa gawi niya, paniguradong magtatanong na naman siya ng kung anu-ano at wala akong ganang sagutin lahat ng iyon kung puro lang naman ito tungkol sa pag-ibig. "Bitter," she said, and even though I could not see her, I knew she grinned. In a snap, I felt that my mother was caressing my hair. "Sweetie, pakabait ka ha. Your father and I are not there to take care of you," wika ni Mama sa akin. Sa mga sandaling iyon, wala akong ibang maramdaman kundi lungkot. Sa matagal na panahon kong kasama ang mga magulang ko, hindi ko ata kakayanin na mawalay sila sa paningin ko. I saw in my mother's eyes that there were tears visible in the corner of her eyes. "Ma, pwede naman ho kasi—" I didn't finish what I was going to say, when she halted me. "Sweetie, we've already talked about this, it's for your own good," she replied, at ang kaninang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata ay tuluyan nang kumawala sa mga pisngi niya. "Yes, Ma. I promise I will take care of myself, no matter what happens." Iyon na lang ang tangi kong maipapangako sa kanila, upang hindi sila masiyadong mag-alala sa akin. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang likod ng aking palad. "Good, I love you." Then she hugged me tight. Now I know why does her hugged to me was strange, and it's because I will be away from my parents for many years. And I really hate goodbye's. As I got out of the car that my mother rented, sinalubong agad ako ni Sakiya habang siya ay sumisigaw. Nandito kami ngayon sa unibersidad na aming papasukan, aalamin ang mga bagay bagay na maaari naming magamit pagdating ng araw ng pasukan, at ibibigay din namin ang ibang credentials na hindi nabigay ng mga magulang namin. "Klaire!" she shouted and she hugged me. "Hoy para namang ang tagal tagal na nating hindi nagkita." Ako na ang kusang bumitaw sa pagkaka-yakap sa kaniya. "Tse, let's go to the dean's office," saad niya at hinila niya ako papasok sa loob ng unibersidad. Mapapatanong na lang talaga ako sa sarili ko, "Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to?" Habang kinakausap ni Sakiya ang dean hindi ko mapigilang humanga sa lugar na aking kinauupuan ngayon. Puro pulos salamin ito, kapag nasa loob ka, makikita mo kung sinu-sino ang mga naglalakad sa labas, pero pansin ko lamang kanina kapag ika'y nasa labas hindi mo makikita ang loob nito. They were still busy talking when suddenly, someone caught my attention standing near the fountain. He was a tall guy. Medyo may katangusan ang kanyang ilong base sa kanyang pagkakatagilid sa 'kin. Ang kanyang mga mata'y parang walang kabuhay-buhay kung tumitig, pero masasabi mong malalim ang kanyang iniisip base sa pagkakakunot ng kanyang noo. He was wearing a black polo and black jeans. Nawala ang atensiyon ko sa lalaking iyon nang bigla akong tapikin ni Sakiya sa hita ko. "Hoy." Kasabay n'on ang pagtapik niya sa akin. "Ay, yes po dean?" tanong ko, at hindi ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila, kaya iyon ang lumabas sa bibig ko. "Ay tuleg, utak mo naiwan sa daan," Sakiya sarcastically said. I just gave her a deadly glare. "Ah, Miss Frakier, I just want to ask what strand you will take?" the Dean asked. "Well, my previous strand is ABM, so basically I'm still an ABM student, an—" I didn't finish what I was going to say when Sakiya suddenly halted me. "Yes, dean we'll going to take ABM po," she said calmly. Bahagya niya pang kinurot nang mahina ang hita ko na siyang nagpangiwi sa akin. 'Pa'no ba naman kasi, may mga papeles namang binigay nakasulat din naman do'n, bat 'di na lang basahin, tsh.' Muli kong tinignan ang lalaking nakatayo malapit sa fountain, at biglang binomba ng kaba ang dibdib ko ng makitang nakatingin siya sa gawi ko. Mas dumoble pa ang kabang iyon na nararamdaman ko ng namataan ko na naglalakad siya papunta rito sa loob mismo ng dean's office. To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD