Kabanata 1 | Poor

3094 Words
Agad akong umuwi ng Pilipinas matapos kong matanggap ang balitang 'yon. Kahit na marami akong schedule ay pinili kong ipagpaliban at ikansela ang lahat ng 'yon para kay daddy. “What exactly happened?” tanong ko sa family lawyer namin. Nasa harap kami ng kabaong ni daddy. Hinahaplos haplos ko ang salamin niyon nang biglang tumabi sa akin si Attorney Tura. “I'm sorry for your loss, Ms. Madrigal.” Hindi ako sumagot at nanatili ang mga titig ko kay daddy. Hindi ako makapaniwalang ito ang uuwian ko matapos ang anim na taon ko sa Las Vegas. Ang sakit. Sobrang sakit na sa bawat lunok ko'y nahihirapan ako dahil may nakabara. Gusto kong umiyak nang umiyak. Gusto kong magwala. Gusto kong awayin lahat ng naririto at nakikiramay. Pero tila wala akong lakas na gawin ang lahat ng 'yon. Ang natatangi kong kayang gawin ay ang titigan si daddy dahil sa takot na ilang araw lang ang natitira para sa akin na masilayan siya ng ganito. For the past six years I was miles away from him. To the point that I almost forgot his face. It wasn't my choice but his. Pinili niyang ilayo ako rito pagkatapos no'ng araw na sumama si mommy sa ibang lalaki. Matapos no'ng araw na pinili ni mommy ang kakatihan niya kaysa sa amin na pamilya niya. She was pregnant back then. Ang hindi nga lang namin alam ay kung kanino ang batang dinadala niya. Kung kay daddy ba o sa ibang lalaki. “Tini-testing ng daddy niyo ang bagong truck na paggagamitan niya sana pang deliver ng mga prutas no'ng nangyari ang aksidente. Nasa tamang linya po siya at ayon sa CCTV footage ay may humaharurot na sasakyan ang dire-diretsong bumangga sa kanya.” Napalunok ako at bahagyang kumunot ang aking noo. I am meant to focus on the reason kung bakit namatay si daddy pero hindi ko naiwasang punain ang unang mga salita ni attorney. “Wait . . . We have our own architectural firm. Bakit kailangan ni daddy mag deliver ng prutas?” “Hindi po ba nasabi sa inyo ng daddy niyo?” My eyebrows furrowed. “Wala siyang sinasabi sa akin. What are you trying to say?” “Wala na po ang firm niyo, Ms. Madrigal. Nasa kamay na po ito ng mga Guillermo bilang paunang bayad sa mga utang ng daddy niyo sa kanila.” “W-w-what?” “Lubog po sa utang ang daddy niyo dahil sa pagiging obsessed niya sa casino.” I know about dad's obsession with the casino, hindi na bago 'yon. At sa dami ng pera mayroon kami, papaanong malulubog si daddy sa utang? It's very impossible! And who's this f*****g Guillermos? Wala akong naaalalang kaibigan sila ng pamilya namin. “Imposible 'yon, attorney! And p-paunang bayad? Ibig mo bang sabihin ay may mga kasunod pa? Gaano ba kalaki ang perang kailangan bayaran ni daddy sa kanila?” Bumuntonghininga si Attorney Tura. I can sense pressure on his side. “A total of six hundred million, Ms. Madrigal.” Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng agad na pagkalaglag ng aking panga. Oh my god! This can't be true. Napapikit ako ng mariin at marahang hinilot ang aking sintido. “Even so . . .” “Papalubog na rin po ang kompanya niyo nang kunin ng mga Guillermo.” Nagmulat ako ng mga mata at diretsong tinitigan si Attorney Tura. “Are you telling me that we went bankrupt?” dahan dahan kong pagkakasabi. Hindi ko matanggap na kauna-unahang pagkakataon ay naiusal ko ang salitang 'yon. Wala sa bokabularyo ko 'yon. Niminsan sa buhay ko ay hindi iyon sumagi sa isip ko. Dahil ang alam ko'y kailanma'y hindi iyon mangyayari sa amin. Daddy worked hard for the company. Mahal niya 'yon at itinuring na kapatid ko. Papaanong sa isang iglap ay nakuha 'yon ng iba? Tumango si attorney. “And there's more that you have to look forward to, Ms. Madrigal. Hindi lang kompanya niyo ang maaaring kunin ng mga Guillermo bilang kabayaran. Mahirap po silang kalaban. Pagdating sa pera, wala silang sinasanto.” Tuwid akong tumayo at taas noong tiningnan si attorney. “Marami pa akong pera sa bank account ko. I'm sure I can pay them back. At maibabalik sa akin ang kompanya.” “I checked your account status, Ms. Madrigal. Kukulangin po 'yon sa dami ng pinagkakautangan ng daddy niyo.” “Y-you mean . . . May iba pang pinagkakautangan si daddy aside from that Guillermos?” Isang buntonghininga lang mula kay Attorney Tura ay para nang bumagsak sa akin ang langit at lupa. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap lang ay mawawala na sa akin ang lahat. Nilingon ko si daddy. I know it's impossible but I saw a tear fell from his eyes. Nanikip ang dibdib ko. Hindi niya rin matanggap na iiwanan niya ako sa ganitong estado ng buhay. Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang nagnanais nang bumagsak. Pero kahit anong gawin kong pagtingala ay bumagsak pa rin ang mga 'yon. Hindi ko pa rin nakayang pigilan ang sarili kong huwag umiyak. “Daddy, paano na ngayon? Anong dapat kong gawin? Iniwan mo ako sa labang hindi ko napaghandaan. Hindi mo ako hinanda para dito, dad. I hate to say this but . . . You ruined my perfectly fine life.” Bago ako tumalikod ay isang luha ulit ang pumatak mula sa mga mata ni daddy. Is he listening? Paanong umiiyak ang taong patay na? “Is this Ms. Flores's private room?” tanong ko sa mga dalawang guard na nagbabantay sa labas ng room ni Ms. Terese Flores— ang babaeng dahilan ng pagkamatay ni daddy. “Yes ma'am. Sino po sila?” “I am Serra Madrigal. Anak ako ng taong nakabangga ng pasyenteng nasa loob.” “Sorry, ma'am pero sa ngayon ay hindi pa po ina-allow ng pamilya niya ang pagbisita ng kahit na sino.” “I just want to talk to her! Bakit hindi niyo ako papasukin?” “Ma'am, hintayin na lang po natin 'yong guardian niya. Hindi po talaga kayo pwedeng pumasok kasi pasyente lang po ang nasa loob. Kabilin-bilinan po sa amin na bawal magpapasok ng kahit sino,” singit ng isa pang guard. Is this family as powerful as this, na may pa-gwardiya pa? Marahas akong napabuga ng hangin at hinaplos ang noo ko papunta sa buhok ko. Nakaka-frustrate na ang mga pangyayari. Paanong nagagawa nilang protektahan ang taong dahilan kung bakit namatay ang daddy ko? Kailangan ba siyang protektahan? Is she that important than my father's life? May pinatay siyang tao. May anak siyang kinuhanan ng ama. May sinira siyang buhay. Paano niyang nagagawang matulog ng mahimbing sa loob ng private room na ito? “Hindi ko naman siya sasaktan, e! I just want to see her. I need to seek justice for my father! Siya ang dahilan ng pagkamatay ng daddy ko!” bulyaw ko sa kanila. Nagsisimula nang manginig ang boses ko. Pati ang mga mata ko'y nagsisimula nang mamasa. Napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang tanggapin na pinoprotektahan nila ang mamamatay taong 'yon laban sa akin na nawalan ng lahat. Isn't it unfair? “Anong nangyayari?” Isang malalim na boses ang nagpatigil sa akin. Agad kong inalis ang mga luha ko bago ko siya hinarap. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin. Pero agad din 'yong naglaho at napalitan ng kunot noo. Marahil ay alam na niyang ako ang anak ng taong napatay ni Ms. Flores. “Kaano-ano mo si Terese Flores? Gusto ko siyang kausapin!” diretsong sabi ko, pilit na pinapatatag ang sarili kahit na sumasakit ang dibdib ko. “Kapatid ko siya,” simpleng tugon niya. Napalunok ako. “Ako ang anak ng driver ng truck na nakabanggaan ng kapatid mo. My father died . . .” Hindi ko nagawang ipagpatuloy ang sinasabi ko dahil tinraydor ako ng sarili ko. Kahit pigilan ko ay pilit na kumawala ang hagulgol ko. Bakit ganito kasakit? Mas masakit pa ito sa iniwan kami ni mommy. Kahit noong araw na iniwan kami ni mommy ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Hindi ako nagalit. Kasi sa murang edad ay naiintindihan kong hindi lahat ng marraige ay nag w-work. That love really doesn't exist. It's just an illusion. Pero ngayong wala na si daddy ay tila unti-unting namuo ang galit ko sa kanya, kay daddy, sa mga Guillermo, sa pamilya nitong lalaking nasa aking harapan, sa mundo. Para bang wala na akong ibang nararamdaman kung 'di pinaghalong sakit at galit. “Dead on arrival. Gusto kong makausap ang kapatid mo,” dagdag ko nang unti-unting humupa ang pag iyak ko kasabay ng sakit na nararamdaman ko. “Baka mabinat ang kapatid ko. Can we talk in private?” Gusto kong matawa. Baka mabinat? Binat lang naman 'yon ah! Daddy ko nga, namatay. What the f**k is this people thinking?! “No! Ang kapatid mo ang gusto kong makausap. If you won't let me talk to her. Mag f-file ako ng case against her.” Tamad siyang nagbuga ng hangin. “Magkano ba ang kailangan niyo?” Sarkastiko akong natawa at napaiwas ng tingin. And then I clenched my jaw right after I look back at him. Babayaran niya ba ang buhay ng daddy ko? Kaya ba parang wala lang sa kanila at nagtatago ang taong pumatay sa daddy ko kasi ito ang plano nila? Babayaran lang? “What? Sa tingin mo ba nababayaran ng pera ang daddy ko? Mister, hindi kami naghihirap! Sa inyo na 'yang pera niyo!” Oo at baon kami sa utang pero hindi ko hahayaang mamatay si daddy na parang wala lang at pera lang ang kapalit. No matter what happen. I won't stoop down on that level. “Miss, hindi naman sinasadya ng kapatid ko 'yong nangyari—” “Sinadya man niya o hindi. Gusto ko siyang makita at makausap! Please just let me see her!” Puno ng pagmamakaawa ang boses ko. Ilang sandali akong tinitigan ng lalaki. Nang ibuka niya ang bibig niya upang magsalita sana ay siya namang pagbukas ng pintuan ng kwarto ng kapatid niya. Lumingon agad ako roon at nakita kung gaano kamugto ang kanyang mga mata. She looks devastated. “Terese!” sigaw ng kapatid niya. Agad akong humakbang palapit kay Terese matapos niya akong titigan ng matagal. “H-how did you . . . Kill my father?” mariing sabi ko. Nanginig ang labi niya. Namumula ang kanyang mga mata at nagsisimulang mamasa habang dahan-dahan siyang umiiling bilang tugon sa sinabi ko. Gaano man nila pagandahin o i-deny. Hindi mababago ang katotohanang siya ang dahilan kung bakit namatay ang daddy ko. Siya ang pumatay sa daddy ko. Period. Inimbitahan niya ako sa loob ng kwarto niya. Ayaw ko man ay pinaunlakan ko 'yon. Gusto ko siyang makausap. Baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Pero bakit gano'n? Mas lalo lang lumalala habang nakatingin ako sa kanya. Lalo pa't ipinagmakaawa niya sa akin na ayaw niyang makulong. Iniiwasan niya ang responsibilidad niyang pagbayaran ang kasalanan niya. Anong gusto niya? Hayaan ko siyang maging masaya pagkatapos ng ginawa niya? The hell no! I won't let her. Habang nakatingin ako sa kanya ay sinisimulan ko na ang pagpaplano kung papaano ko siyang gagantihan. I will make sure na pagbabayaran niya ang lahat ng sakit na dinadanas ko ngayon. Terese Flores will surely taste the hell! Hindi man ngayon, pero hindi magtatagal. “I won't file a case against her. Just made sure na darating ang pera na 'yan sa akin. I want it in cash, Mr. Flores.” “You don't have to worry about it, Ms. Madrigal. Hindi ako marunong umatras sa usapan. I'll bring it to you as soon as possible. Basta ba ay huwag mo itong babanggitin kay Terese. Walang kahit ni isa sa pamilya ko ang makakaalam nito.” I am so sorry for daddy pero ang sampung milyon ay makakatulong na para mabayaran ko ang mga utang ni daddy. It will be a big help for me. Pero kahit na tatanggapin ko ang pera, sisiguraduhin ko pa ring makakamit niya ang hustisya. Ang kakapalan ng mukha ni Terese ay hindi pala nagtatapos sa hospital. Dahil nagawa niya pa ring pumunta sa burol ni daddy at makiramay. How dare she? Agad akong napatayo nang pumasok sila ng Kuya Welvorn niya sa loob ng gate namin. “Anong ginagawa niyo dito?!” bulyaw ko habang mabilis na naglalakad palapit sa kanila. “Serra . . .” Pumiyok ang boses niya. “Umalis na kayo, Terese! Hindi pa ba sapat na hindi ako nag file ng kaso laban sa iyo? Can you at least be thankful for that? Irespeto mo naman ang burol ng daddy ko!” sigaw ko. Nanggigigil talaga ako dito sa babaeng 'to e. “Gusto kong makiramay,” dahan dahan at mahina ang pagkakasabi niya pero abot pa rin n'yon ang pandinig ko. Sarkastiko na naman akong natawa. Wala siya sa tamang katinuan. Katulad lang din siya ng kuya niya. “Makiramay? Sinong nagsabi sa 'yong kailangan ko ang pakikiramay mo? Sa tingin mo ba ay masisiyahan akong makita kang nakikiramay gayung ikaw ang dahilan kung bakit nakaburol ngayon ang daddy ko?! Umalis ka dito! Hindi ko kailangan ang pakikiramay ninyo!” sigaw ko saka ko siya itinulak. Mabuti na lang at agad na humarang ang kuya niya dahil kung hindi ay baka naingudngud ko na ang mukha niya sa sementong kinatatayuan niya. I want her dead . . . So bad. Siya na lang sana ang namatay at hindi ang daddy ko! Tinalikuran ko sila at dire-diretso akong naglakad papasok ng bahay. Hindi pinapansin ang mangilan-ngilang bisita na nakikiramay. Lahat sila ay dinaanan ko lang na parang hindi ko nakikita. Umakyat ako sa kwarto ko at agad na nagdiretso sa table. Hinagis ko ang lahat ng pwede kong makita, mga mamahaling muwebles at picture frames na naka-display sa lamesa, pati na ang papeles na naroroon ay pinaghahahagis ko. Gigil na gigil ako sa lahat ng mga nangyayari. Kung hindi ko mailalabas ang galit ko ngayon ay baka maging katulad ako ni Terese. Mamamatay tao. Ilang minuto akong nagwala at hindi pa nga humuhupa ang galit na nararamdaman ko ay iniisturbo na ako ng kung sino. “SEÑORITA! SEÑORITA!” rinig kong sigaw ni Maya— anak ng mayordoma namin. “ANO BA, MAYA! MAMAYA NIYO NA AKO ISTURBOHIN NAGLALABAS AKO NG GALIT! UMALIS KA DAHIL BAKA IKAW ANG MAPAGBUNTUNGAN KO!” sigaw ko pabalik. “Pero señorita—” “I SAID DO NOT DISTURB ME!” Natahimik siya sa kabila. Akala ko ay umalis na pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan na walang permiso ko. “What the hell—” Natigilan ako nang nakita ang apat na malalaki't nakaitim na lalaki na basta na lang pumasok sa kwarto ko. “WHO THE HELL ARE YOU?!” Pumaroon sa magkabilang gilid ang mga lalaki upang bigyang daan ang may kulay abong buhok na isa pang lalaki na mukhang amo nila. Diretso siyang tumitig at naglakad papunta sa akin. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. His stare were like daggers. Nakakatakot dahil parang bumabaon sa kaibuturan ng pagkatao mo. “Ms. Serra Madrigal?” malamig at buong buo ang boses niya. I never met such a man before. Walang emosyon ang kanyang kulay abo na mga mata. Para bang hindi nagbibiro at tumatawa ang mga matang 'yon. Tumayo ako. “Sino ka at anong kailangan mo sa akin?” tanong ko. Sinubukan kong pantayan ang mga titig niya sa akin pero sa huli ay napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya ang lamig ng mga mata niya. “I'm your husband to be . . . At nandito ako para kunin ka for our wedding. I hope you pack your things already.” My jaw dropped and my eyes widened. Ano raw? “Or . . . You didn't.” aniya nang napagtanto marahil na hindi ako handa. “Yes. I didn't pack my things. Kasi hindi naman ako sasama sa 'yo. I didn't even know you!” “I'm Spike Guillermo.” Natigilan ako. Guillermo? Siya ba 'yong kumuha sa kompanya namin na pinagkakautangan ni daddy? “Wala akong pakialam kung sino ka. Ang nais kong malaman ay kung anong kailangan mo sa akin at bakit ka naparito.” Tamad siyang nagbuga ng hangin. “Nandito ako para kunin ka.” “Para kunin ako?! Ano ako bagay? At saka hindi mo ba nakitang nakaburol ang daddy ko sa baba?!” bulyaw ko. “Nakita ko . . .” “O nakita mo pala, e! Umalis na kayo at huwag kayong manggugulo dito kung hindi ipapapulis ko kayo!” Umangat ang gilid ng kanyang labi. Ngisi iyon sa paningin ko. Pero ngisi nga ba 'yon? Ni hindi man lang nag effort! “Hindi ako aalis ng hindi ka kasama. Kailangan kita dahil may engagement party tayo mamayang gabi.” “What the hell?! Sino ka para pakasalan ko? Wala akong planong magpakasal sa kahit na sino! Hindi ako magpapakasal!” “Hindi ikaw ang magdedesisyon n'yan,” aniya at isang tingin lang sa mga guards niya ay agad na 'yong lumapit sa akin at hinawakan ako sa mga braso ko. Marahas nila akong hinila palabas. “LET ME GO!” Nagsusumigaw ako kahit pa pababa na kami ng hagdan. Ang mga bisitang nakikiramay ay nagbubulungan habang nakatingin sa akin. “BITAWAN NIYO SABI AKO!” Humahangos si Attorney Tura na sumalubong sa amin habang palabas kami ng gate. “Attorney, ano ito?!” singhal ko sa kanya. “I'm sorry, Ms. Madrigal. Just please calm down first—” “Gago ka ba? Are you stupid? Nakikita mo ba itong kalagayan ko? Kinakaladkad nila ako!” Imbis na sagutin ako ay ang lalaking nagpakilalang Spike Guillermo ang hinarap niya. Sandali siyang yumuko bago tumuwid ng tayo. “Mr. Guillermo, hindi pa po tapos ang burol ni Mr. Madrigal.” “I know. Makakabalik naman siya sa libing ng daddy niya, attorney.” “Pero, Mr. Guillermo—” “We already talked about this . . . And she's confused, mukhang hindi niyo nasabing ipinambayad utang siya ng daddy niya.” Kunot noo ko siyang nilingon. “P-p-pambayad utang? A-ako?” Umangat muli ang isang gilid ng labi niya. Tulad kanina ay maliit na ngisi lamang. Walang effort ulit. “Poor woman,” he whispered. Poor woman? Ako? Poor? Tangina niya ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD