Napilitan si Jade na magpanggap bilang kakambal niyang si Jayden para malaman kung sino ang dahilan ng pagkaka-coma ng kanyang kakambal. Sa pagpapanggap niya bilang si Jayden ay marami mangyayaring hindi inaasahan. Akala niya magulo na ang buhay niya bilang si Jade pero mas gugulo pa pala ang buhay niya ng magpanggap siyang si Jayden lalo na ng makilala niya si Hunter. Hindi niya inaasahan na mamahalin siya nito sa kabila ng pagiging lalaki niya sa panglabas pero paano kung malaman nito na babae siya? Anong magiging reaction niya? Magagalit siya o uunawain siya nito? Subaybayan ang magulong love story nina Jade at Hunter.