2

1384 Words
2 Panay ang salansan ni Keiko ng gamit sa loob ng kanyang bag na regalo sa kanya ng kanyang Papi. It's her most expensive and only Louis Vuitton bag, dahil sa totoo lang ayaw niyang mag-spend ng thousands for just a single bag pero anong magagawa kung niregaluhan siya, alangan naman hindi niya tanggapin? Libre naman iyon at galing pa sa kanyang ama. And being the Governor, there's no doubt that her father can really afford those kind of stuffs, at talaga naman na may kaya rin ang pamilyang pinanggalingan nito. At ang rason nito ay siya ang little princess kaya lahat ng gusto niya ay ibibigay. Hindi naman niya gusto ang expensive bag na iyon and never in her life she'll like overpriced bags, shoes and cosmetics. It's enough that she has something to use on her daily life. Pressed powder, blush on, lipstick, lipgloss, gel liner, mascara, tissue—ano pa ba? Tumingala siya sa kisame at iniliko ang labi habang nag-iisip kung ano pa ang kulang sa kikay things niya pero mukha ni Arrogant crush ang naalala niya kaya kilig to the max na naman siya na kahit ilang milyong beses niyang isipin na sinungitan siya niyon, talagang crush lang niya ang lalaki at wala siyang magagawa. Naalala niya ang mapupulang labi niyon. Napanguso siya, imagining as if she's kissing him. Ano kayang feeling na maging first niya si arrogant crush? Nang maya maya nga ay biglang may humalik doon. Inaaay! Napatayo siya sa gilid ng kama at galit na galit na hinampas ng unan ang kuya Macky niya habang tawa ito ng tawa. Ito ang panganay sa kanilang magkakapatid at ngayon ay 28 na. "Ikaw, lumalala na ‘yang tama mo sa ulo bunso ha!" tawa pa rin ito. "Kadiri ka kuya! Hinalikan mo na naman ako sa lips. Eeeew!" parang diring diri siya na walang tigil na pinupunas ang bibig. "Arte mo, noon ngang bata ka kinukuha mo ang candy ko sa bibig." pang-aasar pa nito sa kanya na hindi naman niya alam kung totoo. "Yucks! That's not true! You're lying! Porke wala akong maalala sa childhood ko palagi mo akong niloloko!" isang hampas pa ng malakas ang binigay niya rito. Maya maya ay napatigil ito sa pagsalag, kumunot ang noo. "What are those?" tanong nito na nakaturo sa mga kikay things niya. Napatingin din siya roon. "My things, mga dadalhin ko bukas sa ESU. Why?" "You mean sa halip na ballpen at papel ang dadalhin mo, ‘yan mga pampataray na ‘yan? Keiko naman, di ka beautician." "Excuse me kuya, ang uso na ngayon ay pad, hindi na uso ang ballpen at papel mo." inirapan niya ito. Kumilos siya at itinukod ang dalawang kamay sa likod ng kuya niya at ipinagtulakan ito palabas ng kanyang kwarto. "You know what? You're so annoying. You're always paying attention to my kikay things. Those are my happiness and I can't live without them okay. So mind your own business and stop disturbing my life." isinara niya kaagad ang pinto. Kainis. Lagi na lang siyang inaasar. Buti na lang wala roon ang iba niyang mga kapatid kung hindi bully to the max sya. Walang kangiti ngiti si Carlos Lyeonardo nang pumasok sa ESU sakay ng kanyang sparkling red Ferrari California. Ganoon naman talaga siya parati, ayaw niya na mahaluan ng ibang kahulugan kung magiging palahalubilo siya sa mga estudyante niya. Kaya animo palagi siyang parang mang-aaway kapag pumapasok doon. He's so stern and sometimes arrogant. "Si prof Lyeon." narinig niyang sabi ng mga babeng estudyante na parang sinulid na hindi maputol ang pagkakatingin sa kanya, nang bumaba siya sa kanyang sasakyan. And literally speaking kulang na lang maglaway ang mga ito sa nakikitang kagwapuhan at hotness niya. Pero hindi niya tinapunan ni sulyap man lang ang mga ito. He looks more like an athlete and gym instructor than a professor, sa tikas ng pangangatawan na talagang paglalawayan. Plus factor pa ang gwapong mukha at ang mapang-akit na mga mata, na titig pa lang maghuhubad ka na and his ever promising red lips that normally pout a little bit. It's inborn and one of his many assets. He's the famous hot math professor from Elizares brothers, the youngest. And being a womanizer runs in the blood, his two brothers na hinahabol ng mga babae lalo na ang kuya HJ niya, may pagkakaiba ba siya? Wala. Hinahabol din siya at pinagpipilahan ng mga kababaihan pero wala siyang ibibigay kundi tamang halik lang. Hindi siya nakikipag s*x kung kani kanino hanggat hindi niya seryosong girlfriend. Pero may girlfriend ba siya? Meron. Si Louise na mabait, maganda at wala halos panahon sa kanya, a licensed real estate broker, and career woman with very strong personality and a mature one. Sa lahat ayaw niya sa bata at makulit katulad ni—biglang pumasok sa isip niya si Kieko. Marry me when I'm old please... Napailing siya habang naglalakad sa corridor. Most preferably gusto niya kaedad niya at medyo mature na babae and it's Louise. Bihira rin ang mga babaeng tinatapunan niya ng kanyang expensive seductive smile dahil tiyak, paghahabulin na naman siya ng mga kababaihan at ikai-stress pa niya. Stick siya sa isang relasyon at hindi siya two timer. Naghahanap lang siya ng bago kapag tapos na ang luma. Nganga si Keiko habang parang tanga na naglalakad sa hallway sukbit ang bag. Ibang iba ang ganda ng university na iyon kesa sa mga pinasukan niya. Talagang halata na mahal ang tuition. Eh ang turo naman kaya, maganda? Kasing ganda ba niya? Lihim siyang napahagikhik. Dinukot niya sa bag ang assessment niya para icheck at makita kung anong block siya, at for sure tama ang building na nilalakaran niya. Block A - BA Journalism and Mass Comm... Panay ang tingin niya sa itaas ng hamba ng mga pinto para tingnan ang room number at block ng bawat kwarto. Block A-BA Journalism and Mass Communication. Perfect! Napangiti siya. Ang kanyang bagong classroom, narito na sa kanyang harapan. Sana magkaroon kaagad siya ng kaibigan at poging manliligaw. "Welcome to myself!" aniya na may kalakasan at todo ngiti habang nakabuka ang dalawang kamay na animo'y kayang yakapin ang bagong classroom, nang biglang bumulaga sa harap niya ang isang gwapong lalaki. Natigalgal siya. Whao! Si Crush! Diyos ko Lord! Si Crush! Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa at sa kilig. Ang gwapo gwapo niya talaga! Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay nito nang tila mamukhaan siya. "You're disturbing my class young girl." anito sa kanya at ang aga aga ang init agad ng ulo. May regla ba ito? O baka nagme menopause na kasi matandang binata? Lihim siyang napahagikhik. Tiningnan nito ang nakabuka niyang mga braso kaya kaagad niyang naibaba ang mga iyon. Diyos ko anong ginagawa niya rito? Estudyante ba sya? Kaagad niyang napasadahan ng tingin ang kabuuan nito in his fitted long sleeves and pants. He's so yummmy! You're disturbing my class... Oh shuts! Professor siya! Professor ko sya... My gosh professor ko sya! Tili ng utak niya. "Yes!" mahinang sabi niya na mas lalong ikinasalubong ng kilay nito. Kunwari pumormal siya at itinaas ang mga kilay. "Excuse me Mr. Old Professor. Klase ko po ito. Now if you'll excuse me, papasok na po ako, pwede?" pa side view pa siya sa pagpasok dahil nakaharang ito sa pintuan at halos matakpan ang daanan. Halos magdikitan na ang katawan nila pero di ito umiwas. Salamat di sya umiwas. Kilig to the bones siya. "Introduce yourself before you find your butt a seat." utos nito nang nakakailang hakbang na siya papunta sa ladder type na sitting arrangement. Malumanay naman pero daig pa ang inimbalsamong bangkay sa pagka cold ng boses. Lumingon siya rito. Ano? Grade one? Introduce yourself? "Now! Into the podium!" masungit na utos nito sa kanya sabay turo sa podium na nasa may pisara nang di siya kumilos. Ay bwisit ka! Ang sungit mo talaga! Baka ikaw ang batuhin ko ng pressed powder ko kala mo. Hindi niya akalain na masama rin palang tingin ang ipinupukol niya kay Arrogant Crush na professor. "What are you lookin at, young girl? Faster." habol tingin at masungit na utos nito sa kanya habang papunta siya sa podium. Young na nga, girl pa. Bwisit ang crush niya. Imbyerna! Kung di lang kita crush ibato ko sa’yo ang podium. Inis na martsa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD